logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7

AZER
MASAKIT na tagiliran, masakit na katawan, masakit na mata. Paggising ko kinaumagahan, sobrang sakit ng buong katawan ko. Hindi ako makagalaw nang maayos at hindi rin ako makakain.
"'Buka mo bibig mo," utos niya sa 'kin. Sino pa ba? Binuka ko naman ang bibig ko. Lugaw lang ang kinakain ko sa loob ng 24 hours. Wala, e. Yun lang ang kaya ko.
"Isipin mo na lang litson 'yan." Natatawa pa siya habang sinusubuan ako. "Masyado kang malungkot, Zarften." She called me by my surname again.
Ang akala ko talaga, mamamatay na ko. Tagos yung espada hanggang sa likuran ko. But then, ito at humihinga pa 'ko. Ganoon 'ata talaga kapag masamang damo.
"Azeya, paano kung hindi na natin magawa ang misyon? Anong mangyayari kay Seph?" Tumingin lang siya sa mangkok 'tapos ay tumayo na. Inilapag niya iyon sa mesa sa tabi ng hospital bed ko.
"Marami pa tayong oras. H'wag ka munang mag-alala." Inayos niya lahat ng mga gamit.
"Pero..." agad kong tugon. "Ako yung isa sa mga halimaw. Nasa katawan ko pa rin siya... Mamamatay rin ako, 'di ba?"
Hindi siya sumagot. Tapos bigla niya 'kong tinalikuran. Dala niya yung tray na may lamang baso. "Azeya! H'wag mo 'kong iwasan!"
"Oo! Oo na!" Alam ko sa tono niya na naiinis siya. Kahit maikli lang ang pinagsamahan namin, nakilala ko na rin siya. Lalo pa't nakita ko ang nakaraan niya.
"Anong 'oo na?'" Naguluhan ako. Hindi ko alam kung "Oo, alam ko" or "Oo, mamamatay ka" ang meaning ng sinabi niya.
"Zarften, makinig ka..." Inilapag niyang muli ang tray at lumapit sa 'kin. Hinawakan niya ang pisngi ko. "Gagawa ako ng paraan para mailigtas kayo ni Sephiel, okay? Walang dapat na mamatay sa inyo..." And then she hugged me.
My heart started to pound fast. I understand why. Yet I don't know if this is the right time to fall in love with someone who already has a true love. And it wasn't me.
It's Leo...
***
"Anak! Diyos ko! Ayos ka lang ba r'yan, ha? Kumakain ka ba namg maayos?" nag-aalalang bungad na sabi sa akin ni Mom mula sa kabilang linya.
I answered her, "Yes, Mom. I'm very well fine." Hindi ko lang masabi na tadtad ako ng bandage sa katawan ngayon at pinilit ko lang sagutin ang tawag niya.
"Salamat naman kung gano'n, anak! Nag-aalala na kami rito ng mga kapatid mo, e. Pati ang dad mo."
"I know, Mom. Thanks... I love you... Bye." Yun lang at naputol na ang koneksyon. Kailangan lang tumagal ng 15-30 minutes ang conversation for their safety. Baka raw kasi ma-trace kung nasaan ako.
"We have to go," sabi ni Azeya habang iniimpake ang mga gamit ko. Medyo okay na rin 'ko. Pero may bandage pa rin ang tiyan ko dahil hindi pa humuhilom ang sugat.
Nagsuot ako ng gray hoodie at tinted na shades. Disguise kumbaga. Delikado kasi kapag nakita kami ng mga kalaban. Si Azeya naman ay may suot na sunglasses at naka-jacket na maong. Sa ilalim no'n ay isang black na sando. At aaminin ko na hindi ko maiwasang magka-crush sa kaniya. She's sexy and beautiful. Hindi mo aakalaing hindi siya tunay na tao. By her looks, aakalain mo pa siyang model o actress.
Sumakay kami sa kotse. Yung kotse na lagi naming ginagamit. Siya na rin ang nag-drive.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya habang hinahalungkat ko ang bag pack ko. Hinahanap ko ang maliit kong notebook.
"Sa Grove Town tayo pupunta," sabi niya nang hindi ako tinitingnan. "Doon nakatira si Ann. Kaibigan kong assassin."
"Doon tayo tutuloy?" At nakuha ko na ang maliit kong notebook.
"Oo. Sabi ni Dad, doon daw muna tayo."
"Oh, okay," tanging naisagot ko. Sinulat ko ang unang town na pinanggalingan namin. Sa town namin which is Seyville Town. Sumunod ay ang H.I.H. At next ay ang Grove Town. May purpose ang ginagawa ko. Nalaman ko 'to sa libro na para sa mga agents na binigay sa 'kin ni Mr. Montelvana. Sana makakita ako ng clues.
"Ano ba 'yang ginagawa mo?" tanong niya bigla.
"Well, uhmm... Baka sakaling may maitulong ako sa paghahanap ng solusyon?"
"Sa pagsusulat sa maliit na notebook? Nagpapatawa ka ba, Zarften?" Grabe... Kanina lang ang bait niya sa 'kin. Ngayon naman, cold na naman siya.
MGA ilang oras din ang byahe namin at huminto na ang kotse sa tapat ng isang malaking kalawanging gate. Nakabukas yun kaya pumasok na ang kotse ni Azeya sa loob.
"Nagmistulang ghost town na 'to..." bulong ko sa kaniya. I heard her sighed smoothly.
Huminto kami sa tapat ng isang blue na gate. At may mga nakatanim na mga bulaklak sa tapat ng blue na pinto. Hindi naman mahilig sa blue ang may-ari ng bahay na 'to, 'no?
Mayamaya ay humakbang si Azeya sa tapat ng gate at pinahinto niya 'ko sa pagsunod sa kaniya. Dahan-dahan niyang nilabas ang sword niya na nakatago sa tagiliran ng pantalon niya.
Ilang sandali lang pagkatapos no'n ay bigla na lamang may mga lumipad na mga pana papunta sa 'min. What the heck! Ang dami!
Napaluhod ako at inilagay sa ulo ko ang dalawang kamay ko. Si Azeya naman ay sinasalag ang bawat pana. Ganito ba kabrutal ang mga assassin?!
"Azeya? Oh my gosh! Ikaw nga!" May babaeng lumabas sa blue na pinto. "Azeya!" patili niyang sabi saka niya niyakap si Azeya.
Tumayo ako at nakita ko ang babae na lumabas mula sa pinto. May mahaba siyang buhok at may katangkaran na gaya ni Azeya pero mas matangkad ako syempre. Maputi siya at hindi mo iisiping assassin din.
"Oh! Hi there!" bati niya sa 'kin. Kumaway lang ako. Tumingin siya kay Azeya. "Sis, jowa mo?" Jowa? As in boyfriend?!
"Yeah. Tara na sa loob." Pagkasabi niya no'n ay pumasok na sila sa loob habang daldal nang daldal ang kaibigan ni Azeya sa kaniya.
At ano raw? Boyfriend niya... ako?
"Hindi mo man lang ako sinabihang pupunta ka rito. Dinala mo pa ang boyfie mo. Ikaw talaga!" Ang daldal niya. Nagsasalita siya nang nagsasalita habang nagbe-bake ng muffin sa oven.
"Ann..." May warning tone na sa boses ni Azeya habang umiinom siya ng kape.
"Ang sungit mo!" Tapos biglang tumunog ang timer sa oven. "Okay! Heto na."
Habang busy yung Ann, heto ako't kinakausap si Azeya. "Ano yung sinabi mo kanina?"
"Marami akong sinabi," malamig niyang saad.
"Azeya naman... Yung boyfriend thing..."
"Kapag nalaman niyang halimaw ka, hindi siya magdadalawang isip na patayin ka." 'Tapos ay uminom na naman siya ng kape. Okay. So nagpapanggap lang pala kami? Akala ko naman...
"Hey, love birds!" Inilapag niya yung muffins sa table. Maliit lang naman ang table, kasya na ang tatlo. "This is my specialty. Muffins of love!"
"Muffins of... Love?" Mukhang ordinary muffin lang naman ang nakahanda, e.
"Panalo ang muffin niya. Don't worry," sabi ni Azeya at naglagay na sa plato niya ng muffin.
Itinukod ni Ann ang dalawang siko sa mesa at sinalo ng dalawang palad niya ang baba niya. Tinitigan niya 'ko nang mabuti. Nakakailang tuloy kumain.
"Uhhh... May dumi ba 'ko sa mukha?" tanong ko.
Tumawa siya. "You know what, Sis? Gwapo rin 'tong jowa mo, e. Kaso mukhang lampa." Yung totoo. Pang-iinsulto ba yun o papuri? Tsk.
"Lampa naman talaga," sabi niya sabay kagat sa muffin. Sinang-ayunan pa niya talaga.
"Teka nag-'ano' na ba kayo?" bigla niyang tanong.
Nabulunan si Azeya. "Anong klaseng tanong 'yan, ha, Ann?" Medyo inis niyang pinunasan ang bibig niya.
"Ano ba, Sis! 'Di ba ginagawa yun ng mag-jowa? Remember Brian? Grabe! Lampa siya pero masarap siya! Kyaaa!" Tumili pa siya.
"Pwede ba..." Inirapan niya si Ann. "Hindi ko gawaing tikman ang boyfriend ko."
"Ang boring mo naman palang girlfie." Napa-pout pa siya. Sa totoo lang, cute din siya. May blue eyes sya at blonde hair. Kaso ang daldal.
"Teka, ikaw lang ang nandito?" pag-iiba ng topic ni Azeya. Tumango lang yung Ann. "Nasaan si Reem?"
Nalungkot ang mukha ni Ann. "Wala, e. Nakipaghiwalay..." Walang nakapagsalita sa 'min. Kumain lang ako at si Azeya nang tahimik.
Nang sumapit na ang gabi, naikwento na ni Azeya ang lahat kay Ann. Pumayag itong pansamantalang doon muna kami sa loob ng isang araw. Mabait naman pala siya.
"Alam niyo, kailangan ko pang mag-investigate sa mga... let us say, monkey friends ko. You know..." Nagkibit-balikat pa siya.
"Sige. Magpapahinga na rin kami." Nauna na siyang umakyat sa hagdan.
Bago pa 'ko makaakyat, may binulong pa sa 'kin si Ann. "Virgin pa yan ha..." Tapos sabay tawa. Ako naman 'tong kumabog na naman ang puso at namula. Kailangan ba talagang sabihin yun sa 'kin?!
Nang makapasok ako sa kwarto ay tahimik lang ako. Iniisip ko pa rin kasi kung paano ko matatanggal sa katawan ko ang halimaw. At kung paano ko maililigtas si Sephiel. Masyadong occupied ang utak ko kaya hindi ko napansing nahihimbing na pala sa pagtulog si Azeya. Lumapit ako sa kama at ini-level ang mukha ko sa mukha niya. Kahit pala anong bangis ng babaeng 'to 'pag gising, e, siya namang amo nito 'pag tulog.
I can't help myself to smile. Kamukha nga siya ni Sephiel at hindi ko maitatanggi iyon. Pero may part na lumamang siya kay Sephiel. At iyon ay ang makuha ng lubos ang puso ko.
"Leo..." she whispered. Napaatras ako nang kaunti. Oo nga pala. Leo is her first love. At pakiramdam ko, mahal pa rin niya 'to hanggang ngayon.
"Hoy!" rinig kong sabi ng kung sino man sa isip ko. At kilala ko kung sino siya. "Pumunta ka sa harap ng salamin," utos niya sa 'kin. Pumunta naman ako.
At nakita ko ulit si Leo. "H'wag mo ngang titigan ng ganoon si Azeya!"
"At bakit?" Kinakausap ko siya gamit ang isip ko. "Nagseselos ka ba?"
"Hinding-hindi ako magseselos sa katulad mo! Lampa lampa mo, e."
Siya pa may ganang manlait! Kainis 'to, ah! "Paki ko sayo! H'wag mo na 'kong kausapin!"
"Teka! Teka lang naman..." Nawala yung inis sa tono niya. "May sasabihin akong importante."
"At ano naman yun?" Nag-cross arms pa 'ko.
"Alam kong may misyon kayong tulungan si Sephiel... Pero delikado kay Azeya ang nag-iisa sa laban. Tutal hindi ka naman nakakatulong, ako na lang ang tutulong sa kaniya."
Natigilan ako. Paano niya 'ko matutulungan? "P-paano?"
"Hihiramin ko ang katawan mo. Sa pagkakataong yun, matutulungan ko si Azeya," giit niya.
"Eh, paano naman ako? At saka dapat ba kitang pagkatiwalaan?"
"Maaari ngang halimaw ako pero..." Tumingin siya nang seryoso sa 'kin. "Naging tao rin ako. At tumutupad ako sa pangako."
Tinitigan ko siya nang mabuti at sabay sabing, "Papayag ako. Pero mangako kang tutulungan mo lang si Azeya. At pagkatapos no'n ay wala na."
Ngumiti siya at nagliwanag ang mga mata niya. "Pangako! Nangangako ako, Zarften! Salamat!"
***
Kinabukasan, nagising ako nang sobrang aga. Hindi kasi ako masyadong nakatulog no'ng gabi. Iniisip ko kasi kung tama ba yung ginawa kong desisyon.
At dahil maaga pa naman, nagpasya akong magluto ng almusal. Habang nagluluto ako ng scrambled egg, napansin kong may picture sa isang tabi ng table. Yung Ann at may kasama itong may katabaang lalaki.
"Hmmm... Ang bango naman." Nagulat ako at napalingon sa nagsalita. Si Ann pala.
"A-ah, Sorry, ha? Nangialam ako sa kusina mo." Napakamot tuloy ako sa batok. Nakakahiya naman.
"Okay lang, walang problema." Ngumiti pa siya 'tapos ay nakita niyang hawak ko yung picture frame. "'Yan yung ex ko. Friends pa lang kami r'yan."
"Bagay kayo..." sabi ko. "Nasaan na siya?"
"'Di ko alam, e. Sa lawak ba naman ng mundo, e wala na 'kong pakialam kung saang sulok man siya naroon."
Habang hinahanda niya ang mga plato sa mesa, niluluto ko naman yung hotdog. At siya naman ang nagtimpla ng kape.
"Paborito ni Azeya ang kape na may gatas. H'wag mo lang tatamisan at magagalit yun," sabi niya.
"Matagal na ba kayong magkaibigan?"
"Mga seven years na rin. Pero feeling ko... Forever na." Sabay bumungisngis siya. Kung sakali mang tatawa si Azeya, kasing cute niya si Ann.
Inilapag ko ang niluto ko na nakalagay sa plato sa mesa. Tinanggal ko rin ang apron na blue na suot ko. Actually, halos lahat ng gamit dito sa loob, blue.
"Kailan kayo nagkakilala ni Azeya, Azer?" Hindi ako handa sa tanong niya. Teka... Mga isang linggo na ba? Hindi ko na matandaan.
"Uhhh... One week?" alanganin kong sagot. Limot ko na, e.
"Hindi mo na maalala? Anong klaseng boyfie ka! Paano ang monthsary niyo n'yan? My gosh! Unbelievable!" Umarte pa siya na mahihimatay. O.A naman nito.
"Sa sobrang saya kasi ng adventures namin, feeling ko forever ang bawat araw," palusot ko. Sana lumusot kahit corny.
"Awww! Ang sweet mo naman, Azer." Pinisil niya pa yung pisngi ko. Ang sakit!
"Good morning." Medyo maganda ang bungad niya nang makita niya kami. Kumunot sandali ang noo niya at nagkibit-balikat. Well, paki nga naman niya? E 'di naman talaga kami. Teka, naiinis ba 'ko? Hindi! Hindi ako naiinis, 'no!
"Uyy, Sis! Pinagluto ka ng boyfie mo ng almusal. At take note, ang sweet niya pala! Ayieee."
Tumayo si Azeya saka lumapit sa 'kin. 'Tapos ay inilapit niya ang mukha niya sa 'kin at hinalikan ako... s-sa lips!
"Gosh! Namumula si Azer! Ayieee!" tumitili pang ani ni Ann na tinawanan naman naman ni Azeya. Ang second kiss ko! Kinuha na naman niya!
"Halika na nga. Kumain na tayo. Sayang 'tong mga niluto mo," sabi ni Azeya habang hila ang kamay ko. I smiled. Kung sana... kung sana ako na lang ang mahal niya. Sana. One-sided love lang naman 'to, e... What do I expect?
THIRD PERSON'S POV
"Sir, okay na po ang lahat," saad ng isang tauhan sa harap ng isang lalaki.
"Sige. Makakaalis ka na," giit ng lalaki saka lumabas na ito ng kaniyang opisina.
Pinagmasdan niya ang maamong mukha ng nahihimbing niyang asawa. Mahina na ang katawan ng asawa nito, hindi malabong hindi na ito magtatagal. Kinakailangan niyang makuha ang 12 zodiac monsters ngunit alam niyang hindi niya iyon magagawa nang mag-isa.
Kakailanganin niya si Azer Zarften. Siya ang sagot sa lahat...

Komento sa Aklat (49)

  • avatar
    DeocarezaJonas

    maganda po yung kwento niya sobrang ganda po habang binabasa ko po kinikilig niya rin po ako sobrang ganda po talaga nung kwento hindi po kayo magsisisi sa kwento kaso sobrang ganda po talaga

    20/08

      0
  • avatar
    William Francia

    wow

    09/08

      0
  • avatar
    Ucila Dairo

    this is niy

    19/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata