logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 1

First Meet.
---
Agie's P.O.V
"Daisy, nasaan na ba ang alaga mo? Pasado alasais na ng umaga, malalate na siya. Talaga bang gising na 'yon?"
Narinig kong tanong ni mommy kay ate Daisy. Ate Daisy is my yaya, since I was 3 if I remembered it correctly.
"Oho ma'am gising na po. Katatapos lang po maligo noong huling pasok ko sa kwarto niya."
Narinig ko pang sabi ni yaya. Ako naman ay binilisan na ang pagbaba ng hagdan at dumeretso sa hapag kainan, lumapit kay mommy at humalik sa pisngi niya, ganUn din ang ginawa ko kay daddy na busy sa pagbabasa ng news paper while sipping his favorite lemon tea.
"My gosh Arianne Glenil Ezrente! Dalaga ka na! You should know how to ready your things by your own. Pati baon mo kay Daisy mo pa pinagawa."
"Genil, umagang umaga 'yang bunganga mo ang naririnig ng kapit bahay."
"Stop spoiling your daughter Andres! Kaya lumalaking walang alam 'tong si Agie eh. At ikaw naman Daisy, wag mo laging pagbigyan 'yang alaga mo, matuto kang magsabi ng 'No' diyan. Saka akala niyo ata ni Agie di ko malalaman ang pagtakas niyong pumunta sa concert ng K-pop na 'yan kagabi. "
"Eh mom, dad gave me his permission and money, saka sayang naman 'yung chance to meet my baby Azuwi."
"Baby what? My gosh Andres, ayan tignan mo ang resulta ng pagkonsinte mo sa kapiratso ng anak mo, nagiging..."
"Genil, I'm reading an important news, please let me read in peace."
"You're always like that! Kailan ka ba magkakaroon ng oras para pagalitan 'yang anak mo sa pinaggagawa..."
"Tsk!" Inis na sagot ni dad dito bago ibinaba ang tsaa niya at umalis bitbit ang news paper.
"Diyan, diyan ka nagmana ng ugali at katigasan ng ulo ng daddy mo. Ayts, palibhasa ang alam lang ay ang magbigay ng pera sayo."
Ayts, siguradong mahaba-habang daldal na naman ito. Okay Agie as usual, ipasok sa isang tenga pagkatapos ay ilabas sa kabila and just focus to your breakfast. Ang sarap sarap ng breakfast eh, bacon with cheese ang palaman ng sandwich ko with matching milo to energize me. Nextime try ko nga dagdagan ng sani-side up egg.
"Agie, are you listening to me?" Narinig kong sabi ni mommy pero di ko na sinagot dahil tumunog na ang phone ko, meaning seven am na.
Mabilis kong tinawag si yaya kung saan ay agad naman niyang inabot sa akin ang bag at baon kong inihanda niya.
Sa labas ay naghihintay na si mang Dencio, ang aming family driver. Actually, I know how to drive because daddy taught me when I was 11 kaso bawal akong magmaneho ng kotse papuntang school kasi I'm just 13, and a grade 7 student. Bawal na bawal.
"Ma'am malalate po tayo ng sampong minuto kasi traffic daw po ngayon."
"Traffic? Eh sa friday naman ang sobrang traffic manong right? Eh bakit aabutin pa ng sampong minuto?"
"Hindi ko alam ang eksaktong dahilan ma'am, hindi ko kasi nasimulan 'yong balita sa radyo kanina."
"News on the radio? Do we even have it in the house?"
"Opo ma'am, 'yong sa daddy niyo. Pinabili niya ako kahapon."
Dad buy some stuff like that? Weird. Ang news paper nga noong nakaraang buwan lang ata nakahiligan ni daddy at unti-unting nakasanayan ko ng makita 'yon sa kanya since ayaw ni mommy ng may manood sa umaga ng tv dahil natotorete raw ito. Oh well, whatever, that's daddy anyway. It just, his being so weird day after a day.
"Mang Dencio, do you have any idea why daddy bought that radio?" Naisipan kong itanong nang nasa traffic area na kami. Kaasar! Traffic nga.
"Ang sabi para raw ata kay Karmila."
"Pardon me? Karmila who?"
Parang natigilan naman si mang Dencio na tila may di dapat sabihin base sa reaksyon niya ngayon. Hindi ito agad nakasagot sa tanong ko na siyang itinaas ng kilay ko pero kalaunan ay nagsalita muli.
"Malapit na kamag anak ng daddy niyo ma'am. Nako pagpasensiyahan mo na ako, matanda na kaya kung ano ano sinasabi. Wag niyo nalang isipin 'yon."
Tumawa pa ito. Mas lalong umarko pataas ang kilay ko. Malapit na kamag anak? If my neurons are right, wala akong natatandaang Karmila ang pangalan na kamag-anak ni Daddy, aside from being the only child, ganun din ang mga pinsan niyang sina tito Anton at tita Atina.
Ayts whatever. Keysa i-stress ko ang sarili ko sa kanila, sarili ko muna iisipin ko. Duh, malalate na ko. Fifteen minutes nalang flag ceremony na and I don't like the idea of being late on my first day of school.
"Manong wala ka bang ibang alam na daan? Kahit saang daan basta makarating lang tayo on time, ayaw kong ma-late sa first day of class, my gosh! And by the way, may sariling radio ang sasakyan alam niyo po ba 'yon?" Sabi ko ng maalala ang sinasabi niya. Pero kalaunan ay nasapo ko nalang ang noo ko, malamang na hindi alam 'yon ni mang Dencio kasi kung oo ay nakabukas na 'yon sana ngayon.
"Meron naman ma'am, eh kerry niyo kaya?" He's referring to the road I was talking about since lumiko siya somewhere.
"Nako manong, kahit saan pa 'yan go na. Saka naiinip na ako sa traffic na 'to."
"Sige ma'am, sabi mo 'yan ah."
Abot tenga pa ang ngiti ko nang umalis na kami pero napalitan ng takot noong nasa daan na kami. Jusqo! Lubak lubak ang daan, ang sakit na ng pwet ko! My gosh, sana pala hinayaan ko nalang na malate ako. Ang nakakainis, umulan pa, edi mas lalong nahirapan tuloy si mang Dencio sa pagmamaneho baka mas lalo ako ma-late nito.
"Ah tungkol pala sa radyo ng sasakyan, hindi po gumagana dahil inalis ng daddy mo noong una palang."
Nagkibit balikat nalang ako sa sinabi ni mang Dencio, wala akong panahon isipin ang pagiging wirdo ng daddy.
Tanaw ko na ang school nang huminto bigla ang sasakyan namin. Nakita kong bumaba siya at matagal bago bumalik.
"Eh ma'am, mukhang naplatan tayo eh ang problema wala pala ako dalang extra na gulong."
What?! Nakita kong umuulan pa rin sa labas nang lumabas si mang Dencio na walang kapayong payong o pandong man lang sa ulo.
"Mang Dencio get inside the car, magkakasakit ka niyan eh alam mo namang mahina ang resistensiya mo. Sigurado akong magkakasakit ka niyan, at kapag nagkasakit ka, kawawa na naman si nanay Soledad kung pati ikaw."
"Eh ma'am hahanap sana ako ng malapit na talyer, alam ko namang ayaw mong ma-late sa first day of class mo."
"Oh my gosh, I don't care if ma-late na ako, what matters is that you won't get sick, kaya get inside the car now, please. "
Nagtaka pa ako ng wala ng sumagot, nang hawiin ko ang kurtina kung nasaan ako nakapwesto ay nakita kong may kausap na itong iba sa labas. Parang kabuteng sumulpot sa daan ang lalaki, who is he? Oh well, whatever.
Sa hindi inaasahan, nagkasalubong ang tingin namin ng lalaking kausap ni mang Dencio pero agad din itong nagbawi ng tingin at ibinalik ang tingin sa kasalukuyang kausap.
Maya-maya pa mula sa pinto ng driver seat ay dumungaw doon si mang Dencio.
"Ma'am papalitan lang po ang gulong, medio matagal lang kunti kasi ipapadala pa rito, kaya niyo po bang hintayin?"
Well I don't have any other choices naman right? So yeah. Pero siyempre hindi ko na isinatinig 'yon sa kanya.
"Sige po."
Sagot ko kay mang Dencio, muli kong ibinaling ang tingin ko sa lalaki. Nakasuot ito ng kapote at iniabot ang payong niya kay mang Dencio, nahalata na rin ata nitong basang basa na ang driver namin.
Actually naaawa rin kasi ako kay Nana soledad na dalawang apo na niya ang nasa hospital, kaya nga kulang ang tao sa bahay kanina. Dapat si nana Soledad ang taga luto namin, pero dahil wala siya sinalo ni yaya Daisy at pansamantalang gumagawa ng gawain nito at kung dadagdag pa si mang Dencio sa isipin ni nay Soledad, ayts. Ayaw kong mag isip.
Wala na akong nagawa kundi ang maghintay. Every five minutes ay tumitingin ako sa relo ko, actually fifteen minutes late na ako pero okay lang 'yon since umuulan and I'm sure walang flag ceremony.
Titingin sana ako ulit sa labas para alamin kung dumating na ba ang gulong pero siya namang pag-iingay ng phone ko. Sino naman kaya 'to?
Nang tignan ko kung sino ay si Yansea. Yansea is one of my best friend since elem days, nagkakilala kami sa Eve Elementary School, noong grade 1 kami. I'm also belong to a group of friends, named JACKY. Yansea is in the same circle of friends too.
"Where are you? Kanina ka pa namin hinihintay dito sa covered walk ng gate."
"Still in my way and guess what, naplatan pa kami." I said to her, sa aming magkakaibigan, si Yansea ang hater ng late comer, kaya nga nasanay din akong huwag ma-late sa ano mang lakad ko dahil sa kanya.
"What?! You're already fifteen minutes late and then you're just gonna tell me right now that..."
Inilayo ko ang phone ko sa tenga ko. Knowing Yansea, she will probably in bad mood right now and I don't want to hear all her rant, keso raw dapat pinacheck ko muna sa driver namin ang sasakyan bago umalis like what she told me before noong naplatan kami sa concert ng favorite K-pop idol kong si Azuwi. Kung bakit naman kasi kami laging naplaplatan sa mga importanteng lakad ko, kaasar!
Lumipas ata ang ilang minuto nang magpasya akong ibalik sa tenga ko ang phone ko kaso wala na siya sa kabilang linya. Nagkibit balikat nalang ako.
Pagkabalik ko ng phone ko sa bag ko ay sakto namang dumungaw si mang Dencio sa may driver seat.
"Ma'am Agie, lipat ka nalang daw po sa kotse ni Kyler, siya nalang daw maghahatid sayo sa school since doon din daw ang punta niya."
"And why should I do that? He doesn't know me and so am I to him mang Dencio."
"Kilala ko ang batang 'yon ma'am, mabait po siya. Wala pa kasi ang gulong na ipapalit."
Ayts, looks like I don't have any choice again. What should I do now? Ayts. Mas lalo akong nainis ng mag-ring ang phone ko, nang tignan ko kung sino ay si Jasmine, inis na ibinalik ko nalang ang cellphone ko ulit sa bag ko.
"Sige mang Dencio, sasakay na ako sa kung sino mang Kyler na 'yan. Gosh, late na ako. Kung bakit kasi umulan ngayon eh summer na summer."
Marahang tawa lang ang isinagot sa akin ni mang Dencio. Pagkabukas ko nang kotse agad na bumungad sa akin ang lalaking may dala ng payong. Maputi, matangkad, may magulong buhok at naka uniform pero hindi uniform ng shool na papasukan ko, napataas ang kilay ko dahil doon.
"What?" May pagkasuplado niyang tanong sa akin, ay male suplado pala niyang tanong sa akin.
Agad naman akong umiwas ng tingin sa mga mata niyang parang gusto akong balatan ng buhay.
Inalalayan niya akong makalipat sa kotse nito, kung tama ang pagkakarinig ko kay mang Dencio kanina na lumipat ako sa KOTSE NITO.
Sa tabi ng driver seat niya ako pinaupo. According to him, hindi ko siya driver para sa likod ako umupo. Magnitude pala ang isang 'to eh.
Walang imikang nangyari sa pagitan namin hanggang sa makarating kami sa school. I just simply said my thanks to him at walang sabi-sabing bumaba sa kotse niya since wala na din namang ulan o maski ambon.
Agad kong hinanap kung nasaan sila Yansea at di naman ako nahirapan dahil kumuway sila sa akin at tinawag ako sa buo kong pangalan. Tsk! Mga siraulo talaga mga 'to.
"Oh ayan na ang mahal na prinsesa, sa wakas dumating na rin."
Pang aasar ni krystel saakin. Nag bow pa ang loka loka. Sina Jasmine at Caroline naman ay yumakap sa akin.
"You forgot this."
Ang buong buo na boses ng lalaking iyon ang nagpakalas sa akin sa yakap ng dalawa para bumaling dito.
Nang tignan ko ang sinasabi niya ay ang baon kong pagkain na nakalagay sa paper bag.
"Oh... thanks!"
Sabi ko nalang sa kanya, tumango lang ito sa akin. Nang tumingin ako sa gawi ng mga kaibigan ko ay isang nagtatakang reaksiyon ang sumalubong sa akin.., except to Yansea.
Hindi ko nalang sila pinansin at nagsimula ng maglakad papasok ng gate pero agad din natigilan ng marinig ko uli ang boses ng lalaki, but this time I know that he's not talking to me.
"Pinasuyo ni tita Akira na ibigay ko raw sayo. You forgot it."
"Ah yeah, thanks Ky." Walang buhay na sagot ni Yansea.
"You're welcome. I'll go ahead, goodluck on your first day of class, be a good girl."
Nakita ko lang ang pag ngiti ni Yansea rito. What's that mean? They knew each other? Whatever!

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    Faye Audrey

    Ganda ng story

    10/07

    Β Β 0
  • avatar
    mendesgardenia

    muito 😍

    10/05

    Β Β 0
  • avatar
    ReyesAyamedel

    very nice

    06/05

    Β Β 0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata