logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5: Exhausted Mind

Jasper's point of view:
Katatapos lamang ng maghapon namin na klase. Si Casty at Cathy ay hindi ko muna makakasabay umuwi dahil sinundo sila kaagad ni Tita Celine. Gusto pa nga sana akong isabay ni Tita Celine pero tumanggi na lamang ako. Sinabi ko na rin kay Dad na huwag na akong sunduin at mamasahe na lamang ako.
Nagsuot ako ng earphone sa tainga ko para hindi marinig ang maingay na paligid. Ngunit may pumasok na eksena bigla sa utak ko na kung saan ang mga pangyayari kanina, noong kami lamang ni Comely ang sumasagot sa bawat itanong ng aming guro at ang kauna-unahang beses na ginawa ko. We're like debating. Kapag sumagot siya ay may isasagot ako at kapag ako naman ang sumagot ay may isasagot din siya. Kung baga hindi kami nauubusan ng isasagot.
F*ck! Ginawa ko lang naman ang pinaka imposibleng mangyari sa buhay ko.
I never encountered a girl that very fierce. Sobrang lakas ng loob nito at determinadong-determinado. At ngayon ko masasabing.... maling-mali ako ng akala. She's so smart to the point that I'm asking myself if I can defeat her. I never challenged in my student life like this. Kayang-kaya niyang makipagsabayan sa akin.
Sinabi rin sa akin ng ilang mga teachers na nahanap ko na raw ang tanging katapat ko. And that's Comely, she's very different from any other girls, an extraordinary as she is.
Napailing na lamang ako at pilit iwinawaksi ang mga eksenang iyon.
Paglabas ko ng gate ng school ay nakita ko si Comely na nag-aabang sa waiting shed, tutal wala akong sundo ay mag-aabang na rin ako.
Second day niya pa lang sa school pero ang laking impact na ng mga ginawa niya. Ang akala ko talaga ay mahiyain at mahinhin siya pero ibang babae pala talaga siya.
Nang may humintong jeep ay sumakay na rin ako. Sa dulong bahagi ako para hindi niya ako makita. Dumukot na ako sa bulsa ko. Napahinga na lamang ako ng maluwag nang may makitang barya.
Biglang huminto ang jeep at nagulat ako nang bababa na si Comely pero sa hindi ko malamang dahilan ay bumaba rin ako. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako.
"F*ck!" bulong ko. Balak ko ba siyang sundan?
Naglalakad na siya at patungo sa simbahan.
Anong gagawin niya roon? Tinignan ko ang oras sa relo ko. Wala namang misa.
Teka, nasaan nga ba ako? Aish! Ngayon lang ako nakapunta rito eh. Nilibot ko ang aking paningin. Muli na lamang akong napamura. Nasa kabilang barangay yata ako?!
Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Muling titingin sana ako kay Comely kaso nawala na siya bigla.
"Aish! Saan nagpunta iyon?" tanong ko sa sarili ko at nilibot ang aking paningin sa paligid. Nagulat na lang ako nang paglingon ko ay magkaharap na kami ng mukha.
"Bakit mo ako sinusundan?" tanong niya habang nakataas ang kanang kilay. Hindi ko alam kung bigla bang namula ang aking tainga.
"Oh? Pansin ko lang hmmmm.... Palagi kong nakikitang namumula ang tainga mo," sabi niya habang diretsong nakatingin sa akin. Ilang beses na lamang akong napalunok. Bakit ba kasi palagi?!
Akmang hahawakan niya ang tainga ko nang ilayo ko ang aking sarili sa kanya.
Ito na naman!
"Speechless?" nakataas kilay niya muling tanong habang nakapameywang. Bakit parang pinapagalitan niya ako dahil nagloko ako? Para siyang girlfriend ko.
Hays! Ano bang iniisip mo Jasper?
Kaagad kong iwinaksi sa utak ko ang naisip ko.
Bakit 'di ako makapagsalita?
"Fine, tutal nandito ka na rin lang. Tulungan mo na lang ako," sabi niya at hinawakan ako sa kaliwang palapulsuhan ko saka sabay hila sa akin.
Saan niya ako dadalhin?
"Makikita mo rin," sabi niya. Nangunot ang noo ko. Nakakabasa ba siya ng isip?
"Hahahah ayan na naman yung ekspresyon mo. Hindi nga ako nakakabasa ng isip pero kaya kong bumasa ng ekspresyon," natatawang sabi niya kasabay biglang pagkindat niya sa akin.
I heard her laugh, right? Bakit parang kanta ang pagtawa niya?
And what's with the blink of her eye?
What the heck Jasper?!
Pumasok na kami sa simbahan. Maling akala na naman ako. Akala ko kasi ay magdadasal siya pero hindi pala. Dumeretso naman kami sa pinaka likod ng simbahan at mayroong pintuan doon. Binuksan niya iyon at pumasok kami roon. Mula roon ay nakita ko ang mga kumpol ng mga bata. Mga masasaya silang naglalaro. So, isang bahay ampunan ito.
"Kumusta kayo mga bata?" maamong tanong niya sa mga bata. Sabay-sabay itong lumingon sa amin at tinigil ang kanilang mga ginagawa.
"Ate ganda!" sigaw nila at lumapit silang lahat kay Comely at niyakap ito.
"Oh hahahah sige na pumila na kayo," sabi niya tapos may kinuha siya sa bag niya. Isang balot ng tinapay at ipinamahagi iyon. Napatulala na lamang ako sa mga batang nakangiti habang binibigyan niya.
"Hoy sabi kong tulungan mo ako," biglang sabi niya kaya natauhan ako sa pagtulala.
"Huh?" Sa wakas nakapagsalita na rin ako.
"Sabi ko tulungan mo ako," pag-uulit niya. Tapos binigay niya sa akin ang isa pang balot ng tinapay na kinuha niya sa paper bag. Ngayon ko lang napansin na may dala-dala pala siyang ganoon.
Ipinamahagi na niya sa mga bata ang mga tinapay na dala niya. Kaya ibinaba ko na ang aking bag sa sahig, saka binuksan ang nakabalot na tinapay at ipinamahagi rin iyon.
"Sino po kayo?" biglang tanong sa akin ng batang babae na pagbibigyan ko ng tinapay. Ngumiti ako sa kanya saka nagsalita. "I'm Jasper. Kuya Jasper," sabi ko.
"Kuya Jasper," pag-uulit niya at napangiti ako. Ngayon ko lang ulit narinig ang pagtawag ng Kuya sa akin ng isang batang babae.
How I miss Jayie.
"Kuya gwapo!" may sumigaw na isa pang batang babae at ang taba nito tapos maigsi ang buhok niya. Tumingin ako rito.
"Ate ganda!" sigaw naman ng isa pang bata at lalaki naman ito.
Parehas kaming nagulat nang magtanong ang batang babae na nagtanong ng pangalan ko.
"Magjowa po ba kayo?" tanong nito habang ngumunguya. Hindi ko na maiitatangging hindi namumula ang aking tainga.
"Bakit po namumula ang inyong tainga?" sabi ng batang babae na umiinom naman ng juice.
"May allergy po ba kayo?" tanong muli ng batang babae. Ano bang pangalan niyon?
Napabuntong hininga na lamang ako at napahawak sa tainga ko. Nakakainis.
"Ma-may allergy ka?" biglang tanong ni Comely kaya napatingin ako sa kanya na napahinto habang nagbibigay ng mga juice. "Kaya ba palaging namumula ang tainga mo?" dagdag na tanong niya.
Sa halip na sumagot ako ay kinuha ko na lamang ang boteng nasa bag ko at saka ininom ang tubig na naroon.
F*ck! Ano bang ginagawa ko rito?
Sasagot sana ako nang may biglang pumasok na lalaki na kung saan dumaan iyon sa dinaanan namin kanina.
"Comely," biglang may nagsalita kaya napalingon ako sa likod ko.
Nakita ko kung paano napangiti si Comely nang makita ito.
Tinignan ko ang lalaki at hindi maipagkakailang gwapo rin ito pero mas gwapo ako. At pansin kong mas matanda ito sa amin ng bahagya.
"Kuya Cayden," tawag ni Comely at yumakap dito.
"May kasama ka pala," bulong nito kay Comely saka humiwalay ng yakap.
"Boyfriend mo?" tanong nito na nakakunot ang noo.
Dali-daling umiling si Comely.
"Hi-hindi.... Hindi po," sabi niya. Napakunot ang noo ko. Bakit todo tanggi naman siya? Pwede naman niyang sabihin na 'hindi' lang pero ang dami pa.
"Ah ganoon ba? Anong pangalan mo?" tanong nito sa akin na diretsong nakatingin sa mga mata ko.
"Jasper," sagot ko tapos tumango-tango siya at lumapit na sa mga bata.
"Masaya ba kayo mga bata?" tanong niya roon.
Biglang naramdaman ko ang paghawak ni Comely sa kamay ko na siyang kinatigil namin pareho.
"So-sorry," kaagad niyang sabi at binitawan ang kamay ko. "Ahmm... Salamat ah dahil tumulong ka. Ano tara na nandito na si Kuya Cayden. Siya na ang bahala sa mga bata," sabi niya at kinuha ang bag niyang ipinatong niya sa lamesa.
"Ba-bye Ate ganda at Kuya gwapo!" sigaw ng matabang bata. Nakita kong ngumiti roon si Comely.
Dinampot ko na rin ang bag ko na nasa sahig saka sumunod sa kanya. Nanatili kaming tahimik pareho hanggang sa makalabas na kami ng simbahan. Pumara naman na si Comely ng jeep at sumakay na kami.
Hindi ako mapakali at ang daming tanong sa isipan ko. Sobrang naguguluhan na ako.
"Jasper,"
"Comely,"
Natigilan ako nang sabay naming banggitin ang pangalan ng isa't isa.
"Hahah ikaw muna," sabi ni Comely. There's her laugh again. What should I do?
"Ahmm ano mo yung lalaki kanina?" diretsong tanong ko na. Mahirap magpaligoy-ligoy.
Biglang tumingin siya sa akin at iniwas ko ang aking paningin bigla. Sa hindi malamang dahilan ay bigla kong narinig muli ang bahagya niyang pagtawa.
"Kuya. He's my brother," sagot nito at napatango naman ako.
Bigla tuloy ako nakahinga ng maluwag. Jasper, obvious na Kuya niya iyon. Tinawag nga na Kuya, di ba?!
"But literally not. He's an adopted," sabi ni Comely na nakapagpatigil sa akin. Adopted?! Ampon.
"Ikaw bakit mo ako sinusundan?" biglang tanong niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Stalker?" tanong niya na hindi ako tinitignan sa mga mata ko.
Sasagot sana ako para tumanggi nang biglang may mag-abot sa akin ng bayad.
Dumukot na rin ako sa bulsa ko at ipinasa iyon kay Comely.
"No, namali lang ako ng baba," sagot ko.
Anong klaseng palusot iyon Jasper?
Mabuti na lamang at mukhang naintindihan naman niya.
Napansin ko na malapit na ako sa village namin kaya nagpara na ako.
Akmang bababa na ako nang magsalita si Comely na siyang kinatigil ko. "Salamat, Jasper."
Biglang may sumilay na ngiti sa aking labi.
Mababaliw yata ako! Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
Bumababa naman na ako sa jeep.
She thanked me. And I feel like, the word came out from her is the most prescious one.
Habang naglalakad ay napapangiti na lamang ako. I just can't believe na nakasama ko siya.
Pumasok na ako sa loob ng village at naglakad papunta sa bahay namin.
Pagdating ko roon ay mga nakabihis sila Dad at Mom na siyang ipinagtaka ko.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Mom habang nagsasalamin siya at si Dad ay nakaupong nagbabasa ng diyaryo.
"Ah may dinaanan lang po," sabi ko habang naguguluhan. Ano bang meron?
"Ah ganoon ba. Sige na magbihis ka na anak," nakangiting sabi ni Mom kahit may alinlangan.
"Po?" nagtataka kong sabi.
"Son, ngayon na yung dinner," sabi ni Dad. Napatingin ako sa relo ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ka.
"F*ck!" nasabi ko na lamang. Mag-aalasiyete na pala. Ba't ako nakalimot?
"Son, did I just hear you cursed?" nakakunot noong tanong ni Mom at ilang beses na umiling ako.
Kaagad na akong umakyat sa taas at tumungo sa kwarto ko. Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at madilim na nga.
Hindi ko man lang namalayan na naggabi na pala. Tsk!
Dali-dali na akong naligo at isinuot ang coat na nakasabit sa aparador ko.
Kumatok bigla si Mom. "Are you done, son?" tanong ni Mom.
Binuksan ko ang pinto at ipinakita ang tie kay Mom.
"I still don't know how to put this, Mom," sabi ko. Biglang napangiti siya.
"Hahahah ganyan din ang Daddy mo," sabi niya at sinimulang ikabit iyon sa akin.
"Ang gwapo talaga ng anak ko," sabi ni Mom at hinalikan ako sa pisngi.
"Mom, bakit kailangan na nakaformal attire pa tayo? It's just a simple dinner, right?" tanong ko kay Mom.
"Yes son, it's just a dinner but the other way around. It's a formal dinner with the family of the business partner of your Dad," sabi ni Mom kaya napatango na lang ako.
Bumaba na ako at sumakay na sa kotse ni Dad. Hindi kami yung tipo na mayaman na may driver at mga katulong.
Habang nagbabyahe kami ay nagsuot muna ako ng earphone. At nang maramdaman ko na huminto na ang sasakyan ay doon ko tinanggal ang earphone ko saka inilagay sa bulsa ko.
"Huwag mainip, son," bulong ni Mom sa akin at tumango na lamang ako.
Kaagad kaming binati ng crew nang makapasok kami at iminuwestra kami kung nasaan na ang business partner ni Dad. At base sa nakikita ko ay lahat ng naririto ay mga naka-formal attire. This is one of the famous restaurants in our country.
Halos pansin ko ang mga kagaya ko na kasama ang parents nila at nakikipag-usap din sa mga ka-business partner nito.
Tumabi ako kay Mom at nagulat ako nang makita ko si Aira rito. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Ngumiti na lamang ako sa kanya.
So ang parents pala ni Aira ang kasosyo ni Dad.
"Good evening, Mr. Neonzi," bati ng isang lalaki na kasing edad din ni Dad at siguro ito ang ama ni Aira.
"I'm sorry if we're late," sabi ni Dad nang makipagkamay rito saka naupo.
"No, it's okay. Kararating lang din namin," sabi nito.
"Mr. Neonzi, this is my wife Annalyn, my eldest son Theo, my daughter Aira, and the youngest one Timothy," sabi nito. Nagsingiti naman ang mga iyon.
"Oh, nice to meet your family. By the way this is my wife Jana and our son Jasper," nakangiting sabi ni Dad.
"Jasper? May I know if magkaklase kayo ni Aira?" biglang tanong ng Mommy ni Aira kaya napabaling ako rito.
"Yes, we're classmates," sabi ko at napangiti ang Mommy niya.
"Woah, so nakilala na namin ang palaging kinukuwento ng anak namin sa am-" hindi natuloy ni Mr. Mendes ang sasabihin nito nang magsalita si Aira.
"Daddy!" suway nito.
"Oh hahahah, you like my son, huh?" biglang sabi ni Dad at natigilan ako roon.
She likes me...?
"Change topic na po," bulong ni Aira kaya nagtawanan sila.
"You are beautiful, iha," biglang sabi ni Mom at kita ko kung paano siya namula.
"Tha-thank you po," sagot niya.
"Ah by the way, let's eat muna," sabi ni Mrs. Mendes at sumenyas sa waiter saka binigyan na kami ng menu.
Habang naghihintay ay nagkuwentuhan pa sila Dad ng ilang hindi ko na maintindihan tungkol sa negosyo.
"Son, are you okay?" bulong ni Mom at tumango naman ako.
Alam nina Dad at Mom na ayaw ko sa mga ganito pero kinakailangan talaga. Para na rin naman sa akin ito.
Mayamaya lang ay may dumating ng mga waiter at dala-dala ang mga in-order namin. Hinihiwa ko ang steak nang biglang magsalita si Aira.
"Comely?" gulat na sabi nito at napunta ang atensyon ko sa may babaeng may hawak na tray at ibinababa ang mga pagkain na naroon sa lamesa namin.
She is here, wearing a uniform of a waitress.
Napatingin siya sa akin at kaagad din na nag-iwas ng tingin. Nakita kong napasulyap si Dad sa akin pero kaagad nawala iyon nang mag-usap muli sila ng kanegosyo niya.
She's working here?!
Hindi ko na pinansin kung ano ang pinag-uusapan nila Dad at tanging si Comely ang sumakop ng isipan ko.... na naman.
Kung ano-ano ang tumatakbo sa isipan ko.
Why is she working?
"Son, kanina pa nakakunot ang noo mo at may malalim na iniisip. Can you share that?" sabi ni Mom nang makasakay na kami sa sasakyan.
"Nothing Mom, I'm just thinking for what will happen tomorrow," sabi ko at nagsalpak na lamang muli ng earphone sa tainga ko.
Imposible na kamukha niya iyon ulit.
What is she doing there? Maybe a working student. Hindi ba siya kagaya namin? Dahil ang pagkakaalam ko ang lahat ng estudyante sa ANHS ay mga mayayaman. Baka scholar siya.
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang tawagin ako ni Dad.
"Thanks for cooperationg with us son," sabi ni Dad at ngumiti ako.
"It's nothing Dad," sabi ko at pumasok na sa kwarto ko.
Kaagad kong tinanggal ang sapatos ko, niluwagan ang necktie, at nahiga sa kama ko.
"Kakaibang araw," bulong ko. Nag-flashback ang mga nangyari ngayong araw.
I still can't believe na sinundan ko si Comely, and I even saw her working at the exclusive restaurant. Napailing na lamang ako.
At teka...
Napabangon ako bigla at umiling-iling.
F*ck! Kanina pa siya laman ng utak ko!
What is really happening to me?!
Kinabukasan....
"Jasper,"
Am I hearing Casty's voice? Nagtalukbong na lamang ako ng kumot ko.
"Hey Jasper!"
Boses naman ni Cathy.
"Ayaw niya kambal. Then 1....2....3 WikipubuJasper waking up attack!" sigaw ni Cathy. F*ck! Nandito na pala ang kambal.
"A-araaaay!" sigaw ko.
"Hindi ka babangon ah!" sabi ni Cathy.
"Dapat pala ni-lock ko n-araaaay!" Dinaganan pa lalo nila ako. They are being like that as always.
"May sinasabi ka pinsan?" tanong ni Casty. Umiling naman ako.
"Aish alis na. Babangon na eh!" pagsuko na sabi ko. Mabuti at umalis na sila.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko habang naghihikab.
"Seriously? Malamang dito na kami ulit. You know umalis kaagad si Mommy," sabi ni Cathy. At napatango na lamang ako.
"Sige na labas! Maliligo ako," buntong hiningang sabi ko at pinalabas sila.
"Hoy Jasper bilisan mo!" sigaw nila.
Kaagad ko ng kinuha ang tuwalya na nakasabit sa gilid ng aparador ko sa nagtungo sa banyo para maligo. Matapos niyon ay kaagad ko rin sinuot ang kung uniform ko.
Dahil nagmamadali na kami ay nanguha na lamang ako ng slice ng tinapay sa lamesa.
"Namasahe ka raw, Jasper?" tanong sa akin ni Casty habang ngumunguya ako ng tinapay. Tumango naman ako.
"Woah! Gusto ko rin mamasahe," manghang sabi niya na siyang kinailing ko na lamang.
"Hays hindi magugustuhan ni Cathy," sabi ko.
"Eh?" napangiwi niyang sabi.
Sumakay na kami sa sasakyan ni Daddy at hinatid na kami sa school.
Pagpasok ko sa room ay si Comely kaagad ang hinanap ng mga mata ko.
Nasaan iyon?
Hindi pa siguro nakakapasok.
Napabaling ako kay Casty na umupo muna sa upuan ng katabi ko.
"Casty," tawag ko.
"Oh?" sagot nito at tumingin siya sa akin sandali. Pero bumaling din kaagad sa nilalaro niya sa kanyang cell phone, ipinatong niya pa sa lamesa ang paa niya.
"May scholars ba rito?" tanong ko. In-off ko ang phone ko at inilagay sa loob ng bag ko.
"Wala ata," sagot niya at nangunot ang noo ko. Pero si Comely-
"Lahat ng naririto ay anak ng mayaman di ba?" tanong ko. Tumingin siya sa akin sandali at pinaningkitan ako ng mata.
"What the f*ck!" mura niya nang matalo. "Ano ba yang pinagtatatanong mo pinsan? Syempre lahat ng nandito mayaman. Sa tingin mo makakabayad ang mahihirap ng apatnapung libong piso? Akala ko ba matalino ka?" kunot-noo niyang sabi habang naglalaro sa cell phone niya at napapamura pa siya ng muling natalo.
Hays kahit kailan talaga eh.
"Bakit mo natanong?" tanong niya nang mailagay na ang phone niya sa kanyang bulsa. Umiling na lamang ako. "Aish meron din ata? Basta ewan," dagdag niya pa kaya napatango ako.
"Ay walang accounting?" tanong ni Casty nang makabalik na sa upuan niya at tumango naman ako.
"Yes! hindi ako nagbasa eh," sabi niya.
"Tss, kailan ka ba nagbasa?" natatawang sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
Mayamaya lang ay dumating na ang teacher namin sa English at sa hindi inaasahang pagkakataon ay na-late si Comely.
Pinagmasdan ko siya habang papunta siya sa kanyang upuan.
"Baka matunaw," bulong ni Casty. Hindi ko na lamang ito pinansin. Wala akong narinig na maligno!
Nag-concentrate na lamang ako sa tinuturo ni Ma'am Aberron at nagsulat ng notes.
Bakit kaya siya na-late?
Napailing na lamang ako. Bakit ba lagi siya ang nasa utak ko?
Titingin sana ako sa white board upang may kopyahin nang mahagip ng mga mata ko si Comely na humihikab.
Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako.
Ang cute.
"What's with that sweet smile, Mr. Neonzi?" Nagulat ako nang biglang tanungin ako ni Ma'am Aberron.
Nakagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko at umiling ng ilang beses.
F*ck! Bakit ako napangiti?
"Ma'am, he's looking at Comely. And the reason of his smile is Comely," bulong ni Casty. At sa inis ko ay binato ko ang ballpen sa likod at saktong tumama sa mukha niya.
"What the f*ck!" sigaw niya na biglang napatayo. Napunta ang atensyon naming lahat sa kanya. Kita ko ang pamumula ng mukha ni Ma'am Aberron dahil sa inis.
"What did you just shout, Mr. Florentine?!" tanong ni Ma'am Aberron na diretsong nakatingin kay Casty.
Hindi ko na lamang iyon pinansin at bumalik sa pagsusulat. Nagpipigil na ako ng tawa.
"Noth-" nahinto siya sa pagsasalita nang sumigaw si Ma'am Aberron.
"Leave! Get out of my class!" malakas na sigaw nito. At no choice si pinsan kundi lumabas ng room.
Narinig ko pa ang pagbulong niyang humanda ang bumato ng ballpen na iyon. Napatakip na lamang ako sa bibig ko at napaubo ng ilang beses.
Hahahah hindi niya alam na ako.
Natapos ang klase namin sa English kaya nakapasok na si Casty. Kita kong kaagad lumapit sa kanya ang kakambal niya at piningot siya.
"A-araaaay!"
"Cast, sinigaw mo pa talaga ah!" inis na sabi ni Cathy habang pinipingot si Casty. Pulang-pula na ang tainga niya at maiiyak na si Casty.
"A-araaaay! Kambal! May bumato sa ak-aaray!" sigaw niya kaya binitiwan na siya ni Cathy. Nakahawak na lamang siya sa tainga niya.
"Ang sakit," bulong niya.
"Malamang masakit iyan! Ano bang nangyari?!" nakataas kilay na tanong ni Cathy at sa hindi malamang dahilan ay naalala ko ang mukha ni Comely na nakataas din ang kilay. F*ck! Malala na ito!
"May bumato nga ng ballpen sa akin! Dahil sa gulat ko ay napamura ako!" sigaw ni Casty.
At inilibot ni Cathy ang paningin sa buong klase.
"Sino ang bumato ng ballpen?!" sigaw niya.
"Ako," bulong ko at napatingin siya sa akin na parang bumagal pa ang paglingon niya at binigyan ako ng masamang tingin.
"Jasper!" sigaw ni Cathy. Hinila ko silang dalawa palabas ng room.
"Aray Jasper!" sigaw ni Cathy at Casty at binitiwan ko na sila.
"Hays! Kasalanan din niyan ng kakambal mo," sabi ko nang mabitawan ko sila. Nakita ko ang pagkamot sa ulo ni Casty at napatingin sa kanya si Cathy.
"Ano bang ginawa mo?" tanong ni Cathy.
Napakamot muli sa ulo si Casty. "Sinabi ko lang naman na...Ma'am, he's looking at Comely. And the reason of his smile is Comely. Iyon lang," inosenteng sabi ni Casty at napayuko na may pakamot-kamot pa sa batok.
"Aish! Kayong dalawa! Feeling ko kaya ako natubuan ng tagyawat sa ilong ay dahil sa konsumisyon sa inyo!" sigaw niya at napayuko kami ng sabay ni Casty. Parehas kaming takot ni Casty kay Cathy dahil grabe itong magalit lalo na kapag nadamay ang mukha niya. Kaya pala mainit ang ulo ni Cathy dahil may tagyawat....
Napakagat na lamang ako sa labi. The heck! Bakit ako natatawa...
"Wait...." biglang sabi niya at tumingin sa akin na siyang kinabigla ko. "Ulitin mo nga ang sinabi mo kay Jasper, Casty," diretsong nakatingin sa mga mata kong nagsalita si Cathy, samantalang ang kinakausap niya ay si Casty. Kita ko ang pagsulyap ng ngisi sa labi ni Casty. Napapikit na lamang ako sa pagpipigil ng inis.
"Remember nung-"
"I said, ulitin mo yung sinabi mo kay Jasper hindi ipaliwanag kung bakit mo nasabi iyon!" sabi ni Cathy.
"Oh sorry hahaha. Ito. Ma'am, he's looking at Comely. And the reason of his smile is Comely," nakangising sabi ni Casty.
Aish!
"What?! You have feelings for Comely?! OMG!" bulong na sigaw ni Cathy at napatakip sa bibig niya. Aangal sana ako nang magsalita na ang teacher namin.
"Ano pang ginagawa niyo riyan? Pumasok na kayo," sabi nito at nilagpasan kami.
"Jasper, tell everything to me," sabi ni Cathy at inirapan niya kaming dalawa saka pumasok na. Akmang susuntukin ko si Casty nang patakbo na siyang pumasok sa loob ng room.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Dagdag na naman sa iisipin ko. Daddy is right, she is making my life like an ocean. And this is the start. The start of wave.
Umpisa pa lang pero napapagod na ako sa kakaisip.
Anong gagawin ko?!
Palagi na lang.... palagi na lang....
Ganito ba talaga iyon?
Why should I feel this at an early age?
Is this really real?
I can't say that this is love. Maybe it's too early.
I have no experience after all.
My mind is already exhausted from thinking about what my true feelings are.

Komento sa Aklat (50)

  • avatar
    GraceDumaguing

    yehey!

    17/08

      0
  • avatar
    Rjane Tipolo

    it was good I enjoy reading it

    11/08

      0
  • avatar
    Melanie Crisostomo Salas

    sobrang Ganda...

    04/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata