logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

“W-WHAT do you mean, I can’t? Binigyan ba kita ng karapatang magdesisyon para sa sarili ko? Sino ka ba?”
            Kitang-kita ni Karl ang tila pagliyab ng apoy sa mga mata ng babaeng nabundol niya. May paghamon ang masamang tinging ipinukol nito sa kanya. Lalo lang tuloy gumanda. Walang nagawa ang tinahing sugat sa noo nito. Sa halip ay tila nadagdagan lang ang panghalina nito. Nagtataka lang siya kung ano ang istorya nito at hindi magkatugma ang pananamit at pagsasalita nito.
            Ibinalandra niya ang kanyang nakakamatay na ngiti sabay lapit sa mga ito. “Karl Richard Alcantara po, Binibini. Ang sinamang palad na nakabundol sa’yo.”
            “Ano?!” Nanlaki ang mga mata nitong bilugan. “Muntik mo na ako’ng patayin, ganito pa ang nangyari sa mukha ko. Hindi ako makakaharap sa mga tao until it healed. Dahil sa iyo, hindi pa man, sira na ako,” akusa nito. “Sa kangkungan pupulutin ang political career ko!”
            Gusto niyang matawa. Iyon pala, ha? Nagpapakamasa ito dahil sa political career kaya ganu’n ang asta. Akala niya, ni-raid na ang ukay-ukay. Ang mga pulitiko talaga.
            “Idemanda mo para magtanda, Mutia, err, Miss Aliga,” gatong naman ng pinsan niyang doctor.
            Nang tignan niya, inirapan siya nito. Obviously, galit pa rin sa ginawa nila ng kapatid nitong si Derrick sa manliligaw nito. Dumalaw ito dito minsan pero hinarang nila. Isinama nila ito sa kubo sa palaisdaan malapit din sa bahay ng mga ito. Nilasing nila ang pobre. Kunti pa, nabuwal iyon at nahulog sa katubigan. Nilagnat tuloy nang wala sa oras.
            “I don’t think so. There are inquiries already about the accident. Tinext din ako ni Officer Rodriguez. Ayon sa kanya, may mga nakasaksi na bago ko siya nabundol, hinimatay na siya. At gaya na ng sinabi ko kanina, tumama ang noo niya sa car accessories na siyang dahilan ng pagkakaroon niya ngayon ng sugat. At dahil bumper na ng SUV ang buong-buong nakasalo sa kanya, nang bigla akong magpreno, the impact sent her in the middle of the pavement.”
            “Y-you are lying!” Nautal pa ito. Pero napakurap-kurap nang marahil ay may naisip.
            Inilabas niya ang cellphone at tinignan ang mga mensahe roon. Binuksan ang text ng kumpare niyang pulis at iwinagayway niya iyon sa harap ng dalawang babae. “Pakibasa, ‘insan.”
            Tumaas ang kilay ni Frances. “No,” matigas na saad nito bago hinarap si Mutia. “Kailangan ko nang umalis, Miss Aliga. You are already discharged. Pakikuha na lang ang gamot na i-prescribed ko sa hospital pharmacy, ha? Sige at may round pa ako.”
            “Sige. Thank you again.” Siya naman ang hinarap nito. “It’s a busy pedestrian street, remember. Mabubundol mo pa rin ako hinimatay man ako at hindi. Ang punto roon, hindi ka maingat sa pagmamaneho mo.”
            Tumagilid ito patalikod sa kanya. Kitang-kita tuloy niya ang pagngiwi nito. Pero inayos din ang mukha nang mapansin nito marahil na nakatingin siya.
            Natawa na tuloy siya nang marahan. “That was the first. Wala ako’ng intensiyon na mauulit iyong nangyari.”
            “Puwede ba, lumayas ka na lang kung nang-aasar ka. Ayusin ko lang ang sarili ko bago ako lalabas.”
            “Hindi ka na magdedemanda? Napingasan ang ganda natin diyan. Paano ng poster mo?”
            Pinandilatan siya nito. At sa gigil na tono ay, ”You are not worth killing, mister. Mas mahalaga ang ambisyon ko!”
            “Fine. Sige, uwi na. Mag-ten thirty na, o.”
            Bigla tuloy itong napaharap nang wala sa oras. ‘Di pa nakakabuwelo, napasigaw ito nang paimpit. Nalukot kaagad ang mukha. “Sadista kang lalake ka. Wala kang puso. Nagpatawad na ako at lahat, the least you could do is to give me the courtesy!” sumbat nito, sapo ang balakang. Napaluha ito tanda ng kirot na iniinda.
            Natigatig tuloy siya. “Oopss…sorry. Joke lang iyon. Promise.” Lumapit siya kaagad at tinulungan ito. Pero kagyat din nitong tinabig ang kamay niya.
            “A thoughtless, killing joke!” gigil na sabi nito sa pagitan ng nagtitiim na mga ngipin.
            “Oo na. Sorry na. Peace na tayo. Kidding aside, hindi ka talaga puwedeng umuwi. Hindi naman ako papayag na uuwi ka sa ganyang kalagayan. Sa amin ka na lang muna tutuloy. Kung may kasalanan ako, kahit sa paraang iyon man lamang ay makapagbabayad ako. Okey lang ba…” his voice trailed off nang mapadako ang kanyang mga mata sa labi ni Mutia. Mamasa-masa at nag-aanyaya ng halik.  May nabuhay sa kanya kasabay ng pagragasa bigla ng kanyang dugo. Napalunok siya. Gusto niya itong hagkan!
            Bigla siyang nag-iwas ng tingin. Shit, what’s happening, man?
            “W-what?”
            “I-Ibig ko’ng sabihin, kung papayag ka, come home with me.”
 
NAPASINGHAP siya. Hindi alam ni Mutia kung bakit bigla’y parang sumikip ang silid at napuno iyon ng presensiya ng lalakeng kaharap. Kahit ang hangin doon ay parang kumapal; bumigat. At ang mga huling pangungusap nito ay may konotasyon. Sumasayaw sa hangin sa saliw ng masayang pangako ng kailanman.
Come home with me…
Nagkabuhol-buhol tuloy ang tibok ng puso niya.
“I…I can’t,” halos mautal na saad niya kasabay ng pag-iwas niya sa mga mata nito. Nawala ang katarayan. Para siya nanghina. Halos nahuhulaan na niyang hahalikan siya kanina ng lalake. Subalit waring may pumigil dito. Nang hindi nangyari, dismayado ang feeling niya nang bongga. Naloka siya roon.
Nasa panganib siya!
“Ikaw, kung gusto mo’ng makita ka ng lahat na ganyan ang kalagayan.” Tabingi ang ibinigay nitong ngiti. Nananalbahe na naman.
Iningusan niya tuloy ito. “Klase ng pagmamalasakit mo, huh!” Pero may punto ito. “Ang problema, mister, wala ako’ng tiwala sa’yo. Hindi ko nga alam na nag-e-exist ka hanggang sa mga sandaling ito.”
Napangiwi ito. “Ouch! That’s tough. Hindi ba katiwa-tiwala ang mukha ko’ng ito? Kinailangan pa bang gumawa muna tayo ng kasulatan na may basbas ng notary public para pumayag ka?” Inilabas nito ang pitaka at binuklat. “Here, check it out.”
Inabot niya ang ibinigay nitong mga samu’t saring ID’s. Doon niya tuloy nalaman na isa itong lisensiyadong engineer. May sarili pa itong construction company.
Pinakatitigan niya ang mga iyon bago niya inilipat ang tingin sa lalake. Pero dagli din niyang binawi ang mga mata. Hindi niya kayang salubungin nang ganoon ang mga mata nito. Buti sana kung hindi nagiging eratiko ang tibok ng puso niya.
Huminga siya nang malalim para payapain ang sarili. “I don’t want to impose. Hindi mo ako kilala. Baka gulo lang ang mangyayari,” pranka’ng saad niya.
Pinilit ni Karl na arestuhin ang kanyang mga mata. Di na siya nakaiwas. May diin ang bawat kataga nito nang magwika ng: “Is there a rule existed na nagsasabing kilalanin mo muna ang iyong tinutulungan kung kabahagi ka naman sa nangyari? Come on, hindi ako masamang tao. May puso naman ako. At deserving din na pagkatiwalaan. Beside, alam ko’ng ito ang tama.  I am also offering you a way out kung ayaw mo’ng makita ka ng mga tao sa ganyang ayos. Make sense?” Bigla ito’ng umastang bading sa huling sinabi nito.
Natulala siya tuloy na napatitig lalo dito.  Napakurap-kurap siya pagkatapos.
“What? Gosh, ‘neng. Matagal nang nagladlad ng kapa si Rustom Padilla. Why not me, too?” Nandidilat pa ang mga mata nito.
Iglap, sumambulat ang tawa niya sa apat na sulok ng kuwarto. “’Langya ka. Stop it. Bubuka ang sugat sa noo ko!” Hirap na pinigil ang sarili sa pagtawa pero sa wala rin nauwi.
 
“OKEY, I conceded. Pero wala ako’ng gamit. Hiram muna ang peg sakaling may kapatid kang babae. The last time I checked my pocket, wala na din ako’ng pera. Hawak-hawak ko kasi iyon nang mabundol mo ako. In summation, isa na ako’ng dakila’ng purita,” natatawa pa ring sabi ni Mutia kapagkuwan.
            May tila napahinga nang malalim sa pagpayag nito. May nagbubunyi at nae-excite. Napangiti siya ulit.
            “Kargo na lang din kita, lubus-lubusin na natin. Bumili na lang tayo ng para sa’yo.”
            “Huwag na, hoy. Sa lahat ng utang, utang na loob ang mahirap bayaran.”
            “Sino ang naniningil, aber?”
            “Sigurado ka?”
            “Kikidlat pa at tatamaan ako.” Shit, I wanted to kiss her so badly! Iniwasan niyang mapatitig na naman sa mga labi nito nang dilaan nito iyon sandali at baka hindi na siya makatiis.
            “Walang magagalit?”
            “I’m single.”
            “And unattached, you mean?”
            Bigla siyang nag-double take.
 
“UHUH…I got it. Huwag na lang kaya?” Hindi malaman ni Mutia kung bakit para siyang nadismaya. May kumurot sa puso niya. Of course, who’s she kidding kung sa guwapo ng kaharap niya, walang nobya? Para siyang nagdeklara ng lapat—isang  indigenous cultural tradition ng tribong Isnag na kinabibilangan niya, na nagbabawal ng pagpasok, paghawak, paghuli o kaya pagtipon ng kahit ano mula sa isang espesipikong lugar sa loob ng isang taon—nang wala namang dahilan.
            “My Mommy Linda is the most gracious hostess in this side of the world. No problem. Matutuwa pa iyon na may ine-entertain na bisita,” parang paiwas pang sagot ng lalake.
            Inirapan niya ito kasabay ng panunulis ng nguso niya. May kung anong pinupukaw ang lalaking ito sa kanya sukat para wala siyang kakiyeme-kiyeme sa pagpapakita ng mga kaartehan. Hindi niya lang alam kung bakit. “Alam mo ang ibig ko’ng sabihin.”
            “Magpapaliwanag ako. Nadadaan naman lahat sa magandang usapan.”
            “Ano’ng tingin mo sa akin?”
            “A woman,” walang gatol na sagot nito.
            Umikot ang mga eyeballs niya sabay ismid.
            “All right. I got it. Maganda ka. Sexy.” Tinignan siya nito. “Pero may talim ang tabas ng dila mo. Feisty. Hindi ka na siguro masasaktan kung sasabihin ko rin na may kaartehan ka. Tama?”
            “Wow!” Namula ang pisngi niya. Hinding-hindi na siya mag-e-ego trip kung bull’s eye ang isasagot. Pero kailangan niyang i-admit ang negative observations na iyon dahil totoo naman. Bakit niya itatanggi? Kaya nga tinigi-tigilan na niya ang pagsusulat ng New Year’s resolution. “Thank you. Ang pangit mo rin. Hindi kita type!”
            Nasobrahan niya yata ang conviction sa kanyang sinabi dahil sintunado. Obviously, hindi iyon nakaligtas sa lalake kaya bigla itong napatawa na naman.
            “Now, now, now. That’s something, baby. Sige na nga. Kung kaya mo na, alis na tayo. Para makapagpahinga ka na din.”
            Pinanlakihan niya ito ng mga mata bago pa siya nalapitan. “Hold it. Pakipalis iyang ngisi mo. Naiinis ako.”
            “O, galit na naman.”
            “Nakangiti kaya ako,” sarkastikong ganti niya. Para maipakita ang punto, binigyan niya pa ito ng peke at maluwang na ngiti.
            “Fine,” anito.
Iglap, bigla na siyang lumutang sa ere. Bago pa niya nalaman, she was in his arms in a lover’s carry.
Na-trap sa lalamunan niya ang tili’ng nais lumabas. May kung ano’ng sumiklab kaya bigla siyang napapikit. Pati dulo ng mga daliri sa paa niya’y naglikutan nang kung ilang beses. Dama niya ang paninigas nito. Bigla siyang napamulat. Pero laking kamali niya nang mapatingala siya rito. Nang arestuhin nito ang kanyang mga mata, kahit siguro sampung tagarut—a small herb na tumutubo sa kabundukan pero mahirap hanapin at ginagawang amulet ng anak ng Isnag shaman na tinatawag na dororakit against bad spirits—ang ipapasuot sa kanya, she cannot look away. Ang nangyari tuloy, bumaba ang mga labi ng lalake. Nang lumapat iyon nang tuluyan sa mga labi niya, napapikit na rin siya.
 
HINDI malaman ni Mutia kung paano aakto. Buti sana kung hindi siya nito hinalikan sa paraang kinokontrol lang nito ang sarili. Iyon kung may ganoon nga’ng klase ng halik. Damang-dama niya iyon dahil parang may nag-click din sa kanya on the same level. Parang siyang na-mummified nang paupo habang bumibiyahe na sila. Tigas na tigas pati leeg niya. Sa gilid ng kanyang mga mata, pansin niyang pangiti-ngiti ang kumag.
            Napasimangot siya na ibinaling sa labas ng bintana ang kanyang tingin. Paano’ng nagkaganuon? Hindi man lang nagusot ang balahibo nito habang siya...
Gusto na niyang i-murder. Ganoon yata ang feeling ng  pugita’ng pinaliguan ng harina.
            “Well…”
            Lalo niyang pinagbuti ang pandededma rito matapos niyang irapan.
            Tumawa ito ng mahina. Pero nang walang mahita’ng reaksiyon mula sa kanya, pailing-iling na lang itong binuksan ang car stereo ng sasakyan.
 
 
 
 
 

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Gianna Sta Maria

    Must read

    17/07

      0
  • avatar
    r Yn

    Kakdjvjdjskdkfkfkffkfkfkfkfkfjfjfjfjfjfjfjfjvvmcmcmcmcmcmcmcncncncc sndjfjcj jsjfjcv jsjdjf

    21/06

      0
  • avatar
    JoevedJoeven

    nice

    27/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata