F I V E “Saavedra, tayo!” ani nang isang pulis na nakaduty ng araw na iyon. Puno man ng pagtataka si Connor ay tumayo siya at lumapit sa gate ng rehas. Binuksan ng pulis ang rehas at agad na inilagay ang mga kamay ni Connor sa likod upang posasan. “Sir, mamang pulis, saan po tayo pupunta?” hindi sumagot ang pulis at patuloy lamang inalalayan si Connor sa kaniyang paglalakad. Nang mga oras na iyon ay dumating naman si Laurel upang bisitahin si Connor. “Sir, excuse me po. Saan ninyo dadalhin ang kaibigan ko?” “Ma’am ililipat na po si Mr. Saavedra sa provincial jail,” sagot ng isa pang pulis na umi-escort kay Connor. “What? Why? Bakit ninyo siya ililipat sa provincial jail, eh hindi pa naman tapos ang kaso niya? Connor! Connor! Bakit ka nila inililipat?” sunod sunod na tanong ni Laurel at pagtawag sa kaniyang kaibigan. “Ma’am utos po ng korte na ilipat si Mr. Saavedra sa provincial jail,” wika ng isa pa sa mga pulis na umi-escort dito. “No this is not happening. Hindi pa tapos ang kaso niya. Hindi pa siya dapat I-transfer sa proviincial jail,” “Ma’am wala po tayong magagawa. Napag utusan lang po kami ng korte. Kung gusto po ninyo, tawagan niyo na lang po ang abodago ni Mr. Saavedra at umapila sa utos ng korte,” sagot muli ng pulis at isinakay na sa mobile si Connor. “Connor! Connor!” tawag muli ni Laurel sa kaibigan na puno na ng luha ang mukha. “I promise I’ll get to you as soon as possible,” dagdag pa ng babae. “Laurel! Laurel, listen to me. You need to get ahold of Don Rodrigo. Ipaalam mo sa kaniya na inilipat ako. Tutulungan niya tayo na umapila sa korte,” ani Connor na nakasilip sa bintana ng mobile na may mga steel matting para maiwasan ang pagtakas ng isang preso kapag sakay doon, habang umaandar ang sasakyan. “yes, I will get to him, Connor. Wag kang mag alala pupuntahan ko si Don Rodrigo. Hindi ako papayag na magtagal ka sa Provincial Jail,” Mahina na ang tinig ni Laurel sa pandinig ni Connor nang sabihin nitoo iyon dahil sa unti unti nang nakakalayo ang sasakyan mula sa presinto. * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * Congressman Joaquin Castillo’s Mansion… “Congressman, may naghahanap po sa inyo,” ani Mimi matapos kumatok at buksan ang pintuan ng opisina ng kongresista. “Sino daw iyon, Mimi? Hindi mo ba nakikitang busy ako. Sabihin mo bumalik na lang sa ibang araw,” ani Jaoquin na hindi nag aangat ng tingin. Abala ito sa pagbabasa ng mga dokumentong nasa kaniyang harapan. “Don’t worry, Mimi. Ako na ang bahala dito. Sandali lang naman kami mag uusap ni Congressman Castillo. But if you could just give me a favor. Please bring me an iced water,” wika nang bisita ni Joaquin na nakapag paangat ng kaniyang ulo at napatayo na din nang makilala ang tinig ng nag salita. “Ano ka ba naman, Mimi? Bakit hindi mo sinabing si Governor Natividad pala ang bisita ko?” paasik na wika ni Congressman Joaquin sa katulong. Nang makalabas ang katulong ay agad na lumapit si Joaquin sa gobernador at kinamayan ito. Matapos siyang kamayan ng gobernador ay pumunta ito sa kaniyang swivel chair upang umupo doon at pinaikot ang upuan para maharap ito sa likood na pader na may nakasabit na family portraitt ng mga Castillo. “I won’t take up much of your time, Joaquin. I just came here to say hi and ask you a favor,” wika ni Governor Natividad. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, Gov. ?” “If I am not mistaken, your son, Mykael was present when my daughter, Krysta died. Isn’t it true?” Parang pinagpawisan ng malapot ang Congressman ng marinig ang tanong ng gobernador. “O… Opo gov. Nandon po si Mykael nang mamatay si Krysta. And I’m sorry for your loss, sir,” utal utal na sagot ni Joaquin. “Thank you. Now, I’ll get straight to the point. I want your son, Mykael to testify against that peasant bastard who killed my daughter,” wika ng Gobernador na nakatitig sa kkaniyang mga mata. Nagulat si Joaquin sa sinabi ng gobernador at hindi agad nakapag salita. Nang sisimulan niya nang ibuka ang kaniyang bibig ay muling nagsalita ang gobernador dahilan upang hindi niya maituloy ang sasabihin. “Gusto kong mabulok sa kulungan ang lalaking pumatay sa aking anak. Bilang ganti, I will send Mykael to US and give my shares to him sa kumpanya ng mga Santillan,” Lalong hindi nakapagsalita si Joaquin sa gulat sa mga minutawi ng gobernador. Alam niyang isa ang anak niya sa dahilan ng pagkamatay ng anak ng gobernador kaya naman ganoon na lamang ang takot ng kanilang pamilya, lalo ang kaniyang anak. “Kung hindi mo makukumbinsi si Mykael na gawin ito. Maaari ko naman siyang idait sa kaso at sabihing accomplice siya ng suspek sa pagpatay sa aking anak. Isa pa, I am going to withdraw you from my team. Hindi ko na din popondohan ang kampanya mo sa susunod na eleksyon. Think about it Joaquin. You don’t have to say yes to me now, but, I will expect a call from you tomorrow,” ayun lang at tumalikod na ang gobernador at lumabas ng kaniyang opisina. Ilang segundo ang nakalipas at muling bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at iniluwa nito ang kanilang katulong na si Mimi, na dala ang tubig na hiningi ni Gov. Kinuha ni Jooaquin ang tubig at ininom ang tubig upang pakalmahin ang sarili. Hindi niya allam kung ano ba ang dapat gawin. Ang tama ba o ang sundin ang plano ng gobernador upang hindi masira ang pangalan niya at ng kaniyang pamilya. Fvck. This is so complicated. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad sa aking gagawin. Hindi ko alam kung karapat dapat ba akong patawarin, pero kailangan kong protektahan si Mykael, ang aking pamilya at ang buong unang distrito ng Batangas mula sa mga kamay ni Governor Natividad.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
salamat hahha
21/09/2024
0injoy me
20/06/2024
0Nice story 😊
21/04/2024
0Tingnan Lahat