logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 87.

Thrizel’s POV
“Thrizel! Thrizel! Why are you ignoring me? What’s problem?” Sunod-sunod na tanong sa akin ni Aevie ngunit hindi ko sinasagot. Patuloy lamang ako sa paglalakad.
Wala pa kami sa hideout ni Brooks, bumaba agad ako sa klase. Pinahinto ko ang sasakyan sa kaniya kaya iyan siya ngayon, panay habol sa akin. Ako naman ay hindi siya pinapansin. Sinahihan kong tumigil dahil kaya ko namang umuwi mag-isa. Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa aking pulsuhan kaya huminto ako.
“Hey, I’m so sorry kung hindi kita pinaalis. Mukha namang kilala mo ang mga kaibigan ko. Kaano-ano mo ba sila? Konektado ka ba?”
Tinitigan ko ito sa mga mata. Hindi katagalan, tumalikod muli ako at naglakad nang mabilis. Hahawakan sana ako nito muli nang magsalita ako. “Kaya hindi kita pinapansin dahil alam kong itatanong mo kung anong nangyari sa botique gown. God, Aevie, ramdam mo namang umiiwas ako sa gusto mong malaman. Ang gusto ko, hayaan ang pangyayaring ‘yon. Kung ikaw may pakialam at nagtataka, ako hindi. So stop asking me, hindi sila big deal sa akin, okay?”
“What do you mean hindi big deal? Zel, miss ka na raw nila then Thrale said na umiiwas ka, what’s your reason? They are my friends, may mga gusto rin akong malama—”
“Ewan ko sa mga ‘yon.” Pagsasalita ko habang patuloy pa rin sa paglalakad. “Sa totoo lang, hindi ko sila kilala.” Matigas kong sabi. “Marami akong nakaaway, Aevie. They just pretend to be nice to me because they are your friends. Tuso ang aking mga kaaway. Ayokong magkagulo sa botique gown ni tita kaya gusto ko nang umalis.” Hindi ito nagsalita. Mukha namang nakumbinsi ko siya sa aking pagsisinungaling. Ayoko ng maraming tanong tungkol sa mga ‘yon.
“Okay, I’m sorry. I’m really sorry, Zel.” Tumakbo ito para makapunta sa aking harapan. Hinawakan niya ang aking kamay at tinitigan sa mga mata. Patalikod siyang naglalakad dahil hindi ako humihinto. “I’m so sorry, please?”
“Ayos lang sa akin.” Ngumiti ako ng pilit dito, gumanti rin naman siya.
“Yehey!” Tuwang-tuwa niyang sabi. Nakasanayan ko na ang taong ‘to. Ganiyan talaga ‘yan. “Uuwi ka na ba?”
“No, diretso ako sa bar.” Pababa sa boxing floor. Dahil doon nauna na akong maglakad. Hindi na raw siya sasama sa akin dahil aasikasuhin niya pa ang kaniyang debut pero alam kong hindi iyon ang dahilan. May dahilan siya at parehas kami pero kahit gano’n, nakukuha ko pa ring bumaba.
Nakarating naman akong bar, pumasok na. Walang gaanong tao, mga waiter ang bumungad sa akin. Nginitian ako ng aking mga kakilala, tinanguhan ko naman sila. Pumasok na ako sa isang room, doon ang elevator. Naghintay lang ako ng saglit bago makarating sa baba. Bumungad sa akin ang napakaraming tao. Karamihan ay 18 years old to 21 years old.
“Hey, Thrizel.” Kaway sa akin ng isang lalaki. Tumango ako sa kaniya.
Hindi ko makita ang boxing kaya umakyat akong hagdan, tumambay ako sa railings at doon nanoood sa taas. Naalala ko tuloy noong school year, niyayaya ako ni Brooks na maging referee sa away nila. Nagulat ako dahil boxing naman pala ang gaganap pero hindi, may mga oras na nagsasapakan talaga sila. Minsan lang naman ‘yon. Hindi rin bumababa ang mga pulis dito dahil ang alam nila, boxing area lang talaga ang nasa baba. Paulit-ulit din ang mga nagsisipuntahan, para bang ang hirap makapasok dito.
“From the blue corner!” Sigaw ng emcee. Tiningnan ko ang lalaking ‘yon, hindi ko siya kilala. Sa sobrang pagiging mailap ko rito, kahit paulit-ulit ang nagsisipuntahan. Wala talaga akong makabisadong mukha.
Nasa baba ang aking atensyon, nanonood. Napatingin ako sa aking katabi, lalaki ‘to, naninigarilyo kaya lumipat ako ng p’westo. Mabaho ang amoy no’n. Doon ko nalang tinuon ang aking mga mata nang may marinig ako sa aking likuran.
“I don’t know who his enemy is. The police just arrested him. That's all he deserves.” Halata sa boses ng babaeng ‘to ang pagiging maarte. Base sa kaniyang pagsasalita, halatang umiinom. “Tama bang makipag-away sa isang restaurant? Duh, kung maayos ang pag-iisip mo. Hindi ka roon gagawa ng gulo.”
Wala akong naging reaksyon. Napahinga ako nang malalim at nakikinig lang talaga sa kanilang usapan kahit hindi ko kilala ang kanilang tinutukoy. Tatlo silang babaeng nag-uusap, alam ko ‘yon.
“I see.” Normal na nagsalita ang isang ‘to. “Kung ano-ano ang kinukwento mo, Faru. Ano namang pakialam namin diyan? Hindi namin siya kilala so stop talking, nakakairita ang pagiging maarte mo.”
“I don’t care, magiging maarte ako kung kailan ko gusto.” Lumihis ako ng kaunti, gamit ang aking peripheral vision ko, nakita kong umirap ang isang ‘to. “Speak, Nafe. Kung umakto ka riyan, wala kang ganang kausapin kami.”
“Puro non-sense pinagsasabi mo, sinong gaganahan sa ‘yo?” Sabi naman ni Nafe habang nanonood ng laban sa ibaba. “Stop talking Faru, Isla. Wala kang mapapala riyan.”
“Lagi ka nalang kontra sa akin!” Sigaw ni Faru dito. “I hate you always, Nafe. We’re friends pero ganiyan ka sa ak—”
“Shhh.”
Nang hindi na sila nag-uusap. Tumingin muna ako sa baba bago maglakad paalis. Pababa na ako nang hagdan ngunit may tumawag sa aking pangalan. Humarap ako ng kalmado rito.
“Thrizel.” It’s Isla. Nakita niya yata ako.
“Yes?”
Matabang itong umiling sa akin. Mabilis kong inalis ang tingin ko sa kaniya, naglakad na ako pababa. Alam kong nandidito si Blue kaya naglibot-libot ako. Tapos na rin ang away sa ring. Abala ako sa paghahanap kay Blue nang marinig ko ang aking pangalan.
“Join with me, Thrizel Wrent. Why don’t you fight with me?” Tiningnan ko kung sino ang may hawak ng mic. Gano’n nangasim ang aking mukha nang si Cide ito. Pasikat?
“Seriously? Makikipag-away si Cide sa babae?”
“Ngayon lang ‘to nangyari, babae laban sa lalaki. Bawal ‘yon dito.”
“Fight not boxing, anong plano ng lalaking ‘to?”
“Sigurado akong makukuha niya ang gusto niya. He is Cide.”
Bulungan ng mga tao. Napahinto rin ako sa paghahanap, wala akong naging galaw dahil pati ako, nagulat sa kaniyang pagyayaya. May dalawang lalaking pumunta sa aking p’westo at hinatak ako. Pumiglas ako rito pero makapit ang kanilang pagkakahawak. Wala akong nagawa, napasok nila ako sa ring. Tahimik ang lahat. Nakatingin sa akin. Wala akong nararamdamang kaba puro pagtataka.
Kita kong papunta sa ring si Cide, nakangiti itong nakatingin sa akin. Nang makapasok siya, natawa ito halatang inaasar ako. Nilibot niya ang kaniyang paningin, nakita niya ang referee dahil hindi ito kumikilos. “Ganiyan ka nalang?”
Walang takot na sumagot ang referee. “Si Brooks ang boss ko rito, Cide.”
Napaamang si Cide sa naging sagot nito. Akala ko ay pupuntahan niya at susuntukin pero hindi. Tinuon niya ang tingin niya sa akin. Nasa magkabilang side kaming dalawa kaya malayo-layo sa akin ang lalaking ‘to. Hindi ako naging referee at kahit kailan, hindi ako sumalang dito.
“You know what, Thrizel?” Rinig na rinig ko ang kaniyang boses dahil sa katahimikan. Naglakad siya palapit sa akin. “Wala akong pakailam kahit babae ka.” Hindi ako umatras sa aking kinatatayuan. Nang makalapit siya sa akin, agad niyang hinawakan ang aking panga gamit ang isang kamay niya. Diniinan niya iyon, masakit. Matangkad siya kaya nakatingkayad ako. “Fight with me now. Matapang ka, ‘di ba?”
Nilihis ko ang aking mukha, agad niya namang nabitawan. Ramdam kong namamanhid ang aking dalawang pisngi dahil doon. Titingin sana ako sa kaniya nang sampalin niya ako, napatabingi ang aking ulo. May tumulong dugo galing sa aking labi. Akala ko ipaparecover niya muna ako sa ginawa niyang ‘yon pero hindi, agad ako nitong sinikmuraan rason para mapaupo ako sa sakit.
“Kapag sinabi kong laban, laban!” Sigaw niya sa akin. Umupo siya para makita ako. “Ang mga sinasabi ko, ginagawa ko, Thrizel."
Kahit may iniindang sakit, nakuha kong ngumisi. “Mga ex-girlfriend mo yata, pinagtiisan ka nalang.” Muli niya sana akong sasampalin nang may magsalita sa mic.
“Why don’t you fight with me, Cide?” Kahit hindi ko tingnan, kilala kong si Brooks ito. Kakarating niya lang siguro.
Malakas na sumigaw si Cide para sagutin. “Don’t interfere with it anymore, asshole!”
Dahan-dahan akong lumingon kay Brooks. Kita ko ang kaniyang mga kamaong nakasarado, alam kong nagagalit na siya. Kita kong napalingon siya sa akin, nagtagpo ang aming mga mata. Hindi ko mabasa ang kaniyang emosyon. Nawala ang atensyon ko sa kaniya nang sumakit ang aking tiyan. Dahan dahan akong tumayo para harapin ang lalaking ‘to. Hindi ko agad nagawa iyon dahil napatingin ako kila Nafe, Isla at Faru. Seryoso silang nakatingin sa akin, mga walang emosyon. Naghihintay lang din kung ano ang aking gagawin. Wala naman akong pakialam sa mga ‘to kaya hindi ko na inintindi.
Yumuko ako, kita ko ang pagbagsak ng aking mga luha. Humarap ako kay Cide, lumapit ako sa kaniya. “Please, tumigil ka na...” Nakikiusap ang aking boses, paos. Nagulat siya sa naging reaksyon ko. Ramdam ko ring kumikibot ang aking labi. “Ayoko ng gul—”
Naputol ang aking sasabihin nang sumigaw si Brooks. “Don’t lower your pride on that boy!”
Hindi ko siya pinakinggan. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Feel ko si Thrale ang aking kaharap. “Ibibigay ko ang gusto mo, huwag mo lang iparamdam sa‘kin ang ganito.” Wala akong pakialam kung nakikita ako ng lahat na umiiyak. Ito lang ang naisip kong paraan.
“Thrizel...” Mahinahon ang boses ni Cide. Ganito ang boses niya no’ong nagkakilala kami. Ngumiti ako sa kaniya. Lumapit siya sa akin at yayakapin sana ako nang buong p’wersa ko ‘tong sinapak sa sikmura. Napaluhod ito sa sobrang sakit. Ang mga luha ko ay kusang nawala sa aking mga mata. Nagsigawan ang mga tao.
“Hindi nga ako sumasalang dito, Cide. Araw-araw naman akong nakikipagpatayan sa labas.” Malamig kong sabi sa kaniya. Napatawa pa. Umiling-iling at tumalikod na ako. Lalabas na sana sa ring nang maramdaman sasapakin ako ni Cide. Bago niya iyon magawa, tinadyakan ko siya sa tiyan kahit nakatalikod ako.
“Madaya ka talaga lumaban, bitch!” Namimilipit siya sa sakit habang sinisigaw iyon.
“Nakaugalian kong sa huli gumaganti.” Kalmado kong sabi at lumabas na ng ring.
Pinagtitinginan naman ako ng mga tao nang makababa. Nakita ko rin ang tatlong babaeng nakatingin sa akin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad, sinalubong ako nila Brooks at Blue.
“Gagong lalaking ‘yan, kung hindi pa nagsabi sa akin ang referee ko. Hindi ko pa malalaman.” Inis na sabi ni Brooks. “Grabe ka maliitin e. Dapat lang ‘yan sa kaniya. Mas inuuna ang pagiging pasikat bago mag-isip.”
“Celebrity ka na, Thrizel. Galing mong umacting e. Sarap sungalngalin.” Sinapak ko sa balikat si Blue dahil sa kaniyang sinabi. Natawa naman ito.
“Hindi ka talaga nakikinig sa akin. Ang sabi ko huwag ka pupunta rito. Tingnan mo ang nangyari, nakita ka ni Cide. Ikaw pa ang gustong pagtripan.” Panay daldal si Brooks, walang tigil. “Nandiyan pa sila Faru, Isla at Nafe, paano kung yayain ka nila, huh? Iyang tatlong ‘yan, kilala ‘yang magaling dito.”
Nagsalita si Blue. “Crush ko nga roon si Isla e.” Proud niyang sabi na halata ang pagkakilig. Humarap siya sa akin. “‘Di ba, Thrizel, mga old friends mo sila? Kayo nila Faru, Aevie, Nafe at Isla?” Hindi ko siya sinagot. “Kumustahin mo naman, uy.”
Sinamaan ko siya ng tingin. “Manahimik ka. Isaksak kita sa bra ni Isla.”
“Uy, uy, opportunity. Please, please, regalo mo nalang sa akin, Thrizel tutal malapit naman na ang birthda—”
“Tapos na birthday mo.”
“Madamot ka talaga.”
Natigil ang aming pag-uusap nang nakita naming nakatayo sila Faru, Nafe at Isla sa elevator. Nakatingin silang tatlo sa akin, wala akong naging reaksyon. Pati sila Blue at Brooks ay nakabase sa aking gagawin. Ano namang kailangan ng tatlong ‘to? Unang una, ayoko nang makisama sa kanila.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Thresia_writes

    i really love the story tells,ang ganda nya grabe May halong kilig,tawa, lungkot,iyak,the way threzil and thrale love each other mapapa sana all Kana lang talaga,5 stars for you author mwuahhh

    15d

      0
  • avatar
    BermasKathlyn

    :< ...

    02/06

      1
  • avatar
    NERZARECHELLE

    ❤️❤️❤️

    30/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata