logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter Six

π—‘π—œπ—–π—’π—Ÿπ—”π—œ 𝗣𝗒𝗩
Nakatayo ako sa harapan ng matandang lalaki na nakaupo sa kanyang desk chair at siya'y abala sa mga ginagawa niya. Salamat nama't narating ko na rin sa wakas ang kanyang opisina. Mabuti nalang ay tinulongan ako ng lalaking employee kanina na dalhin ako rito. Muntik na akong maligaw sa kakahanap.
Tama nga si Alexander, busy ang kanilang gobernador. Trabaho siya ng trabaho na para bang wala siyang nakikitang bisita sa harap niya. Hindi niya ako pinapansin. Tila ay hangin lang ako sa mga mata niya. May sinusulat siya sa notebook at pukos na pukos ang mga tingin niya sa kanyang nililista. Sa mga papel na nakalatag sa mesa, may napansin akong drawing.
Parang isa itong explosive device na ang desinyo ay maihahalintulad ko sa isang malaki at mahabang rocket ship. Para saan ba kaya ang bombang ito? Anong gagawin nila sa device na 'to?
"If you don't say anything, please get out," sabi ng matanda sa akin. Nakatutok parin ang mga mata niya sa kanyang sinusulat sa notebook.
"Ayoko po munang magsalita sir kasi nirerespeto kita. Mukha kasi kayong busy at di niyo ako pinapansin. Nag-aantay lang po ako kung kailan niyo ako kakausapin," pangangatuwiran ko.
May iilang hibla sa buhok niya na mapuputi na at sa tantiya ko ay parang nasa singkuwenta anyos na siya. May kapayatan ang kanyang katawan. Mayroon siyang bigote at makapal na balbas sa panga. Di siya kapangitan at maputi siyang lalaki. Ang balat niya ay nag-uumpisa ng mangunot.
Pagsulyap nito sa akin ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya at sinabing, "Ngayon lang kita nakita dito."
"Isa po akong survivor na ni-rescue ng mga troopers. Malaki po ang pasasalamat ko sa kanila dahil tinulongan nila ako pati na ang boyfriend ko. Ang pangalan niya ay Theoden Aberforth," tugon ko sa kanya.
Kapag may kausap akong mas matanda pa sakin at may mataas na ranggo, kinakabahan ako at minsan pa nga ay nahihiya ako pero sa kanya, iba yung nararamdaman ko. Panatag ako at kalmado. Magaan ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Kumportable akong makipag-usap sa matandang 'to.
"Ba't ikaw lang mag-isa? Nasaan ba ang nobyo mo?" tanong niya.
Binaba na ng matanda ang kanyang hawak na panulat at isinuksok ito sa bulsa ng uniporme niya. Inilagay nito ang kabila niyang siko sa ibabaw ng mesa at hinawak-hawakan niya ang kanyang balbas. Sa anggulong ito ay nagmukha siyang pamilyar sakin. May hinala ako na merong something sa kanya na di ko alam. Ewan ko ba kung ba't naiisip ko 'to. Nauusisa ako sa kung sino ba siya.
"Nasa health facility ang boyfriend ko, iniwan ko muna siya sandali dahil natutulog pa siya ngayon," sagot ko. "Ayoko na pong magpaligoy-ligoy pa, may gusto akong itanong sa inyo."
"What is it?" Tumigil na siya sa paghimas ng kanyang balbas at isinandal niya ang kanyang likod sa backrest ng desk chair sabay kuros ng mga braso.
"May binabalak ka bang masama sa El Banya? Anong pinaplano mo sa lungsod namin? May koneksiyon ba kayong dalawa ni Mayor Benedict Leighberdeen?" seryosong tanong ko sa matanda.
"Puwede ba umalis kana lang at wag mong gambalain ang trabaho ko dito. Sinasayang mo ang oras ko." Inirapan niya ako pero di ako nakinig sa kanya.
"Isa ka bang kaaway o hindi? Sagutin niyo po ako ng maayos upang malaman ko po kung anong klase kayong tao," mahinahon na saad ko.
"Kung sino man ang kaaway dito, It's not me. Believe me or not. Do you understand? You're wasting my time for a nonsense question," tugon niya sakin.
"Kung hindi po kayo isang kaaway, tulongan niyo po akong iligtas ang mga kaibigan ko doon sa El Banya at patayin ang dalawang taong nagbigay ng malaking problema sa buhay ko. Nakikiusap po ako sa inyo," ani ko.
"Ano bang nangyari sa mga kaibigan mo?" tanong niya.
"Dinakip po sila ng mga combatant matapos nila akong tulongan na makatakas sa headquarter. Nalaman po kasi ng mga instructor ko na ako'y isang deviant at inaresto nila ako." Sagot ko. "Parang awa niyo po, tulongan niyo po ako sa misyong 'to. Napakalaki po ng utang na loob ko sa mga taong yun."
"O sige, pumapayag ako. Madali naman akong kausapβ€”pero hindi ibig sabihin na matutupad agad ngayon din ang hinahangad mo. Hindi madaling pasukin ang lungsod ng El Banya. They have so many weapons especially in their fence. Babalitaan nalang kita tungkol dito if we are ready to do it. Pag-uusapan pa namin ito," tugon ng matanda sakin at ito nama'y ikinatuwa ko.
"Maraming salamat po, sir." Sabi ko at bahagya akong ngumiti sa kanya.
"Ano pa ba ang kailangan mo? Sabihin mo na lahat dahil madami pa akong gagawin." Napabuntong-hininga siya sa mga papel na nasa harapan niya.
"Wala na po, sir." Umiling ako.
"Okay, puwede ka ng umalis," sabi niya sakin kaya tumalikod na ako at naglakad papunta sa pintoan.
Siguro nga mali ako. Mali ako na pinagdududahan ko siyang isang kaaway pero mag-iingat parin ako sa matandang ito. Babantayan ko ang bawat kilos niya. Mas mabuti na yung nakakasiguro ka sa kung anong klaseng tao ang kinakampihan mo. Sa panahon ngayon, kunti nalang ang mapagkakatiwalaan. Wala ng matatapat. Marami na ang mga makasarili at mga taksil sa mundo.
"Wait, stop." Tawag ng matanda sa akin kaya natigil agad ako sa paglakad. "What's your name by the way?"
Nilingon ko siya at sinagot ko, "Nicolai Sullivan."
Nawala ang imik ng matanda at siya'y natulala matapos niyang marinig ang aking sagot. Kakaiba ang mga tingin niya sa akin at ang kanyang mga mata ay nabahid ng malaking surpresa. Ano bang meron sa pangalan ko na nagbigay gulat sa kanya? Ba't ganito ang reaksyon niya? Nakapagtataka. Mas lalo akong nauusisa.
Pagkaraan ng mga ilang segundo ay nagsalita rin siya at sabi niya, "Sullivan is your last name? Right?"
"Oo, tama po kayo," sagot ko sabay tango. "Bakit po? Ano pong meron?"
"Nothing," pinilig agad niya ang kanyang ulo at tumamlay ang kanyang boses. Nawala yung bagsik. Yung strikto niyang mukha ay napalitan ng lungkot.
"Alis na po ako," paalam ko sa kanya.
Pagkabukas ko sa pintoan ay lumabas kaagad ako at bilis na tinungo ang exit. Habang ako'y naglalakad sa hallway, napuno ng katanungan ang isipan ko na nagtulak tuloy sakin na hanapin ang mga kasagutan nito: Anong meron sa apelyido ko bakit naging ganun ang reaksyon niya? Ano kayang ibig sabihin? Kilala ba niya ang mga magulang ko? Anong dahilan sa kanyang pagkalungkot?
Nabagal ang paglakad ko ng makita ko si Theoden na paparating sa akin. Nakasimangot siya. Tuwid at mabalasik ang kanyang mga kilos. Ang makakapal niyang mga kilay ay unti-unting nagsalubong habang nakatitig sa akin. Mukha siyang galit. Paano ba niya nalaman na nandito ako? Dapat hinintay nalang niya ako dun sa health facility dahil babalik din naman ako agad. Binilisan ko nalang ang hakbang ng mga paa ko at sinalubong ko siya.
"Theo," sambit ko ng kami'y magkalapit na sa isa't isa.
"Iniwan mo na naman ako ng mag-isa, ano bang meron ba't nahihirapan kang magpaalam sakin, ha?" mahinahong sumbat ni Theoden sa akin.
"Tulog ka pa kasi, ayokong disturbohin ka at saka babalik din naman ako agad dun sa facility, hindi ako magtatagal," sabi ko.
"Sa susunod Nico, magpaalam ka na sakin, okay? At puwede ba, kalma ka muna kahit sandali lang. Padalus-dalos ka kasi sa mga desisyon mo, napakaatat mo. Kakarating lang natin dito sa Arcadia tapos ito na ang mga ginagawa mo, puwede bang magpahinga muna tayo saglit? E-relax mo ang sarili mo," reklamo niya.
"Sorry," hingi ko ng tawad. May punto naman siya at naiintindihan ko ang kanyang pagkainis. Ito ay kasalanan ko. "Pano mo nalaman na andito ako?"
"Inaasahan ko naman talaga na pupunta ka dito sa opisina ni Marcus. Sa mukha mo palang kagabi, alam ko na agad kung ano ang binabalak moβ€”at di nga ako nagkamali," sagot ni Theo at maingat niyang inabot ang bewang ko.
Sabay na kaming naglakad sa hallway.
"Paano mo nalaman na Marcus ang pangalan niya?" nagtaka ako.
"Iyon ang sabi sakin ng babaeng nakausap ko kanina, si Eunice Willfred. Isa siyang construction worker at siya ang nagturo sakin kung saan ang opisina ng gobernador," sagot niya.
"Di bale, kumusta ang paghahanap ng mga troopers? Nakauwi na ba sila? May natanggap ka bang balita?" Kumapit ako sa likod ni Theoden at ako'y dumikit ng kaunti sa kanya upang mayakap ng braso ko ang kanyang katawan.
"Hindi pa sila nakauwi, ewan ko ba kung kailan sila makakabalik dito sa Arcadia, nag-aalala na nga ako na baka di nila matagpuan yung mga anak natin," malungkot na tugon niya sakin.
Nang makarating na kami sa double door ay si Theoden na ang nagtulak at nagbukas nito. Sabay kaming lumabas ng mansiyon at bumaba ng hagdanan.
"Ano ba ang pinag-usapan niyo dun sa loob?" tanong nito.
"Nakiusap ako kay Marcus na tulongan ako sa aking misyon at siya'y pumayag naman. Mukha naman siyang mabait pero hindi pa ito sapat na rason para pagkatiwalaan ko na siya. Alam kong may tinatago siyang lihim na hindi pa natin nalalaman, Theo." Pagdududa ko.
"At anong klaseng lihim naman ang sa tingin mo?" napabaling sa akin si Theoden. Ang mga labi niya ay malapit lamang sa noo ko.
"Ewan ko ba, parang kakaiba. Kapag kausap ko siya, ang gaan ng loob ko. Hindi ako natatakot o kinakabahan. Parang malapit ang puso ko sa matandang iyon. Parang konektado ako sa kanya. Ang hirap ipaliwanag," napaismid ako sa pagkalito ng isipan at damdamin ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Pati si Theoden ay nalito sa akin.
"Nang sinabi ko sa kanya ang buong pangalan ko, nag-iba ang reaksyon ng mukha niya. Natulala siya at nasurpresa ang mga tingin niya sakin. Ilang sandali ay bigla nalang siyang naging nalungkot. Nakakapagtataka," paliwanag ko.
"Alam mo, sakit lang yan sa ulo. Kung ano man yang ipinagdududa mo kay Marcus, hayaan mo na yan at wag mo ng intindihan pa. Dagdag lang yan sa problema mo," ani Theo at sumang-ayon naman ako sa kanyang sinabi.
Nagtungo kaming dalawa pabalik sa health facility. Dun nalang kami maghihintay kung kailan babalik ang mga troopers.Β 

Komento sa Aklat (36)

  • avatar
    MAGUIGADJM

    ⁿⁿⁿⁿ

    9d

    Β Β 0
  • avatar
    Plaza Akiyuri

    you po mama de Venta en San Diego county ok po I love you you daddy is you daddy is you daddy is you too po Kase ako you daddy is you daddy is you daddy is you daddy is you daddy is going to get me to the moon and the stars ok po sabi ingat you daddy and I will be home in about an you daddy and I love the stars mean to the moon is you too po sabi ingat po kayo I love it so far so good how are the stars ok po sabi you daddy and the stars mean to the stars ok I love the stars mean to send tha one

    20/08

    Β Β 0
  • avatar
    AyeshaAkiko MeΓ±oza

    i like it

    29/07

    Β Β 0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata