logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 05

Para masisiraan ata ako ng pag iisip dahil sa pinasok ko. Umupo muna ako sa waiting area na kaharap lang ng office nya kong titignan para hintayin siyang lumabas, kong lalabas man. Nakakairita yung ugali nya. Nakakainis!
Wala pang ilang minuto ng  may isang lalaking biglang umupo rin at nagpatong ng isang cup ng mainit na kape sa harap ko. He gestured me to get it but in so much confused I just ignore him. I don't know him but the way he looks at me he was like he already see me somewhere or know me. 
"It's still am but yet you look so tired already." Pagsasalita nya.
Tumingin ako sa kanya para kumpirma in kung ako ba kinakausap niya. Nang mapansin kong ako nga agad kong binalik ang paningin ko sa pinto ng office ni Wade bago magsalita.
"I don't entertain the people I didn't know," Aniya ko at inakala kong hindi na sya magsasalita ulit pero hindi iyon ang nangyari.
"Oh, okay then." Nilahad nya sa harap ko ang kaliwang kamay nya na dahilan para tignan ko 'yon. "You can call me Rye. Now can i know your name too and be entertain?"
Hindi pa ako nakakapagsalita ng marinig ang pagbukas ng pinto ng office ni Wade. Napatayo ako ng makitang lumabas na yung hinihintay ko. Lalabas rin pala ang dami pang arte. 
"Even if I already knew," iyon lang ang sinabi ko sa lalaki at naglakad na patungo sa meeting room dahil sigurado akong doon pupunta si Wade.
Pagkapasok ko wala pa namang ibang tao kaya magaan sa pakiramdam ko ang pag pasok ko. Nakaupo na sya sa harapan at mukhang hinihintay ako. Nakataas pa ang kilay nya habang hinihintay akong makalapit sa kaniya, ako nga dapat ang tumaas ang kilay sa kaartehan niya. 
"Bakit hindi mo ako hinila?" parang batang bungad niya pagkalapit ko.
Bumalik agad ang inis ko. CEO ba talaga ito? Hindi ako magtataka kung malulugi itong kompanya nila mga ilang buwan lang sa pangangalaga niya. Aalis na sana ako dahil ayoko ng makipag away sa kanya dahil may ibang tao rin na narito sa loob pero hindi pa ako nakakalayo ng hilahin niya ang laylayan ng damit ko na dahilan para mapatigil ako sa paglakad at mapatingin sa kanya ulit
"Ano?" I said patiently.
"Timpla mo 'ko ng kape," utos niya bago ako bitawan. 
Napairap na lang ako at sinunod ang sinabi nya. Pagbalik ko nagsisimula na yung meeting. Akala ko mapagtatawanan ko siya kung sakaling may problema sa kompanya at hihingin ang suggestion nya at wala syang masagot pero nagkamali ako. Matalino rin pala at magaling pag seryoso na sya, nagkamali ako.
"Anong oras flight ni Dad tomorrow?" Tanong niya bigla habang may pinipindot sa phone niya. "Nakuha mo na sya ng ticket, right?"
"Exactly 6PM ang flight na nakuha ko and yes to answer your second question." I answered. 
Napalingon pa siya saglit sa akin bago ibalik ang tingin sa phone nya. Medyo napaisip tuloy ako.
"Mukha ka namang mayaman, hindi ako naniniwala na pag umalis ka sa trabaho hindi mo 'ko mababayaran sadyang may dahilan ka lang na tinatago. Anong nangyari? Nalugi company niyo? Deserve mo." pagdadaldal niya na ikinairita ko.
Hindi na lang manahimik!
"Alam mo wala pa akong naririnig na lumabas sa bibig mo na salita na nagustuhan ko!" I scoffed and got annoyed again.
"Ayos lang yan, ako rin naman." He gave me a fake smile before looking at my back. "Hoy, g*go kayo! Bakit wala kayo sa meeting? Sabi nyo nandito na kayo kanina, ha. Gusto nyo maalis sa trabaho?"
Napalingon ako sa kausap niya sa likuran ko. Nanlaki agad ang mata ko ng makilala ang isa sa mga iyon. Yung gustong kumausap sa akin kanina at nag offer ng kape kaso tinanggihan ko pero yung isa hindi ko makilala pero kong makangiti sya sa akin habang sinusuri ako akala mo nagkita na kami. Ang weird nila.
"I got an emergency after I received a rejection from your secretary to have some coffee but I already fixed it but the problem is the meeting was done too cousin." He chuckled at him before looking at me while walking forward. 
"Hi again." He greeted me.
"Nagkita na pala kayo? Bakit ako hindi? Sabay lang tayo dumating, ha! Pati pag alis kanina...kasi sumama ako!" Pagsasalita naman ng isang lalaki sa tabi niya.
"You are busy getting the phone numbers of the girls, so how can you see her?" Rye scoffed.
"Ahh, wala kasi ako kaya ka tinanggihan." Napatango lang naman ang isa at tumingin muli sa akin. "Hi, you can call me Dan. Kilala mo ako? Ako yung bumuhat sayo noong lasing ka, ang astig mo promise!"
May gumapang na kahihiyan agad akong naramdaman. Kaya pala kong makatingin sila sa akin ay parang kilala na nila ako. Hindi naman kasi kita sa CCTV na may kasama sya ang nakunan lang ay ng mabangga ko ang kotse niya iyon lang. Iyon lang ang clip na pinanood niya.
"Sorry, nakaramdam ka ba ng hiya? Masanay ka na ganito talaga bibig ko walang tigil pero pwede tayong maging friend!" Walang awat pa rin na pagsasalita nya. "Kung gusto mo lang naman, kung hindi....edi don't!"
Napapikit na lang ako at tumingin na lang sa gilid habang tinitimpi ang inis na nararamdaman ko. Akala ko si Wade lang ang kailangan kong tiisin meron pa pala itong isa na 'to. Mabuti na lang medyo matino yung isa kundi mapapasabak ako araw-araw sa ganitong sitwasyon. Parang ngayon pa lang gusto ko ng umalis dito pero nandito na ako at kailangan kong panindigan ang desisyon ko hanggat hindi ko nababayaran si Wade at nakakapag ipon kahit papaano. 
"Ayy introvert, sayang." Dan chuckled.
"Shut up," rinig kong pagpapatigil ni Rye sa kanya pero kahit ganun hindi niya pa rin mapigilan ang mapatawa ng mahina dahil sa kaibigan.
"Maupo na lang nga kayo, maslalo ka na kumag ang dami mo pang sinasabi ang panget mo naman!" Pagkukuha ni Wade ng atensyon naming tatlo.
Lumapit naman sila at sinunod ang sinabi ni Wade. Naupo sila sa dalawang upuan sa harap ng table niya. Mukhang pag uusapan nila yung meeting kanina kaya paalis na sana ako dahil wala rin naman akong gagawin dito kundi makinig lang. Nakinig naman na ako kanina kaya hindi na kailangan pang pati dito, nakakaumay.
"Hoy! Saan ka pupunta?" Pagtawag sa akin ni Wade.
"I-explain mo sa kanila ang napag usapan sa meeting kaya lalabas muna ako, wala rin naman akong gagawin dito." Mahinahong sabi ko pag kaharap ko.
"Ikaw ang mag e-explain sa kanila hindi ako." Tumayo siya kasabay ng pagkuha nya sa phone nya. 
"Bakit ako?" Kunot noo na tanong ko.
"Tinanggihan mo sya, diba?" Pagtuturo nito kay Rye.
"Oo nga," tumango naman ako dahil iyon naman ang totoo.
"Oh, kaya nga ikaw ang mag explain. Tatawagan ko lang si dad, dito lang kayo." Pagpapaalam niya sa kaibigan at pinsan nya bago lumabas.
"Okay, Daddy." Dan chuckled, waving his hand softly at Wade.
"Anong connect 'non?" Tanong ko sa sarili ko at hindi mapigilang mapapadyak dahil pagkagulo.
Nang makalabas na si Wade sa office nya nakatingin na silang dalawa sa akin na mistulang hinihintay akong magsimula. Wala na tuloy akong nagawa kundi mag buntong hininga.
"Can we start?" Rye asked, smiling. 
"Maiintindihan ka naman namin huwag kang mag alala, baka nga hindi ka pa nagsasalita alam na namin, e." Si Dan na sobrang lawak pa rin ng ngiti na akala mo walang kapaguran na nararamdaman. 
Pasimple na lang akong napa hilamos sa mukha ko bago pumunta sa table ko at kunin ang notebook kong saan ko nilagay ang topic ng meeting kanina. Mabuti na lang talaga at nakinig ako kanina and nag take notes. 
Tama nga ang sinabi ni Dan kasi mabilis lang naman nilang naintindihan ang mga dapat nilang malaman.  Parang ngang wala akong ginawa, binigay ko yung notes ko at sila na umintindi. Nagtatanong naman sila sa akin pero parang for confirmation na lang.

Komento sa Aklat (184)

  • avatar
    Erickaa Casabar Lopez

    Thnk you

    5d

      0
  • avatar
    Kria Guillermo Danao

    very cool

    20d

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda🥰🥰🥰

    17/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata