logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Tears Of Heaven

Tears Of Heaven

Ammttwenty


Prologue

Pagkalabas na pagkalabas ko ng airport ay bahagya akong napangiti habang nakatingin sa paligid.
"Nandito na 'ko." Bulong ko sa sarili ko. Tumingin ako sa langit na hindi naaalis ang ngiti sa labi ko. "Nandito na 'ko, Ali."
Muli kong pinagmasdan ang paligid bago binitbit na ang mga dala kong bagahe at pumara ng taxi papunta sa hotel.
Tatlong araw rin akong mananatili rito sa Canada para magbakasyon at magliwaliw. Isa pa, gusto kong tuparin ang pangarap ni Ali noon pa. Gusto niyang makarating dito sa Canada. Gusto niyang makapag-uwi ng maple leaf. At gusto niya ring maranasan ang snow. I want to fulfill her dream.
Gabi na rin nang makarating ako sa hotel kung saan ako mananatili sa loob ng tatlong araw. Nang tuluyan akong makapasok sa kwarto ko ay napahanga ako sa laki at ganda no'n. Ito raw ang pinakamahal na kwarto rito sa hotel. Si Tito Peter mismo ang nag-reserve nito sa 'kin dahil kaibigan niya raw ang mismong may-ari nitong hotel.
Nilibot ko ang buong kwarto hanggang sa makarating ako sa isang malaking bintana sa may tabi ng kama. Hinawi ko ang kurtinang nakatabing doon at muli na namang napangiti sa ganda ng tanawin. Kitang-kita ang ganda ng buong Canada mula rito.
"Sana nakikita mo 'to ngayon, Ali." Muli kong bulong. "Sana kasama kita ngayon dito."
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Kung masaya ba 'ko o malungkot. I should be happy kasi finally, natupad ko na rin ang isa sa mga pangarap ni Ali. But I can't, 'cause I'm not with her right now. She left me already.
Ilang taon na rin naman ang nakalipas. It's been 4 years already and the pain of her leaving me behind is still here. Magaling lang akong magtago ng nararamdaman ko, pero ang totoo...nasasaktan pa rin ako. Hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin siya.
Yeah, I am okay. Pero hindi gano'n ka-okay kagaya nang iniisip ng iba. Nagluluksa pa rin ako sa pagkawala niya. Hindi ko pa rin tanggap. Pero alam kong gusto niyang maging masaya ako at maging okay na ulit ako. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para ipagpatuloy ang buhay ko at matupad pa rin ang mga pangarap ko dahil alam kong ayon ang gusto niya para sa 'kin.
Gano'n din ang ginagawa ni Tito Peter. Mag-isa na lang siya sa buhay kaya nag-alaga na lang siya ng aso para hindi siya gaanong malungkot kapag nasa bahay siya. Kahit mahirap din sa kaniya na wala na ang mag-ina niya, kinakaya niya lahat kasi ayaw niyang mag-alala ang mga ito sa kaniya. Alam niya ring hindi gugustuhin nila Ali na habang buhay na malungkot si Tito Peter dahil lang sa kanila. Hindi ko nga alam kung paano niya nakakaya 'yon. Kung nakakaya niya, sino ba naman ako para hindi kayanin 'to?
"Maraming nagbago simula nang mawala ka, Ali...pero hindi nagbago ang pagmamahal ko para sa 'yo."
Alam kong kahit hindi niya sinabi sa 'kin noon, gusto niyang maging masaya ulit ako at makahanap ng tao para sa 'kin, kaya lang sa ngayon, hindi ko pa naiisip 'yon. Hindi pa 'ko handang magmahal muli. Hindi pa 'ko handang palitan si Ali. Actually, kahit na magmahal ulit ako, mukhang hindi maaalis si Ali sa puso ko. She will always have a special place in my heart. Kahit na sino pa man ang mahalin ko, mananatili pa rin si Ali sa puso ko.
I don't know if that's going to be selfish for my future partner, if ever, pero sana maintindihan niya. Ali's my first love, at hindi naging maganda ang pagtatapos no'n. Kaya rin siguro hindi ko pa magawang buksan ulit ang puso ko dahil bukod sa baka hindi lang nila maintindihan na hindi ko kayang kalimutan si Ali, ay natatakot din akong maiwan na naman. Natatakot akong umalis na naman ang taong mahal ko tapos maiwan na naman akong durog. Ayoko na ulit maulit ang nangyari sa 'kin nang mawala si Ali at si Papa.
I'm scared that I'm going to experience that same kind of pain and situation again. Hindi pa 'ko handa ulit, at hindi ko alam kung kailan ako magiging handa ulit.
Bigla akong napabuga ng hangin saka isinara na 'yong kurtina. "Bakit nga ba 'ko nagse-senti? Nandito ka para mag-relax, Geo."
Sa ngayon, iisipin ko muna ang sarili ko. I needed this time for myself. I need a break. Kahit saglit lang.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ang sabi sa 'kin ni Tito Peter ay may ipapahiram daw sa 'kin na kotse ang may-ari nitong hotel para raw hindi hassle ang paglilibot ko. Ginamit ko ang kotse na 'yon papunta sa lugar kung saan gustung-gustong puntahan ni Ali noon pa.
Naglakad ako sa ilalim ng mga puno. May mga mangilan-ngilan ding mga tao ang naglalakad kasabay ko. Ang iba ay kasama ang pamilya nila, mga anak, ang iba naman ay kasama ang mga kapareha nila.
Kung nandito ka lang sana, Ali. Sana kasabay kitang naglalakad ngayon dito.
Tumigil ako sa harapan ng isang puno saka tumingala. "Sayang, winter ngayon. Hindi ko naabutan ang maple leaf, Ali. Pero babalik ulit ako rito. Tutuparin ko ang isa mo pang pangarap na makapag-uwi ng maple leaf kagaya ng napanood mo sa Goblin."
Bahagya akong natawa nang maalala ko kung gaano siya kaadik sa mga K-drama. Goblin ang paborito niyang K-drama sa lahat kaya ginusto niyang makapunta ng Canada.
Naglibot-libot pa 'ko sa kung saan-saan hanggang sa mapagod na 'ko at magpasya nang bumalik ng hotel. Habang nagmamaneho ako pabalik ay biglang umulan ng snow. Napatitig ako sa bawat patak ng snow sa labas.
Ibinaba ko ang bintana ng kotse ko at bahagyang inilabas ang kamay ko para sambutin ang mga snow na pumapatak. Doon nagbalik lahat sa alaala ko noong unang beses ko siyang makita at makilala.
The day that I met her...was the day I want to repeat again and again.

Komento sa Aklat (128)

  • avatar
    ObiasRosemarie

    thats kinda great

    2d

      0
  • avatar
    Arc Hie

    need money

    28/07

      0
  • avatar
    Mi Les

    ilove it

    25/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata