F O U R “Totoo ba, Connor? Totoo bang pinatay mo ang anak ni Governor Natividad?” puno ng luha na tanong ni Laurel sa kaniyang kaibigan na si Connor nang bisitahin niya ito sa kulungan. Dahan dahang umangat ang ulo nito mula sa pagkakatungo upang tingnan ang kaibigan. Hindi nagsasalita ngunit punong puno ng emosyon ang mga mata at nagsalita. “Yes. But it wasn’t my intention to kill her. May dalang kutsilyo si Krysta nang gabing iyon na mapagkamalan ko siyang si Sophia,” “What? Why does she have a knife and she’s carrying it anywhere?” pagalit na bulong ni Laurel sa galit sa namayapang si Krysta Natividad. Dahil sa babaeng iyon, nakakulong ngayon ang lalaking kaniyang pinakamamahal. “Sinabi niya sa akin na mas maganda at mas mayaman daw siya kay Sophia na galit na galitdaw siya kay Sophia dahil inagaw nito si Mykael sa kaniya. Then something ignited on her. I saw it in her eyes. Bigla niya akong sinugod but nakaiwas ako and then she was out of balanced at natumba siya sa may batuhan. The next thing I knew, she was swimming in her own blood,” “Fvcking b!tch! Was she high? Expect it na si Sophia ang hhahanapin nang gabing iyon dahil si Sophia ang host ng party and it was her birthday celebration! Pero ano ang mangyayari sa iyo? Makukulong ka dito dahil lang sa kagagahan ng babaeng iyon at dahil sa kagagahan mo kay Sophia?” “Hindi mangyayari iyon dahil tutulungan ako ni Don Rodrigo na makalabas dito gaya ng pangako niya kay Sophia,” sagot ni Connor sa kaibigan nang tumingin siya sa mga mata nito. “How can you be sure? Eh hindi ka naman kaano ano ng mga iyon. Besides, they don’t like you for their daughter. Paano kung sinasabi lang nila iyon sa iyo pero hindi naman pala nila iyon gagawin? Kahit pa nga sabihin nating ikaw ang number one asset nila sa kumpanya?” paliwanag at tanong ni Laurel sa kaibigan upang mabuksan ang isip nito sa katangahan nito sa pagibig niya kay Sophia. What hurts for Laurel more is that, Mahal na mahal nito si Sophia na kahit imposibleng bagay na sabihin nito maging ng ama ni Sophia ay paniniwalaan niya at di ito magdadalawang isip sa bagay na iyon. It was like nagayuma ito or something na hindi niya maintindihan. Ngunit hindi niya na sinabi kay Connor ang kaniyang saloobin “Wag ka mag alala Laurel, Pagkatapos ng lahat ng ito, magiging okay na ako. Tandaan mo hindi ako hahayaang makulong ni Don Rodrigo,” ani Connor sa kaibigan at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay nito. Lingid sa kanilang kaalaman na naroon pala ang ama ni Krysta na si Governor Antonio Natividad. Narinig ng Gobernador ang mga sinabi ni Connor na hindi hahayaan ni Don Rodrigo na siya ay makulong. Sa galit ng Gobernador ay Dinampot nito ang stainless na upuan at binasag ang salamin ng interrogation room ng presinto. Nagulat ang magkaibigan at napatayo sa kanilang inuupuan, lumingon sila sa nabasag na one way window ng interrogation room at kitang kita nila ang nanlilisik na mga mata ng gobernador. * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * Santillan’s Mansion … “Pinatay ng lalaking iyon ang anak ko!” sigaw ni Governor Nativdad sa mansyon ng mga Santillan. Agad namang nagtilian ang mga katulong nang makitang nagtutukan ng baril ang mga bodyguards ng magkabilang kampo. Tinitigan lamang ni Don Rodrigo ang gobernador habang hawak nito ang magkabilang dulo ng kaniyang kwelyo. “At napakalakas pa ng loob niya na walang mangyayari sa kaniya. Nahindi siya makukulong! Bakit? Kasi pinoprotektahan mo siya ha?!?!” Muling sigaw ni Governor Natividad sa mukha ni Don Rodrigo. “I am just helping Connor so he could get a fair hearing. She is innocent until proven guilty. Mas ikaw ang dapat nakakaalam non, hindi ba, Antonio?” sagot ni Don Rodrigo habang nakatitig sa mukha at mata ng galit na galit na gobernador. “Inosente? Samantalang inamin niya na, na siya ang pumatay sa aking anak, Rodrigo!” “He did it to defend himself. Tinangka siyang saksakin ng anak mong si Krysta, Antonio,” “A ngayon, sinisisi mo na ang aking anak? Hindi kayang gawin ni Krysta iyon!” “She was high when that happened, Antonio. Hayaan na natin ang mga abogado ang mag talo talo tungkol sa bagay na ito. At hayaan ang korte na mag desisyon,” “Korte ang mag desisyon? Have you ever lost a child huh, Rodrigo? Lett me warn you, Rodrigo. Kung tutulungan mo ang lalaking iyon, ibig sabihin ay kinakalaban mo ako. I promise you, na sisirain ko ang negosyo mo. Ang negosyong pinag hirapan mong palaguin para sa iyong anak na si Sophia!” matapos noon ay tumalikod na ang gobernador at nagsimulang lumabas ng mansyon ng mga Santillan. * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * Sa Presinto… “Hindi pa rin ako makapanniwala na ginawa mo ito para sa akin, Connor,” ani Sophia nang dalawin niya ang dating nobyo na hilam sa luha ang mga mata. “Ano ka ba? Okay lang ako dito. Tigilan mo na nga iyang kaiiyak mo,” “Bakit mo ba kasi ito ginawa?” “Gaya nga ng sinabi ng daddy mo sa iyo, naaawa ako sa sitwasyon mo. Hindi ko kayang makita kang nagkaka ganiyan. Isa pa, matigas ang higaan dito. Sigurado akong di mo kayang makatulog dito kahit idlip. Sa arte mong iyan, naku.” pumalatak at ngumiti si Connor sa babae. “Ano ka ba? Bakit ba nagagawa mo pang mag biro? Seryoso ang sitwasyon mo ngayon dahil sa akin. Pero nakukuha mo pang mag biro,” buong pag aalala at puno ng kaseryosohan na tanong ni Sophia kay Connor. “Hindi naman ako makukulong eh. Nangako ang daddy mo na tutulungan niya ako. Na ilalabas niya ako rito. Isa pa yung perang ibibigay ng daddy mo sa akin, kahit magtrabaho ako buong buhay ko, hindi ko kayang kitain iyon. Magbabago ang buhay ko. Hindi na ako kukutyain ng mga tao. Pwede mo na ako maipagmalaki. That’s a win-win situation for all of us,” Hindi makapag salita si Sophia ngunit patuloy sa pag daloy ang luha sa kaniyang mga pisngi. Kung kaya naman ay pinunasan iyon ni Connor gamit ang kaniyang mga daliri at sinabing, “Wag ka na umiyak. Wag ka nang mag alala at okay na okay lang ako dito. Sige na umalis ka na at mahuhuli ka pa sa flight mo,” at nagsimula na siyang tumalikod nang hawakan siya ni Sophia sa braso. “Connor, lagi kitang kakamustahin ha, at saka mamimiss kita,” at saka yumakap sa lalaki. “Mamimiss din kita, Sophia. Mamimiss kita ng sobra.” ganting yakap ni Connor sa babae. “Lagi mooong tatandaan, hindi ka pababayaan ng daddy. Naming dalawa, hindi kka namin pababayaan, Connor,” Nais man ni connor na patuloy makulong sa yakap ni Sophia, ay kailangan niyang tatagan ang loob at itulak ito papallayo sa kaniya bago niya pa ito pigilang umalis. “Sige na, Sophia. Yoou really need to go. Mahuhuli ka na sa flight mo. Tandaan mo ma-traffic,” Tumango lang ang babae at dahan dahan itong umalis habang maya’t maya siyang nililingon nna puno pa rin ng luha ang mga mata. It hurts Connor like hell watching her leave. But this is the best thing to do. Let Sophia leave instead of her suffering here. Magkikita pa tayong muli, Sophia. And I promise I will marry you when that time comes.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
salamat hahha
21/09/2024
0injoy me
20/06/2024
0Nice story 😊
21/04/2024
0Tingnan Lahat