logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Gloomy Skies Above

Gloomy Skies Above

Cali Cuesta


Beginning

GSABeginning.
"Here's your gift for working hard and for your loyalty here in Vespedia Law Firm." Eli said, sighing while carrying the tons of files.
Saan na naman kaya nagpunta si Gabo at trabaho niya pa naman ang magdala ng mga panibagong files dito opisina. Tinapunan ko lang ng tingin ang table ni Gabo at wala ang kanyang suit doon. Malamang ay umalis.
Pagod ko siyang binalingan. "I don't need any gifts. Please proceed to your table, Attorney Azar." Sumandal ako sa aking swivel chair.
She meticulously rolled her eyes. "Na-receive ko na po 'yung akin kanina lang kaya sayo naman ngayon, Attorney Rodriguez."
Matapos ipatong ni Eli sa mesa ang patong patong na files ay bumuga ako ng hangin at saglit pang natulala doon. Hindi ko pa tapos iyong kahapon na dala ni Gabo at ngayon, may panibago na naman.
Tumayo at nagtungo sa harapan. Mula dito ay kitang kita ang mga nagtatayugang mga skyscrapers. I carefully twist my head and streched my both arms. The view's awesome. I'm glad that it's infront—always motivating me to continue whatever am I doing.
Bumalik ako sa table at namataang tulog si Eli. Kinuha ko ang baso na walang laman at nag timpla ng panibago. Hindi kagaya ni Eli na nagpapatimpla lang kay Gabo ng kape. Isa lang taong may alam sa lasa at timpla ng kape ko at wala na siya.
Ever since he was gone, I also quitted drinking coffee. Nasanay na kase ako dati na siya talaga ang gumagawa ng kape ko at iyong timpla niya ang hahanap-hanapin ko. At dahil hindi pwede walang kape dito sa trabaho ko, natuto akong mag timpla ng kape. Hindi man kagaya noong timpla niya pero sinanay ko na ang sarili ko sa ganoong lasa.
Unti unti ring akong nasanay sa lasa na iyon. Ganoon paman, hindi ko parin maiwasan ang hindi hanapin ang nakasanayan. Matagal ko na namang tanggap sa sarili ko na wala na siya. Hindi ko lang talaga maintindihan ang sarili ko na kung bakit naiisip ko siya.
Sa bawat araw na dumaraan at sa bawat pagtimpla ko ng kape, siya parin ang naalala ko at hindi ko kayang ipaliwanag iyon.
Marahan kong inilapag ang baso ng mainit na kape sa table at umupo na doon. Sumimsim muna ako sa kape bago isinuot ang anti-radiation glasses ko at nagsimula na ulit magbasa. I was just silently reading the cases when I heard Eli's alarm rang.
Nakangiti niyang idinilat ang mga mata. She smiled at me widely and my creasing forehead responded.
"Ano bang tingin 'yan, Attorney? Nakakakaba naman!" she murmured.
Hindi ako sumagot kaya siya ulit ang nagsalita.
"Umidlip lang ako saglit. Magfo-focus na ako sa trabaho ngayon para marami akong matapos kaya please don't disturb me, okay? May date pa ako mamaya."
Sa walang katapusang cases na babasahin namin dito, nagawa niya pa talagang makipag date. Humigop ulit ako ng kape.
"That police officer?" I asked not removing my eyes on the screen of my laptop.
"Yes!" malandi siyang humagikhik.
I felt cringe at the moment I remember how Eli flirted that police officer infront of me and infront of our client. This coquette. Eli dated almost every one she met. In just a very corny joke, she would give in.
"Alam mo Joji, kahit hindi mo pa sabihin, alam kong nandidiri ka sakin."
"Buti naman alam mo."
"Try dating kase! Ang dami ko ng dating apps na ni-recommend sayo at marami nadin akong pinakilala sayo" she demanded.
"Yeah and almost are your exes."
"Correction, ex flings! They were my ex flings Joji!" she dramatically exclaimed with her hand gestures.
I glanced at her. "Whatever do you call it, still, I don't need one, I can live on my own."
"I don't need one, I can live on my own ka riyan! Tigilan mo nga ako! Wala namang aakay sayo kapag susuka ka dahil sa dami ng soju na nainom mo" hirit pa niya.
Hindi ko na siya at pinansin at mas ininuon nalang ang atensyon sa binabasa. Humigop ulit ako sa aking kape na malapit ng lumamig at inayos ang aking salamin.
I think that dating is just a waste of time. Trying to date to find your soulmate? I don't believe that. Naniniwala ako na ang tunay na pag ibig ay kusa iyang darating at hindi mo na kailangan pang hanapin. Ang kailangan mo lang gawin ay ang maghintay.
Isa pa, ang mga lalaki ang siyang naghahanap ng mapapangasawa nila upang may mag aalaga sa kanila at hindi iyon trabaho ng babae. Why would I chase when I'm the freaking catch?
Alas tres na noong nagpaalam sakin si Eli na aalis na daw siya. Ako nalang mag isa ang naiwan dito sa opisina dahil hindi pa naman nakakabalik si Gabo hanggang ngayon. Siguro at ay isinama siya ni Atty. Calma sa kung saan man dahil siya lang kase agad agad na matatawag ni Atty. Calma kapag may ipapagawa ito.
Quarter to 4 na noong natapos kong basahin kalahati sa mga readings na ibinigay ni Elia kanina. Lumabas narin ako sa opisina at dumiretso na sa car park.
Isang tingin palang sa gulong ay alam ko na kaagad na may diperensya iyon. Umupo ako ng bahagya upang matapatan ang gulong. Bigo namang pinisil iyon. Ako pa talaga ang na-flattan ng gulong, alam na alam talaga na wala akong lakad. Pero biyernes ngayon at uuwi ako sa bahay.
Imbes na umupo lang doon at maghintay ng milagro, sinimulan ko nalang ang paglalakad. Mag aabang nalang ako ng bus. Masiyadong makulimlim ang langit ng makarating ko ang waiting shed. May kaonti at malalakas na kulog at mayroon ring pagkidlat.
Bumuhos ang napakalakas na ulan. Ngayong huli na ay tsaka ko pa naisip iyong payong na nakatago lang doon sa cabinet ko doon sa opisina. Umatras ako kaonti para hindi mabasa. Niyakap ko nalang iyong sarili ko doon nang mas lalong naging malakas ang pagbuhos ng ulan.
Sa lakas ng ulan ay pumuti na iyong daan. Halos hindi narin makita ang mga sasakyan na dumaan. Sa dami ng mga sasakyan ay wala man isang bus na dumaan doon.
'Di nagtagal ay may naaninag akong puting Isuzu D-Max na huminto sa aking harap. Nagulat ako ng may biglang bumaba doon na nakapayong ng itim sa ilalim ng malakas na ulan. Mas lalo lang akong nagulat nang lumapit ito sakin.
Sa halip na magsalita ay naramdaman ko ang kanyang mainit na palad na sa aking likod habang ang isang kamay ay nakapayong sakin. Wala sa loob akong sumunod na sa kanya at sumakay na sa kanyang sasakyan. Pagkatapos kong umupo ay isinara na niya ang pintuan at umikot para makasakay narin.
As I looked at him, I was startled when I felt my heart raced.
He seemed oddly familiar. Sa dami ba naman nang nakakasalamuha kong tao halos araw araw, parang napapamilyaran narin ako sa mga mukha nila. But I don't understand why I have this unexplainable feeling inside.
"Uh... thank you. Thank you for the drive." I bowed a little.
He slowly shifted his gaze on me. Hinagod niya ako ng kanyang tingin bago tumango.
Bago ako pumasok ng tuluyan sa gate ay napahinto sa gate namin. Napakapit ako doon at tinignan ang kotse na unti unting lumiliit.
"Theo?"

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    John Jelo Pasion

    Ganda super

    20/08

      0
  • avatar
    MontejoRaymond

    500

    15/08

      0
  • avatar
    FFEmpresrio

    tvvyyg

    18/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata