logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Isla Paraiso

Isla Paraiso

Andrea Gale


Chapter 1

EXCITED si Marielle sa pagbabalik niya sa bansang sinilangan, sa Pilipinas. Palabas na siya ng airport at naghihintay na lamang ng taxi. She missed her hometown so much, she missed the busy Manila, the jeepneys and her family, of course.
Nami-miss na rin niya si Matthew, ang long-time boyfriend na iniwanan niya dahil sa trabahong naghihintay sa kanya sa Japan. Tatlong taon na silang mag-nobyo bago pa siya magpasyang mangibang-bansa.
Matthew understood him, sinuportahan siya nito. Noong una, akala niya ay magagalit ito at pipigilan siya ngunit laking tuwa niya nang matuwa ito na makakapagtrabaho na siya sa abroad. Gamit ang talento niya sa pag-awit ay nakapag-ipon siya nang malaki. Nakapagpagawa siya ng bahay para sa nanay at dalawang kapatid. Napatapos niya sa pag-aaral ang sumunod sa kanyang si Marcus at sa susunod na taon nga ay ga-graduate na rin nang high school ang bunso niyang kapatid na si Minerva.
Pagsakay ni Marielle sa taxi ay napatingin siya sa labas ng sasakyan, hindi pa rin nagbabago ang Maynila, sana ang pag-ibig ni Matthew ay hindi rin nagbago sa paglipas nang limang taon. Ilang buwan na rin noong huli silang magkausap, busy na raw kasi ito sa trabaho.
Napangiti siya habang ini-imagine ang magiging reaksyon nito kung saka-sakaling sabihin na niya rito ang plano niyang huwag nang mag-renew ng kontrata sa Japan dahil handa na siyang makasama ito habambuhay, tulad ng pangarap nila dati.
Iniisip din niya ang magiging reaksyon ng pamilya niya kapag nakita siya ng mga ito sa labas ng gate. Walang nakakaalam na uuwi siya sa araw na iyon, she wanted everybody to be surprised.
“Ma’am, dito na po ang address na sinabi niyo,” pukaw ng taxi driver sa pag-iisip niya. Binayaran niya ito at nagpasalamat. Tinulungan din siya nitong ibaba ang mga gamit niya. Tumayo siya sa harap ng gate at nag-doorbell.
Maganda pala talaga ang bahay na naipundar niya. Iyon pa lamang ang unang pagkakataon na nakita niya iyon sa personal. At di-hamak na mas maganda iyon sa paningin niya ngayon kaysa sa mga litratong ipinadala ni Marcus. Ganoon na lamang ang pagka-proud niya sa sarili. Siya ang nagpundar niyon. Galing ang magandang bahay na iyon sa kanyang dugo’t pawis. She hoped that she made her family proud.
Malapit din ang bahay na iyon sa dati nilang inuupahan kaya hindi na siya nahirapan pang maghanap. Halos dalawang minuto rin siyang naghintay bago siya mapagbuksan ng gate. Ang bunso niyang kapatid na si Minerva ang nagbukas.
Nanlaki ang mga mata nito nang makilala siya, nakangiti lang siya habang pinagmamasdan ito. “Ate Marielle?” Nanlalaki pa rin ang mga mata nitong tanong sa kanya. Tila hindi talaga ito makapaniwalang nasa harap siya nito ngayon.
“Ako nga, Minerva. Mabuti pa, kaysa tumulala ka riyan, tulungan mo na lamang akong ipasok ang mga gamit ko sa loob ng bahay. Nasaan ba ang Kuya Marcus mo? Sabihin mong tulungan tayong magbitbit.”
Tumakbo pabalik sa loob ng kabahayan ang kapatid niya at pasigaw na ibinalita nito sa nanay niya na naroon siya. Patakbong lumabas ng bahay ang nanay niya kasunod si Marcus na kitang-kita sa mukha ang saya.
“Anak!” tili ng nanay niya. Nagtakip siya ng tainga upang biruin ito. “Anak, bakit hindi ka nagpasabing uuwi ka? Hindi man lang kami nakapaghanda ng makakain,” anang nanay niya. Nang makahawak ito sa braso niya ay hindi na siya binitawan pa. Her family missed her the way that she does.
“Oo nga, ate. Sana nasundo ka man lang namin sa airport,” segunda ni Marcus.
“Surprise nga ito, ‘diba?” biro niya sa mga ito saka nakisabay sa pagpasok sa loob ng bahay. “Wow, kumpleto sa gamit ang bahay natin, ah?” masayang wika niya. Hindi niya akalaing makapagpupundar siya ng ganoong klaseng bahay at mga kagamitan para sa pamilya niya.
“Siyempre, astig ang financer namin, eh,” sagot naman ni Minerva.
“Paano iyan? Hindi na babalik si ate sa Japan,” kunwa’y malungkot na tanong niya sa mga kapatid.
“Okay lang iyon, ate. May trabaho na naman ako, kaya ko nang suportahan si nanay at kayo ni Minerva. Saka marami kang ipon, hindi ka magugutom dito sa Pilipinas,” sagot naman ni Marcus. “Isa pa, ate, mas gusto namin na narito ka na lang kaysa bumalik ka pa sa Japan. Masarap ang may buong pamilya.”
“Tama si Kuya Marcus, ate. Wala na nga si tatay ‘tapos wala ka rin. Mas okay na kami na dito ka na lang sa Pilipinas kasama namin,” ani Minerva. Wala na silang tatay, matagal na itong sumakabilang-bahay. Bata pa si Minerva noong iwan sila nito para sa ibang babae.
Simula noon ay hindi na nila nakita ang ama kahit kailan, hindi na niya alam kung buhay pa ito o kung naaalala pa sila nito. Aaminin niyang galit siya sa ama, hindi biro ang pag-iwan nito sa kanila ng pamilya niya. Halos mamatay sa sama ng loob noon ang nanay niya. Hindi rin niya alam noon kung saan sila pupuluting kangkungan dahil wala namang hanap-buhay ang nanay niya.
Kaya ganoon na lamang ang pagsisikap niya para lamang makaahon sila sa kahirapan. Hindi na niya hahayaang magutom ang mga kapatid niya at ayaw na rin niyang pagtrabahuhin ang kanyang ina.
“Wala na naman talaga akong balak na bumalik ng Japan. I want to settle down here in the country. I want to have a family of my own,” masaya niyang wika.
“Settle down? Mag-a-asawa ka na, ate?” si Minerva iyon.
“Yes. I want to get married.”
“Sino naman ang pakakasalan mo? Si Matthew?” nakataas ang kilay na tanong ni Minerva.
“Oo naman. Sino pa ba?” malapad ang ngiting sagot niya.
“Pakakasalan mo iyon? Eh--”
“Minerva, tignan mo ang ulam na niluluto ko. Baka kumukulo na iyon,” biglang sabad ng nanay niya kaya hindi na naituloy ni Minerva ang sinasabi nito.
“Ano iyong dapat na sasabihin ni Minerva?” tanong niya kay Marcus at sa nanay niya. Nagkibit-balikat ang dalawa. “Napapadaan ba si Matthew dito? Ilang buwan na kasi kaming hindi nakakapag-usap dahil busy raw siya sa trabaho niya. Maybe he was also saving for our future,” tila nangangarap pang wika niya.
“Hindi siya nagagawi rito, anak,” sagot ng nanay niya. Si Marcus naman ay nagpaalam na dadalhin na nito sa kwarto ang mga gamit niya. Tila umiiwas ito na sagutin ang tanong niya tungkol kay Matthew.
Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito. “Saan po ba ang kwarto ko, ‘nay?” imbes ay tanong niya sa ina.
“Sumunod ka na lamang kay Marcus sa taas.”
Isang spacey na kwarto ang inilaan ng mga ito para sa kanya at kulay berde pa ang mga kurtina at kobre-kama. Iyon kasi ang paborito niyang kulay. “Alam mo ba, ate, laging nililinis ni nanay ang kwarto na ito. Miss na miss ka na talaga namin. You never know how happy we are right now,” ani Marcus.
Na-touch siya dahil sa sinabi nito. “Miss na miss ko na rin kaya kayo,” mangiyak-ngiyak niyang wika saka niyakap ang kapatid. “I’ll never leave again. I promise. Isa pa, may mauutangan na ako in case na maubusan ako ng pera sa Metrobank,” natatawa niyang biro sa kapatid.
“Anytime, ate,” anito saka siya hinalikan sa pisngi.
“Pautang nga, Engineer Diaz,” aniya saka pinisil ang magkabilang-pisngi ng kapatid. Nang iwan siya nito sa loob ng kwarto ay napangiti siya. Hindi siya nakatapos ng pag-aaral dahil sa kulang sila sa pinansyal noon. Kaya lubos talaga ang kaligayahan niya dahil natupad ng kapatid niya ang pangarap nito sa tulong niya. Isa na itong licensed engineer.
Si Minerva naman ay nais maging flight attendant, pinangakuan naman ito ni Marcus na pag-aaralin ito sa kolehiyo. Kung tutuusin ay kaya naman niyang pag-aralin si Minerva dahil maghahanap din naman siya ng trabaho sa Pilipinas ngunit ayaw ni Marcus. Tama na raw na ito na lamang ang pinag-aral niya.
Wala na siyang hahanapin pa sa pamilya niya, they were all blessings to her. Hindi lahat ng tao ay may pamilyang gaya ng sa kanya. A family that will support and love her all the way.
“PUPUNTA lang po ako sa bahay nina Matthew, ‘nay,” paalam niya sa ina matapos nilang maghapunan.
“Magpahinga ka kaya muna, hija? Puwede mo namang ipagpabukas iyan,” pigil ng kanyang ina.
“Pero, ‘nay, nami-miss ko na si Matthew. I want to see and surprise him,” giit niya. Humalik na siya sa pisngi ng ina bago pa siya nito pigilang muli. Lumabas siya ng gate ng bahay nila at naglakad patungo sa sakayan ng tricycle. Malapit lamang ang bahay nina Matthew sa bago nilang bahay.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang pasikot-sikot sa Mandaluyong. Pagkasakay niya sa tricycle ay umandar na rin agad iyon at hindi na naghintay ng iba pang pasahero matapos niyang abisuhan ang driver na nagmamadali siya.
Bumaba siya sa mismong tapat ng bahay nina Matthew. She was nervous and excited at the same time. Five years silang hindi nagkita ng nobyo, sa internet na lamang sila nagkikita. Iba pa rin kasi ang personal kaysa camera though malaking advantage na rin ngayon ang paggamit ng mga makabagong gadgets dahil hindi ka nanghuhula sa itsura ng kausap mo. Still, iba pa rin ang personal.
Kumatok siya sa bahay nito. Hindi pa rin nagbabago iyon, ang pahabang upuan sa maliit nitong bakuran ay naroon pa rin. Doon sila madalas mag-usap ni Matthew bago siya tumungo sa Japan. Napangiti siya sa ala-alang iyon. Pakiramdam niya ay lalo siyang nangulila sa nobyo.
Isang hindi pamilyar na babae ang nagbukas ng pinto. Katamtaman lamang ang taas nito, mahaba ang buhok, mestisahin ang pagkakabilog ng mga mata at sa tingin niya ay nagdadalang-tao ito. Nakaumbok kasi ang tiyan nito sa suot nitong masikip na t-shirt. Marahil ay nasa tatlo hanggang apat na buwan ang ang tiyan nito.
“Magandang gabi. Nariyan ba si Matthew?” nakangiting tanong niya sa babae.
“Wala siya. Maya-maya pa ang uwi niya. Sino ka ba?” mataray na tanong sa kanya ng babae.
“Ako si Marielle. Nariyan ba sina Tita Leah?” Ang nanay ng nobyo niya ang tinutukoy niya.
“Nasa Ilocos na sila. Balak mo bang hintayin si Matthew?” nakataas pa rin ang kilay na tanong ng babae.
“Oo sana,” nagingiming wika niya. “But I can wait here outside.”
“ Malamok diyan, pumasok ka na rito.” Nilakihan ng babae ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok naman siya sa loob at naupo sa isang sofa sa sala. “Ako nga pala si Cheska,” anang babae saka umalis sa harap niya bago pa niya matanong kung ano ang relasyon nito sa nobyo niya.
Pagbalik ng babae ay may dala na itong juice. Inilapag nito ang juice sa center table at naupo naman ang babae sa tapat niya. “Salamat.”
“Walang anuman. In thirty minutes ay darating na ang asawa ko. Ano mo nga pala siya?” tanong sa kanya ni Cheska. Para siyang tinuklaw ng ahas sa narinig. Mister nito ang nobyo niya? Ganoon ba siya katanga para hindi iyon ma-realize kanina noong ang babae ang magbukas sa kanya ng pinto?
“A-asawa mo si M-Matthew?” nauutal pang wika niya. Hindi makuha nang maayos ng sistema niya ang sinabi ng babae. Niloko siya ni Matthew nang hindi man lamang siya nakakatunog? Tanga nga talaga siya. Nabulag sa pag-ibig na akala niya ay hindi magbabago kailanman.
“Oo. Hindi mo pa ako sinasagot, ano ka ni Matthew?” muling tanong ng babae.
“Kaibigan niya ako at kakauwi ko lang galing ng Japan. Nais ko lang sanang kumustahin ang a-asawa mo.” Masakit pa rin sa loob niya ang pagbanggit niyon. Umuwi siya ng Pilipinas upang makasama ang isang lalaking nakapagplano na pala ng buhay kasama ang iba. Ang tanga-tanga niya!
“Nariyan na pala siya,” ani Cheska na nakatingin sa banda ng pintuan. “Ang aga mo naman yata,” baling ni Cheska sa lalaki na malamang ay si Matthew. Tumayo pa ang babae at mukhang nilapitan ang ‘asawa’ nito.
Hindi niya makuhang lumingon, hindi niya magawang tignan si Matthew habang may kayakap o kaakbay itong iba. At lalong mahirap tanggapin na siya na lamang pala ang mahigpit na humahawak sa relasyon nila.
“May bisita ka pala. Kaibigan mo raw siya,” narinig niya pang wika ni Cheska. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin, tumayo siya at matapang na hinarap si Matthew. Namutla ito nang makita siya. Namilog ang mga mata nito, hindi sa pananabik kundi sa takot. Marahil ay iniisip nito na sasabihin niya sa asawa nito na nobyo niya ito o kung hindi naman ay nagi-guilty ito ngayong alam na niya kung paano siya nito niloko at pinagmukhang-tanga.
“Marielle,” sa wakas ay wika nito. Akala niya ay ikakaila nitong kilala siya nito. “Long time, no see,” kaswal na wika ng lalaki o sa tamang salita ay pilit nitong pinakakaswal ang tinig upang hindi magduda ang asawa nito.
“Cheska, iwan mo muna kami ni Marielle. Marami kaming pagkukwentuhan, limang taon kasi siyang nasa abroad,” baling nito sa asawa nito na mabilis namang tumalima.
Naupo si Matthew malapit sa kanya. Hindi niya magawang magsalita, tinitigan lang niya ito. Basta ang alam niya lang ng mga sandaling iyon ay manhid na ang puso niya sa sobrang sakit.
“I’m sorry, Marielle,” umpisa nito. Tinignan niya ang mga mata nito at nakita naman niyang sinsero ito. “Dalawang taon kong itinago sa iyo ang relasyon namin ni Cheska. Nangungulila ako sa iyo kaya niligawan ko siya. Patawarin mo ako, naging mahina ako.”
“Alam mo, Matthew, hindi sana hahantong sa ganito ang lahat kung noong una pa lang sinabi mo na sa akin. Maiintindihan naman kita, eh. Ang hindi ko maintindihan ngayon ay kung paano mo ako nagawang gaguhin. Nagplano ako ng buhay na kasama ka, ngayon nga ay bumalik ako dahil nais ko nang lumagay sa tahimik dahil akala ko, tinupad mo ang pangako mo na hihintayin mo ako,” mangiyak-ngiyak niyang wika.
“Ang tanga-tanga ko para maniwala sa iyo. Akala ko iba ka sa tatay ko, akala ko hindi mo ako kayang saktan pero alam mo ba na ikaw pa lang ang nanakit sa akin nang ganito? Now tell me, have you ever loved me?” patuloy niya pa rin.
“Oo naman. Bago ka umalis at kahit tatlong taon ka nang wala sa piling ko ay mahal na mahal pa rin kita. Pero tao lang ako, Marielle. Natutukso at nagkakasala. Sana ay patawarin mo ako,” pagsusumamo nito.
“So, you mean to say that two years ago, you had fallen out of love on me?” nahihirapan pa rin niyang tanong sa lalaki. Isang dahang-dahang tango ang isinagot nito. “Sana sinabi mo na lamang sa akin agad, Matthew. Hindi mo lang ako sinasaktan ngayon, dinudurog mo ang puso ko. At sa kapatawaran na hinihingi mo, pasensya ka na pero hindi ko pa kayang ibigay sa iyo iyan ngayon.” Tumayo siya mula sa kinauupuan at mabilis na lumabas ng bahay ni Matthew.

Komento sa Aklat (20)

  • avatar
    de los santosrodellyn

    nice story i love it

    21/06

      0
  • avatar
    France J Baylon

    nice

    06/06

      0
  • avatar
    GanduhaoRogen

    nice

    27/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata