"Akala ko hindi ka pupunta?!" Tumabi ako kay Alonso. Napausog siya nang kaunti dahil sa biglaan kong pag upo. Humalakhak si Tim na nasa tabi niya at umusog din. "Change of mind..." tipid na sagot ni Alonso at sumimsim ulit sa baso niya. Kinagat ko ang labi ko habang tinititigan siya. May kakaiba ngayon sa mga mata niya. Wala pa rin namang pinag bago pero para siyang masaya o ano. Natapos siya sa pag simsim sa baso at sumandal sa sofa. He slightly fixed his glasses. Deretso lang siyang nakatingin sa harapan. "Natapos mo na mga ginagawa mo?" tanong ko. "Hmm. Some of it." "Buti naisipan mong pumunta kung may gagawin ka pa?" "Like I said, change of mind..." he said slowly. "Dahil gusto mong mag relax saglit?" Nagkibit siya ng balikat at tumingin sa akin. I smiled sweetly. "Okay lang namang mag relax kahit saglit! Lalo na kung ikaw kasi ang dami mong ginagawa at binabasa. Masyado kang mas-stress kung hindi ka magpapahinga sandali!" Hindi siya nag salita sa hinaba haba ng sinabi ko. Napatikhim ako. Abala na sa pag uusap ang mga pinsan namin doon. Ang mga kaibigan ko naman ay iniwan ko sa sofa namin para puntahan lang dito si Alonso. May kanya kanya naman silang buhay do'n. "Anyway, kumain ka na ba? Ba't umiinom ka agad?" tanong ko ulit. Tinignan ko ang lamesa nina Tim at nakitang walang kahit anong pagkain. Puro inumin lang. "I already ate." "Maglalasing ka ngayon?" "No." Of course. Lagi naman. Pero ang tipid talagang sumagot. Kailan kaya hahaba 'yong sasabihin niya sa akin? "So, what changed your mind? Na-bored ka ba kaka aral?" pumangalumbaba ako sa tuhod ko at tinignan siya. "You can say that..." sumimsim ulit siya sa baso. "Buti hanggang twelve naman 'tong party ni Rei. Magtatagal ka ba?" Binaba niya ang baso sa lamesa at muling inayos ang glasses niya. Humalukipkip siya. Mula sa mga nagsasayawan sa may gitna ay napunta sa akin ang mga mata niya para sagutin ako. "Maybe." Tinignan ko ang baso niyang hindi manlang niya naubos kahit kaunti lang naman 'yon. Mukhang ayaw niya na agad uminom. Baka nagugutom kahit kakakain lang? "Gusto mong pagkain? Kukuha kita!" alok ko. He shook his head. "I'm fine." "E, ayaw mo nang uminom?" tinignan ko ang baso niya sa lamesa. "I'll just continue that later." "Bakit? Mababa ba tolerance mo sa alak kaya nag iingat ka at paunti unti lang?" "Hmm, I guess so..." I smirked. What a good boy. Halatang hindi party boy. "Ako mataas tolerance ko sa alak," sabi ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Is that something to be proud of?" Natigilan ako. "Huh? Hindi naman! Sinasabi ko lang..." Ngumuso ako at naisip na baka ma-turn off siya sa akin dahil lagi akong umiinom. Bago pa ako makapag salita ulit ay sumingit na si Tim. "Mara! You want popsicle?" Tumango ako at kumuha ng isa. Nakita ko naman sa harapan na palapit na sa amin ang mga kaibigan ko. Si Raine din na halatang nainip na sa kakahintay sa akin ay palapit na. I smiled sweetly at her. Napailing siya. Alam niya namang pagdating kay Alonso magiging abala talaga ako. Kaya lang parang kulang sila. "Where's Dana?" I asked Erika when I noticed that Dana's not with them. "Bathroom lang daw siya," sagot niya. Tumango ako at bumaling ulit kay Alonso. Sumali sila sa kwentuhan ng mga pinsan ko. Kinuha ulit ni Alonso ang baso niya sa lamesa at sumimsim doon. His adams apple moved when he swallowed the alcohol. He licked his lips after that and it became even more red. Bahagya niyang binaba ang baso sa may tyan niya. Damn... He's so... "Are you just gonna stare at me the whole night?" Nagising ako sa bigla niyang sinabi. Pinag initan ako ng pisngi at ngumuso. "You are just so..." hindi ko natuloy nang natantong sasabihin ko pa talaga ang nasa isip ko! He looked at me, raising an eyebrow. "I am just so?" But so what? Vocal naman ako sa nararamdaman ko para sa kanya so this shouldn't be so embarrassing... "You just really look good today..." Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi. Umalis siya sa pagkakasandal sa sofa at bahagyang lumapit sa akin. I was so shocked by his moves that I just stared at him, stunned. Lalo na noong nakita ko ang kaunting tuwa sa mga mata niya. "Ngayon lang?" Oh shit... Did he... really ask me that?! "I-I mean..." hindi ko alam ang sasabihin. Gusto kong mag taka sa inaakto niya. His head tilted to the other side. "You mean?" Napakurap kurap ako, hindi makapaniwalang nakatitig sa natutuwa niyang mga mata. His eyes dropped on my lips. Napalunok ako. He looked at me again. "I am waiting for an answer, Mara..." I shivered at the mention of my name from his lips. "Uh... I mean..." hindi ko makuha ang tamang sagot. "You look... good today but... you always look good to me naman..." The side of his lips rose again and then he went back on leaning on the sofa. Doon ko lang natanto na hindi na pala ako humihinga. Huminga muna ako nang malalim bago ulit siya tinignan. "Don't fall for me too hard..." he said. I stopped. Sumimsim siya sa baso niya. "H-Huh?" "Gago! Nasaan ba si Paul?! Lagi nalang nawawala! Si Rei din nawawala! Sila magaling dito! Drich! Huwag kang madaya!" naririnig ko ang ingay ng boses ni Rick at ang malakas na hagalpak ni Tim. Mukhang naglalaro na sila ng kung anong game. Pero nakatoon ang atensyon ko kay Alonso. His attention was also on me. Bahagya siyang humarap sa akin, nakasandal pa rin sa likod ng sofa. "I am a very busy person, Mara. I don't have any time for little games and little puppy love." Ilang saglit ko siyang tinitigan. Hindi ako nakapag salita. "I only have plans for my studies and future. I don't have a plan when it comes to... love," he said the last word slowly. His eyes dropped on my lips. Hindi naman mapakali ang mga mata ko. "But... hindi naman din ako up for games, you know... T-This is also not a game for me." "I don't have time. I don't have any plans for any kind of relationship. I'm busy. I am a no fun man. So tell me... ano bang nagustuhan mo sa akin?" Umangat ulit ang mga mata niya sa akin. Napakurap kurap ako. Hindi ko inasahang itatanong niya 'yon. Ngayon niya lang ako kinausap nang ganito! "Uhm..." naghanap ulit ako ng magandang isasagot but I just can't find... any answers. "There should be a reason why you like me. You like me for almost five years now." Five years! Bakit niya alam?! Binilang niya?! "I... uh... I-I don't know. I just... like you. K-Kailangan pa ba ng reason?" His lips rose again for a small smile. "Are you sure?" Kabado ako bigla. Pakiramdam ko kapag hindi ko siya nabigyan ng tamang sagot sa tanong niya, parang exam na babagsak ako! "M-Maybe because you're studious? Unlike any other guys na kung saan saan at kung kani kanino nagfo-focus... mas sa studies mo ka nagfo-focus... and sa career mo. Always serious ka. You don't play games. You're good at making decisions while other guys can't even decide for their own. Kaya... ayon..." mahaba at medyo taranta kong paliwanag. I waited for his reaction but he only gave me a stare with his lips slightly rosing for a small smile. His eyes narrowed at me for a moment. Tinitigan ko naman siya para ipakita sa kanyang nagsasabi ako ng totoo. Bumalik siya sa pagkakasandal sa sofa at sumimsim sa baso. Kahit sinubukan niyang itago sa pag inom ang ngiti niya ay nakita ko pa rin 'yon. Bakit siya nangingiti? Kanina pa siya ganyan, ah? Is there... something funny about my answers? Sa mukha ko may nakakatawa ba? Nag ayos naman ako kanina, ah? "Mara! Alonso! Sali kayo rito!" sigaw ni Drich. Nabasag ang awkwardness na nararamdaman ko dahil sa tawag. Mabilis akong tumayo para sumali sa kanila. Pero bago 'yon, nilingon ko muna si Alonso. "Uh, y-you won't join?" He shook his head. "You join them." Tumango ako at marahan siyang tinalikuran, iniisip pa rin ang napag usapan namin. Hindi nawala sa isip ko ang napag usapan namin ni Alonso sa party. He was so different that day. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa alak na ininom niya o talagang minsan gano'n lang talaga ang mood niya. But then, sinantabi ko muna 'yon at pinagka abalahan nalang ang gagawin kong tula para sa kanya. I actually don't know where to start. First time ko ba namang gagawa ng tula at nahihirapan ako. Pumangalumbaba ako habang nag iisip kung saan sisimulan ang tula. Sa harapan ko ay si Dana. Abala siya sa pag nguya ng popcorn. She looked at me boredly, she has been waiting for me to write down a word for almost half an hour now. Tahimik sa buong library at kanina pa naririndi ang tenga ko sa pag patak ng oras. "May balak ka pa bang mag sulat?" basag ni Dana sa katahimikan. I sighed heavily and held my forehead. "Hindi ko talaga alam kung saan mag s-start!" She rolled her eyes. Isang subo pa sa popcorn niya bago niya 'yon binaba sa lamesa. Nagpagpag siya ng kamay. She put her arms on the table and looked at me. "Why don't you start with like... thinking about everything that you imagine about him? Something like... how would it be if he likes you, too?" Napaisip ako sa sinabi niya. She smirked and raised her eyebrows repeatedly. Hindi ako nag salita at nag isip pa. "Ano bang mga ini-imagine mo sa isip mo tungkol sa kanya? Like bago ka matulog? O kapag tulala ka sa klase?" I slightly glared at her because of what she said at the last. Hindi naman ako madalas tulala sa klase! Well... minsan. Minsan lang naman! "Come on! Simulan mo na," tumingin siya sa relo niya. "My class will start twenty minutes from now. Kailangan mo nang matapos 'yan para maipabasa mo sa akin." Talagang determinado siyang mabasa 'tong tula ko para kay Alonso. She smirked and ate her popcorn again. I sighed and looked down on my notes. Sinimulan kong isipin ang sinabi ni Dana, kung saan ako magsisimula, kung anong dapat kong isipin. And then, I started writing. Hindi naging madali 'yon. Panay ako bura at napapangitan ako sa mga words na naiisip ko. Tapos hindi tumutugma 'yong iilang naiisip kong maganda sanang sabihin kaya ibang word ang nasusulat ko. Idagdag pa 'yong pag tingin tingin ni Dana sa relo niya na para bang naiinip na siya. Nakaka pressure! "My gosh, hindi pa rin tapos? Isang oras ka dyan and it's just one stanza, for pete's sake!" she hissed. "Saglit lang kasi!" sabi ko at nag isip pa ng sasabihin sa huling line. "Grabe ang effort, ah? Tapos sampung segundo lang babasahin ni Alonso 'yan? And then babalewalain na?" Binato ko siya ng pinunit kong papel kanina. She chuckled and put the paper on the table. "Huwag ka kasing magulo! Hindi ako makapag isip nang maayos!" "Ngayon nga lang ako nag salita. Kanina pa tayo tahimik dito!" "Girls," narinig namin ang librarian. Napatingin kami ni Dana. Umiingay na pala kami at napapatingin na rin sa amin ang ibang estudyante roon. The librarian looked at us with her one eyebrow raised. Natahimik at nagkatinginan kami ni Dana. Humagikgik siya at tinanguan ang notes ko. Sinamaan ko siya ng tingin bago tahimik na nag patuloy sa pagsusulat. Inabot ako ng sampung minuto sa huling line lang. Pagod na bumuntong hininga si Dana at niligpit ang mga gamit niya. Hindi pa rin ako nakakabuo ng sentence para sa huling line. "Well, I guess, I won't be able to read that today." Ngumisi ako at tinignan siya. "Pero bukas babasahin ko 'yan, ah! Huwag mo munang ibigay kay Alonso," tumayo na siya at sinakbit ang bag sa balikat. "Oo na..." sabi ko at tinignan na ulit ang ginagawa kong tula. "Make sure na ako ang unang makakabasa niyan, ah!" "Oo na!" tinaboy ko na siya paalis. Gosh. Sobrang hirap pala talaga nito. Inabot ako ng isang oras para lang sa isang stanzang tula?! Nabuo ko rin naman ang tula pagkatapos ng twenty minutes pa. Pagod akong bumuntong hininga pagkatapos at niligpit na ang mga gamit ko. Buti nalang bakante ako ngayon ng dalawang oras kaya may thirty minutes pa ako para kumain. Nagutom ako kakaisip ng mga lines. Napagod ang utak ko. Tatayo na sana ako at isasakbit ang bag sa balikat nang makita ko kung sino ang pumasok sa library. Nasa malayo ako, kaharap ang pintuan ng library kaya kitang kita ko ang mga pumapasok. Alonso entered the library. Nabuhayan agad ang buong katawan ko. Ngingiti na sana ako at kakawayan siya para makita niyang nandoon din ako nang may pumasok din kasunod niya. My smile faded and my hand that's about to wave stopped in the air when I saw who it is. Hinintay ni Alonso makapasok si Sofia sa library bago sila sabay na nag lakad at nag usap. Sofia smiled while talking to him. May hawak siyang folders and books sa braso niya. She's wearing a simple white top, girlfriend jeans, and white sneakers. Her white bag was hanging on her right shoulder. Her brown and wavy hair was down. Sa tangkad, sa curve ng katawan, at sa ganda niya, for sure papasa rin siya bilang isang model. But I heard she's a Law student, gaya ni Alonso. Sinundan ko sila ng tingin. Papunta sila sa hagdanan, papanik sa second floor. Alonso was also very active while talking to her. Nakasuot siya ng white polo at naka tuck in 'yon sa suot niyang black jeans, then white shoes and his black bag on his right shoulder. May hawak din siyang mga libro sa braso. He's, as always, wearing his glasses. Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko habang pinapanood silang pumanik. Natigilan na ako at biglang nawalan ng gana. Nagkakasama pa rin pala sila ni Sofia hanggang ngayon. Akala ko hindi na. Akala ko matagal na silang hindi masyadong nagkaka usap. Sofia Haniel had a crush on Alonso back when we were still in high school. Kasabay ko siyang nagkakagusto noon kay Alonso bukod pa sa ibang babaeng nagkakandarapa talaga sa kanya. But Sofia was different among them... among us. She's maganda and agaw pansin so she really stood out. Mag kaklase pa sila ni Alonso no'n kaya mas malapit siya sa kanya kaysa sa akin. Alam ng lahat na may gusto siya kay Alonso because like me, she was also very vocal about her feelings towards him. She posted it on twitter that she likes him. She said it to the world. So fearless, right? And then, everyone assumed that they are together na because lagi rin silang magkasama noon. Hindi naman kasi nakikipag close si Alonso sa mga babae at alam ng lahat 'yon. Everyone knows na sa studies niya lang siya naka focus kaya hiwaga sa kanila noong lagi niya nang kasama si Sofia. Inakala agad nila na sila na just because they are always together. Inakala ko rin noon 'yon. Akala ko rin sila na. Kaya nalungkot ako at nawalan ng gana. Until Tim told me na wala namang something between Sofia and Alonso. I didn't believe it at first kasi lagi talaga silang magkasama. Even at lunch! Hindi naghihiwalay. Minsan kasama naman nila ang mga kaibigan nila pero mas madalas na sila lang dalawa talaga! Tim told me that he knew his cousin more than anybody else. At dapat daw kilala ko rin si Alonso dahil matagal ko na siyang crush. Kaya naniwala ako. At tama naman si Tim dahil si Alonso na mismo ang nag sabi no'n sa amin noong tinanong siya nina Rafael. Magkakasama kami noong sinabi niyang friends lang sila ni Sofia at wala pa sa plano niyang makipag relasyon sa kahit na sino. I was so happy that time. Pero nalungkot din kasi wala pa sa plans niya ang makipag girlfriend. At mukhang wala pa rin siyang plano hanggang ngayon dahil wala pa talaga siyang girlfriend. But now that I saw them together again... napapaisip ulit ako. What if Alonso's ready now for a relationship? What if pumayag na siya kay Sofia dahil matanda naman na sila at kaya na nilang humandle ng isang relasyon? What if sila na ngayon? Wala akong sa mood habang nasa klase at habang nasa practice. Natatakot tuloy ang mga kaklase ko sa akin at hindi ako makausap. For sure, my bitchy face was on. Hindi ko lang kasi mapigilan. Naiinis ako at naiirta. Why are they together again? Sila na ba? Ready na ba talaga si Alonso for a relationship? Pero kakasabi niya lang na busy pa rin siya hanggang ngayon! We just talked about it on the party in Reigan's house! Siya na mismo ang nag sabi na wala pa siyang time para sa puppy love na ganito! Gosh! I should calm down. Right. Wala pa siyang time so for sure hindi sila ni Sofia! At siguro may project lang sila kaya magkasama kanina. O baka nagkakamustahan lang dahil matagal hindi nakapag usap! O baka dahil pareho sila ng course so baka may pinag uusapan lang silang importante about sa Law! Hindi ako halos nakatulog nang mag gabi kakaisip no'n. It fucked up my mind so much. Bakit ba kasi si Sofia pa? That girl is a bitch. Tss.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Salamat
27/03
0amazing app
12/11
0this is nice game
13/10
0Tingnan Lahat