logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter Two

T W O
Isang linggo na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin nakakausap ni Connor si Sophia dahil kinailangan ng kaniyang nobya magpunta sa Amerika para kausapin ang isa sa mga importanteng investor ng kanilang kumpanya.
Sinubukan niyang tawagan ang babae ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Gayundin ang mga texts at message niya sa VibeChat nito ay hindi niya sinasagot.
Isang linggo na ring hindi pumapasok si Connor sa kumpanya.
Pero narinig niya na ngayon ang araw ng pag-celebrate ng birthday ng babae sa isang beach resort sa Batangas kaya naman, naisipan niyang puntahan ito doon baka sakaling makausap niya ang babae at malaman ang rason nito kung bakit ipinahiya siya nito nang gabing iyon.
“Ano? Connor naman! Bakit kailangan mo pang pumunta doon? Umalis na lang tayo at sumama ka na sa akin,” Pasigaw at galit na tanong ni Laurel sa kaibigang si Connor.
“Kailangan ko siyang makita , Laurel. Hindi ako aalis ng hindi nakikita si Sophia. I need to know. Kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon,” seryoso at tiim bagang niyang sinabi sa kaibigan.
“Alam mo, Connor. Ayoko na makipag usap sa iyo. Ni hindi ka nakikinig. Tanga at Bulag ka pa. Matalino ka nga pero hindi ka nag iisip. Hindi mo ba makita na kaya ka lang naging boyfriend ni Sophia ay dahil matalino at masipag ka. Nakita mo bang lahat ng produktong naimbento mo para sa kumpanyang yan ay best seller? At nakita ni Sophia ang potensyal mong iyon kaya ka niya pinagtitiyagan!” ani Laurel at kinuha ang bag sa sofa ng apartment niya at saka tumalikod at lumabas.
Natigilan si Connor sa sinabi ng kaibigan na ultimong ang pag alis nito ay hindi niya napigilan.
Sa sobrang katangahan mo sa Sophia na yan, pati ang kaibigan mo ay iniwanan ka na! Untag ng isipan ni Connor sa kaniya.
“I need to see her and know her reasons. Whatever the reasons might be, ay aalis na ako,” Bulong ni Connor sa sarili.
Nang makarating sa resort ay agad namang nakapasok si Connor dahil mayroon siyang dala na ID sa kumpanya. Imbitado ang lahat ng empleyado ng kumpanya. Nang makapasok ay napagtanto niyang kanina pa nagsimula ang party. Nakita niya ang mga empleyado na mukhang tinatamaan na sa mga alak na iniinom ng mga ito.
He roamed his eyes around to look for Sophia but she can’t find her anywhere. So he just admired the event. It screamed money. Simula sa resort na tanging mga bigating tao lamang ang nakaka afford noon, hanggang sa pagkaka ayos ng lugar. Nang lumingon siya ay nakita niya ang pool area. Ang infinity pool ay napapaligiran ng mga matataas na mesa para sa mga bisita na nais uminom. May mangilan ngilang tao din na naroon at nagkukumpulan sa pool dahil may mga anak mayaman na namang nagpapabida at nagpapaligsahan sa paglangoy. Mukhang nag pustahan pa ang mag ito.
Sa kaliwang bahagi naman ay may mga couch at sofa na nakalatag para sa mga bisita na gusto lamang mag chill sa party. May mga inupahan ding fire dancers na mukhang mga pagod na dahil kanina pa nagsisipag sayaw para aliwin ang mga bisita. Mayroon ding stage na may mga black and gold na palamuti, na ngayon ay may tumutugtog na banda.
Nakita niya ang isang babae na akala niya ay si Sophia kungkaya naman ay hinawakan niya ito sa braso at tinawag ito.
“Sophia… I -- I’m sorry miss, akala ko ikaw si Sophia,” sabi ni Connor sa babaeng napagkamalang si Sophia.
“Ano ba?! Get your hands of me, loser. Ang ganda ganda ko para maging kamukha ni Sophia,” sagot ng matapobreng babae.
“I’m sorry ulit miss. Magtatanong na lang sana ako kung nakita mo si Sophia?” tanong ni Connor.
“Do I look like a lost and found to you, loser? Umalis alis ka nga diyan sa daraanan ko!” ani nang babaeng masama ang ugali at tumalikod para lumapit sa mga kaibigan nitong mukhang masasama rin ang ugali.
Narinig pa niyang pinag uusapan siya ng mga ito na para bang wala siya doon. Pinagtatawanan siya dahil isang tingin pa lamang daw ay mukha na siyang mahirap.
Nakakuyumos ang palad na umalis si Connor at muling nag ikot sa loob nang resort para hanapin ang nobya.
Nalibot niya na halos ang buong resort ngunit hindi niya pa rin nakikita si Soophia. Kaya naman ay minabuti niya na munang magpunta sa dalampasigan upang magpahangin bago muling hanapin ang babae.
Nagsimula na siyang maglakad patungong dalampasigan, ngunit hindi pa siya nakakarating sa gitna ay may narinig na siyang humahangos at nagtatalo. Agad siyang lumapit sa mabatong parte ng resort at nakitang naroon si Sophia at si Mykael. Nagpapanic habang may lalaking nakahandusay sa batuhan.
“Sophia!” tawag niya sa babae.
Agad namang lumingon si Sophia at nakita ni Connor ang luhaang mata nito. Humahangos na tumakbo ito papalapit sa kaniya. At yumakap
“What happened here??” tanong niya sa babae. Bago pa man ito makasagot ay agad nagsalita si Mykael.
“She’s dead Sophia. She’s dead,” lalong umiyak at humigpit ang yakap ni Sophia kay Connor.
Nang silipin ni Connor kung sino ang nakahandusay sa batuhan ay nakita niya ang babaeng maldita na napag tanungan niya at inakalang si Sophia noong una. Ang babae ay walang iba kundi ang anak ng gobernador ng Batangas na si Krysta Natividad.
“What happened, hun? Tell me,” tanong ni Connor sa babae na may kalakip na hinahon.
“She… She tried… She tried to hurt and kill me. She grabbed my hair saying I stole Mykael from her. I just defended myself and… and I pushed her with all my power nang matumba ako at pinagsasampal nang nasa ibabaw ko na siya and… and the next thing I knew, naliligo na ito sa sarili niyang dugo,” utal utal na sagot ni Sophia sa kaniyang tanong.
Sasagot sana si Connor sa babae ngunit tinawag siya ni Mykael.
“Connor, I need you to get Sophia home. Kailangan niyang makausap ang daddy niya. Ako na ang nbahala sito. Mag iisip ako ng rason para hindi maadiin si Sophia dito,” Nakatulala si Connor sa mukha ni Mykael. Ito ang unang beses na kinausap siya ng lalaki na walang halong pangungutya.
“Connor… Connor… hindi ko sinasadya… hindi ko sinasadyang mapatay siya. I just defended myself. Hindi ako pwedeng makulong Connor… Hindi ako pwedeng makulong,” ani Sophia na nakayakap at walang humpay ang pag iyak sa kaniya.
“Connor! Now!” Pabulong ngunit madiin na sabi ni Mykael kay Connor.
Tumango lamang si Connor at hinila na papalayo si Sophia. Dumaan sila sa gilid ng resort upang walang taong makapansin sa kanila.
Nang makarating sila sa Mansiyon ng mga Santillan ay biglang nagsisisigaw si Sophia.
“Dad… Dad… Daddy! Dad!” tawag nito sama na patuloy pa rin sa pag iyak.
Lumabas si Don Rodrigo na nagmamadali at lumapit sa anak.
“Sophia! Anak… anak anong nangyari?” nag aalalang tanong ng don sa anak nang makita ang hitsura nito. Punit ang damit, umiiyak at takot na takot.
“Dad, si Krysta.. si Krysta Dad!” sagot naman ni Sophia na yumakap ng mahigpit sa ama at lalong humangos.
Bigla namang lumabas ang ina nito na si Donya Amelia na nnakapantulog at may suot na roba.
“Anong nangyari Sophia? Bakit ka umiiyak anak?” tanong ng donya.
“Mommy… mommy… si Krysta…” Sophia wailed.
“Anong ginawa sayo ni Krysta Natividad, Sophia?” tanong ng don.
“Si Krysta dad, napatay ko siya. Napatay ko siya Dad. Hindi ko sinasadya… Hindi ko sinasadya… ayokong makulong Daddy… ayokong makulong,” puno ng takot at panic na sagot ni Sophia habang umiiyak.
“Ano? Anong nangyari anak?” tanong ng donya sa anak matapos niya itong alisin sa yakap sa kaniya at tinitigan ang anak ng buong pag aalala.
“She tried to kill me mom, I just defended my self. I just defended myself. I didn’t mean to kill her mommy.” at lumingon si Sophia sa ama.
“Daddy… I cannot go to jail! Hindi ako pwedeng makulong. Ayokong makulong daddy… ayoko… no… please daddy help me…” and Sophia started crying all over again.
Marahang hinila ni Don Rodrigo si Sophia at iniharap sa kaniya at sinabing, “Hindi ka makukulong anak. Hindi hahayaan ni Daddy na makulong ka. Tandaan mo iyan. Gagawin ko ang lahat para hindi ka makulong,”
Matapos magsaliita sa anak ay muling ibinalik ni Don Rodrigo si Sophia sa asawang si Donya Amelia at tinignan ito at sinabing, “Ipasok mo na siya sa kwarto, Amelia. Samahan mo muna si Sophia hanggang sa makatulog.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Nasa loob ng kaniyang home office si Don Rodrigo nang puntahan siya ni Connor. Halata sa hitsura nito ang pagkabalisa. Paroo’t parito ang Don habang nag iisip kung ano ang dapat gawin. Dahil nakabukas naman ang pinto ng study room, marahang kumatok si Connor at pumasok. Nilingo siya ng Don at marahang tinitigan.
Dahil sa awa, ay nagsimulang magsalita si Connor.
“Don Rodrigo, gusto ko ho sana kayo makausap,” anang ni Connor.
“Mr. Saavedra. Maraming salamat sa paghatid mo sa aking anak. Kung may nais kang sabihin, maaari bang ipagpabukas mo na lang at kailangan kong makaisip ng paraan upang di makulong ang anak kong si Sophia,” sagot ng Don.
“Don Rodrigo, Sir, tungkol nga po doon ang nais kong sabihin sa inyo. Gusto ko po sanang sabihin na, aakuin ko ang kasalanan para kay Sophia. Sasabihin ko sa mga pulis na ako ang nakapatay kay Krysta Natividad,” Ani Connor.
Natigilan ang Don at napatitig sa kaniya. His jaw dropped and was stunned. Hindi ito makapaniwala sa mga narinig.
Nang matauhan ang Don ay tinanong nito si Connor.
“Bakit? Bakit mo iyon gustong gawin?”
“Naaawa na po ako kay Sophia sir. Nang makita ko sila ni Mykael doon ay halos mawala siya sa katinuan. Ayokong makulong pa siya. Ako na lang ho sir. Mahal ko ang anak ninyo. Lahat ay kaya kong gawin para sa kaniya. Gusto ko po siyang tulungan. Hindi siya pwedeng makulong. Pupunta pa siya sa Amerika para I-close ang mga deals ng kumpanya,”
“Pero paano ka?” tanong ng Don kay Connor.
“Hindi po ba sinabi niyo kay Sophia na hindi ninyo siya hahayaang makulong? Na poprotektahan niyo siya? Kapag inako ko ho ang kasalanan para kay Sophia, ganoon din ba ang gagawin ninyo sa akin? Poprotektahan ninyo ako at hindi ninyo ako hahayaang makulong?”
“Of… Of course hijo. Hindi kita pababayaan. Hindi ko hahayaang makulong ka. At bilang ganti pa sa gagawin mong ito ay bibigyan kita nng sampung milyong piso para sa lahat ng ito,”
“Hindi na ho ninyo ako kailangang bayaran,” sagot naman ni Connor.
“I insist, hijo. Doon man lang ay masuklian ko ang kabayanihang gagawin mo para sa aking nag iisang anak,”

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Jemuel Rafanan

    salamat hahha

    21/09/2024

      0
  • avatar
    Mary Jane Leones

    injoy me

    20/06/2024

      0
  • avatar
    Bayawa jr.Rogelio

    Nice story 😊

    21/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata