JEAN'S POV KINAGABIHAN, kahit anong posisyon ko ay hindi ako makatulog. Patihaya, patagilid, padapa, wala pa din. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni John. "Mahal kita Jean, matagal na" Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. "Ito na ba yung sinasabi nilang puppy love?" bulong ko sa sarili ko. Simula pagkabata ay magkasama na kami ni John sa iisang bahay. Sabay kaming lumaki at sabay sa maraming bagay. Maging sa pagligo noong mga bata pa kami ay madalas din naming ginagawa. Na parang wala lang sa aming dalawa. Tinuring ko syang matalik na kaibigan at kung minsan ay parang kapatid na. Pero hindi ko maikakaila na nagwagwapuhan ako sa kanya. Maputi at makinis ang kanyang balat, medyo singkit ang kanyang mata, matangos ang ilong, manipis ang mga labi, mas matangkad sya sa kin, at medyo chubby. Ako naman ay medyo maputi din, mahaba ang buhok, maliit na matangos ang ilong, manipis ang mga mapupulang labi, at may kapayatan kahit na malakas akong kumain. Madaming tumatakbo sa isip ko ngayon. Paano kung tanungin nya ko kung may gusto din ba ko sa kanya. Paano ko sasagutin yun? Hindi ba masyado pa kaming bata para sa mga bagay na to? Dose anyos pa lang kami pero mahal nya daw ako? "Haaayyy" buntong hininga ko. Mabuti na lang at tulog na si nanay at tatay dahil kung hindi tiyak na magtataka sila sa ikinikilos ko. Nasa iisang kwarto lang kami ngunit may sarili akong kama. Dahil sa sobrang pag-iisip hindi ko na namalayan kung anong oras na ko nakatulog. "Nak, Jean gising na. May pasok ka pa." bungad sa akin ni nanay. "Antok pa ko nay, anong oras na po ba?" pagmamaktol ko. "Oras na para bumangon ka dyan. Pumunta ka na banyo at maligo na at pagkatapos ay kumain ka na din sa kusina dahil kanina pa kumakain si John dun at kanina ka pa din tinatanong sa kin" pangungulit ni nanay. "S-si John po?" biglang nagising ang diwa ko. "Ay oo anak, sino pa ba, e di ba lagi naman kayo sabay nag-aalmusal?!" takang tanong ni nanay. "Ah eh busog pa po ako nay, sa school na lang po ako kakain mamaya." sabay kuha na twalya at pasok sa banyo. "Aba'y ano bang nangyayari sa batang to, bakit parang may kakaiba?" bulong ni nanay ngunit bahagya kong narinig. Pag labas ko ng banyo ay nagulat ako dahil nakaabang sa labas ng pinto si nanay. "Ay palaka! Ano ba nay, nagulat naman ako sa inyo eh. Bakit ba nandyan kayo,?" "Hinintay talaga kita dahil hindi ka pwede pumasok sa school mo ng hindi nag-aalmusal. Magsuklay ka na at halika na sa kusina." "Pero nay-" "Wala ng pero-pero halika na at baka mahuli ka." Wala na kong nagawa kundi ang sundin si nanay. Pag dating ko sa kusina ay sinalubong ako ng napagandang ngiti ni John. Nakayuko akong umupo sa pwesto ko at tahimik na kumain. "Good morning Jean" bati ni John. Hindi ko sya sinagot bagkus ay ngumiti lang ako ng konti dahil sa totoo lang hindi ko alam kung mahihiya ba ko, kikiligin o kung ano ba ang dapat kong maramdaman. TAHIMIK lang ang naging byahe namin papunta sa school. Panay ang sulyap nya sa kin, ako naman ay panay ang iwas ng tingin. Nang papasok na kami ng school ay nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko. Dahil sa pagkabigla ay binawi ko agad ang kamay ko na sya namang dahilan ng pagsimangot nya. Ngunit hindi sya sumuko dahil naramdaman ko naman ang kamay nyang umakbay sa kin. Sa pagkakataong ito ay hinayaan ko na sya dahil sa totoo lang gusto ko din ang ginagawa nya. "Ayiieee!" hiyawan ng mga kaklase kong babae. "Yes! sa wakas nagda moves din ang brother ko!" sabay sipol ni Kian, bestfriend ni John sa classroom. Dahil don ay namula ang pisngi ko kaya mas pinili ko na lang yumuko kesa tignan ang reaksyon ng mga kaklase namin. Sinamahan ako ni John hanggang sa upuan ko. Pagkaupo ko ay may binulong sya sa kin, " Sabay tayo magrecess mamaya ha." hindi na nya hinintay ang sagot ko. Pumunta na sya sa bandang likuran ng classroom para umupo sa pwesto nya. Wala sa itinuturo ng teacher namin ang atensyon ko. Lumilipad ang isip ko at panay ang tingin ko sa relo ko. Excited magrecess?? Sa wakas, oras na ng recess. Pagtunog pa lang ng bell ay lumapit agad si John sa kin at niyaya ako sa canteen. "Okay ka lang ba?" tanong ni John sa kin. "Ha? Oo naman. Bakit mo naman naitanong? "Para kasing ang tahimik mo, hindi ka naman ganyan dati. Dahil ba sa pag-amin ko sa yo kahapon?" usisa ni John. "Ah eh...ganun na nga." Alam mo Jean masanay ka na kasi simula ngayon ipaparamdam ko sa yo araw-araw na espesyal ka sa kin." "Ha? Bakit naman? "Anong tanong naman yan? Syempre dahil importante ka sa kin, dahil mahal kita. Di ba nga inamin ko na sa yo? Hindi ka ba naniniwala?" "Naniniwala naman, medyo naninibago lang ako. Dati naman na tayong close pero walang malisya. E ngayon, syempre magbabago ang lahat, at ayokong mangyari yun." paliwanag ko kay John. "Pangako walang magbabago, kung yan ang inaalala mo." itinaas pa nya ang kanang kamay na parang nanunumpa. "Ah Jean may gusto sana akong itanong sa yo" medyo sumeryoso mukha nya. "Ano yun John?" "Mahal mo ba ko?" seryoso syang nakatitig sa mga mata ko. "Ha? Ah eh.." nauutal kong sagot sa kanya. "Please Jean i want to know. Please be honest." nangungusap ang mga mata nyang nakatitig pa din sa mga mata ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. At pakiramdam ko'y pulang-pula na ang mukha ko. "John, ano kasi..ahhh oo mahal din kita." matapos kong sabihin ito ay parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko. "Yes!!! Sabi ko na nga ba eh. So tayo na?" sabay ngiti ng pagkatamis-tamis. "Ha? Eh ang bata pa natin. 12 years old pa lang tayo. Di ba hindi pa dapat nagboboyfriend sa ganitong edad?" "Wala naman sa edad yan, and we'll keep it a secret naman i promise." pagkatapos nyang sabihin yun ay tumabi sya sa akin. Pinagsiklop nya ang mga kamay namin na nasa ilalim ng lamesa.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
nice
26/12
0ang gandaaa
23/07/2025
0free to call me
20/07/2025
0Tingnan Lahat