logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Capturing the Moon

Capturing the Moon

hopedeeply


SIMULA

I looked out of the car as the full moon followed us. We just came home from Manila, and since the classes are over, we're decided to take a vacation in our province. The place I was born.
Huminto na ang sasakyan nang makarating kami sa Hacienda namin. Bumaba na agad ako sa kotse ni Chastin, at nilibot ang paningin ko sa buong lugar. Ang laki na'ng pinagbago ng La Hacienda ngayon, ibang iba na sa dati. Dumadami na ang punong kahoy sa paligid, at ang kalsada ay nakasemento na, ibang iba sa dating maputik na daan.
I saw the series lights upon the trees near our Mansion. It's six o'clock in the evening, when the lights on the trees twinkle like the stars at night. I genuinely smiled at the place I was born and grew.
I really missed this place!
 Mukang maayos ang pamamahala ni Daddy rito. Governor si Daddy dito sa La Hacienda. And he owns sixty acres of farmland here. Kaya halos ang mga tao rito sa probinsya ay kilalang-kilala siya.
“Woah! Mas lalong gumanda ang lugar na 'to!” Chastin said . “Tulad ko mas lalong pumogi.” He added.
I directly looked at him. “Don't make a scene, cous'. Alam mo na ngang mahangin na rito, papalakasin mo pa!”
He pouted his lips. “Ang sama mong pinsan!”
I mockingly laughed at him.
“Kunin mo na nga ang mga bagahe natin, at ipasok nasa loob.” Utos ko.
He raised his one brow. “Huh? Bakit ako?” He asked confusedly.
“Oh. Alangan naman ako!” I snorted.
“Oh. Bakit ako? Kung pwede ka naman tumawag na katulong n'yo r'yan, para sila na ang gumawa. Sayang kagwapuhan ko, no!” He said.
“Duh! Whatever!”
We are here for vacation. Kakagraduate lang namin ng highschool kaya andidito kami para makapag relax, dahil august pa naman ang pasukan ng mga college freshmen. At matagal-tagal pa 'yon. Kaya napagpasyahan namin magbakasyon muna rito.
May paparating na kalabaw sa amin, at may nakasakay na lalaki rito. Pinatigil muna niya ang kalabaw tsaka siya bumaba, kapansin-pansin ang muscles sa braso niya. Dahil humuhulma ito sa bawat kilos niya.
Lumakad siya papalapit sa amin habang nagpupunas ng pawis sa kanyang noo. Kitang kita ko ang kanyang mukha dahil sa mga ilaw sa buong paligid. I narrowed my eyes on him. Why he looked so familiar to me?
He has thick eyebrows and wavy hair. Her black eyeballs, pointed nose, pink lips, and his perfect jaw. And also his fair skin color is brown that made me wince. I don't like his skin color. It looks like chocolate. Bagay na makikita lang dito sa probinsya. Sanay magbilad sa araw. However, the way he moved… the way he walked towards us. He looks like a model.
Dinaig niya pa si Adonis.
“Ano pong maitutulong ko sa inyo?” Magalang na tanong nito nang makalapit sa amin.
Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa, kaya napalunok ako.
“Jo...seph?” Chastin mumbled.
I frowned. Tapos tinititigan ko ng mabuti ang lalaking nasa harapan namin ngayon. Joseph? 'Yong kalaro namin noon? Pa'nong nangyari 'yon?
Hindi ko mapigilang na matawa sa sinabi ni Chastin. “Are you sure, cous'? 'Yung Joseph na kilala natin noon… ay buto-buto ang katawan, at sobrang patpatin pa. Tapos tinawag mo s'yang Joseph? Imposible.” I said while shaken my head.
Baka nga ang lalaking 'yon, ay patpatin pa rin hanggang ngayon.
Tumikhim ang lalaki. “Hindi ka pa rin ba nagbabago, Solaire. At hanggang ngayon ay ang taba-taba mo pa rin.”
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Shookt! Iisang tao lang naman ang nagsasabi sa 'kin na mataba ako. Iisang tao lang ang alam kong may kayang sabihin 'yan.
Tumikhim naman ako nang makabawi sa gulat at tumawa ng bahagya. This man... was my childhood friend. Joseph. Really? Ba't ganyan na ang katawan ngayon? Imposible!
Dahan-dahan ko siyang tinuro. “Seppatpatin. Is that you?!” tanong ko, nang hindi pa rin makapaniwala. No! Imposible!
“Cous, hindi na siya patpatin!” Chastin said.
Lumakad siya papalapit kay Joseph, inakbayan niya pa ito. Hindi ako makapag salita. Hindi kasi ako makapaniwala na ang Joseph na patpatin noon, ay masculado na ngayon.
“Woah! Iba talaga 'pag gumagwapo, pre. Hindi kana niya kilala.” May pahawak-hawak pa ito sa kanyang baba habang nakatingin kay Sep. “Sekreto natin? Share mo naman...” sabi niya, habang sinusundot-sundot pa ang dibdib ni Sep.
Napangiwi ako sa ginawa ng pinsan ko. Para siyang bakla na nilalandi si Sep. Eww!
“Tara na… at pag-usapan natin yan sa loob ng mansion.” Iginiya niya si Sep papuntang mansion.
Tumubo naman ang inis ko sa pinsan kong iniwan lamang ako rito na mag-isa.
“Hoy, Chastin! Bumalik ka rito!” sigaw ko.
He just waving his hand at me. “'Wag kang mag-alala pinsan, may paparating na katulong d'yan!” He said while walking away from me.
What the! Hindi man lang ako isinabay ng dalawang 'to. Kainis!
Sinara ko nang maayos ang kotse ni Chastin, pagkatapos kong kunin ang sling bag ko. Sumunod na 'ko sa kanila.
Nakahelera ang mga pine trees sa daan patungo sa hagdanan ng mansion namin. May mga christmas lights din ito. At habang naglalakad ako ay kitang kita ko ang mga maid namin na nakahelerang nakatayo sa gilid ng hagdanan namin habang hinihintay ako.
Sumalubong sa akin ang mayordoma namin dito, si Mama Ana. She's fifty years old right now. I call her 'mama' because she has taken care of me, ever since I was born. When my mother died giving birth to me, so she became my mother ever since and until now. I smiled and opened my arms for her...
“Solaire!” She yelled.
I hugged her so tight. God! I missed her so much! She looks like my own mother to me.
“Naku! Dalagang-dalaga na!” Sabay hawi ng hibla ng buhok ko sa mukha. “Kamukhang-kamukha mo na ang mommy mo.” She said.
I just laughed. Lagi niya iyan sinasabi sa 'kin na kamukhang-kamukha ko na raw si Mommy. Lalo na ang ngiti ko, magkaparehong-pareho raw kay Mommy.
“Solaire!” A baritone voice of a man called me.
I looked at him. “Daddy!” I shouted as I ran closer to him and hugged him very tight.
“My only princess. I missed you!” He said while gently stroking my hair.
“I miss you too, Dad!” I softly said.
May biglang tumikhim sa likuran ni Dad. Kaya napatingin naman ako rito. Humiwalay naman sa yakap si Dad at tumingin din sa kanyang likod.
It's Tita Magnolia, my father's second wife. And behind her is her daughter, Megan. Tita Magnolia smiled genuinely at me and spread her arms for me.
“Ako ba, hindi mo yayakapin, ija?” she asked.
Hindi kami close ni Tita, lalo na't lagi kami nag aaway ng stepsister ko. Masyadong palaaway si Megan sa 'kin nung bata pa kami. Lagi n'yang inaagaw ang mga laruan ko. Kung ano binili ni Dad para sa 'kin ay gusto niya ganoon din ang sa kanya.
I managed to walk toward her and hugged her. Nakatingin lang si Megan sa amin. Humiwalay na 'ko ng yakap.
“Thank you po, Tita.” I said.
“Gutom na 'ko! May pagkain na ba?!” Chastin yelled, habang dala ang kanyang gitara.
Kakalabas lang nito sa living room, habang nakasunod sa kanya si Joseph. Lumapit si Mama Ana kay Chastin.
“Ikaw'ng bata ka hindi ka pa rin nagbabago!” Sabi ni Mama Ana habang ginugulo ang buhok ng pinsan ko.
“Pogi pa rin ba, Mama A!” he said with full of confidence. At nag-pogi pose pa.
Natawa kaming lahat sa kanyang sinabi. Hay naku! Kahit kailan talaga hindi mawawalan ng kahanginan sa katawan itong pinsan ko. Si Mama Ana rin ang nag-alaga kay Chastin noon, lagi kasing wala ang parents dahil palaging busy sa trabaho.
Kaya lagi siyang iniiwan ng parents niya dito sa mansion. At simula nung araw na iyon, siya na lagi ang nagtatanggol sa 'kin mula kay Megan kaya naging close kami.
“Ewan ko sa 'yong bata ka! Tara na nga, kain na tayo. Baka gutom lang 'yan.”
Mas lalong natawa kami sa sinabi ni Mama Ana, at nakakatawa rin ang reaksyon ng pinsan ko. Nakabusangot ang kanyang mukha.
Natigil ako sa pagtawa nang mapatingin ako kay Joseph, at nahuli ko siyang nakatitig sa 'kin. Umiwas agad siya ng tingin sa 'kin. Kumunot naman ang noo ko. Bakit parang may nag-iba sa kanya ngayon? Well… maliban sa katawan niya, huh!
“Oh. Joseph, sumabay ka na sa amin sa hapunan.” Dad said.
Kaya napatingin siya kay Dad, sabay napakamot sa kanyang batok. Tinignan niya ako saglit bago sumagot kay Daddy.
“Naku, maraming salamat na lang po, Gov. Hinihintay na rin po ako ni Nanay sa bahay, sabay po kasi kami sa hapunan kaya aalis na po ako ngayon,” he said politely.
“Ay, gano'n ba. Sige, next time na lang.” sabi ni Tita Magnolia. Na halata namang hindi niya nagustuhan ang suggestion ni Daddy, at nasisiyahan siya sa pagtanggi ni Joseph.
“Sige po, marami pong salamat.” sabi niya na may galang pa rin.
Tinignan niya muna ako saglit bago nagpaalam.
“Sige po, alis na 'ko.” Pagpapaalam niya sa amin bago lumabas ng mansion.
“Ingat ka ijo, ha!” Pahabol na sabi ni Tita Magnolia.
Pagkatapos ay kumain na kami ng hapunan namin. Nagkukwentuhan kami habang kumakain. Lalo na ang pinsan kong madaldal, ang daming baon na kwento rito. Naisip ko tuloy kung bakit siya naging lalaki kasi dinaig pa niya ang mga babae sa kadaldalan niya ngayon.
Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga na kami kasi pagod kami sa byahe. Pumasok ako sa kwarto ko. Wala pa rin itong pinagbago, ganoon pa rin ang theme nito tulad ng dati.
May series lights pa rin ito sa celling, na nagsisilbing bituin at isang moon bulb. Pinaglagyan ko ito nung bata pa ako, kasi mahilig ako tumitingin sa langit, lalo na't pag gabi at bilog ang buwan nito.
Pinatay ko ang lampara, bago ko ni-on ang series lights and moon bulb sa celling. Saka ako humiga sa aking kama para matulog na.
Kinabukasan. Maaga akong gumising para magbake ng cookies. Mahilig kasi ako magbake ng kung ano-ano. Lalo na 'pag walang pasok at nandidito lamang ako sa mansion.
Sabi ni Mama Ana, nagmana raw ako kay Mommy na mahilig din magbeyk. Lagi niya pinagluluto si Daddy noong nabubuhay pa ito.
“Good morning! Good morning, everybody! Good morning!” 
Nagising na ang mahangin kong pinsan. Nakita kong papunta siya rito sa kusina.
“Good morning, pinsan!” Bati niya sa 'kin habang sumasayaw na papalapit sa pwesto ko. 
Napailing na lamang ako sa kanyang ginawa. Binalewala ko na lang siya, at kinuha ko ang nabeyk na cookies sa oven. 
“Hmmm…” I hummed as I smelled it. 'Delicious!'
Nilagay ko ito sa tupperware. Nakita ko namang tumigil nasa pagsasayaw ang pinsan ko, at kukuha na sana ng isang cookies nang hinampas ko ang kamay niya.
“Aray! Ang damot mo naman, insan! Isa lang, e!” Nakabusangot niyang sabi.
“Hindi 'to para sa 'yo… mamaya ka na lang 'pag naluto na 'yung nakasunod nito.” Sabi ko.
Napakamot siya sa kanyang ulo. “E, para kanino 'yan?” he asked.
“Para sa kanilang Joseph.” I answered.
Tinakpan ko agad ang tupperware at itinabi ito.
“Woah! Ano yan? Dating gawi?” he trailed off, while teasing me. “Hanggang ngayon… crush mo pa rin siya, 'no?” Nang-aasar n'yang sabi.
“Tumigil ka nga! Noon lang 'yun, no! Natuto na 'ko!” I snorted.
“Aysuss!” 
“Ewan ko sa 'yo! D'yan ka na nga lang.” Sabi ko at kinuha ang tupperware para dalhin kila Sep.
“Balita ko, may bagong lipat doon sa katabing bahay nila Sep. At ang sabi nila ay sobrang sexy daw nung nakatira.” he teased.
“Whatever!” I directly said. Hindi ko na lamang siya pinakinggan, at nagtuloy-tuloy na lamang sa paglalakad.
Tumawa siya. “Ingat ka pinsan, baka mahulog ka sa hagdan...” Pahabol n'yang sabi sa akin na may ibang kahulugan.
Napatingin ako sa kanya habang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
“Tapos walang Sep na sasalo sa 'yo.” he added.
“Che! Hinding-hindi na ako mahuhulog do'n, no!” I shouted at him.
Tuluyan na akong lumabas ng mansion, at iniwan ang tumatawa kong pinsan. Baliw na yata!
Naglakad akong papuntang bahay nila Joseph. Nagbago na rin ito. Kung noon ay kahoy pa lamang ang kanilang gate, ngayon ay grills na. Ang kawayan nilang bahay noon, ngayon ay semento na. Pero ang laki ng bahay nila noon ay ganoon pa rin ngayon.
Grabi! Anim na taon akong nawala rito ay sobrang laki nang pinagbago ng lugar na 'to.
Binuksan ko ang gate nila, hindi naman kasi ito naka-lock. Pumasok ako at nagtungo sa may pintuan ng bahay nila, at kumatok ako nang pangatlong beses.
Bumukas naman ang pinto at bumalandra sa aking harap ang hubad na katawan ni Joseph. Naka-shorts lamang ito at gulong-gulo pa ang buhok. Mukang kagagaling pa ito sa tulog.
I swallowed hard. Shit! Sana pala hot choco o coffee na lang ang dinala ko rito, kasi meron na pa lang pandesal dito, e!
Masarap na at mukang malutong-lutong pa!

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    Niko Abastillas

    hahah

    25/06

      0
  • avatar
    Renato Valdez

    nice

    10/04

      1
  • avatar
    Jay Ar Dimalao

    wer and I have will wait until I get home and from to a with other location team not to the police station or at the moment end the we last be able joining the team last be a good bit to for us me join us for to few days drinks from and and friend will have have be further information about the course fee and how I will not be to a for the is the best way to pay for the and is we can do to you your requirements for the rest of the team last be able joining us for and PhD rest of the study week t

    29/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata