logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

✨CHAPTER 5: I FEEL JEALOUS✨

KEZIAH POV'S
"Haaa!" Malakas kong buntong hininga habang nakalean ang ulo ko sa table. Nasa library ako ngayon at nagbabasa ng libro ng nakaramdam ako ng antok. Nilalaro ko ang ballpen ko sa aking kamay.
"Excuse me," nakangising tawag sa akin ng isang babae. She is smiling at me. "Keziah right?" She asked.
Tulala ako at inaangat qng ulo ko. Alam kong nakita ko na siya dati eh pero bakit parang iba ang nakikita ko sa kanya ngayon. "Yes, you are Lyka right?" Pagklaro ko kasi parang may iba sa kanya ngayon eh. No'ng una ko siyang nakita ay napakadesente niya pero ngayon napakasimple ng suot niya. Nakalugay ang straight niyang buhok while she is wearing an oversized black shirt na nakatact-in sa palda niya. She is also not wearing a make-up and she is also wearing a glasses.
"Yes I am Lyka. Kaero's bestfriend." Ngisi niyang sabi.
"Shhh!" Pagtahimik sa amin ng teacher na nagbabantay ng library.
"Do you want to have a coffee drink with me?" Pagyayaya niya. Napangisi ako at tumayo na.
Pumunta kami sa Cafeteria at nilibre niya ako.
"How are you?" Tanong niya sa akin and she sip her cappuccino coffee.
"Okay lang naman. Ikaw ba?"
"I'm doing great." She replied.
"Dito ka rin ba nag-"
"Yes! I am a transferee here."
"Ahh ganun ba," ika ko.
"Have you already met Kaero?" Tanong ko.
"Yes! Actually we're classmates. We are on the same department." Nakangisi niyang sabi. Hindi ko alam pero nalungkot ako ng marinig ko ito.
"Woah! You are really close with him huh."
"Actually, nagkakilala kami sa di inaasahang pangyayari. Alam mo bukod sa napakagwapo, mayaman, gentleman niya napakabuting tao pa niya. Kaya nagustuhan ko agad siya, unang kita palang namin."
"Tama ka napakabuti niya," I said and gave a bitter smile.
"Kindergarten palang magkakilala na kami. Palagi din kaming magkaklase nakakatuwa diba?" Patuloy niyang sabi dahilan na naninikip na amg dibdib ko sa selos. Naiingit ako dahil matagal silang magkakilala at marami pa silang similarities.
"Alam mo para sa akin siya ang tagapagtanggol ko sa nang aapi sakin."
"Taga...pagtanggol?"
"Oo. Alam mo palagi kasi akong nabubully noon eh at siya ang nagtatanggol sa akin palagi."
"Ahh," usal ko. Ibig sabihin hindi lang pala ako ang natulungan niya.
"Kaya naman tiwing pasukan inaalam ko muna kung anong seksyon siya para maging magkakalasi kami palagi. I want him always beside me."
"Ibig sabihin kaya ka rin nag medicine dahil-"
"Maybe! Ako kasi yo'ng tipo ng babae na gagawin lahat para lang makita ko siya palagi."
"You really like him?" Hina kong tanong.
"Alam mo, nung nalamn ko na sa California na siya mag-aaral nalungkot ako kasi diko na siya makikita. Siya lang kasi ang nagpapalakas ng loob sa akin."
Napangisi ako, "You are really lucky!" Ika ko.
"Can I ask you something Keziah?"
"Sure! Ano 'yon?"
"Napapansin ko kasing napaka-close niyo eh, I have guts that you two are dating pero tinatago niyo lang. Isn't it?"
Nabigla ako ng marinig ko ito, "Naku! Hindi no! Mali ka hindi kami no, walang kami. Tsaka, malabong maging kami." Ngisi kong sabi pero deep inside nasasaktan ako.
"Talaga! Yes!" Masaya niyang sabi at niyakap ako. "Thank you so much Kez! Akala ko huli na ang lahat para sa aming dalawa." Saad niya at napilitan akong ngumiti.
"Can you help me?"
"Huh! Eh, bat ako?"
"Kasi magkaibgan kayo at palagi rin kayong magkasama diba?"
"Oo, pero hindi ba't magkaibigan din naman kayo. Tsaka magkaparehas din kayo ng department."
"Sige na please!" Pagmamakaawa niya.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero, "Sige, tutulungan kita." Saad ko.
"Salamat sayo Keziah!"
"Sure!"
"Next week we don't have a class kasi mayroong seminar para sa mga Professor. Kaya walang klase. And it would take one week." Pagpapaalam ng Prof namin.
"Yehey!" Msayang sigaw ng mga kaklase ko.
"Be sure to make your assignments, okay!"
"Yes Prof!"
"Kung wala na kayong mga katanungan makakauwi na kayo. Enjoy your one week vacation."
Naglalakad na kami ngayon sa pathway papauwi. Kasama ko si Sasa. Nang nakita ko si Kaero at Lyka na magkasama na naglalakad ay bigla akong nakaramdam ng sakit sa puso ko. Hindi ko ito pinansin at tumuloy na sa paglalakad.
Nakaupo ngayon sa bench habang naghihintay ng bus. Nang makita ko ang kotse ni Kaero na dumaan. My heart torn into pieces when I saw Lyka in the passenger seat. Hindi ko alam pero para akong naluluha. Did he not see me?
Lumipas ang ilang araw ay hindi ako mapakali. Tumatawag si Kaero sa akin pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mapindot ang green button. Magdadalawang isip ako kaya hinahayaan ko lang ito.
Palagi kong iniisip kung mayroon din bang nararamdama para sa akin si Kaero. Nakaupo ako ngayon sa sala matapos magluto ng pagkain.
"Ha!" Malakas kong sigaw dahil sa naiinis ako sa sarili ko. "Ano ba tong nararamdaman ko bakit ganito. Nakakainis naman kasi eh!" Inis kong sabi. "Alam ko na gusto mo siya Keziah! Pero mag-isip ka pwede ba! Hindi mo alam kung gusto ka rin ba niya, kasi, hindi lang ikaw ang tinulungan niya noon." Malungkot kong sabi sa aking sarili. Nang may kumakatok sa aming pintuan. "Hay istorbo naman," ika ko at tumayo na para buksan ang pintuan. "Sandali lang, Sino ba yan?"
"May hihiramin lang," sagot niya at ng mabuksan ko na ang pintuan.
"Hi," pagbati sa akin ng lalaki na ngayon ko lang nakita. He is handsome too. Tall and Dark. Makapal ang kilay at may magandang build ng katawan.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya pero nagtataka na lang ako ng napangisi siya.
Tinaas ko ang kilay ko, "Bakit ba siya tumatawa," sabi ko sa aking isipan. "May hihiramin kaba ouh wala? Medyo busy kasi ako eh," inis kong sabi.

"Pasensya na, nakakatawa lang kasi ang hitsura mo," pigil tawa niyang sabi dahilan na kinainis ko.
"Bakit ano bang meron sa hitsura ko? Ano ba kasinh hihiramin mo?" Irita kong sabi.
"Manghihiram lang sana ako ng martilyo kung ok lang?"
"Aba! Ngayon lang kita nakita dito sa amin tapos manghihiram ka ng martilyo?"
"Kami yung bagong lipat sa katabing bahay niyo. Kami ang bago niyong kapit bahay." Ngiti niyang sabi.
"Ganon ba, sige...kukunin ko lang." Imbit ko tsaka kinuha ang martilyo. "Ito, isauli mo pagkatapos."
"Oo ba! Hindi naman ako yong tipo na hindi marunong magsuli ng gamit na hindi sakin eh." Imbit niya. "Sige alis na ako." Usal niya tsaka lumakad.
Isasara ko na sana ang pinto ng, "Tsanga pala Miss," usal niya.
"Bakit? Ano 'yon huh?"
"Huwag ka sanang maiinis sa sasabihin ko,"
"Ano ba kasi 'yon busy ako,"
"Napakabadoy mo naman, tsaka, hindi bagay sayo ang suot mo. Ang panget mong tingnan para kang matanda," saad niya dahilan ikinakunot ng noo ko.
"Anong sinabi mo!" Sigaw ko. "Akin na yang martilyo namin!" Sigaw ko at hinabol siya pero dahil nasa gate na ito mabilis siyang nakaalis at ng makalabas ako ay di ko siya naabutan at nakapasok na ito sa bahay nila. "Hayop 'yon huh! Kapal niya, at ang lakas pa ng loob niya na pagsabihan ako ng ganun huh!" Inis kong sabi tsaka napatingin sa suot ko na oversized t-shirt na kulay pink at nakaleggings din ako ng black.
Pumasok na ako sa bahay na sobrang inis at napahinto sa paglalakad ng mahagilap ako ng salamin namin na nakadikit sa wall.
"Wala namang masama sa mukha ko huh! Wala namang dumi huh! Bakit siya natatawa sa mukha ko? Nakakatawa ba talaga mukha ko?" Inis kong sabi. "Haaaa! Nakakabwesit!" Sigaw ko at dumiretso sa kwarto ko.
Natapos na ang bakasyon at di pa rin ako mapakali. May pasok na ulit pero parang ayaw kong pumasok dahil ayaw kong makita si Kaero. Habang naglalakad ako ay hinarangan na naman ako ng mga laiterang babae.
"Ano bang kailangan niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Right! Ano bang kailangan niyo sa kanya?" Napatingin ako kung sino ang nagsalita at di nga ako nagkamali it was Kaero. Kaya mabilis na lumakad sina Agatha. Hindi ako tumingin kay Kaero at lumakad ng bigla niyang hawakan ang kaliwa kong kamay.
"Ok ka lang ba? I've been calling you this past fee days at hindi mo sinasagot tawag ko. May problema ba?"
"Wala no! Ok lang ako. Tsaka naging busy lang ako nitong mga nakaraang araw tsaka nagkaroon din lagnat eh kaya hindi ko nasasagot ang taw-"
"Ano!" Bigla niyang sabi sabay inilapat ang mainit niyang kamay sa noo ko checking if I'm fine kahit nagsisinungaling lang naman talaga ako. Hindi ko alam pero bumilis na naman ang tibok ng puso ko at minasdan lamang siya ng maalala ko ang sinabi ni Lyka sa akin ay agad kong inalis ang kamay niya.
"Mauna na ako sayo!" Sabi ko.
"Sabay na tayo!" Sigaw niya at hinabol ako pagkatapos ay inakbayan pa niya ako.
"Ano ba Kaero baka anong sabihin ng ibang tao pag nakita nila tayo eh!" Imbit ko at inalis ang nakaakbay niyang kamay.
"Bakit? We're bestfriends naman eh." Ngisi nitong sabi sabay ibinalik ang kamay niya sa pagkaakbay sa akin. "Tsanga pala, sabay na tayo magsnack at maglunch later okay?"
"We'll see if hindi ako busy,"
"Ey," ika niya. "Hindi ba first period mo ngayon ay Biology ibig sabihin magkaklase tayo ngayon." Masaya pa nitong saad dahilan na napangisi narin ako. Kaso knowing that Lyka will also attend the class made me sad.
"This time we will have an activity. You will have your partner. And to be fair I have listed all your names and kayo mismo ang bubunot sa partner niyo dito sa box. Let's start the back. " Saad ng Prof namin.
Hanggat sa kaunti na lang ang natitira at wala pa ring nakakapili kay Kaero. I was praying na sana siya ang maging partner ko. Nang si Kaero na ang lumapit sa harap para bunutin ang pangalan ng magiging partner niya.
I was closing my eyes and praying that I will be his partner but sad to say it's not my name. "Lyka Sib." Kaero utter his partner name. Napatingin ako kay Lyka at napakalaki ng ngiti niya.
Inaamin ko na naiinggit ako pero tadhana na talaga ang nagsasabi na hindi kami eh. Naisip ko tuloy na napakaunfair naman. Dumating ang time na ako na naman ang bubunot ng aking partner.
"Bryan Agustin." Tawag ko sa pangalan ng partner ko. Nakakainis naman dahil hindi ko pa talaga kilala ang nabunot ko. Lahat kasi ng nagtetake ng kurso na related sa Science ay may Biology subject kaya meron kaming kakaklase mula sa ibang Department.
Natapos na ang lahat sa pagpili ng partner. "Ok! Makinig kayo, you can now do your activity with your partner. Kung merong hindi tumulong just tell me. You can now start."
Nagsitayuan na ang lahat para pumunta sa kani-kanilang partner at napatingin ako sa kinaroroonan nina Kaero at Lyka kaya nalungkot tuloy ko ng makita silang magkatabi.
"Goodluck Keziah!" Sambit ni Sam kakaklase ko na ipinagtaka ko.
"Goodluck? Para saan?"
"Nothing!" Usal niya. "Your partner is coming," ngisi niyang sabi at lumakad na.
Nagtaka ako kung sino ba ang partner ko kaya napatingin ako kung sino ito pero di ko naman kilala dahil nga iba't-ibang department ang narito.
"Hoy! Ms.Keziah! Tawag sa akin ng isang lalaki. Napatingin ako rito. Medyo pamilyar siya pero di ko na lang pinansin.
"Ikaw ba si Bryan?" Tanong ko.
"Hahaha!" Tawa niya dahilan na ipinagtataka ko. "Whatever! I'm sleepy kaya bahala ka na diyan." Saad niya at mabilis na yumuko sa mesa para matulog.
"Aba! Siraulo ata tong tao na to eh!" Sabi ko sa aking isipan. "Ano bang pinunta mo dito? Matulog? Kung matutulog ka rin lang naman edi umuwi ka na lang sa inyo." Inis kong sabi.
"Shhh! Di mo ba ako nakikita? Are you blind? I'm sleeping here. Can you please be quite at gawin mo na lang yang trabaho mo okay." Sabi nito dahilan na ikinainis ko.
"Huh! Ah ganun!" Imbit ko at tumayo. "Sige ayaw mo akong tulungan edi pupunta ako kay Prof. at sasabihin ko sa kanya na di mo ako tinutungan." Usal ko at lalakad na sana nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahilan na napaupo sa upuan na katabi niya.
"Fine! Panalo ka na. I will help you okay!"
"Ganun naman pala eh!" Imbit ko at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Madali lang naman akong kausap." Imbit ko pa.
Habang ginagawa namin ang experimentation ay kung ano-ano lang ang ginagawa ni Bryan dahilan na kinakainis ko talaga.
"Ano ba yang ginagawa mo?"
"Look," he utter
"Hay! Ano ka ba! Sinasayang mo lang ang mga materials na tin diyan sa experiment mo na di naman nakakatukong. Alam mo bang di na tayo bibigyan ni Prof ng materials sa experiment natin pag naubos mo yan!"
"Eys! I know matutuwa ka rito! Ihahalo ko na ang huling sangkap, look." Sambit niya kaya napatingin na rin ako.
"Woah! Ang ganda naman niyan!" Mangha kong sabi ng makita ko na nagpaiba-iba ang kulay ng tubig matapos niyang mailagay ang huling sangkap.
"Yes! It's really beautiful. Just like you." Nabigla ako sa sinabi ni Bryan dahilan na napatingin ako sa kanya at di ko namalayan na malapit pala ang mukha niya sa akin.
"Ha! Sira ka pala eh!" Ika ko.
"You know what, I think, I like you." Nanindig ang balahibo ko ng marinig ang sinabi niya. This is the first kasi na may nagsabi sa akin na gusto ako.
"Nababaliw ka na ba?" Imbit ko. "Alam mo, pamilyar ka sa akin eh, have we met before?"
"Huwag mong ibahin ang usapan pwede," saad niya at napasinghal ako. "Why? Kayo na ba ni Kaero?" Nagtaka ako ng kilala niya si Kaero.
"Hindi no! Bakit naman magiging kami eh magkaibigan lang naman kami."
"Then good! I will make you my girl." Ngisi niyang sabi. Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang nagring ang bell.
"See you around! Ms. Keziah." Usal niya at kinindatan pa ako.
"Ha!" Singhal ko at inayos ko na ang sarili ko at napatingin ako sa kinaroroonan nila Kaero at wala na sila. Mukhang nakaalis na sila dahilan na ikinalungkot.

Komento sa Aklat (33)

  • avatar
    Zaijan Javier

    good

    05/07

      0
  • avatar
    FrogosoAngelo

    nice

    17/05

      0
  • avatar
    Esguerra Jhonny

    apaka gandang basahin nmn neto😁🥰

    08/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata