logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 06

GSA06.
Sabay kaming naglakad ni Theo papunta sa main gate ng paaralan. Maingat at medjo ika-ika siyang naglalakad dahil kapag hindi niya gagawin iyon ay paniguradong mas lalong bubuka ang kanyang sugat. Gusto ko siyang alalayan pero hindi ko alam kung papaano at natatakot rin akong gawin iyon. Natatakot akong hawakan siya lalo pa at ako ang dahilan kung bakit iyan ang nangyari sa kanya.
Biglang napatigil sa paglalakad si Theo at napatigil rin ako. Hindi ko pa siya kayang tignan dahil natatakot parin ako. Dahil ngayon lang siya napahamak ng ganito dahil sa akin. Bumagsak lang ang mga tingin ko kasabay ang mga balikat ko.
"Joji" pagtawag niya pero hindi ko siya nagawang lingunin.
Tumikhim siya bago nagpatuloy. "'Wag na po kayong mag alala. Ayos lang naman ako tsaka, hindi mo naman talaga kasalanan dahil hindi mo naman ako inutusan na umakyat din doon. Wala ring may gusto sa nangyari."
Hindi ako sumagot at nagsimula na ulit na maglakad. Randam ko ang agaran niyang pagsunod sa akin. Nagiging mabigat ang bawat hakbang ko. Nagiging seryoso rin ang kanyang boses.
Nakatingin lang ako doon banda sa may sugat niyang may benda na sanitary pad ko. Maingat na maingat niya iyong hinawakan.
"Alam ko na 'yang mga iniisip mo pero kung pwede lang sana ay 'wag na 'wag mong sisihin ang iyong nangyari sa aking sinapit."
Todo ang mga paalala niya. Pero hindi lang iyon ang naiisip ko. Alam ko na makikita iyon ng kanyang mga kaibigan at magulang niya at kapag tinanong siya ng mga ito ay natitiyak kong magsisinungaling na naman siya. Pagtatakpan na naman niya ako gaya ng madalas niyang ginagawa.
Kailan ba ito matatapos?
Kailan ba ako magiging matapang para harapin ang mga bagay na siyang kinakakutan ko?
Hindi naman siguro maaaring ganito nalang palagi. Ako iyong may kasalanan pero ibang tao iyong naiipit. Hindi iyon tama. Hindi ito tama.
Pagdating sa gate ay pinapasok lang kami kaagad ng gwardiya ng walang kung ano mang taong. Sigurado akong kilala ako noon dahil kahit hindi ako nagsasalita ay magalang parin siyang kumausap sakin at sa aking kasama.
Aaminin ko na minsan gusto ko rin iyong ganito. Iyong tipong hindi ka na inuusisa pa ng mga tao sa paligid mo dahil kilala nila kung sino ka. At sa bawat galaw mo parang sumasagot na iyon sa bawat katanungan na nais nilang isatinig. Pero kahit na ganoon ay may iba paring tao na iba ang iniisip. Na kapag anak ng isang mayaman, politiko, o kilalang tao ay siguradong hambog at arogante na agad. Hindi pa nila kilala iyong tao pero nauuna ang mga panghuhusga nila. At iyon ang hindi ko gusto.
Sabagay, ano ba naman ang pwede mong asahan sa mga ganoong klase ng tao? Iyong puro negatibo ang lumalabas sa bibig. Iyong tipo na sa bawat solusyon mo ay may problema sila.
Nang malapit na kaming makarating sa mismong silid namin ay muli na naman akong pinaalalahan ni Theo. Nakangiti siya habang kaharap ako at ako naman ay nanatiling seryoso ang tingin sa kanya.
"Pag nagtanong sila tungkol dito, sabihin mo na wala kang alam."
Tumango lang ako kaya napangiti siya. Ayaw kong kumontra pa sa mga sinasabi niya at baka mag away lang kami. Panigiradong ililihim lang niya ang tungkol sa totoong rason noon at kung bakit iyon nangyari. Sa ngayon ay papayagan ko muna siya pero baka mamaya ay hindi na.
☽ ☽ ☽
Pagkatapos ng klase namin ay nauna akong lumabas at nagtungo kaagad sa labas. Nahuli si Theo sa akin dahil nga kinausap pa siya ng mga kaibigan niya. Alam ko na ang mga magiging sagot niya at ayaw ko iyong marinig ko iyon ng harap harapan dahil sasampalin lang ako ng mga salita na iyon.
Gustuhin ko Mang hintayin siya pero hindi ko rin kayang pigilan ang mga paa sa paghakbang nito.
Pagkarating ko sa kotse ay tinanong ano ni Mang Dulo.
"Joji nak, si Theo?"
Literal akong natigilan. Agad akong binundol ng matinding kaba. Sinubukan kong lumingon pero wala akong nakitang paparating. Wala akong ideya sa kung ano ang dapat kung sasabihin pero isa lang ang naisipan kong gawin at iyon ay ang hindi na magisisinungaling.
"Nasa... nasa loob pa po... kausap ang mga... kaibigan niya..." yumuko nalang ako pagtapos hindi makapagsalita ng maayos.
Magaan na ngumiti si Mang Dulo. Lagi naman. Walang duda na sa kanya nagmana si Theo. "Ganoon ba? Ah sige, hintayin nalang natin."
Hindi ako nakasagot. Tulala lang ako sa kalsada.
"Ayos kalang Joji nak?" tanong niya ulit.
Muli akong natigilan sa tanong ni Mang Dulo. Dahil para sakin hindi lang iyon basta bastang tanong lang. Mahalaga iyon sakin. Iyon ang pinakapangarap kong marinig mula sa mismong mga magulang ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa talaga nagawang marinig. O kahit biro nalang. Kahit... sa panaginip nalang.
Kaya minsan napapaisip ako. Kung maayos lang ba talaga ako tignan? Kase para sa akin hindi.
Gaano nga ba ako kagaling sa pagpapanggap? Gaano pa ako kagaling sa pagtago ng aking mga saloobin na talagang inakala ng mga magulang ko na ayos lang ako? Talaga bang hindi nila nakita o napansin man lang iyon? O sadyang wala lang talaga silang pakialam? Marami mga katanungan na nabubuo sa aking isipan at sa huli ay ang naiisip ko ay mas nauuna iyong trabaho kaysa sakin. Palagi.
Pero may mga tao talaga na kahit hindi ka nagsabi, kahit walang salitang namutawi sa iyong labi ay alam nila. Nalalaman nila. Malalaman nila. Sa isang tingin lang. At naniniwala ako na sila iyong mga tao na higit na nakakakilala sayo.
Matagal bago ako tumango.
"Sa loob kana lang maghintay nak." Pagkatapos sabihin iyon ay pinagbuksan na ako ni Mang Dulo ng pintuan ng kotse. Tahimik naman akong pumasok.
Ilang minuto pa ay dumating narin si Theo. Napapikit ako nang narinig ko siyang tinanong ng kanyang ama kung ano ang nangyari at bakit nakahawak siya sa gilid ng kanyang tiyan at kung bakit ganoon siya naglakad. Gaya ng inaasahan ay nagsinungaling nga siya.
"Ayos lang po ako Tay." Nagawa niya pa talagang tumawa pagkatapos magsinungaling sa kanyang ama.
"Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari, Theodehn." seryosong sabi ng ama niya at may bahid rin ng pag aalala sa kanyang boses.
Umusog ako malapit sa may bintana para mas makita sila at mas marinig ang kanilang pag uusap. Nakita kong napakamot ng ulo si Theo.
"May mga lalaki pong naghahabulan don kanina tapos nabangga po nila ako at natumba doon sa may kawad. 'Wag na po kayong mag alala, Tay. Malayo naman po ito sa bituka." Sa kanyang tono ay nangingibabaw ang pangungumbinsi nito sa ama na paniwalaan siya.
"Tsk. Bakit ba may kawad? Delikado iyang mga ganyan anak... dapat inaalis iyon. Sabihan mo ang titser mo na ipaalis iyong kawad bago pa may ibang madisgrasya doon. Teka at kakausapin ko muna ang gwardiya."
Pinigilan niya ang ama na nanglalakad patungong guard house. "Tay, ako na po, bukas."
"Ako na nang maialis kaagad iyon para wala ng magaya pa sayo. Pumasok kana at madali lang itong gagawin ko" pinal na wika ni Mang Dulo at ngumiti sa kanyang nag iisang anak at tinapik ito sa balikat.
Napakabuting ama. Sana ay maging katulad niya rin si Theo paglaki niya.
Nang binuksan na ni Theo ang pintuan ay kaagad akong umusog sa kabila. Matamlay siyang ngumiti sakin bago tuluyang pumasok at maupo sa aking tabi. Pagkaupo niya ay agad siyang sumandal at pumikit.
I wanted him to know that I very blessed to have him in my life. I wanted to thank him for always there when I need someone—who's always ready to back up. In all ways, I got his back, always. He always saves me from anything—from everything.
But I didn't knew how to.
My father thought me to be thankful in everything—whether how big or small it is. He always remind me to be thankful to the people especially those who help you.
Yet it wasn't easy for me. I tried to but I always end up backing out. That's how good I am when it comes to hiding and escaping.
Maybe at the right time I could.
Sandali akong napatitig sa kanya. Gusto kong magpasalamat sa kanya para sa lahat ng mga naitulong at nagawa niya sakin pero... parang hindi niya ko na yata ito kayang tanggapin. Ang harap harapan siyang magisisinungaling sa kanyang ama para mapagtakpan ako. Para matabunan ang mga kamaliang ginawa ko.
Hindi ito tama at hindi ito nakakabuti. Kailangan na itong matigil.
Nang makarating kami sa bahay ay kaagad kong pinuntahan si Aling Martina, at sumama ako sa kanya pabalik sa bahay nila. Bahagya siyang natigilan ng makita ang sitwasyon ng anak. Kasalukuyan itong ginagamot ng kanyang Tatay.
Kaagad siyang dumalo sa anak na ngayon ay nakaupo lang sa kanilang sofa. "Anak, anong nangyari sayo?" puno ng pag aalala ang kanyang boses.
Bago pa siya makasagot ay inunahan ko na siyang magsalita. Mula sa pinto ay naglakad ako papalapit sa kanila. Ikinagulat nila ang aking ginawa. Yumuko ako tsaka nagsalita ulit.
"Ako po ang may kasalanan."
"Joji" hindi makapaniwalang saway ni Theo.
"Tumakas po ako kanina noong dumating si Mama sa paaralan. Umakyat po ako sa pader at sumunod po ng akyat si Theo sa akin." Huminga ako ng malalim. "N-Nasagi po siya doon... sa kawad."
Ito ang kauna unahang pagkakataon na nautal ako at natakot ng husto. Dahil lagi akong kalmado tuwing nagsasalita at hindi ako kailanman natakot sa mga bagay bagay. Ngayon ay mukhang nadiskubehan ko na kung saan talaga ako tunay na takot.
Ang makitang nasasaktan ang mga taong malapit sa aking puso.
"Diyos ko..." napasapo sa noo si Aling Martina kaya kaagad ko siyang dinaluhan at hinawakan siya sa balikat niya.
Umiling si Mang Dulo kaya kaagad rin akong binundol ng matinding kaba. "E, ang hina pala nitong anak natin, Tina. Isipin mo 'yun? Si Joji na babae nagawang umakyat doon ng walang galos pero itong anak natin na lalaki--"
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan Teodulo!" pagsaway ni Aling Martina sa asawa.
"Pasensya na po kayo, Aling Martina, Mang Dulo" paghingi ko ng tawad at yumuko.
Nagulat ako nang hiwakan ni Aling Martina ang aking kamay. "Basta ipangako mo sakin na hinding hindi niyo na uulitin iyon." Marahan akong tumango. "Theodehn?" baling niya kay Theo.
"Opo, hindi na po mauulit. Sorry po Nay, Tay sorry po dahil nagsinungaling ako kanina."
"Ayos lang basta mangako ka sakin na hinding hindi mo na ito uulitin ha, kayong dalawa anak, Joji."
"Pangako po." Nagkatinginan kami ni Theo ng sabay kaming sumagot noon. Pati si Mang Dulo ay napabaling samin kaya kaagad konh pinutol ang tinginan naming dalawa.
Umupo ang Nanay ni Theo sa kanyang tabi at bahagya nitong sinuri ang sugat sa gilid ng tiyan habang nililinisan at ginagamot rin ito ng kanyang Tatay. Hindi naman malalim ang kanyang sugat pero medjo mahaba ang pagka hiwa noon.
"Sandali, bakit may napkin?"
Umiling si Mang Dulo. Tinignan ko si Theo ng bahagya at pinandilatan pero humagalpak lang sa tawa ang walang hiyang si Theo. Natigil lang noong gumalaw ang tiyan niys at medjo bumuka ang hiwa doon. Ayan, tumawa pa kase.
"Naku, ikaw talagang bata ka! Bakit iyan ang ginamit mo? Wala ka bang panyo man lang?" sunod sunod na tanong ni Aling Martina.
"E 'yan po ang unang sumagi sa isip ko Nay! Tsaka maayos naman po siya dahil malaki at maluwag, sakto lang sa sugat ko at hindi rin siya mainit nay."
Pagkasabi ni Theo non ay malakas na hampas ang inabot niya mula sa kanyang Nanay. "Kay Joji ba iyan? Naku! Pasensya kana Joji anak, papalitan ko nalang iyan."
"'Wag na po kayong mag abala. Wala po 'yun."
"E gagamitin mo 'yun anak--"
"Marami pa po akong extra, Nay. Hindi ko nga po alam kung bakit may ganyan si Theo sa loob ng bag niya, nagulat rin po ako."
Bahagya akong napaatras ng tumayo si Aling Martina mula sa pagkakaupo at iniligay ang dalawang kamay sa beywang. Ngayon ay nakapameywang na siya sa harap ni Theo at mataray na hitsura. Pinaningkitan rin siya ng mga mata nito.
"Ninakaw mo ba 'yan Theoden?"
"Nay! Nay hindi po! Nakita ko lang po 'yan sa garden kaya binulsa ko po tsaka tinago ko nalang po sa bag incase na biglang dalawin si Joji Nay, nagsasabi po ako ng totoo!" tarantang sagot ni Theo na halatang nagpipigil lang din sa pagtawa.
Humalakhak si Mang Dulo. "Kailan pa iyan Theo?"
"Hindi ko na po matandaan Tay."
Napabuntong hininga si Aling Martina. Tumayo narin si Mang Dulo nang matapos sa ginawa. Binilan niya si Theo ng kung anong dapat nitong gawin. Habang nag uusap sila tungkol doon sa nangyari sa nag iisang anak nila ay tinulungan ko si Theo na makatayo at inakay papunta sa kanyang kwarto.
Maya maya pa ay nagpaalam na si Aling Martina na babalik na daw siya ng bahay dahil kailangan niya pang maghanda ng hapunan. Si Mang Dulo naman ay tinawagan ni Papa kaya kaagad ring umalis. Kami nalang dalawa ni Theo ang naiwan doon.
"Salamat."
Tumango ako. "Mabuti nalang at Sabado bukas" sabi ko ng tukuyan na siyang makaupo.
Tatayo pa sana siya ulit para magkuha ng damit pero pinigilan ko siya at nag presinta na ako nalang ang gagawa noon. Tumayo ako nagtungo sa kanyang cabinet at naghanap doon. Nang makakita na ako ay inilapag ko lang iyon sa tabi niya at umambang lumabas ng kwarto pero mabilis na nahawakan ni Theo ang pulso ko.

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    John Jelo Pasion

    Ganda super

    20/08

      0
  • avatar
    MontejoRaymond

    500

    15/08

      0
  • avatar
    FFEmpresrio

    tvvyyg

    18/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata