logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 04

GSA04.
Kinabukasan nang magising ako ay hindi muna kaagad ako bumangon. Maaga akong nagising dahil maaga akong pinatulog ni Theo kagabi. Naalala ko pa siyang sinusuklay ang aking buhok gamit ang daliri niya para daw makatulog ako kaagad at iyon naman ang nangyari. Ngayon ay wala na siya at maayos narin ang kwarto ko.
Nang napagdesisyonan kong bumangon ay wala akong ibang pinuntahan kundi ang banyo para makaligo. Parang wala ako sa mood magmukmok dito sa kwarto kaya bababa nalang ako para puntahan si Theo. Paniguradong gising na iyon dahil maaga talaga iyon siyang nagising.
Mabilis at tahimik akong bumaba ng hagdan at mukhang hindi pa gising si Mama, pero iyong mga katulong namin ay abala na sa kani-kanilang mga gawain. Hindi pa naman ako nakaramdam ng gutom kaya dumiretso lang ako palabas.
Pagkalabas ko ay agad na hinanap ng mga mata ko ang walis. Medjo marami kaseng mga tuyong dahon dito malapit sa may pool tsaka patio narin dito sa buong lawn namin. Abalang abala kase iyong mga katulong namin at mukhang may magaganap na naman dito sa bahay dahil hinahanda nila iyong mga kagamitan na nailalabas lang sa tuwing may bisita. Kabilang na doon ang mga ginto na mga kagamitan. Ayaw ko namang mapagalitan sila ni Mama dahil hindi nila ito nilinis lalo pa at sinusunod lang nila iyong lahat ng mga utos ni Mama sa kanila. Isa pa, kaya ko namang gawin dahil madali lang. Bakit kailangan ko pang iasa sa iba?
"Ay naku po, ako na riyan" narinig kong biglang sinabi ni Theo na mabilis na naglalakad palapit sa akin pero hindi ko siya tinignan.
"Ako na, ayos lang naman" sagot ko at nagpatuloy sa pagwawalis. Kaonti nalang ang matatapos ko narin.
"Sigurado ka ba?" tanong niya dahil halatang hindi siya kumbensido sa naging sagot ko.
Tsaka nalang ako tumingin sa kanya at tumango. "Paki timpla nalang ako ng kape."
Akala ko ay umalis na siya para sundin iyong inutos ko sa kanya pero nagulat ako nang bigla niyang kinapa iyong noo ko. Bigla naman akong nakaramdam ng init sa nang dumapo ang daliri niya saking noo. Nag aalala ako saglit at baka isipin niyang may lagnat ako kahit ang totoo ay wala naman. Baka rin ay lagnatin nalang ako bigla dahil sa ginawa niya.
Huminto ako sa pagwalis nang marinig ko ang lakas ng pintig ng dibdib ko. "Anong ginagawa mo?"
"Tinitignan ko lang at baka may lagnat ka dahil ngayon lang kita nakitang humawak ng walis at nag wawalis" nahihimigan ko ang asar sa kanyang boses.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Akala ko pa naman ay talagang nag aalala siya sa akin.
Matalim ko siyang tinignan. "Ang dami mong sinasabi. Sibat na."
Tumawa siya ng bahagya bago umalis. Nagpatuloy lang ako sa pagwawalis habang nakapuyos ang aking labi. Para kase kahit anong minuto ay tatakas doon ang ngiti. Maya maya pa nang natapos narin ako ay dumating na siya dala ang kape.
At isang panyo?
Sabay kaming umupo doon sa bakal na upuan. Maingat niyang inilapag ang isang tasa ng kape sa mesa at pagkatapos ay inilahad sa akin ang panyong nakasabit sa kanang parte ng balikat niya.
"Salamat" sambit ko. Kita ko siyang ngumiti sa gilid ng aking mga mata kaya nag angat ako ng tingin pero kaagad naman niyang iniwas ang tingin.
Pagkatapos punasan ang mukha ng panyo na amoy Theo ay marahan kong kinuha ang tasa ng kape na may kaonting usok sa babaw nito. Humigop ako roon at tuluyan ng nakaramdam ng kaginhawaan sa aking buong sistema. Kampante naman ako dahil herbal ang kape na pinapainom ni Theo sa akin kaya alam kong hindi ito delikado. At kung mamatay man ako ay hindi iyon dahil sa malalang palpitation.
Maya maya pa ay itinaas ko ang dalawang paa dahil randam kong nangangati iyon. Hindi ko lang kinamot at baka mamula masiyado. Bigla namang tumayo si Theo at ngayon ay nasa dulo na siya ng mga paa kong nakataas. Nagtataka ko siyang tinignan. Mas lalo lang kumunot ang noo ko ng may hablutin siya na isang maliit na kulay berde na tube galing sa kanyang bulsa.
Pinanuod ko siyang buksan iyon at kumuha ng maliit na amount saka pinahid sa nangangati kong mga paa. Kahit ano mang isipin ko ay wala talaga akong ideya kung paano niya nalaman na may allergy ako sa mga damo. Hindi ko naman iyon nasabi sa kahit na sino.
"Bakit inchik inchik 'yan? Baka mas lalo lang mangati 'yang paa ko dyan?" hindi ko na napigilang magtanong nang mas lalong kumati ang mga paa ko. Iginalaw galaw ko nalang iyon dahil gustong gusto ko nalang talagang abutin ang mga paa ko at kamutin pero ayaw ko rin namang pumula lang lalo.
Pumikit ako ng mariin dahil pakiramdam ko ay mas lalo lang akong matutuksong galawin iyon kapag nakabukas ang mga mata ko. Sumandal ako at hinampas hampas ang mga iyon. Narinig ko siyang mahinang tumawa kaya idinilat ko ang mga mata ko tsaka siya umayos.
Tumikhim siya bago magsalita. "Hindi po inchik inchik ang pangalan niyan. Flucinonide ointment po yan para hindi na mamula at mangati ang mga paa mo" paglinaw niya.
Nang tumayo at umalis si Theo ay tahimik lang akong sumunod sa kanya. Sakto namang paglabas ko ay nagsidatingan narin iyong mga sasakyan na panigurado ay ang mga bisita ni Mama. Dito muna ako kina Theo tatambay at tsaka na ako babalik doon kapag wala ng tao. Alam ko naman na hindi na hindi naman gawain ni Mama na ipakilala ako sa mga kaibigan niya—mapapolitika o hindi.
Si Papa lang iyong proud na proud akong ipakilala sa mga kaibigan niya at madalas niyang sinasabi ay masaya daw siya dahil ako ang naging anak niya. Dyan palang ay klaro na ang pagkaka iba nilang dalawa.
Hindi na nagulat si Theo nang malaman na nakasunod lang ako sa kanya. Pagdating doon sa bahay nila at humiga lang ako sa mahaba at nag iisa nilang sofa sa kanilang sala habang pinapanuod ko siyang pabalik balik sa harapan ko dahil may ginagawa siya at hindi ko alam iyon. Ilang saglit pa ay binigyan niya ako ng malaking unan.
Napansin ko siyang nagbihis ng puting damit na tinanggalan ng sleeves. Ngayong nakaupo siya katapat ko ay hindi maiwasan ng mga mata ko ang tumingin doon sa gilid ng kanyang damit. Hindi naman ako malikot na tao kaya lahat ng likot ko sana ay katuwa-tuwang napunta sa aking mga mata.
"May gagawin ka?" Sinadya kong itanong iyon para mailigaw ko ang mga mata ko.
"Magluluto ako. Ayos ka lang ba dito?"
Umiigting ang buo niyang boses sa aking tainga.
Tumango ako at palihim na lumunok. "Gusto kong tumulong Theo."
"Hindi na, magpahinga ka nalang" sambit niya at tuluyan ng tumayo pero bago pa siya makalayo ay nagsalita ulit ako.
"Turuan mo akong magluto" seryosong wika ko.
Gulat siyang lumingon sakin na para bang sobrang magic iyong sinabi ko. Unti unti namang gumuhit ang ngisi sa kanyang mga labi. Nagtungo siya sa kanyang kwarto at pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang apron. Hindi ko alam na kahit sa simpleng pagluluto lang at kailangan parin pala ng apron. Baka naman ay nahawa na si Theo sa kaartehan ng mga kaibigan niya.
Parehas kami ng apron na ginamit. Iyong sa kanya ay iyong malaki at sa akin iyong sakto lang sa laki. Nahirapan ako sa pagtali doon dahil hindi ko iyon alam pero bigla ko nalang naramdaman ang mga kamay niya sa mga kamay ko na para bang tinuturuan niya ako kung paano itali iyon. Gamit ang kanyang ulo at itinagilid niya ito at bahagya niyang tinignan ang apron sa harapan para siguro malamang niya kung maayos ito. Saglit na nagkatagpo ang mga mata namin pero mabilis akong umiwas at lumayo sa kanya.
Tahimik akong nakinig at nanuod kay Theo. Mataman siyang nagsasalita at panay rin ang tango ko roon. Hiyaan niya akong maghiwa doon sa mga karne ng manok habang naroon siya gilid ko at sinusubaybayan ang ginagawa ko. Naaliw naman ako sa ginagawa. Napagtanto ko na hindi naman pala nakakaburyo itong pagluluto.
Nang mailagay na ang mga hiniwang karne sa kaldero ay sumunod naman ay sa gulay naman ako. Tinuruan ulit ako ni Theo kung paano hiwain iyong mga pecthay at pati narin iyong gabi at sayote—ayon kay Theo. Medjo nahirapan ako sa pagbabalat sa gabi at sayote kaya siya na ang gumawa noon.
Sinabi ni Theo na kailangan daw muna naming hintayin bago lumambot ang karne at tsaka na daw namin ilulunod iyong mga natitirang sahog doon sa tinulang manok. Habang naghihintay ay tinulungan ko siyang linisin at ligpitin ang mga pinagbalatan at kung ano pang nakakalat doon. Sinilip ko saglit iyong kaldero na nakasalang at inayos iyong mga kahoy tsaka bumalik sa pagka upo.
"Napagod ka ba?"
Kahit sa simpleng tanong na iyon ni Theo ay ramdam na ramdam ko ang pag aalala doon. Umiling lang ako sa kanya at tumango tango. Senyales na gusto ko at naaaliw ako sa aming ginagawa. Nang tumayo siya ay tumayo din agad ako. Nakahiwalay kase ang lulutuan nila sa kanilang bahay. Naka dirty kitchen sila kaya mas lalo akong naging kuryoso kung paano nila ginagawa iyon.
Gamit ang pot holder ay kinuha niya iyong takip ng kaldero at mabilis ko nang inilunod ang gabi at sayote doon at nang natapos ay ibinalik niya rin ang takip. Ang usok na nanggaling doon ay sapat na para balutin ang aming ilong at para makaramdam kami ng biglaang pagkagutom.
"Maghintay ulit tayo ng ilang minuto nang tuluyan nang lumambot ang lahat at tsaka na natin ilulunod ang petchay at ang... Hala! Muntik ko na makalimutan!" pagkasabi niya noon ay matulin siyang tumakbo palabas. Hindi ko alam kung ano ang kulang doon dahil bigla lang naman siyang lumabas at hindi naman niya tuluyang binanggit.
Hindi agad nakabalik si Theo kaya nagsimula na akong mag alala. Hindi ko kase alam kung ilang ang saktong minuto sa ilang minuto na sinabi niya kanina. Baka kase ay oras na tapos hindi pa nailunod. Nagpasya akong hintayin nalang siya ng ilan pang saglit. Tutal ay kasabay rin namang ilulunod ang dahon ng petchay at kung ano man iyong kinuha niya at sa kung saan man iyon.
Pagbalik ni Theo ay kinuha na niya kaagad iyong dahon ng petchay at siya na ang naglunod noon kasabay sa dahon ng sili, sili at iyong nilukot na hindi ko alam ang pangalan. Nilagyan din niya ng kaonting asin. Iyon pala iyong kinuha niya kanina, kung makatakbo parang mauubusan na talaga. Sinabi niya naman ulit na kailangan lang ng ulit ng ilan pang minuto para mabantayan iyon at nang sakto talagang maluto iyon.
Sa wakas ay natapos narin namin lahat iyon. Nailunod na ang petchay at hinihintay nalang namin iyong maluto na talaga. Habang naghihintay ay naghanda na ng mga plato si Theo.
"Kakain na tayo?" tanong ko dahil mamayang tanghalian pa sana iyon dahil dito naman nananghalian si Mang Dulo—iyong tatay niya.
Hindi siya sumagot kaagad. Inalis niya muna ang kaldero sa kalan at kinuha ang takip bago bumaling sakin. "Kakain tayo dahil ang sabi ni Nanay ay kahit tinapay ay hindi ka daw kumain kanina."
Dyan magaling si Theo, sa pagchi-chismis sa Nanay niya kahit kalalaki niyang tao. Talaga ngang naimpluwensiyahan na siya ng mga barkada niya. Nahawa na siya kina Conrad at Oscar na parang hindi nauubusan ng sinasabi. Iyong si Guia lang ata ang medjo tahimik sa kanila.
Pinanuod ko lang siyang magkuha ng ulam at kanin doon. Nilagyan ko nalang ng tubig iyong pitsel nilang walang laman. Pagkatapos ay sabay narin kaming kumain. Natakam ako sa sabaw dahil sa amoy palang ay halatang masarap na. Mainit ang panahon at ganoon rin kainit ang sabay kaya tagaktak ang pawis naming dalawa habang kumakain.
"Masarap ba?" tanong niya pagkatapos humigop sa sabaw.
"Anong nilagay mo dito?"
"Secret po 'yun" sagot niya at humalaklak.
Sa tawa niyang iyon ay muntik na akong mahulog sa aking kinauupuan. Puro at buo iyon na kay sarap ang dulot noon sa tainga. Idagdag pa doon ang nawawala niyang mga mata sa tuwing ginagawa niya iyon.
Nang natapos kaming kumain ay tinulungan ko siyang magligpit at maghugas ng pinagkainan namin kahit pa todo tanggi siya. Wala naman siyang magagawa dahil ayaw niya namang magalit ako. Pagkatapos ay tumambay lang kami sa kanilang sala.
Hindi parin nagpapalit ng damit si Theo at ayaw kong bumagsak na naman doon ang mga mata ko kaya kumuha nalang ako ng dyaryo ka nakalagay sa ilalim ng mesa nila para naman doon lang ang mga mata ko.
"Joji."
"Hmmm?"
"Joji" pagtawag niya ulit.
"Hmmm" sagot ko ulit pero hindi ko parin inalis ang tingin doon sa dyaryo na binabasa ko.
"Jorjynna Dawn."
Tsaka nalang ako nag angat ng tingin nang marinig ko na ang buo kong pangalan. Hindi lang iyon dahil medjo seryoso narin iyong boses niya. Ano bang meron? Galit ba siya?
"Sa susunod na tatawagin kita, huwag mo kang sumagot ng hmmm" panggagaya niya pa sa tono ko kanina.
Tanging nagtatakang mukha lang ang ibinaling ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit seryoso siya at bakit nahihimigan ko ang pagbabanta sa kanyang boses. Ano naman kung 'hmmm' lang iyong sinagot ko? Hindi pa iyon maaari? Kailangan bang pormal talaga iyong sagot ko?
Mataman niya akong tinignan. "Kase hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nag iiba ang pakiramdam ko kapag naririnig kitang ganoon ang iyong sagot."

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    John Jelo Pasion

    Ganda super

    20/08

      0
  • avatar
    MontejoRaymond

    500

    15/08

      0
  • avatar
    FFEmpresrio

    tvvyyg

    18/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata