logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Prologue

Ilang oras nang nagda-drive si Meghan sa kanyang kotse, hindi pa rin niya alam kong saan siya pupunta. Hindi niya namamalayan na basang-basa na pala sa luha ang pisngi niya. Ang masayang pamilya nila ay masisira na lang sa isang iglap.
"Ang sakit tanggapin... Subrang sakit... Bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito?" Humihikbing kausap niya sa sarili.
Hindi siya makapaniwala sa rebelasyon na nalaman niya tungkol sa pagkatao niya. Nagsinungaling ang mommy niya sa daddy niya. At ang masaklap pa, ang kinikilala niyang ama ay hindi niya pala totoong daddy dahil buntis na ang mommy niya sa ibang lalaki nang ikasal ito sa kinikilala niyang ama.
FLASHBACK
Kakatok na sana siya sa silid ng mommy at daddy niya dahil magpapalaam siyang gumala sa Mall kasama ang mga kaibigan niya ngunit narinig niyang nag-aaway ang mga ito. First time niyang marinig na mag-away ang mga magulang niya .
Kahit mali ang makinig sa pag-aaway nang mga ito ay na curious siyang pakinggan kung ano ang pinag-aawayan nila.
Pinihit niya ang door knob, at itinulak ng bahagya.
Bumungad sa kanyang pandinig ang galit na galit na boses ng ama.
"Ipaliwanag mo ang sinabi sa akin ni Sonny! Totoo bang hindi ko anak si Meghan? At siya ang totoong ama? Magsalita ka! Huwag mo akong daanin sa pag-iyak, Marissa, dahil wala nang awa na natitira pa sa puso ko para sayo." Malakas na sigaw ni Arnold.
Napatutop siya sa bibig dahil sa narinig. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig, at matuwid na napatayo.
"I'm sorry Arnold, mahal na mahal lang talaga kita kaya ko nagawang ipaangkin sayo ang anak namin ni Sonny. Hindi ko mahal si Sonny, one night stand lang ang nangyari sa amin. Lasing kami pareho noon... I'm sorry, Arnold... Patawarin mo ako." Humahagulgol na pagmamakaawa ni Marissa.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Marissa,
"Walanghiya kang babae ka! Matagal mo na pala akong niloloko! Bakit mo nagawa sa akin 'to? Nalagay sa kahihiyan ang pamilya ko sa pamilya nila Via dahil mas pinili kita. Pero sinungaling ka. Manloloko! Marissa naman! Ano ba ang nagawa kong kasalanan sayo?" Nanggigigil sa galit si Arnold.
"Please intindihin mo naman ako. Nagawa ko iyon dahil sa pagmamahal ko sayo, Arnold. Wala akong ibang minahal kundi ikaw lang."
Halos hindi magkamayaw sa paghingi ng tawad si Marissa.
"Makasarili ka, Marissa. Puro sarili mo lang ang iniisip mo. Nasaktan ko si Via dahil sayo. Alam mong mahal na mahal ko si Via pero mas pinili kita dahil ayokong lumaki ang bata na walang kikilalaning ama. Mas pinili kita kahit si Via ang totoong mahal ko, pero ito pa ang igaganti mo sa akin? Baliw ka na talaga!" Halos magtagis ang mga bagang ni Arnold sa galit at gustong-gusto niyang saktan si Marissa.
"I'm sorry.... I'm sorry... Naging desperada na talaga ako nang mga panahon na iyon. Ayokong makasal ka sa kahit na sinong babae... Pinagsisisihan ko ang ginawa kong panloloko sayo. Sana ayusin pa natin 'to, Arnold. Maawa ka kay Meghan." Paos na ang boses ni Marissa sa kakaiyak ngunit hindi na naawa pa sa kanya si Arnold.
"Huwag mong gagamitin si Meghan sa pagiging makasarili mo... Sayang, Marissa. Minahal na sana kita. Natutunan na sana kitang mahalin. Pero dahil sa ginawa mong panloloko sa akin. Hindi ka karapat-dapat sa pagmamahal at respito ko...I will never forgive you, Marissa. Sinira mo ang buhay ko. Kaya magkalimutan na tayo. Makikipaghiwalay na ako sayo. Ayokong makasama ang babaeng sinungaling at manloloko na katulad mo. Sana lang hindi matulad sa ugali mo, ang ugali ng anak mo... Bahala ka na sa buhay mo." Mabilis na nilabas ni Arnold ang mga damit sa cabinet at nag-impake.
"Arnold, pag-usapan natin 'to. Please naman. Ano na lang ang sasabihin ni Meghan. Please huwag ngayon... Maawa ka kay Meghan..." Pagsusumamo niya at kinukuha ang mga damit ni Arnold sa maleta nito.
"Stop it, Marissa. Ayoko ng makita ang pagmumukha mo. Kaya please lang, habang nasa katinuan pa ako at nakakapagtimpi pa ako . Huwag mo na akong pipigilan. Dahil baka masaktan lang kita." Tinulak niya si Marissa saka pasalampak na nilagay lahat ng damit niya sa maleta.
Nang matapos ay walang lingon- likod na lumabas. Kahit anong pigil ni Marissa sa kanya ay hindi na niya ito pinakinggan pa.
"D- Daddy.... A-Alis po kayo?" Mahinang tanong ni Megan habang nakaupo sa hamba ng pinto. Habang tahimik na humihikbi. Mabait sa kanya ang daddy niya at mahal na mahal siya. Lahat ng gusto niya binibigay nito.
Kahit dinig niya ang lahat, gusto niya pa rin itong tawaging daddy. Ang mga luha niya ay walang tigil sa pagbuhos. Ang sakit sa pakiramdam na sa isang iglap, masisira na ang pamilya nila.
Nagulat si Arnold nang makita siya kaya napahinto ito.
Bumuntong hininga si Arnold at niyakap siya ng mahigpit.
"Meghan, mahal na mahal kita. Kahit anong mangyari, ikaw ang nag-iisang prinsesa ko. At kung ano man ang mga narinig mo kanina, huwag mo nang intindihin iyon... Kung kailangan mo ako, anak. Tawagan mo lang ako. Nandito lang ako para sayo." Gumaralgal ang boses ni Arnold.
Halatang mabigat ang loob niya at ramdam ni Megan ang sakit na nararamdaman nito ngayon.
"Daddy... Mahal na mahal din po kita. Ikaw lang ang daddy ko forever..." Niyakap ni Meghan ng mahigpit si Arnold, "Daddy, isama mo na lang po ako. Ayoko po na malayo sayo, Dad." Humihikbing pakiusap niya.
"Anak, gustohin ko man pero hindi pwede. Bumalik na ang totoong daddy mo. Mahal na mahal ka niya. At alam kong magiging masaya ka sa kanya. Dalawa na kaming daddy mo ngayon." Masayang sagot nito ngunit may lungkot sa boses.
Humiwalay si Arnold sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mga luhang walang tigil sa pagpatak.
"Meghan, anak, ito lang ang tatandaan mo. Maghihiwalay man kami ng mommy mo. Kung kailangan mo ng tulong ko. Huwag kang mahihiyang lumapit sa akin. Ako pa rin ang daddy mo. At ikaw pa rin ang anak ko. Ingatan mo ang sarili mo,"
Tumango siya at niyakap muli si Arnold, "M-Mag-iingat po kayo, Dad. Sana po, hindi n'yo ako makakalimutan. Maghihintay po ako sa pagbabalik n'yo." Naninikip ang dibdib niya habang nakatingin sa pagtalikod ng inaakalang ama.
Nang mawala na sa paningin niya si Arnold, pumasok siya sa silid ng mommy niya, " Ano? Masaya ka ba sa ginawa mong panloloko sa amin? Ang galing mo talagang magsinungaling... Pinaniwala mo kaming lahat sa mga kasinungalingan mo. Nakakahiya kayo, mommy!"
"Anak, magpapaliwanag ako...." Humihikbing sagot nito.
"Wala ka nang dapat na ipaliwanag pa, dahil narinig ko ang lahat.... Mommy, ang bait ni daddy. Pero niloko n'yo lang siya. Napakadesperada n'yo. Kung mahal ninyo si Daddy palayain n'yo na siya. Hindi niya deserve ang katulad ninyong makasarili." Mabilis na umalis siya at nag-impake ng mga damit.
END OF FLASHBACK
Bumalik siya sa ulirat ng mabangga niya ang kotse sa unahan niya. Hindi niya namamalayan na red light pala, kaya bigla siyang nataranta nang lumabas ang driver ng kotse na nabangga niya at galit na galit.
Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mga mata. Magang-maga na ang mata niya sa kakaiyak niya.
"What the hell! Get out idiot! " Sigaw ng isang lalaki. At sinipa ang pintuan ng sasakyan niya.
Hindi niya malaman ang gagawin dahil bigla siyang natakot sa lalaki. Ngunit hindi pa rin nito tinitigilan ang pagsipa sa sasakyan niya.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, "S-Sorry...." Bulong niya habang nakayuko. Wala siyang lakas ng loob na tingnan ang lalaking galit na galit sa harapan niya. At nahihiya rin siyang mag-angat ng mukha dahil maga ang mata niya sa kakaiyak.
"Sorry? Is that it? Do you know how to drive or are you a complete moron? Look at the damage, my car has sustained." Iritadong singhal nito.
Inangat niya ang tingin at tinitigan ang lalaki,
"Please, let settle this in a good way. I will pay the damage." Mahinahon niyang sagot at hindi na umimik pa at hinintay ang sagot nito.
Napatitig ang lalaki sa mukha niya at nagbago ang expression ng mukha nito. Bumuntong hininga ito saka nagsalita, "If your mind is floating next time, don't drive. Consider who will be harmed if you have an accident." Masungit na sabi nito at hindi hinihiwalay ang tingin sa kanya kaya napayuko siya.
Napaigtad si Megan nang marinig ang malalakas na busina ng sasakyan sa likuran niya, "Tss..." Narinig niyang sabi ng lalaki at pumasok ito sa loob ng passenger seat, "I suppose you've lost your mind. The cop is on his way, so, do you have a driver's licence? It seems you're minor? Am I correct?" Mariing tanong nito.
Bigla siyang na bahala dahil wala pa siyang lisensiya. Student permit lang ang meron siya. Napatitig siya sa lalaki na parang humihingi ng saklolo. Tented ang kotse niya kaya hindi sila makita sa loob. Lumingon siya sa likuran at nagulat siya dahil sa haba ng traffic, "Oh, God! What have I done?" Lalong sumakit ang sentido niya at na stress kaya hindi niya namamalayan na pinapapak na pala niya ang kuko niya. Hobby na niya ang pagngatngat sa kuko niya sa kamay kapag na stress ito.
Nang ma-realize na hindi nga pala siya nag-iisa sa sasakyan niya, napalingon siya sa katabi at lalong nanliit siya sa sarili. Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya dahil sa hiya. At alam niya kahit hindi siya manalamin, pulang-pula na ngayon ang mukha niya. Mabilis na binaba niya ang kamay sa lap niya.
Makatitig 'to parang wala ng bukas! Bulong sa isip ni Meghan.
Tumikhim siya, "Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?" Pagsusungit niya, matabunan lang ang pagkapahiya.
"Ang cute mong tingnan, para kang bata!" Napahalakhak ito sa kanya. Kaya napasimangot siya at inirapan na lang niya ito.
"By the way I'm Nygel. You are?" Pakilala nito.
Hindi niya ito pinansin bagkus lumingon siya ulit sa likuran at napalaki ang mata niya ng malapit na ang police sa kinaroroonan nila. Ang nakasunod na mga sasakyan ay hindi pa rin nakaalis.
"My God... Ayokong makulong." Napahawak siya sa braso ng lalaki.
Parehas silang napatingin sa may pintuan nang kumakatok na ang police.

Komento sa Aklat (422)

  • avatar
    Mark Reandel Tabura

    gusto Nako Maka kwarta

    4d

      0
  • avatar
    Anne Gomez - Jonas

    👍👍👍

    10d

      0
  • avatar
    VillarPrinces

    kgood

    10d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata