logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

KABANATA 5

“Oh, hija saan mo nakuha ang pasang iyan?” Napatingin ako sa kamay ko nang ituro ’yon ni Lola Karen. Nakita ko na kulay itim na medyo maviolet nga ang likod ng kamay ko.
Inisip ko kung saan ko nakuha ’yon at naalala ang nangyari sa cafeteria kanina, hinamapas ako ng lalaki kanina.
“Hinampas po ng kaeskwela ko, Lola Karen,” sabi ko rito at nag-aalala naman niyang kinuha iyon.
“Aba‘y masakit ba?” tanong nito sa’kin kaya naman binawi ko ang kamay ko at itinago ’yon.
“Hindi naman po, at saka ayos naman po ako simpleng pasa lang po ito,” paliwanag ko habang napapakamot sa ulo, hindi ko napansin kanina ito at wala naman akong naramdaman na sakit kanina habang nasa eskwelahan pa ako.
Tiningnan ko ang mga gamit ko na nasa bag na malaki, nakahanap na ako ng bahay pero hindi ko pa nakikita ngayon ko palang iyon makikita.
“Oh, sige na hija at lumalalim ang gabi mag-iingat ka,” paalala sa akin ni Lola Karen bago ako umalis, nagmano muna ako sa kaniya at lumabas ng kaniyang bahay.
Ang gusto sana ni Lola Karen ay tumira ako kasama niya pero hindi kasi puwede, kasama niya ang anak niya na may pamilya na. Mahirap ang makisama lalo at hindi mo kamag-anak ang kasama mo.
Binuhat ko ang bag ko at pumara ng tricycle, may pera na ako. Sampung libo ang ibinigay sa akin ni Lola Karen at sinabing matagal daw na inipon iyon niola Mina. Naiyak pa ako dahil hindi man kalakihan ang pera na iyon pero pinaghirapan ni lola Mina iyon para sa’kin.
Pinara ko ang tricycle sa isang bakuran, nagbayad ako rito at nagpasalamat. Tinanaw ko ang bahay sa loob ng bakuran, medyo may kaliitan ito pero ayos na pang isang tao.
“Ayan ang magiging bahay mo at ito ang susi n’yan.” Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita sa tabi ko si aling Dana na may-ari ng bahay na titirhan ko pangsamantagal.
“S-salamat po,” sabi ko at inabot ang susi na inaabot niya, binuksan ko ang mababang gate nito at pumasok. Ang akala ko ay ako lang ang papasok pero nagulat ako ng pumasok din si aling Dana at naunang pumunta sa harap ng bahay.
Namaywang siya ro’n kaya naman nagmadali akong pumunta sa pinto ng bahay para buksan iyon. Excited akong makita ang loob ng bahay kaya naman ako ang unang pumasok at namangha ako sa loob nito. Kulay puti ang ding-ding at may kisami, may mga gamit na run, may sofa set.
“Ang mga gamit dito ay galing sa’kin, puwede mo iyang gamitin hanggang gusto mo pero wag mo lang sisirain,” maawtoridad na sabi nito naglakad siya kaya naman sumunod ako rito, binuksan niya ang isang pinto at binuksan ang ilaw dito. “Ito ang magiging kwarto mo, may kama, electric fan at may cabinet na rito.” Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng k’warto, tulad nga ng sinabi niya ay may kama na dito na malaki kasya ang dalawa hanggang tatlong tao.
Umupo ako don at lumundag-lundag at ang lambot ang sarap mahiga.
Sumenyas si aling Dana na parang inaaya ako, naglakad siya papunta sa kung saan at natagpuan ko na lang na nasa kusina na pala kami at parang naging hugis bituwin ang mata ko ng makakita ako ng oven.
Hinipo ko iyon at halatang bago pa, may hilig ako sa pagba-bake dahil dati kaming may paniderya no’ng nabubuhay pa si Lolo. May ref din at iba pang mga pang-kusinang kagamitan. Ang lamesa ay pahaba ay at may anim na upuan.
“Tulad nga ng sinabi ko kanina ay puwede mong gamitin ang lahat ng nandito pero wag mo lang sisirain.” Nakangiti akong tumango kay aling Dana. “At ang napag-usapan natin. Tatlong libo kada-buwan,” sabi niya at tumango ako ulit sa kaniya.
Hindi naman nagtagal si aling Dana at umuwi na sa bahay niyang may kalayuan din dito.
May bahay na ako ang poproblemahin ko na lang ay ang pang-bayad sa lahat ng gastusin ko. Sampung libo lang ang hawak ko at hindi magkakasya ito sa pang-buong taon.
Tiningnan ko ang pera ko, ang una kong bibilhin ay ang pagkain at ang mas kailangan ko. Kung may matitira at magkakasyang pambiling uniform ko ay ipangbibili ko.
Napangiti ako bago buhatin ang bag ko na may mga damit at dalhin iyon sa k’warto ko upang ilagay sa cabinet.
Pagkatapos kong ayusin ang mga damit at iba ko pang gamit sa cabinet ay napagpasyahan kong maligo na dahil anong oras na ein.
Nang matapos akong maligo ay nagpatuyo lang ako ng buhok bago nahiga sa kama ko, ang sarap sa pakiramdam ng malapat ko ang aking likod sa kama kong sobrang lambot. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ang alam ko lang ay nagising ako dahil sa tilaok ng manok ng kapit-bahay.
Pilit kong inaninag ang orasan sa pader at nakita ko na mag-aalasingko na ng umaga kaya naman bumangon na ako.
Nagbanyo muna ako bago pumunta sa kusina. Napakamot ako sa ulo nang maalala kong wala nga palang pagkain pa sa kusina ko dahil hindi pa ako nakakapamili.
Bumalik na lang ako sa k’warto ko upang maghanda na sa pagpasok sa eskwela pero natigilan ako ng maalala ang sinabi ni Fhella kahapon.
“Magiging impyerno ang buhay mo.”
Kinabahan ako, kinakabahan ako sa kung anong puwedeng mangyari ngayong araw. Napakagat ako sa daliri ko at nagpaikot-ikot.
“Ano ka ba Zeles, kaya mo ’yan,” Sabi ko sa sarili ko at ikinuyon ang mga kamao, kaya ko’to.
Naligo ako at nag-ayos, ang suot ko ngayon ay isang black t-shirt at isang gray na jogger pants. Gusto ko sanang itali ang buhok ko pero mas pinili ko nalang iyon na nakalugay.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, hindi ko na kailangan ng kung ano-anong kolorete sa mukha dahil natural ang aking mukha, mapula na labi, mahaba at makakapal na pilik mata, ang kilay ko na medyo sabog pero magandan naman, ang ilong kong matangos at higit sa lahat ang pisnge ko na may katambukan at mapula-pula.
Ngumiti ako sa harap ng salamin.
“Laban Zeles!” sigaw ko bago lumabas ng bahay, medyo nalapit ako ng konti sa eskwelahan, mayro’n na lang siguro akong 20 hanggang 30 minutos na maglalakd hindi tulad kahapon na inabot ako ng isa’t kalahating oras sa paglalakad pauwi sa bahay ni Lola Karen.
Hindi ko ini-stress ang sarili ko dahil maraming nagsasabi na nakakapangit daw ’yon.
Hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw at may hamog-hamog pa, mag-aalas s’yete palang ng umaga.
Napahinto ako sa paglalakad nang may madaanan akong bakery. Napangiti ako bago lumapit sa bakery na umaamoy ang bagong lutong tinapay.
“Pabili po!” tawag ko kay kuyang panidero.
Humarap siya sa akin at ngumiti.
“Anong sa’yo, hija?” nakangiting tanong nito kaya naman yumuko ako upang tingnan ang mga tinapay niya.
Tumingin ako kay kuyang panidero bago sabihin ang bibilhin ko. “Pan de coco po,” sabi ko at nag-abot ng bente pesos na agad naman niyang pinalitan ng apat na tinapay. “Salamat po!” sambit ko at muling naglakad. Inilagay ko muna sa bag ang tinapay ko dahil ayaw kong kumakain habang naglalakad.
PEEP!
Napalundag ako nang may magbusina na sasakyan dahil malapit ako sa kalsada habang naglalakad. Pinandilatan ko ang likod ng sasakyan dahil nagulat ako.
Pagpasok ko sa campus ay huminto muna ako at lumingon-lingon dahil baka mamaya may baril na nakaantay sa akin, biro lang.
Nang makita ko na safe naman ang daraanan ko ay nagdere-deretso na ako, pinapakiramdaman ko ang paligid ko dahil baka mamaya ay may bigla nalang sumugod sa akin o ano.
Nagmamadali akong maglakad at napahinga ako malalim ng makarating na ako sa floor kung nasaan ang room namin.
Naglakad ako palapit sa room namin pero hindi pa man ako nakakalapit sa room namin ay kapansin-pansin na agad ang mga estudyanteng nagkumpulan dito.
Ano kayang mayro’n?
Nakita ko si Vanessa na nakikisiksik din at nakikisilip sa room namin kaya naman kinalabit ko siya.
“Zeles? Nand’yan ka na pala!” malakas na sabi niya at nagulat ako nang biglang mahawi ang ang mga estudyanteng nagkukumpulan kanina.
“Anong mayro’n?” bulong ko rito at humalo sa mga estudyanteng nagkukumpulan.
“Nasa room niyo si Aries, parang may hinihintay,” saad niya kaya naman napalunok ako, si Aries nasa room namin? Parang may hinihintay?
Umiling ako nang ilang beses, hindi baka iba ang hinihintay niya baka girlfriend niya ang hinihintay niya.
“Hi, Aries for you.” Sumilip ako sa gitna ng kumupulan ng may isang babae ang humarang sa naglalakad na Aries na palabas na sa room namin.
Natahimik ang lahat at ang iba ay natatawa na habang nakatingin sa babaeng kaharap kay Aries ang iba naman ay masasama ng tingin dito kasali na ang mga babaeng nakasagutan ni Fhella kahapon.
Nagpatuloy sa paglalakad si Aries habang nakatingin sa akin? Bakit sa akin? Kinusot ko pa ang mata ko pero sa akin talaga nakatingin si Aries. Ang babae naman na humarang sa kaniya ay naiwan at parang tinirik sa kinatatayuan niya.
“Nakatingin ba sa atin si Aries o sa akin?” tanong ni Vanessa pero hindi ko na siya nasagot at pilit pa akong sumiksik sa likod ng mga estudyanteng katabi ko.
Napapikit ako nang biglang mahawi ang pinagtataguan ko at ang Aries ay nakangisi na sa akin.
“Red hair!” nakangiting tawag niya sa akin at pilit naman akong ngumiti sa kaniya.
Napansin ko na naman ang nakakamatay na tingin ng mga estudyanteng nakakakita sa amin.
“Kanina pa kita hinihintay,” sabi ni Aries sa akin na agad ko namang ipinagtaka.
“B-bakit?” tanong ko sa kaniya at may inabot naman siyang paper bag na hindi ko alam kung ano ang laman.
“Zeles, magkakilala kayo?” bulong sa akin ni Vanessa at umiling naman ako.
“Ano ’yan?” tanong ko sa kaniya at pilit naman niyang pinahawak sa akin ’yon. Sinilip ko ang laman no’n at nanlalaki ang mga mata ko ng makita ang laman no’n. “Kanino ’to?” tanong ko sa kaniya.
“Sa’yo,” simpleng sagot niya bago isuot ang head phone niya. Nilapit niya ang mukha niya sa tainga ko at naamoy ko ang mabango niyang pabango na halatang mamahalin.
Hindi naman nakawala sa mga mata ko ang paglukot ng mga mukha ng mga kababaihan at ang iba naman ay impit na tumitili.
“Pinapabigay ni King,” mahinang bulong nito na mukhang ako lang ang nakarinig, pagkasabi niya no’n ay agad siyang umalis at naglakad palayo.
Ramdam ko pa rin ang bilis ng kabog ng dibdib ko.
“Zeles, kakilala ka ni Aries?” tanong sa akin ni Vanessa at nagkibit-balikat lang ako. “Bakit gano’n? Bakit ka niya binigyan ni’yan, Ano ba ’yan?” tanong ni Vanessa at kinuha ang paper bag na binigay sa akin ni Aries.
“Uniform?” takang tanong nito sa akin kaya naman tumango ako.
Tumingin naman ako sa mga babaeng masamang nakatingin din sa akin, tiningnan ko sila bago panglakihan ng mata.
“Wala na si Aries pwede na kayong umalis,” pagtataboy ko sa kanila at winasiwas pa ang kamay na parang nagtataboy.
Para silang bubuyog dahil panay ang bulong nila habang umaalis.
“Ano ba talaga kayo ni Aries!?” iniis na tanong sa akin nitong kaklase ko na nakasagutan kahapon ni Fhella.
“Wala, at saka ano bang pakialam niyo kung anong meron sa amin?” tanong ko rin sa kaniya at agad naman nagtaasan ang mga kilay nila.
“Hindi ako titigil hanggang hindi ko nalalaman kung anong meyro’n sa inyo ni Aries!” sabi nito at padabog na nalakad papasok sa room.
Haharap na sana ako kay Vanessa pero pagtingin ko ay wala na siya, tinanaw ko siya sa loob ng room nila at nakita kong nakaupo siya sa isang sulok at nakapangalumbaba habang nakatingin sa labas ng bintana.
“Zelestaire!” Napalingon naman ako sa Fhella na paparating habang nananakbo. Huminto siya sa harap ko at humawak sa tuhod ng makalapit sa akin. “Totoo ba!? Galing dito si Aries!?” tanong nito at napatango naman ako.
Hinila niya ako papasok sa loob ng room namin, upang doon kausapin.
Tiningnan kong muli ang paper bag na inabot ni Aries. Uniform? May uniform na ba talaga ako? Gusto kong maiyak pero ayaw kong umiyak sa harap ng iba.
“Ano raw? Bakit daw? Sinaktan ka ba? Pinagtripan ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Fhella.
“Hindi, inabot niya lang sa akin ’to,” wika ko at tinaas ang paper bag na binigay sa akin kanina ni Aries.
Tiningnan niya ’yon at inilabas, namangha ako dahil ang ganda nito at mukhang saktong-sakto sa akin ’yon.
“Wow, binigay niya talaga ’to sa’yo?” gulat na tanong ni Fhella at tumango naman ako.
“Pinabibigay daw ni King,” saad ko sa kaniya na nakapagpatigil sa kaniya.
“Si King!?” malakas na tanong niya kaya naman may napatingin sa amin na ilang kababaihan at pinukol kami ng matatalim na tingin.
‘Ano bang mga problema ng mga ito?’
Pinanlakihan ko sila ng mata kaya naman nag-iwas sila ng tingin.
“Si King? Si King ang nagbigay nito sa iyo? Kilala mo ba siya?” tanong nito sa akin at agad naman akong napailing.
“Sino ba ’yon?” tanong ko sa kaniya at binalik sa paper bag ang uniform ko bago itabi sa upuan ko.
“Hindi mo talaga kilala si King?” tanong nito at muli akong umiling.
“Bago lang ako rito, bukod sa’yo, sa kaibigan ko at kay Aries ay wala na akong ibang kakilala dito,” lagsasabi ko ng totoo sa kaniya at napatampal naman niya ang noo niya.
“Ace King Slaterton,” wika nito. “Si Ace o King ay kilala rin dito sa campus, isa siya sa kinakatakutan na estudyante rito bukod kay Thaddeus. Mapa-teacher o estudyante ay takot sa dalawang ’yon, walang nakakalapit sa dalawang ’yon,” mahina niyang k’wento sa akin at napakunot naman ang noo ko nang marinig ang pangalan na Thaddeus para kasing familiar sa akin ang pangalang ’yon pero hindi ko maalala kung saan ko narinig.
“Bakit naman niya ako binigyan ng uniform, e hindi ko naman siya kakilala,” saad koo sa kaniya at para naman siyang nag-isip dahil napahawak siya sa baba niya.
“Hmm...” Napapikit si Fhella habang nag-iisip.
Kinakatakutan? Hindi kaya...
“M-may posibilidad na si Ace ang makaharap mo.” Napalunok ako sa sinabi niya. “Pagnakita mo siya ay ’wag mo siyang tatawagin sa pangalan niyang King dahil hindi ka naman niya kaibigan,” sabi nito sa akin at parang ayaw ko nang umalis dito sa kinauupuan ko.
Wala ako sa sarili ko sa buong klase, anong mangyayari sa akin? Imbes na matuwa ako dahil may bago akong uniform ay hindi, mas natakot ako.
‘Kung isauli ko na lang kaya? Oo tama, tama isasaoli ko na lang tapos pag nasaoli ko na ay okay na wala na.’
Napatango ako sa naisip ko, ang talino mo talaga Zeles.
No’ng oras na tumunog ang bell ay agad kong inayos ang gamit ko, tiningnan ko rin ang paper bag at kinuha ’yon.
“Tara na kain na tayo,” aya sa akin ni Fhella.
“Sunod na lang ako may pupuntahan lang ako saglit,” paalam ko sa kaniya at nagtanong pa siya kung saan daw ako pupunta pero hindi ko na sinabi, ayaw ko na madamay pati siya.
Nakita ko si Vanessa at no’ng tatawagin ko na siya ay bigla naman siyang hinila ng mga kaklase niya, gusto pa sana niyang bumalik pero hindi na siya binitawan ng mga kaklase niya.
No’ng mawala na siya sa paningin ko ay agad na akong naglakad, ibabalik ko na lang sa kaniya ’to. Ayaw ko pang m*matay, marami pa akong pangarap sa buhay at hihintayin ko pa ang mapapangasawa ko.
Napahinto ako sa paglalakad nang maalalang hindi ko nga pala alam kung saan ko makikita ang King na ’yon.
Napansin ko na nasa field na pala ako, hindi ko alam kung bakit ako nandito.
Luminga-linga ako, nagbabakasali na may makikitang tao at hindi naman ako nabigo dahil nakakita ako ng isang lalaki na nakahiga sa ilalim ng puno kaya naman lumapit ako sa kaniya.
“Psst!” tawag ko rito pero hindi siya gumagalaw, may takip na libro ang mukha niya at sa tingin ko ay natutulog siya. “Psst! Kuya,” tawag ko rito at bahagya pa siyang ginalaw.
Umupo ako at unti-unting tinggal ang libro sa mukha niya at napatalon naman ako nang makita kong nakadilat siya at nakatingin sa akin.
‘Kinabahan naman ako.’
Nakahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat, unti-unti naman siyang bumangon at tumingin sa akin bago magsalubong ang mga kilay.
“Anong kailangan mo?” Napalunok ako nang marinig ang malalim na paos niyang boses. Napakurap ako habang nakatingin sa kaniya, ang guwapo niya pero mukhang nakakatakot. Napalunok ako bago magsalita.
“A-ah, magtaganong lang po sana ako,” sambit ko sa kaniya at mas lalo naman dumilim ang mukha niya, maling tao ata napagtanungan ko.
“Sa dinami-rami ng tao rito sa campus sa tulog pang katulad ko ikaw nagtanong,” sabi nito kaya naman napapakamot ako sa ulo.
Maling tao nga.
“Pasensya na, itatanong ko lang sana kung kilala niyo si King? At saan ko siya makikita?” tanong ko rito at nakita ko naman na napataas ang kilay niya bago ako sipatin mula ulo hanggang paa.
“Sino ka ba?” tanong nitong muli bago mag-indian sit at tumingin sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at inabot ang kamay ko.
“Zelestaire,” pakilala ko sa kaniya pero tiningnan niya lang ang kamay ko at hindi inabot kaya naman binawi ko na iyon. “Guwapo-guwapo ang sungit-sungit naman,” bulong ko sa sarili ko.
“May sinasabi ka?” tanong nito sa akin at ngumiti naman ako sa kaniya bago umiling. “Ano bang kailangan mo sa akin?” tanong nito kaya tinaas ko ang dala kong paper bag.
“Ibabalik ko lang sana ’to kay King— sandali? Anong sinabi mo? Sinabi mo bang SA AKIN!?” Tanong ko sa kaniya at napairap naman siya bago tumingin kung saan. “Ikaw ba si King!?” tanong ko rito at tumingin naman siya sa akin na magkasalubong ang kilay.
“Oo, paulit-ulit. ’Di ba nga sinabi ko na.”
Ang init agad ng ulo, sinisigurado lang naman.
Tiningnan ko siya, siya si King? Nakakatakot na King? Bakit parang hindi naman?
Inabot ko sa kaniya ang paper bag na ibinigay ni Aries kaninang umaga sa akin.
“Anong gagawin ko d’yan?” ranong nito sa akin.
“Babalik ko lang ’yong pinabigay mo kay Aries sa akin kanina,” saad ko at pilit kong inaabot sa kaniya ’yon.
“Huh? Ikaw ba ’yon?” tanong nito sa akin bago tumayo, napatingala naman ako dahil sa sobrang tangkad niya. “Ikaw ba si Red hair?” tanong nito sa’kin bago suriin ang buhok ko.
“Hindi,” sagot ko sa kaniya.
Hiccup!
Napatakip na naman ako sa bibig ko dahil nasinok na naman ako, pambihirang buhay ’to.
“Oh!” Inabot ko sa kaniya ang paper bag pero hindi niya iyon tinitingnan dahil panay ang tingin niya sa buhok ko.
“Pula nga ang buhok mo,” sabi nito bago ako tingnan. “Sa’yo ’yan,” Saad nito bago maupo at humiga ulit.
“Ayaw ko,” madiing sabi ko at nilapag ang paper bag sa tabi niya.
“Ikaw ang bahala, baka bukas ay hindi ka na makapasok dahil bawal na ang nakasibilyan dito,” tamad na sabi nito at ginawang unan ang braso.
“Ano sabi mo?” tanong ko rito, bawal na ang nakasibilyan? Pa’nong nangyari ’yon?
“Maglinis ka nga ng tainga mo pag-uwi mo, ulit-ulit ka,” jnis na sabi nito at inirapan ako. “At saka umalis ka na, matutulog na ako.”
Tumalikod ako at humakbang ng tatlong beses bago ko marinig ulit ang boses niyang malalim.
“Hindi mo na talaga ito kukunin? Itatapon ko na ito,” wika niya kaya naman kahit na ayaw ko ay bumalik ako sa kaniya at dinampot ang paper bag at kumaripas ng takbo.
Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral.
Nakarating ako sa cafeteria na hinihingal kaya naman pumasok ako para bumili ng tubig at hanapin ang dalawa kong kaibigan.
Pagpasok ko ay agad akong pinagtinginan kaya naman nagsalubong ang kilay ko at pinanlakihan ng mata ang mga tumitingin sa akin.
Pumila ako sa counter dahil uhaw na uhaw na ako, sa layo ba naman ng tinakbo ko ay nanuyo ang lalamunan ko.
Nang ako na ang susunod ay nagulat ako ng dalawang lalaki ang humawak sa magkabilang braso ko at hilahin ako palabas.
“H-hoy! Bitawan niyo nga ako!” sigaw ko sa kanila pero hindi sila nakinig sa akin hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa labas na nang cafeteria. “Ano bang problema niyo!?” tanong ko sa dalawang lalaki na nakangisi habang nakatingin sa akin.
“Bawal ka na rito sa cafeteria.” Napatingin naman ako sa likod ko nang may magsalita ro’n at nakita ko naman ang damuhong may kagagawan kung bakit ako may pasa ngayon.
“Bakit!? Ikaw ba may ari ng cafeteria!?” inis na tanong ko dito.
“Hindi, pero batas ko ang nasusunod sa cafeteria,” sabi niya bago ako lagpasan at pumasok sa loob ng cafeteria, papasok din sana ako ang kaso lang ay sinarado nila ang pintong bakal nito. Tuloy nagmukha akong preso.
“Hoy! Papasukin mo ako!” pagpoprotesta ko pa at pinagtatawanan na ako ng iba pang nakakakita sa akin, nakita ko siyang nakatingin sa akin bago ako ngitian at kindatan kaya naman pinalakihan ko siya ng mata bago tumalikod at umalis. Pambihira talaga!
Mabibigat ang bawat paghakbang ko habang palayo sa cafeteria pero agad ding nagliwanag ang mukha ko ng maalala kong dalawa pala ang cafeteria rito kaya naman agad akong nagpunta kung saan yo’ng sinabi ni Dark kahapon.
Pagdating ko do’n ay napanganga nalang ako dahil may mukha ko sa entrance ng cafeteria at may nakasulat. “You’re not allowed here!” basa ko rito at pakiramdam ko ay nag-uusok na ang ilong ko.
“Ahhhh! Peste!” sigaw ko bago mapagpasiyahang bumalik na lang sa room dahil konting oras na lang ay magsisimula na ang klase.
Pero habang naglalakad ako ay may isang lalaki ang humarang sa akin, parang natatakot ito habang inaabot sa akin ang isang bote ng tubig.
“Huh?” Tiningnan ko siya at ang tubig na inaabot niya.
“P-para sa’yo raw po, w-wag ka r-raw pong magpapauhaw n-nakakamatay raw p-po ’yon,” utal-utal na sabi nito at tatanungin ko pa sana siya kung kanino ’to galing pero kumaripas na agad siya ng takbo.
Tiningnan ko ang tubig, bago ko iyon laklakin.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Jorie_Cutie01

    Hi Mr/Miss Author waiting po sa next updata🤧❤ ganda ng story😻❤

    04/06/2022

      0
  • avatar
    Recji Garcia

    nice Ang galing namn

    17/07

      0
  • avatar
    Rones Erich Dawn

    it's beautiful story

    10/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata