Para akong nakalutang habang nasa klase. May ngiting lumalabas sa labi ko na hindi ko mapigilan. Ang tanging nagpipigil lang sa akin na tuluyang ngumiti ay ang prof na nagtuturo sa harapan. Baka mamaya matawag pa ako rito nang wala sa oras. I can't forget his scent! Gusto ko ulit siyang amuyin! Kung pwede lang sana ako nalang 'yong uniform niya! O kali man jacket niya kapag nilalamig siya. O pwede na ring tuwalya nalang! Oh, damn it. Nababaliw na ako! "Napano ka, Mars?" si Dana sa tabi ko. Napawi ang ngiti ko at tinignan siya. "Mars?" She smirked. "Short for Mara." "The hell? Mara's already a short name for Maria Cassandra!" She rolled her eyes. "Nakakatamad, e." 'Tong babaeng 'to talaga! "E, ano nga kasing nginingiti ngiti mo dyan? Para kang baliw..." Tumingin siya sa pagkain niya. We're having lunch sa labas because it's the weekend. Marami akong gagawin at siya rin maraming ipa-practice kaya niyaya ko muna siyang kumain sa isang cafe para makapag relax. Relax first before stress! Ngumiti ulit ako nang maalala na naman si Alonso. Kinwento ko sa kanya 'yong nangyari sa library. "You're crazy..." reaksyon niya. "I know..." I smiled more. Napailing siya at tinuro ang libro sa tabi ng plato ko. "Hindi ko alam na nagbabasa ka pala? Himala, ah?" "This is different kasi! It's a book full of poems!" kinuha ko ang libro at pinakita sa kanya. "Alonso loves books like this kaya bumili rin ako." "And? You liked it?" "Yup! Medyo cringy siya but it's fine naman. Nag e-enjoy ako." She smirked. "Actually, I'm planning nga na gawan siya ng isang poem, e." "What?" she looks like she can't believe me. "Yes! Pinag aaralan ko pa kung paano gumawa. I even searched on google. Tsaka kumukuha rin ako ng idea sa mga binili kong libro." "Mara, are you seriously gonna do that? Para lang kay Alonso?" humalakhak siya. "Bakit? Isang poem lang naman! Hindi rin gano'n kahaba. Maybe one stanza?" "Gosh. Whatever! Just don't ask for my help. Wala akong alam sa mga cringy na tula." I smiled at her. "Don't worry, I can do it on my own." She raised an eyebrow. "Sige nga. Ipabasa mo sa akin pag tapos mo na?" "No! Para kay Alonso lang 'yon." Ngumisi ngisi siya. "It's your first time doing a cringy poem, Mara. Ayaw mo muna bang ipa-check sa akin bago mo ibigay kay Alonso?" Napaisip ako sa sinabi niya. Then, I glared at her. "Una pa nga lang cringy na ang sinasabi mo, paano pa kaya kapag nabasa mo na?" Humalakhak siya. "Fine! I'm sorry. But how can I judge it if I won't be telling the truth?" "Hindi mo pa nga nababasa, e. Tsaka wala pa nga akong gawa!" "Well, you know love is cringy for me kaya natural na cringy para sa akin 'yang gagawin mong poem. But I can appreciate naman." I looked at her suspeciously. "Totoo!" humalakhak siya. Umiling ako. "Hindi ikaw ang right person to judge my poem." "E, kanino mo naman ipapabasa? Kina Erika?" Hindi ako nakasagot at naisip na ayaw ko ngang ipabasa kina Erika ang gagawin kong poem. They are my friends and all that pero pagdating sa mga ganito hindi ko talaga sila pinagkakatiwalaan. Hindi ko nga sinasabi sa kanila na naglalagay ako ng letter sa locker ni Alonso, e. "See? Kaya ako ang right person for that!" ginaya niya ang pananalita ko at tumawa. Ngumuso ako at nag isip pa. Do I really need to show her my poem first before giving it to Alonso? Tama siya na ito ang first time kong gagawa kaya kailangan ng guidance at judgement niya. Pero kailangan ba talagang si Dana? Itong babaeng 'to? Hindi naman pwedeng kina Erika o kay Mommy, kaya tama siyang siya lang ang tamang tao para roon. I sighed, defeated. Tinignan ko si Dana na kumakain habang pinagmamasdan ako, may mapaglarong ngisi sa kanyang labi. I narrowed my eyes at her. "Why are you so eager to read my poem for Alonso?" "For me to see how cringy you are." Binato ko siya ng tissue. Humalakhak siya. "Okay! Okay! Honestly? To support you. Even though I find it really, really cringy." Umirap ako. "And I'm your best friend! Kailangan mo talagang ipakita sa akin 'yon! Every secrets you are hiding should be told to your best friend..." creepy niyang sinabi sa huli. I looked at her weirdly and then we both laughed. "Fine!" napailing nalang ako. May practice siya sa araw na 'yon kaya kinailangan niya rin agad umalis. Bukod kasi sa school, may grupo rin siya sa labas ng school. Active talaga siya sa mga dance groups. Kung hindi nga lang siya napasama sa isang grupo na 'yon, baka kung saan saan na siya napadpad kakasali sa iba't ibang dance contests kasama ang iba't ibang grupo. Rafael: Bahay ni Rei. Sunday. 4pm. Rick: All the Arazas gonna be there? Rafael: Yup Raine: Busy Ito na naman si Raine! Ngumuso ako at nagtipa. Mara: Come on Raine! Sasama ako Rick: Ano bang pinagkaka abalahan mo Raine Raine go away? Raine: Very funny Ricky Rock Rick: BWAHAHAHAHA Mara: Sumama ka na Raine. Wala akong kasama don Raine: What am I gonna do there? Rafael: Wag na sumama yan Rick: Kunsintidor pala tong kuya e Mara: Shut up, Raf Rafael: Wala nga naman kasi siyang gagawin don Mara: Marami! We're gonna drink and have some games! Raine please? Raine: Fine Mara: Yey! Rafael: Mara you little cat Mara: Meow Rick: HAHAHAHAHAHA Ngumisi ako at tinignan ang icon ni Asa na hindi manlang nag se-seen, but she's active. Sumimangot ako at hindi na siya inabala. I know she's just gonna say no. But, oh well, sasama kaya si Alonso sa bahay nina Rei? Sana sumama siya! Tim are friends with the Arazas and my cousins kaya alam ko ring close na siya sa kanila kahit na lagi siyang naiiba dahil siya lang ang Law Student sa kanilang lahat. Should I text him? I have his number! Lagi ko na siyang tinetext matagal na kahit alam kong hindi naman siya interesado. I got his number kay Rick. Mara: Sasama ka sa bahay nina Rei? Matagal bago siya nag reply. Nasa sasakyan na ako at pauwi na sa bahay. Alonso: I don't know. Napa ahon ako sa reply niya. He doesn't know? So, there's a chance he's gonna be there?! Mara: For sure sasama si Tim! Sumama ka na rin! Alonso: I really don't know. Mara: But why? May gagawin ka ba? Alonso: Yes. Mara: Aww. Sayang naman... Mara: Ano bang gagawin mo? School works? Alonso: Oo. Mara: Hindi mo yan matatapos ngayon para makasama bukas? Parang ang demanding ko naman do'n! Dinagdagan ko tuloy. Mara: I mean... baka lang matapos mo ngayon para makasama ka bukas. Alonso: Still, I don't know. Mara: You're not very fond of parties, aren't you? Alonso: I think that's already obvious. Mara: Kahit ngayon lang? Alonso: I always attend parties. Ngayon lang hindi. Mara: Aww. So hindi ka pupunta? Alonso: I already said so. Mara: Kahit nandon ako? Ilang saglit siyang hindi nag reply. Nakarating na ako sa bahay. Bumaba ako ng sasakyan habang nakasimangot. Maglalakad na sana ako papasok sa bahay nang mag vibrate ang phone ko. Agad agad kong tinignan 'yon. Alonso: Kahit nandon ka. Napanguso ako sa sinabi niya. Mara: You're so mean! Alonso: You asked. I just answered. He's got a point. But still! Napaka straight forward talaga ng lalaking 'to! Mara: Hindi na magbabago isip mo? Alonso: No. Bagsak ang balikat akong naglakad papasok sa bahay. Parang ayaw ko na tuloy pumunta sa bahay nina Rei. Mara: Okay... Nakapangalumbaba ako habang nagkakasiyahan ang mga kasama ko sa sofa. Erika and Kim are laughing with my cousins. Si Raine din ay ngumingiti at nakikisaya sa kanila. Ako lang talaga ang nakasimangot doon at wala sa party ang utak. "You are so boring today!" halos sabihin ni Dana sa mukha ko. I glared at her. Hindi ko alam kung magsisisi ba akong pinilit ko pa siyang isama rito kahit ayaw niya pa kahapon. Todo tanggi siya sa akin kahapon at inabot pa ako ng gabi sa pagkukumbinsi sa kanyang sumama. Pumayag siya kalaunan pero ngayon mas nag e-enjoy pa siya kesa sa akin. Humalakhak si Erika na narinig siya kahit abala sa mga pinsan ko. "Huwag mong asarin 'yan! Badtrip 'yan kasi 'di pupunta si Alonso!" Dana smirked. Umirap ako at sumimsim nalang sa inumin. "Natapos mo na ba 'yong tulang gusto mong gawin para sa kanya?" I almost rolled my eyes. "Wala pa akong nagagawa." "What? Akala ko ba gustong gusto mong gawan siya no'n? Ba't parang nagba-back out ka na ngayon?" "I'm not backing down! I was just pissed and... not in the mood. Maybe tomorrow or next next day gagawin ko na." Inakbayan niya ako habang humahalakhak. "Ito ba ang first time na tinanggihan ka niya't ganyan ang mood mo? 'Di ka pa ba immune sa lagi niyang pag turn down sayo?" Ipa-mukha ba naman sa akin! "Come on! It's not the end of the world! Pull yourself together and have fun!" binigyan niya ako ng panibangong drink. "Not now, Dana. Just... have fun with them. I'm really not in the mood." Ngumuso siya. "Kapag wala kang sa mood, wala na rin akong sa mood!" Inirapan ko siya at hindi na nagsalita. "You can find some other guys here, Mara. Maraming invited na friends sila Reigan," ani Aica. "Oo nga. I heard many of them nga wanted to be introduced to you," si Kim. "See?! Ang dami mong mahahanap na distraction dito! Don't be so down just because of that man! Maraming lalaki ang gusto ka!" alog ni Dana sa akin. Tumingin ako sa kanila. Nasulyapan ko si Raine na nakasandal sa sofa at may kaunting ngisi pa sa labi dahil sa kwentuhan at tawanan. "You said we'll have fun. Nasaan na, Mara?" she said. I sighed. Fine! I will have fun tonight and forget about Alonso! For now! Naghiyawan sila nang tunggain ko ang basong kanina ko pa hawak. Binagsak ko 'yon sa lamesa pagkatapos. I stood up and danced with them. Sumabay kami sa malakas na music. Maraming tao sa may pool side nina Rei. We danced and talked to them. Ngumiti ako at unti unting nahanap ang thrill na nawala noong nalaman kong hindi pupunta si Alonso sa party na 'to. May tumalon sa pool. Nabasa kaming lahat. I laughed with the others. Nakita ko si Raine na nakaupo lang sa sofa at hindi pala sumama sa sayawan. Pinuntahan ko siya at hinila habang sumasayaw. "You're looking for fun, right? Ito na 'yon!" She rolled her eyes while smiling slightly. Nagpahila siya sa akin sa may gitna. Natanaw ko pa ang sama ng titig ni Rafael sa sofa pero hindi niya naman kami pinigilan. Magkahawak ang dalawang kamay ay sumayaw kami ni Raine kasama ng mga kaibigan ko. "Rafael's so mad!" humalakhak ako. "He's always mad. Don't mind him." We danced for almost thirty minutes. After that, we played some games. Meron pang isang game na kapag natalo ka, iinom ka ng alak. And I am so bad at games! Kaya lagi akong umiinom! So I ended up very dizzy. Hindi ako madaling tamaan ng alak pero lagi akong natatalo kaya sobrang dami na ng nainom ko. "Oh gosh..." I said and stumble a little. Hinawakan ako ng tumatawang si Dana. "You okay?" Tumango ako. "Kaya pa." "Hey! Stop already! You guys are drunk!" narinig ko sa kung saan si Rafael. Oh, don't be kj now! Naghiyawan ulit kaming girls at hindi pinansin si Rafael. "Enough of that, girls," I then heard Reigan after a while. Inuubos pa ni Raine ang baso niya dahil natalo siya. Lumingon kami sa kanya na palapit na sa amin. Nasa tabi niya rin si Paul na seryoso at nasa bulsa ang mga kamay. "Time to rest. Kumain muna ulit kayo para mahimasmasan." "Sali ka nalang kaya sa amin, Rei?" a girl smirked and rolled her hair over her finger, obviously flirting. Surprisingly, Rei is serious, but still managed a small smile. "Later. For now, rest. The other girls are already drunk. Marami pang pagkain, kumain muna kayo." "Aww... Ang kj! But... appreciate the concern," one of the girls smirked and followed Reigan's words. Nagsi-upuan ulit silang lahat at nagpahinga. Kumuha rin ng pagkain ang iba. Naiwan kaming tatlo nina Raine at Dana. Erika, Kim and Aica also went to the foods to eat. Kumuha rin sila ng tubig para mahimasmasan nang kaunti. Reigan looked at us. "Mara, Dana rest. Raine..." He looked at Raine. Nilingon ko rin si Raine na naubos ang baso niyang puno ng alak. I smirked. She's flushed at halatang kaunti nalang malalasing na. Good thing Reigan stopped the game before that happens. "Rest, too," Reigan said a bit more serious. Kunot noo ko siyang tinignan ulit. Pero mabilis na siyang nag iwas ng tingin at bumalik sa mga bisita niyang nagkakasiyahan sa kabila. Nang mawala siya sa paningin ko ay si Paul naman ang tinignan ko. Pero nag iwas din siya ng tingin at umalis agad. Nagtataka ko siyang sinundan ng tingin. Tumikhim si Dana at umupo sa sofa namin. Gano'n din ang ginawa ni Raine na medyo iritado ang mukha. "When it's already in the middle of the fun, really?" Raine said and sat at the sofa. Sumunod ako sa kanila, medyo nahihilo kaya binagsak ang sarili sa sofa. "For sure, Rafael told him to do that..." sabi ko habang hinihilot ang sintindo. "Tss..." I then heard Dana. Nilingon ko siya. Nakangisi siya sa kawalan at kinakagat ang labi. My forehead furrowed. Bago pa ako makapag tanong sa kanya ay nangibabaw na ang boses ni Tim na nasa kabilang banda kasama sina Rick at Drich. "Alonso! What a surprise!" Mabilis akong lumingon sa kaliwa at nakita nga si Alonso na naglalakad! Hindi napigilan ng mga mata kong manlaki. Akala ko hindi siya pupunta?! He's wearing a black t-shirt, black jeans, and brown leather boots. His face was serious and his hands were on his pockets. Kahit nakasalamin ay kitang kita ko kung gaano kaseryoso ang mga mata niya! "Oh, well... someone's suddenly in the mood," Dana chuckled. Hindi ko siya pinansin at gulat lang na pinanood si Alonso na nagtungo sa pwesto nina Tim. Sinalubong nila si Alonso ng tapik sa balikat at inabutan agad ito ng inumin. Rick immediately looked at me. Natawa siya nang makita ang gulat kong mukha. Tinuro niya ako. Tim, Drich and Alonso looked at me. Nagtama ang mga mata namin ni Alonso. Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Seryoso pa rin. Hawak ang baso ay umupo siya sa tabi ni Rick. Tinitigan niya ako at sumimsim siya sa baso. He didn't leave my eyes immediately na sobrang nakakapanibago! Dati ay nag iiwas siya agad ng tingin o hindi manlang tumitingin sa akin pero ngayon! Hindi tuloy maalis sa kanya ang titig ko. My heart's suddenly so happy! But shit! Why is he looking at me like that?!
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Salamat
27/03
0amazing app
12/11
0this is nice game
13/10
0Tingnan Lahat