logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

After the Heartbreak

After the Heartbreak

HanHeeRin9


First Day

DISCLAIMER: This story is a product of the author's imagination inspired by a real-life story. Names of characters, places, and details have been replaced while some events, places, and conversations are recreated to maintain anonymity. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME AND IS BOTH PROSECUTED AND PUNISHED UNDER THE LAW. PLEASE DO NOT STEAL MY WORK.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
"ANAK! 'Wag mong kalimutan ang baon mo!" 
Napabalik agad ako sa hapagkainan pagkatapos isuot ang school shoes ko. First day na first day muntikan ko pang makalimutan ang lunch ko. Sa lahat talaga na pwedeng kalimutan, baon pa talaga. Aish! Buti nalang nagremind si mama.
"Ma, pasok na po kami." 
Umikot pa ko sa likod ng bahay para maggood bye kiss kay mama. I kissed her cheeks kahit na pinagpapawisan siya kakalaba ng mga damit namin.
"Ingat kayo anak. Kapatid mo ha, una mong papasukin sa sidecar para hindi mahulog. Napakalikot pa naman niyan," bilin ni mama ‘tsaka tumango nalang ako kasi araw-araw naman niyang bilin 'yon sa akin bago kami pupuntang eskwela kasama ang younger sister ko na nasa Grade 3.
Una ko ngang pinasakay ang kapatid ko at hinawakan ang kamay niya. 15 minutes lang naman at makakarating na kami sa bagong school. Una akong bumaba tsaka inalalayan si Mary at sumunod naman siya sa 'kin. Pagkatapos ko siyang ihatid sa classroom ay dumiretso na rin ako sa classroom. 
Pagdating ko, ang gulo-gulo ng classroom which was terrible and really shocked me to the bones. Sa LSU kasi, di naman ganito kagulo ang room sa first day of  school.
The students were disciplined and composed which was the opposite of my new school. Ganito ba talaga kagulo everyday sa classroom kapag umaga tapos walang teacher? 
Ang mga babae ay nagchichismisan sa labas at parang walang pakialam sa mga lalaking ginugulo ang mga upoan sa classroom. Nadisarrange tuloy ang inaayos ng babaeng naglilinis.
Naawa ako sa babaeng naglilinis, parang janitor ata ng school kaya tinulungan ko nalang siya. Hindi naman siya nagrereklamo sa mga ginagawa ng mga classmates ko at hinayaan nalang din niya akong tumulong sa kanya.
Maya-maya ay narinig ko ang school bell at nag-uunahang lumabas ang mga classmates ko kaya sumunod nalang din ako sa kanila at nagfall in line for the flag ceremony.
After singing the national anthem followed by the panatang makabayan and city hymn, the school bell rang again at pumasok na ulit ang lahat pabalik ng kani-kanilang classrooms. 
Then again, may sari-sarili silang ginagawa ang mga babae habang ang mga lalaki ay nagtatawanan sa di ko malamang dahilan. Pumili nalang ako ng maayos na armchair kasi halos occupied na ang lahat at ang mga natira ay sira naman. 
Gusto ko sana sa first row umupo for better view if magsusulat pero parang occupied na lahat eh dahil sa mga bag na nakalagay kaya wala akong choice kundi umupo sa pinakalast chair. 
Uupo na sana ako kasi wala namang nakaocccupy sa seat until tinawag ako ng isang lalaki na parang gatas ang kaputian ng balat. He has a pair of tiger brown eyes and a prominent thread vein around his nose. His hair was waxed to the side that concealed his small forehead. May itsura sana pero parang playboy.
"Miss, upoan 'yan ng girlfriend ko. Do'n ka sa pinakacorner oh," ani niya sabay nguso sa pinakarightmost seat sa first row kaya umupo nalang din ako. 
Ang assuming ko kasi kaya dali-dali akong umalis sa pwestong 'yon nang pagtinginan ako ng mga kaklase ko. Ang hirap namang maging bagong salta sa public school. Pakiramdam ko binabantayan ang bawat galaw ko and one wrong move, it's either mapapahiya ka or ibubully —a sweeping generalization from private schools.
"Hi! Transferee ka rin pala? I'm Queenly, transferee rin ako." Makikipagshake hands na sana ako sa katabi kong nakakaakit ang pilikmata dahil sa inapply na mascara nang pumasok ang isang matangkad na babaeng teacher. Her height was intimidating but her bright smile neutralized everything. 
"Good morning class, I am Ms. Clara Emerson, your Literature teacher for this school year. Since this is our first meeting, you will introduce yourselves in front of the class then after that, I will give you an advance reading assignment for next week's oral recitation."  
Everyone started to make faces to the teacher which was very rude for the first day of class. Apparently, they don't like the assignment but the teacher just ignored the murmuring and mockery of others like it's not a big deal. I can't believe that I'm really enrolled in a new school. Since nursery, LSU kasi ako kaya ang hirap mag-adjust sa new environment ko ngayon.
"Okay, let's see. Where do you want to start?"
Nagulat ako nang pinagtitinginan nilang lahat ang upoan ko. Napalingon ako sa upoan kanina no'ng parang playboy and he even winked at me while nakaakbay siya sa girlfriend niya. I have no choice but to stand since nakatingin naman din ang teacher sa akin. 
I want to leave a good impression on them and I don't want to get bullied just because they think I'm weak and most of all a 'transferee'. I overheard things that public schools are full of bullies but I think it doesn't apply to all, even private schools have bullies too.
"Good morning everyone. I am Sofia Gomez Engracia, 15 years old. I love music and songwriting, and I enjoy watching blue skies. I lived with my Mom and I have a younger sister, she's in Grade 3. My last school attended was LSU and I transferred here due to the sudden decision of my parents. I hope we will all get along." 
After introducing myself, bumalik na ko sa upoan ko and my seatmate was amazed by how I speak in class.
"Girl, ganda naman ng accent mo. Paturo nga ako minsan," interesado niyang wika sa akin suot ang masigla niyang ngiti.
"Yeah sure! I think it's your turn," I replied with a small smile at tumayo na rin siya na parang nakalimutan niyang siya pala ang susunod.
Madali lang naman natapos ang first 2 subjects and it's recess time already. The favorite subject of all students. Sinamahan ako ni Queenly sa canteen at parang nahihirapan siyang kausapin ako.
"Girl, kanina ka pa english ng english. Recess na ngayon oh! Magtagalog ka nga. Nanonose bleed na mga tao sayo, 'di mo ba pansin?" Queenly twitched her lips a little wearing that problematic face.
Napalingon nga ako sa mga ibang estudyante at parang nagtataka nga sila. Narinig ko pa 'yong isa na bumulong na foreigner raw ako.
"I'm sorry, it's uncomfortable for me to speak in Tagalog and I'm really not fluent with the language when speaking with people not close to me."
Nasanay kasi kami sa last school ko na speak in straight English that's why kapag nakikipag usap ako sa mga classmates ko or teachers, pure English talaga.
"May lahi ka ba girl? Ang puti puti mo naman tapos napakatingkad na brown ang buhok mo. May iniinom ka ba or kahit ano'ng inaapply?" kuryosong tanong ni Queenly sa 'kin.
Actually, kanina pa siya daldal ng daldal sa 'kin but I'm happy that I have company.
"No, it's natural. Ahm... since birth," nahihiya kong sabi habang nakatiptoe para makita kung gaano kataas ang pila sa canteen. 
While waiting for our turn, I'm just observing things around. Naninibago kasi ako sa environment and all. Pagdating ng turn namin, nagulat ako sa mga nakita kong nakadisplay na food.
Hindi ako pamilyar sa mga pagkain and I also don't know what to order kaya tempura and gulaman pinili ko kasi 'yon lang ang kilala ko. Masubukan na rin 'tong mga bagong pagkain.
The bell rang again, a signal that students will go back to their respective rooms and that's what we did. Hindi ko pa natapos ang pagkain ko nang dumating ang teacher kaya itinabi ko nalang ang cup at nakinig. 
I looked around the class at parang wala silang pakialam kung may teacher sa harapan at pinatuloy lang nila ang pagnguya ng pagkaing binili nila habang 'yong iba ay nagdodoodle sa notebook at hindi nakikinig sa teacher. 
Nagpanggap nalang akong walang nakita 'tsaka ayokong maging judgmental, baka lagyan nila ako ng tag na pakialamera. Since first day naman, puro 'Introduce yourself' lang ang ginawa namin the whole day and so lunch na.
Sadly, umuwi si Queenly kaya naiwan akong mag isa sa classroom with the other girls na nagbaon din ng lunch. I opened my bag to get my lunch and was about to start eating when one of the girls called me to join them.
"Sofia, sabay ka sa amin," sabi ng babaeng nakashort hair, her name is Jonnah if I'm correct. She's a head turner in the class because of her height, mga 5'6  ang tantya ko sa height niya. Parang friendly naman sila kaya lumapit na ko sa kanila at nakaramdam ng kunting hiya when they threw a meaningful look at me that I can't read.
"Is it okay to sit with you?" I asked the three of them and they smiled.
"Oo naman, wag kang mahiya. Friends na tayo ha 'tsaka sumabay ka na sa amin. Every lunch dito lang naman kami kumakain sa classroom," sagot naman ni Judy.
Siya 'yong napansin kong napakaenergetic kanina at parang hindi nauubosan ng excitement. Her long black hair was pulled back in a ponytail and her tan skin is flawless. 
"I'm Gale, magkaklase kaming tatlo since Grade 1 kaya wag ka ng magtaka kung hindi kami magkahiwalay. Kung nasa'n ang isa nando'n din kami." Gale gave me a welcoming smile and I can see na mabait siya. She tucked some strands of wavy hair behind her ears and among the three, siya ang pinakamaputi at mahinhin.
I drew a shy smile at them. It's nice to have long term friendships nuh, 'yong since bata pa kayo magkaibigan na kayo. I don't have any like that since palagi naman kaming palipat-lipat ng address ewan ko ba sa parents ko. I don't have any best friends from my previous school too, because I am more like the introvert type and I don't want to have one who's fake or backstabbers. My true best friend is only my sister and my parents.
"Sofia, mamaya pala sa CL time natin mag election of officers. Pwede ka ba namin inominate as class President?" Muntik na kong masamid sa iniinom kong juice sa sinabi ni Jonnah at napatigil ako sa pagkain. 
Ayoko talaga sa lahat ang mag officer kasi nakakapagod 'tsaka parang ang hirap makasundo ng mga classmates niya, transferee pa naman ako baka sabihing nagmamagaling ako or what.
"Ahm... you know I'm a transferee. I think it's inappropriate for me to have that position in the class."
Kinabahan ako sa favor nila 'tsaka ayokong mainvolve sa mga kahit ano'ng nakakastress. Swear! BIG NO! Bakit naman ako ang naisipan nilang inominate, first day pa lang ah. Di ba masyadong maaga para do'n?
"Sofia, pansin namin napakaEnglishera mo. Ganyan ka ba talaga? Don't you know how to speak Tagalog?" singit naman ni Judy with the same energy level at ginagaya- gaya pa ang accent ko kanina.
"I can speak Tagalog but I'm really not that good." I sadly answered kasi nahihirapan talaga akong magTagalog when I'm in school tsaka ang awkward kapag naririnig ko ang sarili ko magtagalog. Siguro, katunog ko ang Chinese na trying hard magtagalog. 
Naiinis nga ako minsan because when I try to speak the language, in the end, english pa rin ang nasasabi ko so no use. I have to speak English when socializing and such.
After lunch, afternoon classes passed and the election of officers was postponed because all the teachers were called for a meeting at the principal's office. Instead of having CL time, everyone started to clean the room except for the boys who were just playing around which I find annoying.
Hinatak naman ako nina Jonnah para pumunta sa labas and they were gardening, I guess. Some girls were sweeping dried leaves, ang iba naman ay nagbubungkal ng lupa and planting flowers they brought this afternoon while the others are watering the plants. 
Some groups were cleaning the classroom and windows while I was left standing idly, observing them. Suddenly, I feel awful and ashamed of myself. Wala akong mapiling gawin eh, hindi rin ako marunong magbungkal ng lupa o magtanim ng bulaklak.
"Jonnah, what can I help?" I asked Jonnah kasi parang naiilang nako sa mga classmates kong kanina pa nakatingin sa 'kin. Ang busy nila kakalinis samantalang ako walang ginagawa kundi tumayo at tinitignan sila. Mali naman ata kapag wala akong gawin para makatulong kahit papa'no. 
"Pakilagay nalang nito sa sako tapos ilagay mo sa tapat ng mahogany. Kukunin 'yan bukas ng mga garbage collector." Tumango ako at ginawa na nga ang sinabi ni Jonnah. 
Pagbuhat ko, magaan lang naman kaya nadala ko naman sa tapat ng mahogany. Pagbalik ko sa classroom ay nagsiayos na sila at nagkaniya-kaniya ng alis. Dahil kakalipat lang namin sa village, hindi ko pa kabisado ang mga daan dito sa bagong lugar namin.
"Sofia, sabay ka na sa amin. Sa Mira Village naman kami nakatira," alok sa akin ni Queenly na kasama sina Jonnah kaya sumama na ko sa kanila habang hawak ko ang kamay ng kapatid ko.
"What's your name?" tanong ni Gale sa kapatid kong nahihiya pa.
"I'm Mary, I'm 7 years old." Natuwa naman sila sa kapatid ko at patuloy lang kami naglakad. 
Akala ko sa highway kami dadaan 'tsaka ko lang nalaman na shortcut pala 'tong tinatahak naming daan. Mas mabilis nga kapag dito dumaan so I decided na magpaalam kay mama na every morning nalang kami sasakay ng sidecar para mas makatipid kami. Mga 10 minutes siguro ang lumipas at nakarating na kami ni Mary sa bahay.
"Ma?" I called pero walang sumagot at naiwang nakabukas ang pinto kaya pumasok nalang kami agad ni Mary at binihisan na siya ng pambahay. 
Pagpasok ko sa kwarto ni mama, narinig ko siyang umiiyak kaya nagmadali akong pumasok sa katabing kwarto.
"Ma, what's wrong? What happened?!" Hindi makasagot si mama at kitang-kita ko sa kanya ang pamumutla at pagkabigla. Hindi ko mawari kung bakit siya nagkakaganyan but I know for sure it's bad news. Tinulak niya ko palabas at nilock ang pinto, patuloy ang pag-iyak niya. 
Dahil umiiyak si mama at wala pa kaming hapunan, I took the initiative na magluto at maglinis ng sala. Pagkatapos kong magluto ay naghanda na ko for dinner at pinauna niya na kaming kumain ng kapatid ko.
Walang malay si Mary sa mga nangyayari kaya napipilitan akong ipakita sa kanya na okay lang ako at hindi ako nababahala.
Natapos na akong maghugas ng plato pero hindi pa rin lumalabas si mama sa kwarto kaya gumawa nalang ako ng mga assignments at nagstudy in advance. After some time of highlighting, I frowned when I received a message from an unknown number.
From: 0912678****
Hi Miss Beautiful, see you tomorrow.

Komento sa Aklat (114)

  • avatar
    SantosXia

    thank you so much

    2d

      0
  • avatar
    Earl Yohann Kyle Alday

    it's a nice story life of after breakeup

    27d

      0
  • avatar
    Henry Malbacias

    okayy

    29d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata