logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

TILA naluging Intsik ang hitsura ni Mutia habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Malaking problema ang inihihimatong ng balitang iyon ng lola niya. Feeling niya, pinagtaksilan siya nang wala sa oras. Kailan pa nakasalalay sa civil status ang pagsisilbi sa bayan? Ang daming wala pang asawang mga babae pero kinaya pang tumakbo hanggang senado, siya pa kaya na alkalde lang ang ninanais? Bias yata ang mga kababayan niya sa isyung iyon.
            “Unfair!” himutok niya.
            Noon nakatok ang pinto ng guest room.
            Bumangon siya at lumapit sa pinto. Inayos sandali ang nagulong buhok kasabay ng pagpigil sa paghinga at baka ang lalake na naman ang naroon. Alam daw ang size niya. Iginalaw-galaw ang kanyang mga balikat bago binuksan iyon. Humanda siya sa isang digmaan.
            “Hi…” Nakangiting babae ang naroon.
            Dagli tuloy siyang ngumiti pero agad ding binawasan ang kutitap nang maramdamang nabanat ang balat malapit sa tinahing sugat niya. “H-hello,” alanganing bati niya naman. “May magagawa ba ako para sa’yo?” tanong niya kaagad not realizing na mukha na naman siyang nagtatanong sa isang nangangailangang constituents niya.
            “Oh, good heavens. No. Actually, ibibigay ko sana itong mga gamit mo.” Ipinakita nito ang mga dala-dalang mga shopping bags. “Sana umakma sa ‘yo lahat. At sana rin magustuhan mo. I did the shopping pero si Kuya Karl ang nagbayad.” Saka ito napahagikgik. “You are blushing. Alam ko ang iniisip mo.  Huwag kang mag-alala, ako lang ang namili din sa mga undies na iyan.”
            Napahinga tuloy siya roon. “I appreciate that. Salamat.”
            “No problem. Come on, girl. Try them out.” Nagkusa na itong pumasok at hinila siya. “By the way, ako pala si Erlyn, bunsong tunay ng pamilya Alcantara. Pero inunahan ko nang mag-asawa si Kuya. Ang bagal, eh. Kaya sumugod na ako.”
            “Ako naman si Mutia,” pakilala naman niya sa sarili. Magaan din kaagad ang loob niya sa kapatid ni Karl.
            “Nice to meet you, Mutia.” Yumakap ito sa kanya sabay beso. “Gusto kita kaagad, ha?”
            “Ako rin naman,” pag-amin niya.
            “Ay, apir!”
            Isang bagong pagkakaibigan ang isinilang matapos iyon.
 
“OH, iho. Ano’ng ginagawa mo diyan at parang hindi ka makapanganak na pusa?” pansin sa kanya ni Mommy Linda pagkalabas nito sa kusina.
            Palakad-lakad naman siya kanina pa sa tabi ng puno ng hagdan kasabay ng pagtinga-tingala sa itaas. Napudpod na yata ang swelas ng sapatos niya roon.
            “Bakit ang tagal nila? It’s almost dinner na pero hindi pa rin sila bumababa.” Napatingin siya ulit sa malaking grandfather’s clock sa isang sulok ng sala.
            “Sus, parang hindi mo naman kilala ang kapatid mo. Malamang in-ambush na naman sa tsika ang bisita natin,” natatawang saad ng ginang.
            “Dapat ba ako’ng maalarma, Mom?”
            Namimilyang tingin ang ipinukol sa kanya ni Mommy Linda. “May dapat ka ba’ng ikaalarma?”
            Saka naman may bumusina. Napatingin silang mag-ina sa humintong sasakyan at lumabas mula roon ang Daddy Marlon niya kasama si Jaypee, her sister’s husband, na siyang nag-drive sa gray na Land Cruiser.
            Sumalubong kaagad ang mommy niya sa mga bagong dating. Payakap na humalik sa labi ng daddy niya. Sa pisngi naman humalik ang bayaw niya.
            Gusto niyang mapabuntong-hininga. Matanda na ang mommy at daddy niya pero sa bawat pagkakataon, makikita sa kilos ng mga ito ang pagmamahal sa isa’t isa. Ganoon din ang bayaw niya sa kanyang bunsong kapatid. Dakilang tagapanuod na lang yata siya sa lambingan ng kanyang mga kapamilya.
            Napangiwi na siya. Right. Pang-ilan na ba ang current girlfriend niya na si Cindy? Clueless siya. Hindi nagbibilang ng nobya ang mga playboy. Nangongolekta lang.
            Well, at least, iyon ang tingin ng iba sa kanya: playboy. Kahit ang sariling pamilya ay ganoon din ang tingin sa kanya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito. May basehan naman. Iyon parati ang reklamo sa kanya ng daddy niya kapag may bagong babaeng sumusulpot na lang sa bahay nila.
            As if on cue, may bumusina ulit. Nang mag-park ang isang puting Honda Civic, lumabas mula roon si Cindy, ipinilantik ang buhok na nalaglag sa balikat at naglakad na animo miyembro ng royal family. Palibhasa beauty queen ito. Anak ito ng isang restaurant owner sa bayan nila. Nagtratrabaho ito sa Philippine National Bank bilang account executive. Doon niya ito nakilala minsang mag-withdraw siya roon ng malaki-laki ring halaga para sa isang proyekto nila. Naka-business suit pa rin ito, tanda na dumiretso na kaagad sa kanila mula sa trabaho. Hindi nga lang niya alam kung bakit bigla itong naparoon. Hindi nga niya ito nakakausap buong maghapon.
            “Hello, everybody!” bati nito na parang galing sa abroad. Nakibeso ito sa mga magulang niya at simpleng tango sa bayaw niya bago pakendeng na lumapit sa kanya. “Hi, honey. Ikaw, ha? Nakalimutan mo akong tawagan o kahit i-text man lang buong maghapon.” Nakasimangot na yumapos sa kanya. “What makes your day so busy?” tanong nito na dagling pinahaba ang nguso at nag-landing iyon sa labi niya with a smack.
            Napatingin siya pagkatapos sa mga magulang at sa bayaw niya. Nagkunwaring tila walang nakita ang mga ito.
            Subalit nailigtas siya sa nanunubok na tanong na iyon nang mula sa itaas ng hagdan ay magkasamang bumaba sina Mutia at Erlyn. Magkahawak-kamay pa.
            “’Di ba ang ganda niya?” sabi kaagad ni Erlyn sabay kindat sa asawa. “Sweetheart, I think dadagdagan natin ang linya ng business natin. I’m going to have a boutique and clothe all the women I could. Hindi ko akalain na puwede na pala ako’ng maging stylist until tonight!” Masayang-masayang dagdag nito. Kulang na lang na hilahin si Mutia para makababa agad.
            Paalalahanan niya sana ang kapatid na magdahan-dahan ito at baka madapa ang kanilang bisita. Pero alam niyang hindi niya iyon maaaring gawin.  Not when the coast was not clear at baka magkagulo.
            May pangiming sumunod ang dalaga sa kapatid niya. Nagtama ang kanilang mga mata pero dagli itong nag-iwas ng tingin. Aaminin niya na bumagay nga rito ang damit. Aqua blue iyon na may accent na itim. Nakalitaw ang  makurbang leeg nito sa may kalakihang neckline. May kasama iyon na simple ding ethnic-inspired necklace accessories. Itim ang jeans na katerno nu’n na sinamahan pa ng beige na sandalyas.
            Nakalugay na rin ang mahabang buhok nito na inayos ng kunti para matakpan ang puting gasa. Subalit hindi iyon nakasapat para huwag masilip.
            Dumaan ang dalawa malapit sa kanila. Napalunok siya when something in him stirred again. Pero dagli siyang bumagsak sa lupa nang kumunyapit ang braso ni Cindy sa kanya matapos iangkla ang isang kamay niya sa balikat nito.
            “Why, hija. You do look good and lovely,”  puri ng mommy niya.
            “Salamat po,” nahihiyang baling ni Mutia sa mommy niya. Ngumiti na ito.
            Ipinakilala na rin ni Mommy Linda si Mutia sa daddy at bayaw niya. Mainit din ang naging pagtanggap ng mga ito sa kanya
            Tumikhim na tuloy siya. Pagsulyap niya kay Cindy, parang nakainom ng suka ang ayos ng mukha nito. Agad siyang nagpasya for everyone’s benefit.
            “Mom, Dad, lalabas muna kami. Sa labas na din po kami mag-dinner ni Cindy,” paalam niya.
            “Oh…sure, hijo,” anang Mommy Linda niya. She smiled so brightly that he knew she was faking it. “Ingat. And be back in one piece!”
            Erlyn giggled.
 
NAISUNOD ni Mutia ang tingin sa dalawang papaalis. May kumurot na naman sa puso niya. Tama nga ang kutob niya. At aaminin niyang maganda ang girlfriend nito. Sa paghawak pa lang nito sa babae habang naglalakad ang mga ito palabas, halata na ang pagmamahal nito. Maganda namang makitungo ang pamilya ni Karl dito pero hindi siya manhid para hindi niya ma-detect ang heavy hint sa ere na nagsasabing hindi welcome ang babae sa mga ito. Hindi nga lang niya alam kung bakit. Pero sigurado siyang may dahilan ang mga ito.
            Relax ang dinner atmosphere. Maganda ang daloy ng impormasyon. Bago natapos ang kainan, marami nang alam ang mga ito sa kanya at sa bayang kinalakhan. ‘Yon nga lang, hindi niya maiwasang mainggit sa nakikita sa dalawang pares na mag-asawa. Sa paraan ng paghawak, sa pagtawa. Lahat ng kilos ng mga ito, nagpapakita ng pagmamahal sa isa’t isa.
            Nagpapatay-malisya na lang siya. Subalit nandoon na muli ang pag-asam.
            Mahaba-haba na naman ang gabing bubunuin niya.
 
NAPASULYAP si Karl sa bintana ng guest room pagka-uwi niya bandang alas-onse na rin ng gabi. May malamlam na liwanag doon mula sa nakabukas na lamp shade. Maliban doon, wala nang kakilos-kilos ang nasa loob.
            Naghiwalay sila ni Cindy in a sour mood. Inggit na inggit ito sa ipinakitang warmth ng kapamilya niya kay Mutia. Hindi niya naman ito masisisi. Siya man ang lumugar sa posisyon nito, maiinsulto rin siya.
            Pero hindi rin niya masisisi ang kapamilya niya kung umasta man ng ganoon ang mga ito. Nasa kanya ang mali. Nasanay na siguro ang mga ito sa pagpapalit-palit niya ng nobya, so why form an emotional bond kung sa bandang huli, maghihiwalay din sila?
            Napailing siya na tuluyan nang lumabas ng kanyang sasakyan. Maingat siyang pumasok ng kabahayan mayamaya. Subalit bigla siyang natigilan sa unang baitang pa lang ng hagdanan nang makarinig siya ng tunog ng gitara. Napakunot-noo siya na inayos ang pakikinig at baka nakaringgan lang siya. Pero naulit ang tunog, a slow, melancholy beat na parang nakikisabay sa huni ng mga panggabing kuliglig.
            Sumilip siya sa gawi ng pool. Bulto ng babae ang nakita niyang nakaupo sa isang reclining chair na nasa gilid nu’n at may tangang gitara.
            It was Mutia.
 
PARANG may sariling isip ang mga kamay ni Mutia na kumakalabit sa bagting ng gitara. They are playing a familiar song na lagi na’y nasusumpungan niyang kinakalabit sa tuwing mabigat ng pakiramdam sa dibdib. It helps her calm. Talagang kapag nahalukay ang mga nakaraan, parang multo ang mga iyon na ayaw manahimik. Muli’t muli ay sumasalit sa diwa niya ang mga magulang at ang batang tahimik na nakasilip sa tabi ng pinto habang pinapanuod ang paglayo ng mga ito kasabay ng pamamalisbis ng mga luha sa pisngi. Hindi siya niyakap. Kahit man lang pabalat-bunga, walang ipinangako ang mga ito sa kanya na babalikan siya o anupaman. Buong-buo ang pagmamahal at pagtitiwala niya sa mga ito sa murang edad na iyon. Pero ano ang naging sukli ng mga ito pagkatapos?  Sa batang isip niya, tumimo ang pakiramdam na pinagtaksilan siya ng mga ito. Pinagtaksilan ng mga ito ang kanyang pagmamahal at pagtitiwala sa ginawang pang-iiwan na lang sa kanya. Nagkanya-kanya. Walang naghangad sa kanya. May nabuong paghihimagsik sa dibdib niya para sa mga ito. Ganoon na lang siya kadaling iitsapuwera. Hindi man lang ba naisip ng mga ito na kahit bata lang siya, may damdamin ding nasasaktan, nagtatampo at natatakot sa isiping haharapin niya ang bukas na wala siyang magulang na sasandigan? Naiisip din kaya siya ng mga ito kahit paminsan-minsan lang?
            Umiling siya. Kung ganoon sana, may sulat ang mga ito o kaya’y tawag. Binisita rin sana siya ng mga ito kahit madalian lang. Kung nagkaganun, kahit paano, ssikapin niyang unawain ang kaya ng mga ito’ng ibigay sa kanya. Pero iyon nga, wala. Ano ang maaari’ng maging konklusyon nu’n kundi ang kawalan ng interes ng kanyang ama’t ina sa kanya? Na wala siyang halaga sa mga ito? Na hindi siya sapat na rason para hangaring buo pa rin ang kanilang pamilya? Na hindi na siya nag-e-exist nang tuluyang mawatak ang pamilyang dati niyang kinabibilangan?
            Ang sakit nu’n. Pero nang matuto siyang magmatapang, palaki nang palaki ang kahungkagang nilikha ng pangyayaring iyon sa puso niya.
            May pumuslit na luha sa sulok ng kanyang mga mata. Hindi pa niya sana iyon mapapansin kung hindi niya naramdaman ang init nu’n sa kanyang pisngi. Dagli niyang pinunasan iyon at tinangkang tumugtog ng mas mahinahong musika.
            Nabigo lang siya.
            Nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran.
 
“HI. Sana hindi kita naaabala. Mind if I join you?”   
“Oh…ikaw pala,” gulat pang reaction nito. “S-sige.” Parang may piyok pa ang boses nito kaya napatikhim. “Okey lang. I love your guitar. Maganda ang tunog. Pasensiya na kung ginamit ko nang hindi ko man lang naipagpaalam sa iyo, ha?”
            Ngumiti siya. “Okey lang iyon.” Umupo siya sa reclining chair na katabi din ng inuupuan nito. “Ano ‘yong tinutugtog mo kanina? I like the melody kahit parang malungkot ang dating.”
            Tila ito natigilan. “John Denver’s,” sagot nito mayamaya bago tumingin sa kalawakan na binubudburan ng nagkikislapang mga bituin. “Sa dami ng kanta niyang magaganda, iisa lang ang alam ko.”
            “And that is…”
            “’For Baby’,” tahimik na sagot nito. “Iyon ang nadinig mo kanina.”
            “Maganda. Puwedeng mag-request?”
            Bumaling ito sa kanya. Nagtatanong ang mga mata.
            “Awitan mo ako. Aawitan din kita mamaya.”
            Umiling ito na napatawa nang mahina. “Nahihiya ako. I can’t carry a tune that much. Ikaw na lang.” Sinabayan na nito iyon ng pag-abot sa kanya ng gitara.
            Napalatak siya. “Sige na nga. Pero huwag kang tatakbo, ha?”
            “No, I won’t.”
            “But promise me, kapag hindi ka na nahihiya, aawitin mo rin sa akin iyon, ha?”
            “Fair enough,” ayon nito at humandang makinig sa kanya.
 Humanda naman siyang kumanta. Nasa gitna na siya ng kanyang inaawit nang humilig si Mutia sa reclining chair. Wala sa loob na ngumiti siya rito nang magtama ang kanilang mga mata. Nginitian niya naman ito habang kumakanta.  “I can be your hero, baby. I can take away the pain. I will stand by you forever. You can take my breath away…”
Tamang natapos niya ang inaawit nang mapansing nakapikit na ang inaawitan. Tinagtag niya ito nang mahina. “Mutia, are you sleeping?”
“Hmmm…please sing me another song. Sakali’t makatulog ako, hayaan mo lang ako. Ayoko munang mag-isip ng kahit ano.” Bumuntong-hininga ito nang mahaba. “Just so you know, you’ve got a pleasant voice there. Huwag kang magpapa-discover, ha?”
Natawa siya. “Sure.”
Pero nang matapos ang ikalawang awit niya, tulog na nang tuluyan ito. Napapalatak tuloy siyang pinagmasdan muna ito sandali bago niya ito unti-unting pinangko. Sa ikalawang pagkakataon, nayakap niya ito. He felt good in his arms as if she belonged there. Parang may mabining kamay na humaplos sa damdamin niya and gave him the feeling that he was at peace with the world. Kung hahalikan niya kaya ulit ito? Would he gone to heaven and back again?
Napangiti siya sa kanyang iniisip. Nang ihiga niya ito sa kama, hindi rin siya nakatiis. Hinalikan niya ito. A stolen kissed at midnight.
 

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Gianna Sta Maria

    Must read

    17/07

      0
  • avatar
    r Yn

    Kakdjvjdjskdkfkfkffkfkfkfkfkfjfjfjfjfjfjfjfjvvmcmcmcmcmcmcmcncncncc sndjfjcj jsjfjcv jsjdjf

    21/06

      0
  • avatar
    JoevedJoeven

    nice

    27/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata