logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5- She's back

ADRIANA
Six years later..
Nagbabalik Pilipinas na ako at handa na akong mag higanti sa mga kinamumuhian ko.
Nasa mall ako ng araw na iyon para mamili ng mga stock food, medyo paubos na rin kasi ang mga ito. Masaya akong namimili nang may makita akong pamilyar na mukha, ngunit ikinagulat kong may dala dala itong bata at tinatawag siyang daddy.
Hindi ako puwedeng magkamali si Brent ang nakita ko, siya iyon ang dati kong asawa. May asawa na ba siya? mga tanong na gumugulo saaking isipan. Imbes na makapamili ako ng maayos sinundan ko na lamang sila ng tingin.
Nag-paikot ikot ang mag-ama hanggang sa nagpaalam si Sab na magko comfort room. Gusto sana niyang samahan ito pero tumanggi ang bata.
Naglakad nang mag-isa si Sab at sakto namang papuntang comfort room rin si Adriana.
"Hi! What is your name?" tanong ko rito.
Pero tila dedma lang ang bata. Sabay sabing. I can't talk to the stranger. My mommy Stephanie, told me that, prangkang sambit ng bata.
Pag karinig ko sa pangalan nito halos kumulo agad ang dugo ko. Ang kakapal ng mukha nila at may anak pa talaga sila.
Nakita kong pumasok ang bata sa loob ng cubicle. Susundan ko sana ito ng makarinig ako ng matinding pagsabog. Halos mapakapit ako sa pintuan para lang hindi mabuwal.
Biglang nag brown out at naririnig ko na ang pag-iyak nito at ang pag tawag sakaniyang mommy.
"Mommy, help!" iyak nito. Parang may kung ano akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag, kaagad ko itong pinuntahan.
Samantalang sa labas naman nagkakagulo na dahil sa pag sabog ng bomba. Isa-isa ng nag- labasan ang mga tao at tanging ilan ilan na lang ang naiwan kasama si Brent.
"Sir delikado na po rito. Lumabas na po kayo." wika ng pulis.
"Saglit lang po sir, nasa loob ng comfort room ang anak ko." pagpapaliwanag niya dito.
"Sir, wala na pong tao sa comfort room." wika nito.
"W-what! paanong wala pumasok ang anak ko diyan. Padaanin nyo ako, hagulgol nito.
"Sab! anak," sigaw nito.
Samantalang sa kabilang exit naman dumaan sila Adriana kasama si Sab. Hindi niya alam kung bakit niya kinuha ang bata at kasalukuyang natutulog na ito sa loob ng kotse.
Hindi niya alam kong saan ito iuuwi kaya dadalhin niya na lamang muna ito sakaniyang bahay.
Nang makarating siya sa bahay niya kaagad niya namang binuhat ang bata at dinala sa room ni Andrea.
Siguro kong nabubuhay ang anak niya medyo kasing edad din sila. Buhay na buhay pa rin ang ganda ng desinyo nito dahil alaga niya sa linis at siya mismo ang nag-aasikaso at naglilinis ng mga ito. Iniwan niya muna ang bata at naghanda ng makakain nito.
Samantalang halos mabaliw na kakahanap si Brent kay Sab, pero hindi niya ito makita. Inabot na siya ng gabi kakaantay na lumabas ito pero walang siyang nakita.
Kanina pa rin hindi mapakali si Stephanie sapagkat dapat bago pa mag tanghali nakauwi na sana ang kaniyang mag-ama. Sinubukan niya rin tawagan ang asawa ngunit out of coverage area na ang cellphone nito. Kahit hindi niya anak si Sab ay tinuring niya na rin itong parang tunay niyang anak at napamahal na rin siya sa bata.
Mga ilang saglit lamang naririnig niya na ang pag busina ng sasakyan na nagmumula sa kotse ng asawa, kaagad naman siyang sumalubong rito. Gayon na lamang ang kaniyang pagtataka ng masilayan ang 'di maipintang mukha nito at nang tanungin na niya kung nasaan si Sab, bigla na lamang itong napahagulgol nang iyak at panay ang hingi ng sorry.
"Babe. What happen? Where is Sab? bakit hindi mo siya kasama?" sunod sunod na tanong nito.
"Nawawala si Sab." wika nito.
"Ano? panong nawawala? Hindi ba magkasama kayo? Ano ba talagang nangyari?" usisa nito.
Halos manlumo si Stephanine nang marinig ang kuwento ng asawa. Ang masayang selebrasyon sana nila ay nabalot ng takot at pangamba na baka mapahamak ang anak nila.
Samantalang sa bahay naman ni Adriana.
Nagising na lang si Sab. At hinahanap ang kaniyang daddy, alam niyang hindi ito ang mansiyon nila.
"Mommy, daddy. Where are you?" sigaw nito.
Nang marinig ko ang boses ng bata kaaagad ko itong pinuntahan.
"How are you? Do you have any pain that you felt right now? just tell me." tanong ko sakaniya.
"Nothing. I'm ok, could you please call my mom and dad baka nag-aalala na sila saakin." pagsusumamo nito.
"Ok! But before that you need to eat first, then can you give me the number, so I call call them later. It is ok for you?" tanong ko.
"Ok. I'm going to eat now." nakangiting wika nito, sabay paglabas ng dalawang dimples niya na katulad nang saakin dati.
Maganang kumain ang bata at ako naman ay nakamasid lamang dito. Nag aalangan ako kong ibabalik ko ba ang bata o hindi na. Hanggang sa napag pasiyahan kung isauli siya sa magulang niya para maisakatuparan ko ng ang aking mga plano. At sisimulan ko ito sa dati kong asawa.
Lumapit ako rito at tinanong kong ano ang number ng parents niya pero mukhang hindi niya rin alam.
"I forgot the number, but I know where the exact location of our Mansion." bibong sambit nito.
"All right, maybe tomorrow you'll see your parents, so better you sleep now. What is your name by the way?" wika ko sa bata sabay tanong na rin dito.
"I am Sabrina Alexa Gon." pagpapakilala nito sakaniyang sarili.
"Ok Sab, sleep tight." wika ko sakaniya.
"Good night Ms. Pretty." ganting wika nito.
Samantalang ang mag-asawa naman ay hindi makatulog kaya nag pagtawag sila ng pulis sa Mansiyon, ngunit hindi pa daw masasabing missing ang isang tao kung wala pang 24 hours. Halos bagsakan ng langit at lupa ang dalawa, dahil hindi na nila alam ang kanilang gagawin.
Sa labis ng pagod at kawalan ng lakas minabuti nilang ipag pabukas na lamang ang paghahanap at umaasa sila na sana mabait na tao ang naka kuha sakanilang anak at hindi masamang tao.
Hindi man lang ako dalawin ng antok. Kaya naisipan ko munang bumangon at diretso sa mini- bar, nagsalin ako ng ladies wine drink at ininom ito. Nakailang salin pa ako ng alak hanggang sa dalawin na ako ng antok.
Pag tingin ko sa wall clock past 10 p.m na nang gabi. Medyo nasanay ako sa oras sa USA, mag u-umaga pa lang doon ngayon.
Muling bumalik na ako ng kuwarto at nahiga sa kama. Hindi na rin ako nag-abalang silipin pa si Sab dahil alam kong nahihimbing na itong natutulog at ayoko siyang istorbohin pa.
Mayamaya tuluyan na rin akong nakatulog.
Pag kagising ko ng umaga mukha ni Sab ang nasa harapan ko, pero bakit parang mukha ni baby Andrea ang nakikita ko.
"Hi tita pretty," nakangiting bati nito.
Ginulo gulo ko ang buhok nito na ikinatawa niya. Bumangon na ako para mag handa ng breakfast namin, nag promise pala ako na ngayon ko siya ihahatid sakanila.
"Let's go? paanyaya ko rito. Nang matapos kaming kumain ng umagahan. Nakaligo na ito at inabot ko sakaniya ang dress na binili ko pa sa USA para kay Andrea.
Dahil wala naman na ang anak ko kaya naisipan kong sakaniya na lamang muna ibigay, napakaganda niya sa dress na suot. Nabuhay muli ang pagka nanay ko, pagkatapos ko siyang ayusan at talian ng buhok ready na kaming umalis ng bahay.
Pinapasok ko muna siya sa loob ng kotse bago ako pumasok at pinaandar ito. Malayo layo pa naman ang biyahe namin, kaya pinatulog ko muna ito siya, pero ayaw niyang matulog kaya nagpatugtog na lang ako ng music para malibang ito.
Inabot kami ng tatlong oras bago namin natagpuan ang Mansiyon na sinasabi niya. Hinayaan ko na lamang siyang magtatakbo at sinabi kong susunod ako sakaniya, pero nanatili lang ako sa kotse lalo na nang makita kong papalabas ang kotse ng mag-asawa. Hindi pa ngayon ang tamang pagkakataon para magkita kita kaming tatlo.
Nagulat naman ang mag-asawa na nasa harapan na ng gate nila si Sab at iba na ang suot nito at kung pagmamasdan mo ang suot nito hindi ito basta basta lamang na nabibili sa Mall. Sa labis na pagka miss niya sa anak, kaagad na niyakap ni Brent ito.
"Where have you been? I'm crazy looking for you?" tanong nito.
"At the comfort room, then suddenly I heard an explosion and after that the light is off. Someone help me, and she's pretty and she also at her car." wika nito sabay turo sa likuran pero wala naman kaming nakitang kahit anong kotse.
"Where is she?" tanong nito.
"Ms. pretty." tawag niya.
"I think she left. Let's go! We miss you so much," maluha luhang wika ni Stephanie.
Samantalang nasa di-kalayuan naman si Adriana at sinundan na lamang niya ng tingin ang mag-anak na masayang papasok ng mansiyon. Aminado siyang galit siya sa dalawa, pero walang kasalanan ang bata sakaniya.
Masaya siyang makitang masaya ang bata. Naisipan na rin niyang umalis dito at Mabilis na niyang pinaandar ang sasakyan palayo sa Mansiyon.

Komento sa Aklat (172)

  • avatar
    Danica Mars Duco-Sambaan

    A very interesting storyline that makes readers hooked! I'm impressed with the flow of the story. Good job author 👍

    14/06/2022

      2
  • avatar
    Mairen Hinampas

    hi nice

    11/07

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    good

    17/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata