logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 4: Susi

Day off ni Dad ngayon dahil lingo. Baka bukas nalang namin siya puntahan ni Sy sa Hospital para magtanong tungkol sa aksidente sa Carnival 10 years ago.
Hindi padin ako makatulog ng maayos, parang may mga mata kasing nagbabantay sa amin tuwing pipilitin ko matulog at ipikit ang mga mata ko, kadalasan mga madaling araw na ako nakakatulog, kaiisip. Naalala ko yung lalaking kulay blur yung mga mata, yung pakiramdam ko na nagmamasid sa akin nung nasa bus kami, at nung nakabanggaan ko sa Carnival. Parang may dapat din akong malaman sa kanya, yung ngiti niya nung nakita niya ako parang alam niya na mangyayari sa amin itong mga bagay na'to.
Mapanganib man, pero kailangan naming bumalik sa mga trabaho namin, kahit lingo at kahit delikado. Si Sy, pumasok na siya dahil kailangan niya ipasa yung story na ginagawa at kailangan niya din maki-meet up sa mga co-authors niya dahil dalawang araw siyang hindi nakapasok. Ako naman tumawag na yung Boss ko at may ipapaplano daw siya sa aking Botika, hindi ko naman puwedeng tanggihan dahil matagal ko ng hinihintay to at wala na akong pera pag hindi ko pa pinatos tong offer na to.
Nasa isang karendiria ako ngayon kumakain ng lunch habang naghahanap sa internet tungkol sa nanyari 10 Years Ago sa Carnival. Mabuti nalang at walang mga kaluluwang gumugulo sa akin ngayon, hiling ko lang na sana gunun din si Sy. Sana ligtas siya at tahimik ang araw niya ngayon.
Biglang nag ring yung phone ko, kinuha ko Unknown Number "Hellow? Sino to?"
"I-Ikaw si Cooper? Ang—ang anak ni Doc Roda'Ridio?" Napansin ko na parang nanginginig yung boses niya. Natatakot ba siya? Bakit kilala niya si Dad?
"Ako nga, bakit? 'Bat mo kilala si Dad?"
"May kailangan ka malaman tungkol sa nangyari nuong nakaraang sampung taon. Ako ang isa sa nurse na kasama ni Doc Roda'ridio nag-operate sayo nuon, Nurse Everlie. Kailangan kita makausap" Sabi niya na parang pabulong.
10 Years Ago!? Shit! May alam siya! Eto na yun. Malalaman ko na kung ano talaga ang mga nangyayari sa amin, kausap ko na yung susi sa lahat ng kasagutan sa tanong ko. "Nasaan ka? Pupuntahan kita"
"I me-message ko sayo kung nasaan ako, bisilan mo at wala ng natitirang oras." Sabay binaba niya na. Huminga ako ng malalim at tinignan ng ilang segundo yung cellphone ko. Sana kapagnalaman ko kung anong nangyari 10 years ago, matapos na lahat ng ito, o makahanap kami ng solusyon para matapos lahat ng 'to.
Pagtayo ko nag-freeze yung katawan ko nang marinig ko ang tunog na: Chap Chap Chap. Napatingin ako sa mga taong nakaupo sa karendiria, nangilabot katawan ko ng dahan dahan silang nagsitinginan sa akin. Lahat sila duguan, at walang buhay ang mga mata. Nataranta akong kinuha yung bag ko sa saka tumakbo paalis ng karinderya. Eto na naman! Tangina, kailan matatapos 'to!!
× × × × ×
Sa bahay ni Nurse Everlie ako pupunta. Kasamahan siya ni Dad ibig sabihin may alam siya tungkol sa mga nagyayari sa amin, may gusto siyang sabihin, hindi ako makapaniwala na papunta na ako ngayon sa taong magbubunyag kung paano kami maliligtas sa sumpang ito. Susi sa lahat. Onti nalang.
Huminto ako sa tapat ng isang bahay at dinouble check ko kung eto ng yung address na binigay niya sa message. Eto nga yu—
"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!"
Shit! Agad kong pinasok yung gate nang may marinig akong sumigaw na babae. Bukas yung pintuan ng bahay kaya pumasok na ako ng tuluyan, hinanap ko siya pero wala siya kaya umakyat ako sa taas. May narinig akong kalampog sa isang kwarto kaya pinilit ko buksan yung pinto pero sarado.
"Tangina! Magbukas ka!!"
Tinadyakan ko yung pinto. Binunggo ko ng braso ko ng paulit ulit yung pintuan pero ayaw magbukas. Nang biglang magbukas, nahinto ako nqng makita ko si Nurse Everlie na nakaluhod sa sahig habang lumuluha, at lalo ko pang kinagulat nang makita ko sa likod yung lalaking naka-itim na hood, may hawak siyang kutsilyo habang sabunot si Nurse Everlie sa buhok. Biglang tinaas ng lalaki yung kutsilyo niya na parang bubwelo.
"Tu—tulong...."
"WAGGGGGGG!!!!—"
Chap Chap Chap!
Nanlaki mata ko ng makita ko ang pagchap-chap ng kutsilyo sa leeg ni Nurse Everlie.
Bawat tama ng kutsilyo sa leeg ay kasabay ng pagtalsik ng dugo sa paligid. Natulala ako, gusto ko gumalaw pero hindi ko magalaw yung katawan ko. Kita sa pagtirik ng mga mata ni Nurse Everlie ang sakit, nanginginig na bumagsak yung tuhod ko sa lapag. Napapikit ako nang may tumalsik na dugo sa mukha ko, ang init. At pagdilat ko tumigil yung pagtibok ng puso ko nang makitang gumulong papunta sa akin yung ulo ni Nurse Everlie na naka dilat. Kasabay ng pagdilim ng paningin ko ang paglapit ng lalaking naka-itim na hood habang duguan ang mukha niya, at nakangiti ng nakakakilabot.
Chap Chap Chap.
× × × × ×
"Waaag!!!"
Napadilat ako ng sumisigaw. Pawisan at nanginginig ang buong katawan. Bumilis yung bawat paghinga ko sa oxygen mask na suot ko. Tumingin ako sa paligid ko at nakitang si Sy at Carmen, tinanggal ko yung mask ko saka bumangon.
"Cooper, Kalma. Humiga ka muna."
Binalik ako ni Sy sa pagkakahiga at binalik yung oxygen ko. Ano bang nanyari? Bakit ako nandito? Si... si Nurse—
"S.hi...." Tinanggal ko ulit yung oxygen mask dahil masyadong nahihirapan na ako mag salit, a saka umupo sa pagkakahiga ko. "Si Nurse Everlie? Asan siya? Panaginip lang lahat diba? Magsalita kayo, kailangan natin siya puntahan para malaman kung paano makakaalis sa tanginang sumpang it—"
"Patay na siya Cooper. Natagpuan siya sa bahay niya na putol ang, ang ulo niya habang ikaw ay nasa lapag na walang malay at naliligo ng dugo niya. Hindi ka naging suspect sa nanyari dahil may mga kapitbahay na nakakita sayo na tumatakbo papuntang bahay ni Nurse Everlie nang may marinig silang sigaw, pero kakausapin ka parin ng mga police para malaman ang totoo." paliwang ni Carmen.
Agad na bumagsak ang mga luha ko at napayuko. Maya maya bumukas yung pintuan at pumasok si Nurse Leila at may lalaking naka-shades siyang kasama, at nang tanggalin niya yun, Si Sean.
"Cooper, bakit mo tinanggal ang Oxygen mo? Okay ka naba?" tanong ni Nurse Leila at umiling lang ako habang bumabagsak padin yung luha ko.
"Ano bang nanyari Cooper?" tanong ni Sean
"Ta—Tangina. Yung Nurse Everlie na yun ang may alam ng lahat ng nanyari 10 years ago sa Carnival. Alam niya lahat, at handa na siyang sabihin sa akin yun. Nasa harap ko na yung susi kung paano makakaalis sa tanginang sumpang to, pero yung lalaking naka-hood. Siya, siya yung pumugot sa ulo ni Nurse Everlie, chinap-chap niya gamit ang kutsilyo. Puta! Wala akong nagawa! Ngayon, paano na! Patay na siya! Wala na tayong pag-asa!" sigaw ko sabay suntok sa higaan. Lumapit sa akin ni Sy sabay niyakap ako at tinapik-tapik yung likod ko.
"Hindi mo kasalanan."
"May iba pang paraan, Cooper. We just need to find another way, hindi lang nag-iisa ang susi." sabi ni Sean sabay ngiti at tapik sa balikat ko.
"Diba sabi mo tatanungin mo ang Dad mo? Hindi pa huli ang lahat, hindi lang siya ang susi, Cooper." sabi ni Nurse Leila. Tama sila, kailangan ko na talaga kausapin si Dad. Kung hindi kami kikilos, mas madami pang madadamay. Mamamatay.
"Nga pala, may binigay na litrato sa akin yung mga police kanina. Baka gusto niyo makita."
Binigay sa akin ni Carmen yung litrato at lumapit sila para tignan nang sabay sabay kung anong litrato iyon. Napapikit nalang ako ng mariin nang makita ko kung ano yung nasa litrato, isang kuha ng tao na walang ulo, nawawala yung ulo, katawan niya lang ang nanduon.
"Wag mong sabihing si Nurse Everlie yan?"
"Siya nga. Sa bahay niya nakita ang liratong yan na nakakalat sa kung saan, nakita ko yan nung pinuntahan ka namin kanina kaya hiningi ko at binigay naman ng mga police." sabi ni Carmen
"Ibig sabihin nasa sumpa din si Nurse Everlie katulad ng sa atin? Akala ko Anim lang tayo?" naguguluhang tanong ni Sy
"Maybe madami ang nasa sumpa na hindi lang natin alam. I mean, hindi pa natin alam kung bakit tayo nasa sumpang ito so hindi pa din natin alam kung ilan or sino-sino ang may mga sumpa." May punto si Sean, hindi namin alam kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito sa amin, at posibleng may ibang tao pang nakakaranas ng nangyayari sa amin.
Tumingin sa akin si Nurse Leila. "Posible kayang hindi lang tayo? May iba pa?"
"Posible. Pero hindi padin natin sigurado, kailangan muna natin alamin ang punot dulo ng mga ito bago tayo maka sigurado. Bukas, kakausapin ko si Dad para alamin lahat." sabi ko na hawak yung litrato.
"Eto pa ang isa, kasama yan ng liratong hawak mo"
May binigay ulit sa akin si Carmen na litrato, sa Carnival din kuha pero parang lalaki yung katawan niya. Hindi ko makilala dahil nawawala din ang ulo sa litrato kaya hindi namin makita ang mukha niya. Tinalikod ko yung litrato at may nakasulat na: —Doc Lelasio
Kumunot yung ulo ni Sean, "Doc Lelasio? His name sound Familiar."
"Doc Erero Khan Lelasio. Isa siya sa mga magagaling na Doctor dun sa Hospital malapit sa Carnival. Siguro kasamahan siya ni Nurse Everlie" sabi ni Nurse Leila
"Kung kasamahan niya yan, edi puwede natin siyang hanapin at tanungi kung may alam siya sa nanyaring aksidente 10 years ago sa Carnival." Sy
Umiling ako ng dahan-dahan "Imposible na yun..."
"Bakit?"
"2 years ago, huling nakita si Doc Lelasio sa rooftop ng building, tumalon siya at sa lakas ng impact ng pagpagsak niya, natanggal yung ulo niya at naglasug-lasug ito sa sahig." paliwang ni Nurse Leila na kinagulat ni Sy.
Wala na, "Si Dad nalang talaga ang natitirang pag-asa natin"

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Zyjhan Kheino

    good

    13/07

      0
  • avatar
    OkazakiNica

    hi still on going this novel really im curious and confuse about the ending can you explain. and also i cant find to follow

    26/02

      0
  • avatar
    Rendy Sagon

    so beautiful ❤️🤩❤️❤️❤️

    19/09/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata