logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

NINE LIVES MORE

NINE LIVES MORE

BabyTwenty-three


PROLOGUE

BabyTwenty-three Note:This book is a word of fiction . Any references to a historical events, real people or real locales are used fictitiously. Other names, characters, places , and incidents are products of the authors imagination and any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Copyright © 2020 by BabyTwenty-three
All rights reserved , including the right of reproduction in whole part or in part of any form.
STEALING IS A CRIME.
***** Before reading please NO PLAGIARISM!
Please have a vote, comment if you want and follow niyo na din ako for more stories. Salamat❤️
PROLOGUE:
Yasha's POV;
Siyam na buhay? Hindi ako naniniwala. Ano ako pusa? Pero sabi ng mama ko pinaglehe niya raw ako sa pusa.
Siguro nga totoo..
3 years back then_-
" Bess, sigurado kabang marunong kang magpatakbo ng motorsiklo?" Natatakot kong tanong sa kaibigan kong si Helen.
Mag roroadtrip raw kami eh, tutal magpapasukan na naman at hindi na kami makakapaglakwatsa niyan.
" Eh sa araw araw ko kayang dala 'toh, gaga." Anya niya sabay hampas sa ulo ko. Hindi naman masakit, sanay na kasi ako, manhid na'ko eh, di joke lang.
" Tara na nga excited na'ko basta ako sa gitna ah. " Aiza na hindi ko maikakaila na excited na excited siya.
" O siya, sakay na. " Anya ni helen at nauna siyang sumakay, sumunod naman si Aiza at ako na, na nasa hulihan.
" Okay na? " Tanong ni helen.
" Okay na, " nakita ko pang pag thumbs up ni Aiza ky helen.
" Okay na, ayusin mo pagdadrive mo ha, ayuko pang mamatay. " Nakangusong sabi ko. Eh sino bang gusto?
Nagsimula na ngang paandarin ni helen ang motorsiklo niya..
" Oy doon tayo oh," Anang sabi ni helen at inihinto ang motorsiklo niya sa tabi ng kalsada.
Nasa bermuda grass kami ng isang parke, nasa lugar pa namin kami, hindi naman kami lumayo, naglibot lang.
" Sandali bibili muna ako," Aiza.
" Samahan na kita," Helen.
" Sama din ako, ano iiwan niyo'ko mag-isa dito? No way." Anya ko at inakbayan sila at sabay sabay kaming bumili nang makakain namin.
Nang makabili kami ng sari-sarili naming pagkain ay naupo na kami muli sa aming pinwestuhan kanina.
" Sana magkaklase parin tayo noh," anang sabi ni Helen.
" Ikaw pa ba, napakatalino mo kaya, ako din, tayong lahat kaya paniguradong magkakaklase na naman tayo niyan.." Sabi ko rito.
" Ako kaya?" Aiza na worring worry. Sabagay simula highschool ay magkaklase at kaibigan na kami, hindi kaya kaming paghiwalayin ni tadhana.
" Hay naku! Don't worry god is good all the---." Hindi ko natapos dahil silang dalawa ang tumapos.
" MINUS!!" Sabay nilang sigaw at sabay sabay din kaming nagsipagtawanan.
Nang magsawa na kami ay napagdesisyonan na naming umuwi, hindi paman kami lumiliko ng kalsada ng biglang may sumulpot sa dadaanan naming truck.
" Bess," sigaw namin sa isa't isa sa bilis ng pangyayari ay hindi na namin namataan pa kung pa'no kami natilapon paisa isa. Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko ang dalawa kong kaibigan na duguan na katabi kong nakahiga na din sa daan.
" Beess, be---"
_________
Isang minuto makalipas ang pangyayari...
" Anong nangyari?" Anya ko kina Aiza at Helen.
" Bess, bu-buhay pa tayo? Bess anong nangyari? Bakit nasa parke pa tayo? Bess may himala!" Nalilito, at hindi ko malaman ang sasabihin ko, naghalo halo nang emosyon ang umani sa'kin. Pinagyayakap ko din sila.
" Anong buhay? Aba malamang bakit namatay ba'ko? " Helen.
" Oo nga, silence na silence ka kanina tapos ginugulat mo kami, aba bess baka hindi kalang nakainom ng gamot." Biro naman ni aiza.
" Hindi niyo kasi naiintindihan!!" Sigaw ko.
" Ba't mo ba kami sinisigawan?" Helen.
" Hindi. I mean bess kanina kasi muntik na tayong masagasaan, nakita pa mismo ng dalawang mata ko bago ako mawalan ng malay na duguan din kayo, bess bumalik ang oras, tingnan niyo oh andito tayo sa parke." Nagmukha na nga akong baliw sa pag eeksplin ngunit hindi parin nila makuha ang punto ko at ipinahihiwatig ko. Hindi ako nababaliw, kanina talaga naaksidente kami at muli kaming nabuhay...
Hindi din ako naghahalucinate. Wala akong sakit.
" Ay, ewan sa'yo. Tara na at aalis na tayo baka hinahanap na tayo ng mga magulang natin." Helen na tumayo.
" Sa-sandali.." Tumayo din ako.
" Ganito, hindi naman kayo naniniwala kaya ganito maglalakad tayo at may ituturo ako sainyong daan kapag sinabi kong stop ihinto mo ang motor ha,"
" Bakit ba?" Helen.
" May aksidenteng magaganap roon."
" Anong aksidente?" Aiza.
" Basta, makikita niyo na lang."
" Grabe naman, nakakatakot kana ah." Aiza.
" O siya sakay na." Helen. Ayaw ko man sana muling sumakay sa motor dahil sa nangyari pero sigurado ko namang wala ng mangyayari sa'min.
Sumakay na nga ako, nasa hulihan akong muli.
Nang mapapalapit na kami sa kaninang daan na tinahak namin ay nagsalita na ako.
" Stop, ihinto mo ang motor mo, tingnan niyo bibilang ako ng tatlo at may biglang susulpot na truck riyan at mabubungo 'yung kotseng 'yun." Turo ko sa kotse na papaliko na sa kaninang dinaanan namin, kung hindi ako nagkakamali sila 'yung nasa likuran namin bago mangyari ang aksidente sa'min.
" I.. 2.. 3..." Bumilang nga ako pero walang lumabas.
" O asa'n naman?" Aiza.
" Tara na nga, mababaliw lang tayo kung maghihintay pa tayo baka mapaga--"
_-BOGSSSS!!!
Sa oras na iyon ay sumulpot nga ang truck na sinabi ko at nabunggo ang papalikong kotse..
" Sabi na sainyo eh," Anya ko na confident na confident pa.
" Wahh. Totoo nga. Nakita mo 'yun?" Aiza na pinaghahampas pa si helen dahil hindi makapaniwala sa nakita niya.
" Oo nakita ko, ng--- ng dalawang mata ko." Helen. Sabay kuyos kuyos pa ng dalawa niyang mata na para bang namamalikmata lang siya.
" Pa'no? Pa'no mo alam bess?" Sabay pa nilang wika sa'kin na mukhang amze na amaze pa sila sa'kin.
_- End of flashback
Simula ng araw na iyon ay naniniwala na sa'kin sina Aiza at Helen at tanging ako lang talaga ang nakakaalam at hindi nakakalimot sa pangyayari kapag nabubuhay ulit ako.
Ako si Yasha Sarsilmaz, anak nina Yino at Mharsa Sarsilmaz. Kinse anyos at sa pasukan ay Grade 11 na'ko. Ako ang nag-iisang anak nina Mama't papa, si papa ay isang empleyado sa kompanya habang si mama naman ay may sariling malaking tindahan, hindi naman napakalaki.
Natatakot ako na baka isang araw ang kabutihang dulot ng siyam na buhay ko ay mapalitan ng kamalasan at sa mga panahong iyon baka hindi ko na kaya pang maireset pa ang nakaraan dahil naubos na ang siyam kong buhay. Bakit lahat kailangang mamatay? Bakit may gustong mamatay? Hindi lahat ng kumikitil ng buhay ay nagiging masaya, nagpakamatay sila dahil hindi na nila kaya.
Iba ang namatay sa nagpakamatay, ang namatay ay kusa pero ang nagpakamatay sinadya.
Ngunit tatanggapin pa kaya ako ni lord dahil sa pagliligtas ko sa kanila? Hindi kaya siya magagalit? Pero sa tingin ko napakabait niya para magalit, hindi siya ganu'n. Mahal ko ang mundo at mga tao na nakapaligid sa'kin. kung kinakailangan kong mamatay araw araw o kaya naman ay kunin na'ko ni lord kapalit ng walang hanggang buhay sa lupa ay gagawin ko pero walang ganoon sa mundong ito. Lahat namamatay at kailangang mamatay.

Komento sa Aklat (226)

  • avatar
    Sonnie

    highly recommended. Super worth to read talaga siya,lalo na iyong pa twist ni Author. So ayon nga, kudos sayo author❤️

    26/07/2022

      0
  • avatar
    ArkanghelLolita

    Go go misss a... addicted ako sa story niyo

    14/07/2022

      0
  • avatar
    BalaoraMaedungke

    😃. Plot and twist also characters are so very nice, amazing. keep updates po Miss. A

    14/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata