"Infairness... pwede na," tumango tango si Dana pagkatapos basahin ang tulang ginawa ko para kay Alonso. Nilapag niya ang papel sa lamesa at tinignan ulit habang kumakain. Hindi naman ako maka react at tulala lang sa pagkain. "Pero bakit ang simple? Hindi mo manlang nilagyan ng kaunting design. It's just a white plain paper," tinignan niya harap likod ang papel ko. "Pwede na 'yan..." walang gana kong sinabi. Tinignan niya ako at nagtaas siya ng isang kilay. "Himala? Hindi ka yata nag effort masyado sa letter na 'to?" Ngumuso ako, naiisip pa rin ang nakita ko kahapon. Kaya rin wala akong naging gana lagyan ng design 'yon. Nanliit ang mga mata ni Dana sa akin. "What happened?" I sighed when I realized she immediately knew something was up. "Wala..." "Lulukutin ko 'to," banta niya at hinawakan ang papel na ginawa ko. Tinignan ko siya nang masama. But then, naisip ko ring pwede naman akong gumawa ulit nang panibago tutal hindi ko naman nilagyan ng design 'yon. Madali lang palitan. Hindi nakakapang hinayang. Inirapan ako ni Dana nang hindi talaga ako nag salita. "Let me guess... nakita mo si Alonso with Sofia, no?" Napatingin ako sa kanya, gulat na alam niya. She smirked. "Nakita ko rin sila kahapon! Sabay yatang umuwi o baka may pinuntahan." Sabay... umuwi? Magkasama rin sila noong uwian nila? "Ano ka ba! Ganyan din naman sila dati. Friends lang 'yon," alu niya. "What if payag na siya ngayon pumasok sa relationship at si Sofia ang gusto niyang maging first girlfriend?" Humalakhak si Dana. "Grabe, overthinker lang?" Hindi ako nag salita at natulala lang. "Friends lang 'yon! Huwag ka masyadong mag isip. Ganyan din naman sila dati. Baka mag kaklase lang ulit sila ngayon kaya close ulit." "Hey, girls! Anong pinag uusapan natin dyan?" biglang sumulpot si Rei at umupo sa tabi ko. Kunot noo ko siyang tinignan. Sumubo siya sa pagkain niya at tinignan kaming dalawa ni Dana. Ang aga yatang natapos ng klase nito ngayon. "Don't be so chismoso," sabi ko at inirapan siya. He chuckled. Tinignan niya si Dana at ngumisi rito. Dana also smirked at him. "Hulaan ko... Tungkol na naman kay Alonso?" "Wow! Super galing mo namang mang hula!" tuwang tuwang sinabi ni Dana. "Wow! Grabe! Tama ako?" "Yes! Tama ka!" Mas lalo lang akong nairita sa mga pinag sasasabi nila. Sabay silang humagalpak sa tawa. "Wala namang ibang bukambibig 'tong si Mara kundi si Alonso! What's new?" ani Rei. Umirap ako. "Oh? What's that?" hinablot ni Rei ang papel sa may tabi ng plato ni Dana. "Hey!" agad agad kong inabot mula sa kamay niya 'yon pero mabilis niya ring naiwas. Tinuro niya ako. "Bakit ganyan reaksyon mo? Ano 'to, ha?" "That's mine! Pwede ba?" Humalakhak si Dana at hindi manlang ako tulungan! Binasa ni Rei ang papel. "Ibalik mo, Rei!" tumayo na ako. Tumayo rin si Rei at tinaas ang papel. Kahit matangkad ako ay mas matangkad pa rin siya kaya hindi ko rin naabot! Binasa niya ang papel habang nakataas at iniiwas sa akin. Hinampas ko ang braso niya. "You're invading my privacy!" He chuckled and continued reading the letter. I sighed and crossed my arms. Hinayaan ko nalang siyang basahin 'yon hanggang sa matapos siya. "Wow. Who wrote this? Saan mo 'to nakuha?" Hinablot ko ang papel nang ibaba niya. "Akin 'yan!" "Weh? Ikaw gumawa?" he looked at me, doubting. "Oo! Ask Dana kung hindi ka naniniwala!" Bumalik ako sa upuan ko at inayos ang papel na medyo nalukot. Nakakainis naman! Umupo sa tabi ko si Rei. I glared at him because of what he did to my letter. Humalakhak siya at pinisil ang pisngi ko. "Para na naman kay Alonso!" "Ouch!" hinampas hampas ko ang kamay niya. Tumawa si Dana. "Para kayong mga bata." "Ito lang 'yon!" irap ko kay Rei. He smirked. "Pero ang ganda, ah? You're good. Parang hindi ikaw nag sulat," hindi ko alam kung compliment ba 'yon o ano, e. "Ako nga nag sulat!" "Oo na nga! Sinabi ko bang hindi?" Inirapan ko siya. Naging maayos naman ang letter pero medyo lukot na. Uulitin ko na nga lang. Buti 'di ko pa nalalagyan ng design. "Ikaw talaga. Ang cute cute mo!" pinisil ulit ni Rei ang pisngi ko. "Ouch! What the hell is your problem?!" hinampas ko ulit ang kamay niya. Humalakhak siya. "Nasaan ba sina Rafael at ako ang pinag ti-tripan mo?!" "Busy silang lahat kaya ikaw muna guguluhin ko. So, kailan mo bibigay kay Alonso 'yan?" "None of your business." "Selan," he chuckled. Tumikhim si Dana. Napatingin kami sa kanya. May nginuso siya sa may gilid namin kaya napatingin din kami ni Rei doon. My eyes almost widened when I saw Alonso looking at us. Hindi ko manlang siya nakitang pumasok sa canteen! Pero nawala rin ang excitement ko nang makita ko kung sinong kasama niya. He's with Sofia Haniel. "Oh... Speaking of the devil," ngumisi si Rei at tumingin sa akin. "Kaya lang may kasamang iba." Kinurot ko ang tagiliran niya. He fliched and laughed so hard. Tinignan ko ulit si Alonso. Kahit may salamin, nakita ko pa rin ang lamig sa titig niya. He looked away and I saw his jaw clenching. Nag hanap sila ni Sofia ng table na mauupuan. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makahanap sila. Umupo sila roon, medyo malayo sa amin. "Aww... What a scene," pang aasar pa ni Rei. "Umalis ka na nga! Bakit ka ba nandito?!" iritado kong sinabi sa kanya. "Ouch! Syempre ikaw lang nakita ko rito! Wala 'yong mga pinsan mo!" "Si Paul?!" "Busy 'yon! Ito naman. Porket 'di ni-crushback." Pinag hahampas ko ang braso niya. Natawa si Dana. Humalakhak si Rei at umiwas lalo na dahil humihigop siya ng sabaw. "Sana 'di ka maging crush ng crush mo!" ganti ko. "Hoy, huwag mo naman nang sabihin! Hindi na nga ako crush, e!" Natawa ako roon. "Buti nga sayo!" Tinignan ko ulit ang gawi nina Alonso at Sofia habang natatawa pa. Nakita kong nakatingin sa amin si Alonso. My smile slightly faded but I tried to wave at him. Sumandal siya sa upuan niya at uminom ng tubig, nakatitig pa rin sa akin. My heart pounded. Binaba ko ang kamay ko. He didn't take his eyes off me. Tapos na siyang uminom ay nakatitig pa rin siya sa akin. He licked his lips then looked away. I saw his jaw moved again. Ngumuso ako at tinignan si Sofia na may sinasabi sa kanya habang nakangiti. Sa huli ay umirap ako at binalingan nalang ang pagkain ko. Nagpatuloy rin ako sa pakikipag away sa bwisit na si Rei. "Ae you really serious about this?" Naririnig ko si Mommy habang pababa ako ng hagdan. Kausap niya yata si Daddy at nasa sala sila. "Baka hindi niya 'to magustuhan. And besides, you know our family is not into this tradition!" Kumunot ang noo ko at medyo natigil sa pagbaba dahil sa tono ni Mommy. May pag aalala sa tono niya at parang magagalit na kahit marahan pa rin 'yon. Tradition? What tradition? What are they talking about? Hindi na nag salita si Dad. Nag patuloy ako sa pagbaba. "Mom?" Natigil silang dalawa nang makita ako. Dad looks tired and worried as well pero medyo ngumiti siya nang makita ako. Tungkol saan kaya ang pinag uusapan nila at bakit parang problemadong problemado sila? "Oh, anak..." Mom also smiled. "Is everything alright?" tanong ko at tuluyan nang nakababa. "Yes, of course, honey. Everything's alright. May... pinag uusapan lang kami ng Daddy mo about sa business. Nothing serious." Marahan akong tumango, medyo hindi kumbinsido sa sinabi niya pero hindi na ako nag salita. "Sige na. You'll be late," Mom kissed me on the cheek. Lumapit din ako kay Dad para humalik sa pisngi niya at pagkatapos umalis na ako. Hindi madalas mag away sina Mom at Dad. Kung mag aaway man sila, pinag uusapan nila 'yon nang mahinahon at maayos at kadalasan ang dahilan ng pag aaway nila ay sa business lang talaga ng pamilya namin. May mga kaunting problema kasi talaga na hindi naman maiiwasan. Kaya... siguro business lang din ang dahilan nito? Huminga ako nang malalim at sinantabi na muna 'yon. Hawak ko ang papel sa kamay ko habang papunta ako sa Law Building. Nasa floor na ako ng locker nina Alonso nang matanaw ko sa 'di kalayuan si Reigan. Anong ginagawa ng isang 'to rito? "Mara!" galak na galak niyang bati sa akin. Kasama niya ang iilang Law students na kaibigan niya. Kung saan saan talaga napapadpad ang isang 'to. Kung saan saan din may kaibigan. Palibhasa kailangan ng maraming source para makapambabae. "What are you doing here?" bungad ko. Sumimangot siya. "Bakit parang 'di ka masayang makita ako?" "Che! May kasalanan ka pa sa akin!" He chuckled. Inakbayan niya ako. Pilit kong inalis ang mabigat niyang braso sa balikat ko pero hindi niya ako pinakawalan. "Ikaw naman. Nagbibiruan lang naman tayo kahapon, ah?" "Ginalit mo pa rin ako! Alam mo kung alam ko lang sino crush mo, siniraan na kita sa kanya." He chuckled again. "Buti nalang 'di mo alam." Nagtaas ako ng kilay nanliit ang mga mata sa kanya. "Pero sino nga ba? Pati sila Rick sinasabi na may crush ka. Himala? Baka naman lahat ng babae rito sa campus crush mo?" "Luh! Kasama ka? Assuming 'to." Tinulak ko siya. Humagalpak siya sa tawa at pinisil ang pisngi ko. "Aray ko!" "Mas lalo kong 'di sasabihin sayo crush ko! Akin lang 'yon!" Muli ko siyang tinulak. Saktong nakita ko si Alonso na palapit sa locker niya at nakatingin sa amin. His dark and irritated eyes was immediately on mine. Pero mabilis din siyang nag iwas ng tingin at binuksan ang locker niya. "Oh, crush mo!" ani Rei. I glared at him once more. "Lucky ka dumating si Alonso." He smirked and waved at me. Umalis sila ng mga kaibigan niya. Umirap ako at mabilis nang nag tungo kay Alonso. I flashed a sweet smile nang siya na ang kaharap ko. "Hi!" bati ko, tinatago ang papel na ginawa ko sa likuran. "Mmm..." tanging sagot niya, nakatingin sa mga inaayos niya sa locker, hindi manlang tumingin sa akin. "Magla-lunch ka na ba?" "Yeah..." "Sabay tayong mag lunch!" Tinignan niya ako, may lamig sa mga mata. "Bakit?" "Wala lang! Gusto lang kita makasabay mag lunch." Hindi siya nag salita. Bumalik siya sa pag aayos ng locker. "Ngayon lang! Tsaka... may ibibigay rin ako sayo, e..." Tinignan niya ulit ako. Bago pa siya makapag salita, saktong may tumawag sa kanya. "Alonso! There you are!" Napalingon ako at nakita si Sofia Haniel. I stopped. Ngumiti siya kay Alonso at pagkatapos tinignan ako. Her smile slightly faded when she saw me pero binalik niya rin agad 'yon. "Mara, ikaw pala..." Yeah, it's me, bitch. "Uh... sabay ba kayong mag la-lunch?" tanong ko. Sabay din sila kahapon, ah? Pati ba naman ngayon? "Yes. Why? Is there something wrong?" polite ang pag tatanong ni Sofia but her face was telling me otherwise. Nag taas siya ng isang kilay at ngumisi sa akin. Malakas ang loob niya dahil hindi nakatingin si Alonso. Alonso's eyes was fixed on me. Gusto ko ring mag taray at ipakita ang bitchy face ko sa kanya nang mag salita si Alonso. "Sorry. Mauuna na ako," he said. Agad akong napatingin sa kanya. Lips parted, I tried to insist. "Pero saglit lang naman 'to. Ibibigay ko lang..." "Next time, Mara. I will have lunch with Sofia. Maybe, you can just have lunch with Reigan as well," malamig niyang sinabi sa huli at agad akong tinalikuran. Umawang ang labi ko, hindi makapaniwalang tinanggihan niya na naman ako sa maraming beses kong pag a-attempt na yayain siya! Bakit ba hindi pa ako nasasanay? Sofia gave me a smirk with her one eyebrow raised, para bang nang aasar at sinasabing siya ang nanalo. I gritted my teeth and looked at her annoyingly. She smirked more at halos tumawa nang ibalik niya ang tingin sa harapan. Nakangiti siyang nakipag usap kay Alonso habang sabay silang nag lalakad. My blood literally boiled. How dare her look at me like that! Akala mo naman panalong panalo na siya porket siya ang pinili ni Alonso makasama sa lunch?! Halos malukot ko ang papel na tinatago ko sa likuran ko kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Nalagyan ko na 'yon ng design at hindi na 'yon pwedeng marumihan. Pwede kong ilusot nalang sa locker ni Alonso 'to pero gusto ko talagang ibigay sa kanya nang personal. Kung hindi lang sana dumating ang malditang 'yon. Ha! Kung maldita siya, mas maldita ako! Just so you wait, Sofia Haniel. You're gonna pay for this.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Salamat
27/03
0amazing app
12/11
0this is nice game
13/10
0Tingnan Lahat