logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

The Best Of Me

The Best Of Me

lytxsh


CHAPTER 01

I blinked for the tenth time and held my hot chocolate coffee that I ordered an hour ago. I sipped on it while looking at my monitor.
“Hindi ka pa ba uuwe?” My co-worker asked I gave a glance to her and answered...
“I'm gonna finish this first,” she nodded then point the door. I also nodded to her as my response at binalik ulit ang atensyon sa monitor na nasa harap ko.
Gusto kong tapusin ngayong araw itong ini-edit ko para bukas maka simula na ako sa ibang tatrabahoin pero mukhang aabutin ako ng umaga pag ginawa ko iyon.
Bumuntong hininga ako saka sumandal sa sandalan ng swivel chair ko at tiningala ang wall clock na nasa harap ng cubicle ko.
It's already 8:38 in the evening. Hindi pa ako nag di-dinner at nararamdaman ko na rin ang pagwawala ng mga alaga ko sa tyan.
Binalik ko ulit ang atensyon ko sa monitor. Tinitigan ko lang ito habang pinapakiramdaman ang nasa paligid ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pagtunog ng wall clock at ang mga buntong hininga ko. Probably naka uwe na ang lahat. After a couple of minutes staring my screen I looked up again on the wall clock and it is already 9 in the evening. Time fly so fast.
I turned off my monitor and get up then grabbed my black baguette bag and hang it in my shoulder. I give a glance to the whole place then grabbed my coffee na ubos na, before going to the switch which is on the edge of the door way. Due to my tiredness I let my long heavy sigh before turning off the lights.
“Palaka!” kasabay ng sigaw ko ay ang pagtalon ko sa gulat at muntik ng matumba dahil sa mabilis na pangyayari when I turned around but someone was standing in my front. Napatakip ako ng bibig nang makilala ang lalaking nasa harap ko
“Mukha na pala akong palaka sa paningin mo Ms. Cortez,” napayuko ako sa kahihiyan at napapakamot sa batok ko.
“Eh kasi naman po Sir, nanggugulat ka e” naka yuko kung sagot
“Hindi naman, I just want to check your office if naka uwe na ba lahat dahil naka on pa ang lights,” napakagat labi na lang ako at nahihiyang ngumiti sakaniya.
“Are you now heading home?” napakurap ako sa tanong niya at tumango na lang.
“Would you mind if I drive you home?” naka ngiti niyang tanong sa akin, yung ngiting labas dimple. Lumunok ako at kumurap-kurap pa sa harap niya.
Wait... What? Sir Delmundo asking me to drive me home? Why?
“Ms. Cortez?”
“Sir? I... I mean yes ahm sorry nakakahiya naman po,” napapakamot kong sagot, syempre ngayon pa lang naman kami nagka-usap ng gan'to tapos agad-agad hahatid na niya ako. I mean pag-uusap na hindi about work.
Napa-angat ulit ang tingin ko nang tumawa siya...Dumako ang mga mata ko sa mga mata niyang halos hindi na makita dahil sa pagtawa niya at sa dimple niyang malalalim. I suddenly felt my face hot. Tila slow motion ang nangyayari, na tila may nagkalat pang puso sa buong paligid namin. Mas gwapo pala si Sir sa malapitan lalo na pag naka ngiti, lumalabas ang dalawang malalalim niyang dimple.
“Let's go?” may ngiti pa rin siya sa labing yaya sa akin.
“Po?” biglang sagot ko na hindi pa rin nakaka get over sa mga pusong nakita ko. Nanatili akong nakatayo sa kinaroonan ko at nakikita ko pa rin ang nga pusong palutang-lutang sa harap ko.
“Ms. Cortez?” mabilis ang paglingon ko kay Sir Delmundo. Nakatayo siya five step away from me habang nasa bulsa ang right hand at naka sabit ang office bag niya sa left shoulder niya. Nangunot ang nuo niya pero bago pa ako lumapit sakaniya ay napalingon pa ako sa magkabilang side ko saka yumuko at kinagat ang ibabang labi.
Bago ako humakbang palapit sakaniya ay itinago ko ang ang mga kamay sa likod ko at pinagsiklop ito. Nang makarating kami sa harap ng elevator ay wala pa ring nagsasalita sa amin. Bumukas ang elevator at iginaya niya ako sa loob bago siya pumasok.
Sa pagkakataong ito ay nararamdaman ko na ang paghuhurumentado ng puso ko. Nilingon ako ni Sir Delmundo dahil magkatabi lang kami pero isiniksik ko ang sarili ko sa dulo ng elevator para lumayo sakaniya upang hindi niya marinig ang lakas ng tibok ng puso ko.
He raised his eyebrow and to response him I forced a smile and hide my face in my hair. Pakiramdam ko para na akong kamatis ngayon sa subrang pula.
Bumukas ang elevator at muli ay pinauna niya akong lumabas bago siya. Sa pagkakataong ito ay binulsa ko ang mga kamay ko at sinusubukang kurutin ang sarili. Nauna na siyang maglakad sa akin papunta sa kaniyang sasakyan at tahimik lang akong naka sunod sakaniya hanggang sa makarating kami sa parking lot at sa sasakyan niya.
“Saan ka nga pala naka tira Ms. Cortez?” pagharap niya sa akin kaya agad naman ako napatigil sa pag lalakad.
Tumango siya nang sabihin ko ang address ko at nanatili akong naka tayo dahil nahihiya akong buksan ang kaniyang sasakyan pero bago siya pumunta sa driver sit ay pinag buksan muna niya ako. I bit my lower lip and rubbed my nape.
Pagsara ng pinto ng sasakyan ay naging mabibilis at malalim ang paghinga ko. Para akong nanigas na uod sa inuupuan ko. Napa tuwid ako ng upo nang pumasok siya sa sasakyan, ngumiti siya sa akin kaya hindi ko maisawan na manatili ang tingin sakaniya at sundan ang mga kilos niya.
Umiwas ako ng tingin at hinawakan ang pisngi ko. Sa labas ko tinuon ang paningin ko habang malalaki ang pag hinga ko. Ang awkward naman ng gan'to, bakit kasi ako pumayag na magpahatid kung pwede naman ako mag bus or taxi na lang.
Pasimple ko siyang sinusulyapan. Mabait naman pala siya. Ang sabi kasi ng mga kasamahan ko masungit at very strict siya. Hindi pa kasi ako nag dadalawang buwan sa trabaho at madalang lang din kaming nagkikita sa work dahil naka separate ang office niya sa amin.
Nanlaki ang mga mata ko at sabay hawak sa tyan ko. I bit my lower lip because of embarrassment.
“Let's have dinner first,” napa pikit ako sa kahihiyan. Eh kasi naman po 9 na at gutom na gutom na din ako.
Pinagkukurot ko ang sarili ko at hindi na muling sinulyapan pa si Sir.
Pagpark niya sa sasakyan niya ay hindi ko alam kung baba ba ako o hindi. Pano kasi sa isang mamahaling restaurant siya pumunta.
“Let's go?” aniya nang mabuksan ang sasakyan. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Sir at sa building ng restaurant saka lumabas. Iginaya niya ako sa loob.
“Good evening Mr. Delmundo,” tumango lang siya sa lalaking lumapit sa amin.
My jaw dropped. This place is gorgeous. Nilibot ko ng tingin and everything is in color white, black and gold.
Tiningala ko ang mataas nitong ceiling at may malaking chandelier na naka sabit dito, even this chandelier ay kulay ginto at puti. Bumaba ulit ang tingin ko sa paligid nito. The chairs and tables are gorgeous. Ang kanilang mga waiter and waitress are wearing black suit with gold necktie. And the ambiance of this place is very welcoming.
Pagkahanap namin ng pwesto ay agad kami binigyan ng lalaki ng menu at nahihiya pa akong binuklat iyon at halos malula sa mahal ng mga pagkain.
“Any problem?” umangat agad ang tingin ko sakaniya
“Ah wala po,” mabilis akong yumuko sa menu.
At the end I picked my own food gutom na rin ako at mas nakakahiya siguro kung si Sir lang ang kakain tapos ako maglalaway sa harap niya.
Pagkatapos namin kumain ay lumabas na din kami at bumalik sa sasakyan niya. Tahimik lang ulit ako sa tabi niya at pasimpling sinusulyapan siya.
“Is it okay if I call you with your first name Ms. Cortez?” nilingon ko siya at sinulyapan lang din niya ako dahil nag dadrive siya. Nanatili ang mga tingin ko sakaniya at pagkaraan ng ilang segundo ay tumango ako sakaniya
“Sure po Sir,” nahihiya kung sagot. Hindi ko kasi alam ang dapat kung isasagot.
Umukit ang ngiti sa aking mga labi nang makita kong lumabas na naman ang kaniyang dimple dahil sa pag ngiti niya.
“Ang lalim naman po pala ng dimple niyo,” tumawa siya sa sinabi ko
“Nandito na tayo Ally,” nanlaki ang mga mata ko sa itinawag niya sa akin. I mean sinabi niya na tatawagin niya ako sa first name ko hindi sa nickname ko.
“Ah oo nga po hihi,” agad kong sagot nang mapansin ang pangungunot ng nuo niya.
Hindi ko na hinintay na pag buksan pa niya ako, ano ako sosyal huh? Agad akong bumaba at habang naka baba ang salamin ng sasakyan niya nagpasalamat ako ng marami.
“Thank you po ulit Sir,” may pa yuko pa akong nalalaman.
“Reagan na lang,” my eyes widened for what he said... I should what? Call him Reagan? Oh damn.... nahihiyang napangiti na lang ako
“Opo, Re-reagan,” hilaw akong napa ngiti sa sinabi ko
“See you tomorrow,” naka ngiti niyang sabi.
Naiwan naman akong tulala at paulit-ulit binabalikan ang lahat na naganap ngayong gabi.
Si Sir Delmundo I mean Reagan? Nag dinner kaming dalawa lang at hinatid pa ako sa bahay? How come? I mean diba strict, masungit, cold iyon? Well iyan ang sabi ng mga ka work ko.
Lumulundag sa saya ang puso ko habang tinatahak ko ang daan papunta sa condo ko.
May ngiti sa labi akong sumakay sa elevator, mas lumalawak ang ngiti ko kapag naiisip ko ang nangyari ngayon. Sumisipol pa ako ng mahina at pati ang guard ng building ay kinawayan ko which is hindi ko naman talaga ginagawa. So weird.
Nang nakalabas na ako at tumalak na papunta sa unit ko ay na hagip ng mga mata ko ang isang lalaking naka white polo na naka tupi ito hanggang siko. Black slacks at cap toe bals. Naka pamulsa siyang naka sandal wall at sa tapat nito ay pinto. Hindi ko man kita ang kabuoan ng mukha niya ay alam ko at ramdaman ko ang lungkot sakaniya habang nakatitig dito.
He's eyes was seriously darted on that door. Umiling ako at bumuntong hininga. Bumalik ulit ang tingin ko sakaniya pero napa tingala na lang ako bigla at naging mabibigat ang aking hininga. Nararamdaman ko na din ang unti-unting pag kirot ng dibdib ko. Yung pakiramdam na parang pinagtutusok ng matutulis na bagay ang puso mo, that's how I feel right now.
It's been a month... I thought it's all done...
Unti-unti ko nang nararamdaman ang paglala ng sakit ng pagtusok ng kung ano mang punyal sa dibdib ko, damn ang sakit. Napakagat ako sa labi ko at naramdaman ko na rin ang pamamasa ng mga mata ko.
Tuluyan ng napalitan ng galit at awa ang kaninang sayang nararamdaman ko. Para na naman akong pinagsusuntok, parang pinagtutusok ng karayom ang puso ko na nandito na naman siya.
Gusto ko siyang lapitan, murahin, at saktan pero mas pinili kung talikuran na siya at lumihis ng daan. Mabilis at mabibigat ang hakbang ko papasok sa aking condo at tuluyan na nga nawala ang kaninang nag uumapaw na saya sa puso ko.
Ganito pala maging masaya. Saglit lang tapos kasunod lungkot agad. Napaka unfair naman ng mundo.
At nakakatakot na rin maging masaya.

Komento sa Aklat (7)

  • avatar
    bikerskamote

    napakaganda

    03/02

      0
  • avatar
    RamosRichard James

    nice app

    14/11

      0
  • avatar
    Edlind Corbillon

    Awesome

    14/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata