logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4: Behind That Sadness

"Sa'n ka pupunta, Kuya?"
Napatigil ako sa paglabas ko ng bahay nang madaanan ko si Gin na nakahiga sa mahabang sofa sa sala habang nanonood ng TV.
"Bihis na bihis ka ah. May date ka?" Muli niyang tanong.
"Anong date? Saka hindi ako bihis na bihis, normal ko 'to."
Nagtuloy na 'ko sa pagbukas ng pintuan nang may lumanding na unan sa ulo ko. Inis kong nilingon si Gin.
"Ano bang problema mo!?"
"Sa'n ka nga pupunta? Pauwi na si Mama mamaya. Baka maabutan ka niyang wala rito. Saka magsasaing ka pa, 'di ba? Sino'ng magsasaing?"
"Problema mo na 'yon." Sagot ko bago mabilis na lumabas ng bahay.
Narinig ko pa ang malakas niyang pagtawag sa'kin pero hindi ko na 'yon inintindi pa. Nagdiretso ako paalis hanggang sa makarating ako sa bus stop. Nang may tumigil na bus sa tapat ko ay agad akong sumakay.
Mabilis lang ang naging biyahe ko papunta ng Southvill Park dahil wala namang traffic. Naupo ako sa upuang inupuan niya noon at kung saan ko siya nakita ulit kahapon.
Tumingin ako sa wrist watch ko at saktong 4pm na. Napangiti ako dahil saktong-sakto lamang ang dating ko rito.
Inangat ko ang tingin ko at tumingin-tingin sa paligid. Inaalam kung nandiyan na ba siya o wala pa. Limang minuto rin ang lumipas pero hindi pa rin siya dumadating. Hindi ko naman nakuha ang cellphone number niya o ang Facebook account niya para kontakin siya.
Naramdaman ko ang marahang pagpatak ng ulan kaya napatingala ako. Muli kong pinagmasdan ang mga taong tumatakbo na dahil papalakas na nang papalakas ang pagpatak nito. Pero hindi man lang ako umalis kahit kaunti sa pwesto ko. Iniisip ko na baka kapag umalis ako ay hindi niya 'ko makita kapag dumating siya.
Napayuko ako habang unti-unti akong nababasa dahil sa malakas na ngayong pagbuhos ng ulan. Nagtaka ako nang hindi na 'ko nababasa. Napakunot din ang noo ko nang makita kong may dalawang paa na nakasuot ng sapatos ang nakatayo ngayon sa harapan ko.
Marahan kong inangat ang ulo ko hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa.
"Bakit ka nagpapakabasa rito?" Nakangiting tanong niya habang pinapayungan niya kaming dalawa.
Marahan akong tumayo habang nakatingin pa rin sa mga mata niya kaya naman inangat niya ang payong.
"Nahuli ba 'ko?" Tanong niyang muli sa'kin.
Umiling ako. "Hindi. Sakto lang ang dating mo."
Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya sa'kin. Yung ngiting nakakapagpawala ng lahat ng mga iniisip ko. It's like a magic.
"Punta tayo sa waiting shed. Sumilong muna tayo ro'n." Yaya niya.
Kinuha ko naman sa kaniya yung payong na hawak niya para ako na ang maghawak kasi mukhang nahihirapan siya dahil mas matangkad ako sa kaniya.
"Dumikit ka sa'kin para hindi ka mabasa." Utos ko sa kaniya.
"Ahh s-sige."
Lihim akong napangiti nang paglapit niya sa'kin ay dumikit siya sa may kanang balikat ko. Mas ipinaling ko rin sa side niya yung hawak kong payong para hindi siya mabasa. Hindi ko na inintindi kahit pa nababasa na yung kaliwa kong balikat.
Nang makarating kami sa bus stop ay saka ko lang pinatay yung payong. Magkatabi rin naming pinanood ang ulan at ang mga taong nagtatakbuhan para makasilong. Sobrang lakas na rin ng ulan kaya naman wala kaming magawa ni Ali kundi ang panoorin na lang ito.
Napatingin ako sa kamay niya nang iangat niya ito at sinalo ang mga patak ng ulan.
"Tingin mo, kailan kaya titigil ang ulan?" Tanong niya.
Nang tignan ko siya ay nakatingin na rin pala siya sa'kin. Muli kong tinignan ang malakas na buhos ng ulan.
"Hindi ko alam." Wala sa sariling tugon ko.
"Alam mo ba? Mas gusto ko ang ulan."  Napatingin akong muli sa kaniya nang magsalita ulit siya. Nakangiti lang siya sa kamay niyang sumasalo ng mga patak ng ulan. "Kasi malamig. Kapag kasi tirik na tirik ang araw, nahihirapan akong magsuot ng jacket at pants. Sobrang init kasi."
Noon ko lang napansin na nakasuot na naman siya ng jacket at pantalon. 3 years ago ay hindi naman siya ganito.
"Bakit ka nga ba laging nakajacket kahit na ang init-init?" Hindi ko na napigilan ang pagtatanong ko. "Dati naman, no'ng makita kita, you're wearing a dress."
Nawala ang ngiti sa labi niya at ibinaba na rin niya ang kamay niya. Nakita ko na naman ang lungkot sa mga mata niya na palagi kong nakikita sa tuwing tititigan ko siya.
"M-May mali ba 'kong nasabi?"
Umiling siya saka pilit ang ngiting tumingin sa'kin. "Wala. Okay lang." Sagot niya bago tumingin sa suot niya. "Marami kasi akong peklat eh, kaya kailangan ko laging magsuot ng mga mahahabang damit."
Nang tignan niya ulit ako ay tumawa siya, but I didn't see it in her eyes. I just saw sadness.
"Why? Kahit hindi kita nalapitan noon, nakita at tanda ko pa rin na wala kang peklat." Tinignan ko ang kabuuan ng mga braso niya. "Sa loob ng tatlong taon, did something happened?"
Ilang minuto siyang hindi umimik at nakatingin lang sa malakas na pagbuhos ng ulan.
Maya-maya lang ay marahan siyang tumango. "Sa loob ng tatlong taon, there's so many terrible things that happened." Tumingin siya sa'kin. "Kung nilapitan mo siguro ako noon, baka nabago ang hinaharap ko. Hindi sana nangyari ang mga bagay na 'yon."
Tuluyan na 'kong humarap sa kaniya. "Ano ba yung mga bagay na nangyari sa'yo noon? Hindi ko man mabago, malay mo magawa kong maging isang magandang bagay." I tried to smile at her.
Napatitig siya sa'kin. Hindi siya ngumingiti pero hindi rin seryoso ang mukha niya. Ewan ko, hindi ko maipaliwanag. Para bang maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon na hindi niya masabi sa'kin.
Ilang minuto ang lumipas bago siya tuluyang ngumiti. "I'll tell you when I'm ready. Sa ngayon kasi, I wanted to know you more. You know? Yung mga ginagawa ng mga magkaibigan."
"K-Kaibigan? Magkaibigan tayong dalawa?"
Biglang naglaho ang ngiti niya. "Ahm, h-hindi ba? I'm sorry, I thought—"
I smiled. "I'm kidding."
"Ha?"
"Simula ngayon, magkaibigan na tayong dalawa."
Muli niya 'kong nginitian hanggang sa namalayan naming nakatitig na kami sa mga mata ng isa't-isa habang nakangiti.
"Ah oo nga pala!" Kinapa ko sa bulsa ng pantalon ko yung panyo niya saka ko 'yon inabot sa kaniya. "Sa'yo 'to, hindi ba? Nalaglag mo sa bus kahapon. Hindi ko na nasauli sa'yo."
Kinuha naman niya 'yon saka ngumiti. "Kaya mo pala 'ko tinawag na Belinda kahapon, dahil pala rito."
Napakamot naman ako sa batok ko dahil sa hiya. "A-Akala ko kasi 'yon ang pangalan mo. 'Yon kasi ang nakalagay diyan eh. Teka, bakit nga ba Belinda ang nakasulat sa panyo mo imbis na Ali o Alison?"
Nakangiti naman niyang pinagmasdan yung nakaburdang pangalan do'n.
"This handkerchief is my mother's." Muli niya 'kong tinignan. "Kaya pangalan niya ang nakalagay rito."
"Ahh."
She gently rub her mother's name on the handkerchief. "She gave me this before she...died."
Nagulat ako sa huling salitang sinabi niya. "P-Papatay na siya?" Tumango naman siya. "I'm sorry, Ali."
Ngumiti lang siya. "It's okay. Tatlong taon na naman yung nakalipas eh."
"Tatlong...taon?" Napaawang ang labi ko nang may marealize ako bigla. "You mean—"
"Yes." Putol niya sa'kin. "It's the day that you saw me at the Southvill Park. She died because of a car accident. Hit and run, and until now...we couldn't find the suspect."
Kahit sa panyo niya siya nakatingin at hindi sa'kin ay kitang-kita ko pa rin ang sakit sa mga mata niya. Behind those smiles na palagi niyang binibigay sa'kin ay may kalungkutan naman na sinasabi ang mga mata niya.
"Ang sabi nila, hindi raw marunong magsinungaling ang mga mata." This time, she looked at me again. "Sa tuwing nginingitian mo ako, alam kong hindi 'yon totoo. You've been like this for 3 years." I laughed sarcastically. "Stupid of me to notice that this late. Ngayon ko lang napansin na malungkot pala ang mga mata mo. If I had known that 3 years ago, sana nilapitan na lang kita noon. To let you know you that I'm here for you."
Muli kaming nagkatitigang dalawa. Ilang minutong gano'n ang pwesto naming dalawa at wala man lang kumikibo. Alam ko ring tumila na ang malakas na ulan pero wala ni isa sa'ming dalawa ang kumikibo.
Maya-maya lang ay si Ali na mismo ang nag-iwas ng tingin. "A-Ahm, d-do you want to your change clothes first? Basa na yung damit mo eh."
Napatingin naman ako sa suot kong damit at basa na nga 'yon. Ngayon ko lang napansin, at ngayon ko lang din napansin na ang lamig pala.
"Kaya lang malayo pa yung bahay ko rito eh."
She smiled at me. "Don't worry. Leave everything to me."
Pumara siya ng taxi saka niya 'ko hinila papasok. "Manong, sa Southvill Mall po tayo."
Agad namang umandar yung taxi na sinasakyan namin. Ako naman ay nagtatakang tumingin kay Ali.
"Bakit tayo pupuntang Southvill Mall? Ano'ng gagawin natin do'n?" Tanong ko sa kaniya.
"Sasamahan mo 'kong mamili." Simpleng sagot niya.
"Eh akala ko ba kailangan kong magpalit ng damit?"
Hindi na siya umimik at nanatiling nakangiti na lang sa'kin. Hindi ko nagugustuhan ang ngiti niyang 'yon.
Nang makarating kami sa mall ay hinila niya agad ako papunta sa men's section.
Teka, men's section?
"Men's section? Bakit tayo nandito? Akala ko ba sasamahan kitang mamili?" Muli kong tanong sa kaniya.
"Oo nga. Ibibili kita ng damit mo."
"Ha? Ano ka ba? Ayos lang ako!"
Umiling siya. "No, you are not. Kita mo nga? Basa na ang damit mo. Hindi ka pwedeng magkasakit. Maraming taong gustong maging kagaya mo na healthy. Kaya hindi mo dapat hayaang magkasakit ka, okay?"
Iniwan na niya 'ko at naghanap ng damit na pwede kong isuot. Hindi ko alam pero nang sabihin niya na bawal akong magkasakit, parang ang lungkot na naman ng mga mata niya.
What's really the story behind your sadness, Ali? I want to know.
Nang lapitan niya ulit ako ay may hawak-hawak na siyang T-shirt at pantalon. Nakangiti niya 'yong ibinigay sa'kin.
"Try it."
Hindi na 'ko nagdalawang isip pa at nagpunta na 'ko ng fitting room para i-sukat 'yon matapos kong ihabilin sa kaniya yung payong. I just don't want her to be upset kung tatanggihan ko pa siya ulit.
Matapos kong i-suot yung binigay niya sa'kin ay lumabas na 'ko ng fitting room para ipakita sa kaniya. Tuwang-tuwa naman siya nang makita niya 'ko.
"Perfect. Bagay sa'yo, Geo." Aniya.
Ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya.
Hindi na niya pinahubad sa'kin yung damit. Yung basang damit ko na lang ang pinabalot niya. Siya na rin ang nagbayad kaya ang sabi ko ay babayaran ko 'yon sa kaniya kahit pa tanggihan niya. Hindi naman siya umimik at nginitian lang ako.
Nagyaya rin siyang maglibot na muna sa mall dahil nandito na lang din naman kami.
"Alam mo ba? Ngayon lang ako nakapunta rito sa Southvill Mall after 3 years." Sabi niya habang naglalakad kaming dalawa.
Gulat naman akong napatingin sa kaniya. "T-Talaga?"
Tumango siya at ngumiti. "That's why I'm so thankful to you. Thank you for bringing me here, Geo."
Magsasalita na sana ako nang may mauna na sa'kin.
"Ali? Is that you?"
Sabay kaming napalingon ni Ali sa tumawag sa kaniya. May isang babae ang papalapit sa'min habang nakangiti.
"Sabi ko na nga ba ikaw 'yan eh! Alison Marquez, ano na?" Excited na sigaw nito kay Ali.
Nang tignan ko naman si Ali ay mukhang hindi siya masaya na makita ang babaeng kaharap niya. Parang nahihiya siya na ewan.
"Huy, Ali! Hindi mo na ba 'ko tanda?" Muling sambit no'ng babae. "It's me, Penelope. Penelope Javier. Yung friend mo no'ng high school at college. Ikaw naman, kinalimutan mo na agad ako?"
"I-I'm sorry, pero wala akong kilalang Penelope." Tinignan ako ni Ali saka hinawakan ang kamay ko para higitin paalis. "Let's go, Geo."
"Teka, sandali! Alison!" Pahabol na tawag sa kaniya no'ng Penelope pero hindi na niya ito pinansin.
Nang tuluyan kaming makalayo ro'n ay saka niya lang binitawan ang kamay ko.
"P-Pwede ba 'kong magtanong?" Tinignan niya 'ko. "Sino ba yung Penelope na 'yon? Kaaway mo ba siya kaya hindi mo siya pinansin? Nagsisinungaling lang ba siya na magkaibigan kayong dalawa?"
Umiling siya. "She's not lying. She's my friend." Nakayuko niyang tugon sa'kin.
"She's your friend? Eh bakit mo siya iniwasan? Bakit ka nagpanggap na hindi mo siya kilala?"
Narinig ko ang mga hikbi niya at nakita ko ring may tumutulo nang luha mula sa mga mata niya.
"A-Are you crying?" Tumunghay siya at nang makita ko na ang buong mukha niya ay nagulat ako sa nakita ko. "Oh sh*t! You're bleeding, Ali!"
"H-Ha?"
"Dumudugo ang ilong mo!"
Napahawak siya sa ilong niya saka tinignan ang dugong nasa kamay niya. Nataranta naman ako at hindi ko alam ang gagawin.
"Y-You can't see this, Geo. P-Please, l-leave." Nangangatal ang boses niya at namumutla na rin siya.
"No! Bakit kita iiwan!?" Sigaw ko. "Sandali, punasan natin—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lang siyang nawalan ng malay. Mabuti na lang at alerto ako dahil nasalo ko agad siya.
"A-Ali! Ali! Gumising ka, Ali! Tulong! Tulungan niyo 'ko!"
Kaagad naman akong tinulungan ng mga taong nando'n. Tinulungan nila 'kong buhatin si Ali palabas at magpara ng taxi. Tinulungan din nila akong maisakay si Ali sa loob. Nang mapasalamatan ko sila ay sinabi ko sa driver na sa Southvill Hospital kami.
Mabilis kaming nakarating ng ospital at agad ding dinala si Ali sa emergency room. Nagtaka pa 'ko dahil hindi na 'ko tinanong ng mga nurse kung ano'ng nangyari. Basta na lang nila sinuri si Ali saka may tinawag na doktor.
"Ikaw ba ang kasama ni Alison?" Tanong sa'kin no'ng bagong dating na doktor.
Nagtaka ako lalo dahil kilala niya si Ali.
"O-Opo."
"Doc, platelets." Sambit no'ng isang nurse.
Agad naman na lumapit yung doktor kay Ali at sinuri ang mga mata nito.
"A-Ano po bang nangyari sa kaniya?"
Gulat namang napatingin sa'kin yung doktor na parang hindi inaasahan ang tanong ko.
"You don't know?"
Umiling lang ako sa tanong niya.
"She's sick."

Komento sa Aklat (128)

  • avatar
    ObiasRosemarie

    thats kinda great

    2d

      0
  • avatar
    Arc Hie

    need money

    28/07

      0
  • avatar
    Mi Les

    ilove it

    25/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata