logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

3

Masama ang tingin sa akin ni Paul habang nasa canteen kami. Pagkarating ko palang kanina ganito na siya tumingin kaya tinignan ko rin siya nang masama.
"Ano ba?" tanong ko.
"What did you do?" he asked me back.
"What?" takang tanong ko.
Humalakhak si Rei sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya sa sobrang pagtataka.
"Ano bang ginawa ko rito sa kapatid mo?" tanong ko kay Rei.
Nagkibit siya ng balikat at ngumisi.
"Masyado ka namang nag aalala. May sugat din naman si Mara, ah?" si Drich na nasa kabila ko at tinaas ang may band aid kong braso.
Taka ko ulit tinignan si Paul. What? Bakit parang ako lang ang walang alam dito?
"Ano bang ginawa mo?" tanong ni Rick sa akin.
Umikot ang mga mata ko. "As if hindi niyo pa alam!"
"Bakit ba kasi kay Alonso ka pa? Marami namang iba dyan, ah?" si Rei sa akin.
"At sino naman? Ikaw?"
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
"What? No, sorry. I'm loyal to one."
Rei smirked and looked at Rafael. Rafael glared at him. Humalakhak si Rei.
"To one? Baka to one hundred!" sabi ko.
Humagalpak sila sa tawa roon. Paul remained serious, though. Napansin kong kami kami lang ang naroon sa lamesa. Puro lalaki ang kasama ko! Ako lang ang babae?!
"Nasaan si Raine?"
"With her friends," si Rafael.
"E, si Nica?"
"With her girlfriend," si Drich naman ang sumagot.
Argh! This is boring!
At dahil bored ako, naisipan kong puntahan si Alonso sa library. Mabilis akong kumain para maabutan ko pa siya. Madalas kasi siya roon. Pagtapos kumain, dumederetso agad siya sa library para mag aral. He's a law student kaya busy talaga siya.
Sumilip ako sa loob ng library at narinig agad ang katahimikan. Malamig doon. May second floor din. Madalas nasa second floor si Alonso kaya agad agad na akong pumasok at pumanik.
Hinanap ko siya. Wala masyadong tao sa second floor kaya mabilis ko lang siyang nahanap. Nakaupo siya sa apatan na table sa pinaka dulo. Wala siyang kasama. Mag isa siyang nagsusulat doon at nagbabasa. Suot niya ang salamin niyang gustong gusto ko sa kanya.
Ngumiti ako at masayang naglakad palapit sa kanya. He immediately noticed me. Nag angat siya ng tingin sa akin nang malapit na ako pero nang nakitang ako lang 'yon ay bumuntong hininga siya at nagpatuloy sa ginagawa.
Umupo ako sa harapan niya. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ako nagsalita dahil natatakot akong baka maabala ko siya.
Tinignan ko ang patong patong niyang libro at ang notebook niyang maraming sulat. Maganda ang penmanship niya. Para bang printed. Mas lalo lang akong nahulog. Ang perfect naman ng Bernardino na 'to. May kulang pa ba sa lalaking 'to?
Ako. Ako nalang ang kulang. I smirked.
Sinulyapan ko ang isang librong parang 'di naman connected sa ginagawa niya ngayon. I noticed it was a poem book. Puro tula ang laman no'n, alam ko.
Tinignan ko si Alonso na abala pa rin sa ginagawa na para bang hangin lang talaga ako para sa kanya. Pasimple kong kinuha ang libro na nasa gilid. He noticed it. He looked at the book and then my hand. Tumigil ako saglit, inaabangan ang pag angal niya. Pero bumuntong hininga lang ulit siya at hinayaan ako. Bumalik siya sa sinusulat.
Ngumiti ako at tuluyang kinuha ang libro. Agad kong binuklat 'yon para tignan kung tama ba akong tula nga ang mga laman ng librong 'yon. Tama naman ako kaya napatango tango ako habang binabasa ang hindi naman ka-inte interesanteng lines para sa akin.
Sa pag hampas ng alon sa dalampasigan
Ako'y nakatayo sa may daungan
Buwan na unti unting umaangat sa kalangitan
Ako'y nakatanaw sa dagat at langit na pagitan
Who the hell wrote this? But it's fine naman. Hindi ko lang ma-gets. Tungkol saan ba 'to? Tungkol ba sa love or what?
Sinarado ko ang libro at binaba 'yon sa lamesa. Alonso didn't even look at me.
"Mahilig ka pala sa mga poems?" hindi ko na napigilang magsalita.
"Mmm..." his only answer.
"And tungkol pa yata siya sa love. Do you believe in love?"
Nag angat siya ng tingin sa akin. I smiled and waited for his answer.
"Depends."
Bumalik siya sa pagsusulat.
"Huh? What do you mean depends?"
He sighed and looked at me again.
"It depends on people. Love is a choice. If they choose to love, then they believe in love."
"E, sayo nga, e. Do you believe that love is real?"
Tinitigan niya ako.
"Well, nagbabasa ka ng ganito so I'm assuming you believe in love?" I smirked.
"It still depends."
Ngumuso ako. "What do you mean ba sa it depends?"
"It depends when I love. Hindi pa ako nagmamahal. Hindi ko pa alam kung ano ang pagmamahal para sa akin."
My lips slowly formed a smile. Ngayon lang siya nagsalita nang ganito kahaba sa akin, at tungkol pa rito.
"Gusto mong malaman?"
He sighed and looked down on his notes, ignoring me. Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti.
"Hindi ka pa ba nagkakagusto sa isang babae? Hindi mo pa alam kung paano ang love..."
"Do you know how?" tinignan niya ako.
Hindi ako nakapag salita dahil... hindi pa nga ako nagmamahal. Kaya hindi ko pa rin alam. I just like him. Tingin ko, 'yong nararamdaman ko para sa kanya, hindi pa gano'n kalalim para tawagin nang pagmamahal. Love is such a big word. You can't just use it anywhere or anytime.
"See?"
Kinagat ko ang labi ko. "Wala ka pang nagugustuhan?"
Hindi niya ako sinagot. He just fixed his glasses and went back on his notes again.
"Wala pa?" subok ko ulit.
"I'm studying. Will you please give me peace?"
Ngumuso ako at nanahimik nalang kahit gustong gusto kong malaman ang sagot niya.
May nagustuhan na kaya siyang babae? Kung meron na, sino? Pero kung wala pa, parang nakaka thrill isipin. Kasi kapag napa-fall ko siya sa charm ko at magustuhan niya ako, ako ang kauna unahang babaeng magugustuhan niya!
Pero paano nga kung meron na siyang naging crush? Edi hindi ako ang first? Tsaka... may crush kaya siya ngayon? Hindi niya ako kailanman pinansin. Baka may nagugustuhan na siya?
Tinitigan ko si Alonso na abalang abala sa ginagawa. Para bang wala ako roon kung magsulat siya at magbasa. Mas lalo akong ngumuso at pinaglaruan nalang ang librong binasa ko kanina. Binuklat ko ulit 'yon at nagbasa sa ibang page.
Bilanggo ng kadiliman
Naiipit sa nakaraan
Pagmamahal na hindi makalimutan
Hindi mabibitawan kailanman
Brokenhearted ba ang nagsulat nito? Nilipat ko sa kabila ang page.
Nagtatago sa maamo niyang mukha
Ngiti na sobrang kay ganda
Talagang ika'y mahihipnotismo sa kanyang mga mata
Kung hindi ka mag iingat mahuhulog ka sa patibong niya
Huh?
Pag ibig na nabuo sa ilalim ng buwan
Nakatakdang ikaw ay aking makilanlan
Bakit pa sinimulang isulat ang istorya rito sa lumang pahina
Kung sa wakas nama'y sa akin ika'y mawawala?
My head tilted when I read that lines.
Isang dalampasigan na takasan ng mga matang gustong lumuha
Nangakong kahit kailan hindi magtatapos ang sinumpaang pangako sa isa't isa
Hanggat hindi natatapos sa ilalim ng buwan itong hampas ng alon na walang humpay
Ika'y hihintayin rito sa dalampasigan habang buhay
Tinitigan ko ang huling tulang binasa.
Kapag ba nagmahal ka, hinding hindi mo na 'yon makakalimutan? Talagang... hihintayin mo? Na bumalik? Kahit anong mangyari?
Tinignan ko si Alonso. Inaayos niya na ang ibang notes niya. He flipped the page and looked at the other side of the paper. Mukhang may binabasa siya roon. His pointed nose became more evident because of his tilted head.
Kapag ba minahal ko siya... maghihintay ako? Ngayon pa nga lang na gusto ko lang siya, naghihintay na ako. Paano pa kaya kung mahal ko na siya?
Parang... nakakatakot.
Wala akong kasiguraduhan na magugustuhan niya rin ako. Alam kong confident ako at malakas ang loob ko. Alam ko rin sa sarili ko na maganda ako. But there's something in him... that's telling me that my beauty isn't enough. Na kahit ano pang meron ako, kahit maganda ako at mayaman, kahit kilala ako ng lahat at maraming nagkakagusto sa akin, napaka imposible pa ring magustuhan niya ako. Ewan ko ba. Para bang pakiramdam ko... hindi ako pasado sa standard niya. Samantalang pagdating sa ibang lalaki, confident ako na maaagaw ko agad ang atensyon nila. Pero kay Alonso, mahirap.
But as I said, mapapa sa akin siya. Walang kasiguraduhan pero ayos lang! Magiging akin si Alonso Bernardino. Kahit anong mangyari!
Dahil sa pagbabasa ko noong libro ni Alonso, namili ako ng sandamakmak na libro na puro poems ang laman. Most of I bought are all about love but some of it are all about life, dreams and beliefs.
"Kailan ka pa nahilig sa libro?" nakahalukipkip si Mommy habang inaayos ko sa study table ko lahat ng librong pinamili.
At dahil sinasabi ko kay Mom lahat, alam niyang si Alonso ang crush ko as of the moment.
"Alonso loves books, Mom. Especially poems! Kaya I thought of buying for myself, too. Nag enjoy din kasi ako when I read one of his books. So here! I bought a lot!"
Nagtaas ng isang kilay si Mommy at nanliit ang mga mata sa akin. Natawa ako.
"Come on, Mom! You know I like him for a long time now."
"I know. I just didn't expect him to influence you in things because of your feelings for him. You really like him that much, huh?"
"Yup."
"What about him, then? Does he like you, too, darling?"
Natigilan ako at napanguso. "No."
Natawa si Mommy. Sumimangot ako at tinignan siya. Tinaas niya ang kamay niya at pinigilan ang pagtawa pa.
"No, I'm sorry. It's just that... matagal mo na siyang gusto. But he doesn't seem... interested in you," parang ayaw niya pang sabihin 'yon pero walang ibang word para mapagaan ang statement na 'yon kaya wala siyang choice.
I sighed and went back on my books.
"Why still like him, anak?" tanong ni Mommy.
I shrugged. "I don't know. But maybe Dana's right. I like him because he doesn't like me."
Pero nakakasiguro pa rin ako na iba na 'to ngayon. Kung noon nagkakagusto ako sa isang guy tapos kapag nalaman kong gusto rin nila ako nang hindi manlang nag iisang araw, nagsasawa agad ako, ngayon wala pa man, pakiramdam ko kapag si Alonso na ang magkagusto sa akin, hindi ako magsasawa, 'di gaya ng mga naging crush ko na pinagsawaan ko agad just because I found out that they like me, too. I feel like kapag si Alonso na ang nag crushback sa akin, mas lalo lang akong mati-thrill at magkakagusto pa lalo.
"Anak, naman... Mahirap ang ganoon. Hindi pwedeng ikaw ang mas may gusto sa isang lalaki. Dapat mas gusto ka ng lalaki, I always tells you that, right? Because you will only get hurt in the end. You shouldn't love a man more than he loves you."
"Mom... I know that. Pero hayaan mo na ako. I know what I'm doing. And I'm still young. Crush palang naman 'to..."
Hinayaan niya ako. Palaging pinapa alala sa akin ni Mommy 'to. Na hindi dapat ako magmahal nang sobra, pwera nalang kung mas sobra pa sa sobra ang pagmamahal ng isang lalaki sa akin. Para sa kanya, dapat mas mahal ka ng lalaki. Hindi 'yong ikaw ang mas nagmamahal sa lalaki. She... hates that.
My Mom and Dad are fine. They love each other. Pero nakikita kong mas mahal ni Daddy si Mommy. Pero nakikita ko rin... kahit anong tago ni Mommy... na mahal na mahal niya rin si Daddy. Ayaw niya lang ipakita. Ayaw niya lang... ibigay lahat. She's scared that if she gives her everything, mauubos siya.
Nakikita ko naman na masaya si Daddy kay Mommy at ginagawa niya lahat para alagaan si Mom. My Dad gives her everything, without asking for any return. Kaya siguro siya ang pinili ni Mommy... dahil gano'n siya. Dahil binibigay niya lahat. Dahil mas nagmamahal siya.
I want Mommy to also give everything to Daddy, though. Gusto kong ipakita niya ang pagmamahal niya kay Dad na matagal niya nang tinatago at pinipigilan. Kasi nakikita ko naman na mahal talaga siya ni Dad, kaya ano pang rason para itago ang nararamdaman? Kailan kaya niya ipapakita lahat kay Dad?
"Hi!" bati ko kay Alonso pagkasara niya ng locker niya.
Hindi manlang siya nagulat. Akala ko magugulat siya.
"What are you doing here?" he asked.
Ngumiti ako at nilabas ang librong tinatago ko sa likuran.
"Tsaran!"
He looked at the book. Wala na naman siyang naging reaksyon. Tinignan niya lang tapos binalik din sa akin ang tingin.
"Kabibili ko lang nito. This is all about poems like your book!" excited kong balita sa kanya.
"I already have that book."
Nagulat ako. Tinalikuran niya ako at naglakad na siya. Sumunod ako kahit gulat pa.
"Huh? Meron ka na nito? Nasaan?"
"In my bag."
"Talaga?! Dala mo?"
Hindi sumagot.
"Patingin?!"
He sighed and looked at me. Papunta yata kami sa library ngayon. Lunch ngayon pero binilisan ko ang pagkain kanina noong paalis na siya sa canteen para lang sundan siya.
"Why do you need to look at it? It's just the same as yours."
"Patingin na! Para sure na ganito rin ang sayo!"
Inayos niya ang salamin niya at bumuntong hininga. Umalis kami sa building ng Law at nagtungo nga sa library. Dinadaldal ko siya habang papunta kami roon at malakas ang simoy ng hangin sa labas.
"Marami pa akong biniling books pero ito munang isa dinala ko kasi mabigat sa bag. Ikaw? Isa lang din ba ang dala mo? Yung kagaya rin nito?"
"I brought two."
"Really?! Pabasa nung isa, ha! But... what a coincidence na dinala ko 'to tapos dinala mo rin 'yong sayo. Yung kagaya nito!" tumawa ako at tinignan ang libro ko.
Buti nalang ikaw ang dinala ko!
Hindi siya nagsalita. Nakarating kami sa malaking library at gaya ng inasahan, pumanik siya sa second floor. Gusto niya talaga sa wala masyadong tao.
Nilapag niya ang bag sa table na napili. Umupo ako sa harapan niya at pinatong agad ang mga braso sa lamesa. My bracelets made a loud sounds because of it.
"Patingin na?"
He looked at me and sighed again. Palagi nalang siyang bumubuntong hininga! Kulit na kulit na ba siya sa akin? I smirked.
Kinuha niya ang bag niya at kinuha roon ang librong kagaya nga ng sa akin!
"Wow..." mangha kong sinabi. "Bakit naman ito ang naisipan mong dalhin ngayon? Wala naman 'to noong isang araw, ah? Yung isang libro mo lang ang nabasa ko. Oh! Speaking of! Meron din ako no'n! Yung about sa love?! Bumili rin ako!"
"Mmm..." tanging sagot niya sa haba haba ng sinabi ko.
Kinukuha niya na ang mga libro, notebook at ballpens na gagamitin niya sa pagsusulat.
"Bakit ba ang dami dami mong inaaral? Ganyan ba talaga kapag Law Student?"
Hindi siya sumagot. Obvious naman na kasi. I heard mahirap nga ang Law dahil maraming ginagawa at maraming babasahin.
"Buti nalang talaga may course ng modeling sa school na 'to kundi mapipilitan akong mag academic. I hate academics."
Tinignan ko ulit ang dalawang libro na magkaparehong magkapareho. Nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawa. Namilog ang mga mata ko nang hindi ko na malaman kung ano 'yong akin at ano ang kay Alonso!
"Oh, no..." I said.
Alonso looked at me. Gulat ko siyang tinitigan.
"I don't know which one na 'yong sayo rito!" I panicked.
He looked at the two books. He then sighed and pointed at the left one. Tinapik tapik niya ang matigas na cover ng libro.
"This is mine."
Napatingin ako sa kaliwang libro. Oh! Binigay ko 'yon sa kanya.
"Baka mawala pa! Babalik ko na."
He took the book without taking his eyes off me. I smiled sweetly at him. Tinabi niya ang libro at binaba na ang tingin sa ginagawa para magpatuloy na roon. Ngumuso ako at pumangalumbaba. Tinitigan ko si Alonso. Natahimik na kami. O ako lang dahil kanina pa naman siya tahimik.
"Kukuha lang ako libro," paalam ko maya maya at tumayo na.
Ano kayang maganda basahin? Nabasa ko na kasi 'yong libro ko kanina na puno ng poems. Tinatamad na ulit akong magbasa. Makapag try nga ng academic book naman gaya ng binabasa ni Alonso. Pero pang Law yata 'yong binabasa niya? Well, whatever! I'll try to read academic book kahit hate na hate ko ang acads.
Tahimik nga sa buong library at malamig. May iilan naman na nandito sa second floor pero dalawa o tatlong babae lang yata ang nakita ko, magkakahiwalay pa ng table. Tsaka nasa malayo sila, medyo malayo sa banda namin ni Alonso.
Nasa kalagitnaan ako ng shelf nang makakita ng babasahin. Pero bakit nga ba ako magbabasa ng acads book? Anong gagawin ko rito? At wala naman akong sasagutan! Meron naman kaming subject na may kinalaman sa acads pero kaunti lang 'yon, no! Tsaka hindi naman talaga ako nakikinig kapag acads time na.
I sighed and just took the book. Wala naman akong gagawin. 30 minutes pa bago ang sunod kong klase. Ang aga naman kasing natapos ni Alonso kumain. Maaga rin tuloy ako. Dapat ngayong oras kumakain palang ako at nakikipag tawanan sa mga pinsan at kaibigan ko.
Binuklat ko ang libro para i-check. Pero natigilan ako nang may maramdamang presensya sa likuran ko. Agad agad akong lumingon at namilog ang mga mata nang makita si Alonso na sobrang lapit sa akin! He's serious, though, and looking up. He put his left hand on the shelf, just beside my waist! And then, using his right hand, he took something from the top of the shelf. Bahagya pa ring nanlalaki ang mga mata ko, tulala sa mga mata niyang seryoso at may salamin.
Nakuha niya ang kung ano mang librong kinukuha niya sa taas. He put the book down as well as his eyes. His eyes met mine. Hanggang pisngi niya lang ako. Pakiramdam ko sobrang liit ko. Alam ko namang matangkad siya pero matangkad din naman ako. Pero mas matangkad pa rin siya!
Ilang sandali kaming nagkatitigan. Kabado ako, malakas at mabilis ang tibok ng puso. Ngayon lang siya lumapit sa akin nang ganito. Hindi ko alam kung sinadya niya ba 'to o talagang kukunin niya lang 'yong libro at hindi niya 'yon makukuha kung hindi siya lalapit sa akin nang ganito kalapit!
My breathing hitched as I looked into his eyes. Ngayon niya lang din ako tinitigan nang ganito katagal. My world stopped. Ngayon ko lang din natanto ulit... kung gaano kaganda ang mga mata niya. His black gorgeous eyes. His thick eyebrows covered by his glasses. His pointed nose. And his kissable lips that I've been dreaming of kissing for a long time now.
Damn...
His scent is so addicting. Naamoy ko na siya noon pa. At sa limang taong gusto ko siya, parehong pabango lang ang naaamoy ko sa kanya. I don't know that perfume, though, but I'm sure now that it's his favorite.
Binaba niya ang kamay niyang may hawak na libro. He looked at me one more before looking away and walking back to our table.

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Nicole Baile

    Salamat

    27/03

      0
  • avatar
    Ash Mal

    amazing app

    12/11

      0
  • avatar
    Kervy Rayon

    this is nice game

    13/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata