logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 1: Arrival

KIELY'S POV
“LADIES and Gentlemen we have just landed at Naga City Airport; Air Planet Airport welcomes you to Camarines Sur, Bicol. On behalf of your flight crew headed by Captain Liam with First officer Thomas and the rest of the team, we thank you for choosing Air Planet. Have a nice day!”
Pagkatapos ng isang oras at sampong minutong flight namin mula Manila hanggang Bicol ay tuluyan nang nag-landing ang eroplanong sinasakyan namin. I wore my favorite Ray-Ban sunglasses and held my Channel hand bag in my right hand.
Paglabas namin ng terminal airport ay kaagad na sinalubong ng sariwang hangin ang muka ko sumabay dito ang itim at unat na unat kong buhok.
I put my sunglasses over my head. And close my eyes to feel that fresh air hitting my face.
Hmm… so this is a province, huh? Not bad.
“Finally, Im back!” nakangiting sabi ni Kuya Kedrick na nasa tabi ko. “Sobrang tagal na no’ng huli tayong pumunta dito ‘di ba, Kits?”
Kunot noo akong napamulat ng mata at napatingin sa kaniya. “I’d been here?” tanong ko, akala ko kasi ay sila lang ‘yong nakapunta dito dahil wala naman akong naaalalang nakapunta na ako sa lugar na ito.
“Oo naman bata ka pa no’ng una kang nagkapagbakasyon sa mansion ni Mamita and Lolo, but that was your first and last vacation here,” seryosong sabi niya.
“Hindi na ko bumalik dito, bakit?” interesadong tanong ko.
“Tch. Hindi mo talaga maalala? Syempre hindi na kasi–”
“Bilisan ninyong dalawa riyan hinihintay na tayo ni Mang Sony.” Hindi na natapos ni Kuya Kendrick ang sasabihin niya ng tawagin na kami Mama na kanina pa nauna sa amin.
“Yes Ma!” pasigaw na tugon ni Kuya at saka patakbong sumunod na sa kanila. Pipigilan ko pa sana siya dahil hindi niya pa nasasagot ang tanong ko pero nakalayo na kaagad siya.
Muli kong isinuot ang salamin ko at saka sumunod na sa kanila.
Naabutan ko silang nasa harap na ng isang itim na van habang kausap ni Mama at Daddy ang isang lalaking hindi katangkaran na sa tansiya ko ay nasa mid 50’s na. Nakasuot ito ng puting polo, he must be Manong Sony. Lumapit ako sa kanila kaya napalingon sila sa akin.
“Oh, ito na ba si Kity?” Nakangiting tumingin si Mang Sony sa gawi ko. “Aba dalagang-dalaga na ah ang huli kong kita sa’yo maliit ka pa.”
Ngumiti lang ako sa kaniya kahit hindi ko naman alam ang sinasabi niya.
“Mang Sony mabuti pa sa bahay na lang natin ipagpatuloy ang pag kwekwentuhan baka hinihintay na tayo ni Mama sa mansion,” singit ni Daddy.
“Mabuti pa nga Sir Herman excited pa naman ‘yon si Doña Asuncion sa pagdating ninyo. Siya nga pala nasaan ‘yong mga bagahe ninyo?”
“Pinalagay ko na po kina Kyrus sa sasakyan Manong,” Mama said.
“Ganoon ba? oh sige, malarga na kita.” Aalis na tayo.

Tahimik lang akong sumunod sa kanila. Pagpasok ko sa van ay umupo ako sa pangalawang backseat at katabi ko doon si Kuya Kyrus. Si Kuya Kendrick naman ay umupo sa passenger seat at sina Mama at Daddy ay nasa unahan namin.
Nang tuluyan nang umandar ang sasakyan ay nakatuon lang ang paningin ko sa labas ng bintana ng sasakyan at pinagmamasdan ang iba’t-ibang establishmento na nadadaanan namin.
Akala ko no’ng una kapag sinabing probinsiya puro mga puno, bundok, at palayan lang ang makikita. Meron rin naman palang mga malls at buildings dito hindi nga lang singrami ng nasa Manila, but good enough to lessen boredom I think.

Hindi naman pala magiging boring ang pag-stay ko dito kung gano’n.
“You’re against with this, aren’t you?” sabi ni Kuya Kyrus dahilan para lumingon ako sa kaniya at saka patay malisiya siyang tiningnan.
I have an idea of what he is talking about.
“Against with what?” taka kuniyaring tanong ko.
He chuckled. “Stop pretending that you didn’t know what I am talking about, sis.”

“Well, to be honest, yes ayaw ko talagang pumunta dito pero may magagawa pa ba ko? Wala naman ‘di ba?” taas kilay na sabi ko sabay tingin sa labas ng bintana.
I’d make sure na kaming dalawa lang ang nakakarinig ng pinag-uusapan namin dahil ayaw kong isipin nina Daddy na napipilitan lang ako, kahit totoo naman talaga.
“You have,” sabi niya. “If you only had insisted what you wanted and told Mama and Dad your opinion, you might have changed their minds. Maybe, they might not have agreed right away but they will think. Alam mo kasi sis, if you want something you have to fight for it lalo na kung gustong-gusto mo talaga ito.”
Gusto ko siyang asarin dahil sa lalim ng sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Then why did you agreed to go here? Alam mo bang akala ko ikaw ‘yong kakampi ko na tutol sa papunta natin dito?”
“Pumayag ako kasi gusto ko. I didn’t say that I don’t want to go here,” he replied, chuckling.

“Psh, ewan ko sayo Kuya.”
Itinuon kong muli ang atensyon ko sa labas ng bintana, habang patagal ng patagal ay mas parami nang parami na akong nakikitang puno at malawak na palayan, maging mga berdeng bundok sa malayo na napakagandang pagmasdan.
I’m not a fan of nature, but at this moment, I can truly say that I appreciate them.
Hindi nagtagal ay may mangilan-ngilan na kaming nadadaanang mga magkakatabing bahay at maingay na talipapa. Nagtaka ako ng biglang tumigil ang sasakyan sa tapat mismo ng mataong covert court.
“Why did we stop?” tanong ni Mama.
I want to ask the same.
“May tatawid kasing mga bata, Ma’am Kennedy,” sagot ni Mang Sony.
“Gano’n ba? Anong meron dito Mang Sony, bakit masiyado yatang maraming tao?” Mama curiously asked habang nakatingin sa labas ng bintana.
Wala sa sarili ko ring ibinaba ang bintana ng van at sinilip kung anong meron sa loob ng covert court pero wala akong makita dahil sa dami ng taong nakaharang sa entrance.
“Tatlong araw na lang kasi ay fiesta ng barangay Ma’am Kennedy, nagpaliga si kapitan kaya maraming umaabang. Sa pagkakaalam ko nga ay ang sponsor ngayon ng fiesta ay si Doña Asuncion.”
“Talaga? Hindi parin pala talaga nagbabago si Mama?” ani Daddy.
Dahan-dahang umandar muli ang sasakyan.

“Oo nga hon, nakakatuwa nga na― Oh my god!”
“Shit!” mahinang bulong ko.
Muntik nang mauntog ang ulo ko sa upuang nasa harap ko dahil sa biglang prenong iyon ni Mang Sony. Thankfully, nakasuot ako ng seatbelt dahil kung hindi paniguradong tumilapon na ko.

“Pasensiya na Ma’am, Sir,” Mang Sony uttered. “Hoy tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Balak mo bang magpakamatay?!” galit na sabi ni Mang Sony habang nakalabas ang ulo sa bintana.
May nakita akong lalaking nakatayo sa harapan ng van. He is wearing a navy blue basketball jersey kagaya no’ng mga nakita ko sa nadaanan naming court kanina. Kulot ang buhok niya na medyo mahaba dahilan para medyo matakpan ang dalawang mata niya. He has a tanned skin tone and a masculine body build.
Napalunok ako. Para bigla akong pinagpawisan sa hindi ko malamang dahilan. Naka-aircon naman dito sa sasakyan!
“Pasensiya na Mang Sony nagmamadali ako,” sagot nito sa baritong boses.
He knew Mang Sony? Psh. Obviously Kity ‘wag kang engot.
“Ikaw pala yan River, pasensiya na at nasigawan kita hindi kita nakilala eh,” mahinangon nang sabi ni Mang Sony.
“Ayos lang Mang Sony it’s my fault, sige una na ko magsisimula na ‘yong laro.”
“Sige, mag-ingat ka na sa susunod ha.”

Tumango ito. “Ingat!”
Tinapik nito ang bumper ng sasakyan at saka kumaway kay Mang Sony.
Hindi ko inalis ang paningin ko sa kaniya kahit na umuusad na ulit ang sasakyan. Pero nang magtama ang paningin namin ay mabilis pa sa alas-kwarto akong umiwas at iniangat muli ang bintana ng sasakyan.

Nang maisara ko na ang bintana ay muli akong tumingin sa kaniya ngunit nakatalikod na siya at tumatakbo na papunta doon sa direksiyon ng covert court.
“Piencenaves 15,” pabulong na basa ko sa nakalagay sa likod ng jersey niya.
Inalis ko ang tingin ko sa kaniya pero parang may sariling pag-iisip ang mata ko dahil bumabalik pa rin ang tingin ko dito hanggang sa mawala na siya ng tuluyan sa paningin ko.
I took a deep breath. Bakit ba tingin ako ng tingin sa lalaking ‘yon?! Wala namang special sa kaniya!
“Who’s that man, Mang Sony?” tanong ni Daddy.
“Sino po? Si River ba?” tumango si Daddy. “Ah panganay na apo ‘yon ni Don Emmanuel Piencenaves, mabait na bata ‘yon at matulungin kagaya ng kaniyang Lolo.”
“Really Manong? So, you mean anak siya ni Russell?” gulat na tanong ni Mama.
Who’s Russel?
“Yes, Ma’am. Ang alam ko matagal rin silang nanirahan sa America at paminsan-minsan lang rin kung umuwi dito para mag bakasiyon pero no’ng magkasakit si Don Emmanuel ay dito na sila nanatili at hindi na bumalik pa sa America, halos magdadalawang taon na nga sila dito.”
“Sinong napangasawa ni Russel, Manong?”
“Si Ma’am Nyssa Co.”
“Really?”
“Stop asking about Russel, Kennedy!” bakas ang inis sa boses ni Daddy kaya naman nagtaka ako. Don’t tell me he’s jealous?
Mama pouted. “Bakit ba? I’m curious, okay? Matagal ko nang hindi nakikita si Russel and Nyssa hindi ko ini-expect na magkakatuluyan silang dalawa.”
“Tsk,” asik ni Daddy.
Pinigilan ko ang matawa. Daddy is jealous! Hmm... I wonder sino kaya ‘yong Russel. Bakit kaya ganito na lang kung mag selos si Daddy? Minsan ko lang makitang ganito sila ni Mama kaya natutuwa talaga ako kahit ganito na ang edad nila at may anak na sila, they still in love with each other.

Bumalik ako sa reyalidad nang maramdaman kong sunod-sunod na pag-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bag ko. I took out my phone from my bag at saka chineck kung sino ang nag-text. I saw my friends name on my phone screen. Una kong binuksan ang message ni Maya of course.
From: Ibon
Hey! How’s your flight? Nakarating na kayo? Maganda ba riyan? May mga magagandang babae ba riyan? Ilayo mo si sweetheart ko ha! Pagginawa mo ‘yon ililibre talaga kita ng shawarma ng isang buwan pagbalik mo.
I immediately replied.
To: Ibon
Kakarating lang namin. It’s actually nice here and relaxing. At hindi ko babantayan si Kuya, muka ba ‘kong guard?!
From: Ibon
Ang sama talaga ng ugali mo kahit kaylan! Inofferan na nga kitang ililibre kita ng shawarma ayaw mo pa rin! Hindi mo ba ‘ko kaibigan ha?!
To: Ibon
Siyempre kaibigan.
From: Ibon
Pakibantayan ang Kuya mo para sa’kin, please :<
To: Ibon
Oo na! Whatever.
Sunod ko namang binukasan at nireplayan ang iba pang nag-text sa akin.
Hindi nagtagal ay lumiko ang sasakyan at pumasok ang van na sinasakyan namin sa isang malaking kulay abong gate na may nakaukit na Barrameda. Pagpasok sa gate ay may medyo kahabaang kalsada na kaliwa’t kanan ang mga magaganda’t malalagong bulaklak ang bumungad sa amin, nagmuka itong garden dahil sa dami ng bulaklak na nakatanim. Meron ring mga palmera na nakahilera sa magkabilang parte rin ng daan.
Bumagal ang pagmamaneho ni Mang Sony kaya naman na i-enjoy ng mata ko ang ganda ng paligid. Umikot ang sasakyan sa isang malaking fountain at tuluyan itong tumigil sa harap ng malaking bahay― I mean mansion to be exact.
It was a Spanish style mansion. Sa labas ng malaking double door ay may nakahilerang mga unipormadong kasambahay, guards, at drivers.

“Namiss ko ‘yong paganito ni Mamita kapag nagbabakasyon tayo dito grabe!” masayang sabi ni Kuya Kendrick na kakagising mula sa pagkakatulog kanina sa biyahe.
Sabay-sabay kaming bumaba ng sasakyan. Nililipad ang buhok ko dahil sa sariwang hangin na tumatama dito. Kinuha ng mga kasambahay mula sa compartment ng sasakyan ang mga dala-dala naming mga maleta.
“Oh dear, mabuti naman at dumating na kayo!” kusang may lumabas na ngiti sa labi ko ng marinig ko ang boses ni Mamita na kasalukuyang kakalabas lang ng malaking pinto.
“Hi Mamita! How are you po?” Masayang bati ni Kuya Kendrick at saka niyakap si Mamita.
“I’m good, apo kayo? Kumusta ang flight ninyo?”
“Ayos lang naman, mamá,” Daddy replied. “You look good, Ma. Parang hindi ka tumatanda.”
Mamita chortled. “Ikaw talaga anak manang-mana ka sa Papa mo parehas kayong bolero!”
“What? I’m just telling the truth,” Dad said and laughed.
Kukurutin sana ni Mamita si Daddy sa bewang pero agad na nakaiwas si Daddy. Nakangiti lang akong pinagmamasdan sila. They look cute.
“Kumusta naman kayo mga apo?” baling na tanong sa amin ni Mamita habang nakangiti.
“Were good Mamita we missed you,” Kuya Kyrus said.

“Namiss ko rin kayo mga apo ko. Hali nga kayo dito,” aniya at nagamba ng yakap.
I walked towards her and hugged her tight gano’n rin ang ginawa nina Kuya Kyrus at Kuya Kendrick.

“Naku ang lalaki niyo na talaga huwag munang mag-aasawa maliwanag?”
I chuckled. “Mamita were too young for that,” I said. Kumalas kami sa pagkakayap sa kaniya.
“Naku kahit na mabuti nang nagsasabi. Oh siya, tara na nga sa loob pinahanda ko na ang mga kwarto ninyo sigurado akong pagod kayo sa mahabang biyahe ninyo.”
Sumunod ako sa kanila papasok sa loob. Pagpasok namin sa loob, ang bumungad sa amin ang malawak na sala. Mataas ang ceilings no’n at may malaking chandelier. May engrandeng glass stairs na may mga Christmas decoration sa hawakan. Meron ring mataas na white Christmas tree na may iba’t-ibang decoration.
“Margarita!”
“Ano po ‘yon Madame?” lumapit kay Mamita ang babaeng petite na nakasuot ng pangkasambahay na uniform, mas bata lang siguro siya sa akin ng dalawang taon.

“Pakihatid nga si Kity sa kwarto niya ikaw ang magiging private servant niya, okay?”
What? Private servant? What the hell?

“Naku talaga po, Madame? Ikinagagalak ko po ‘yan.”
I wanted to protest, but I couldn't because I could see the joy on Margarita's face.
“Of course I know that you admire my only granddaughter so I know you will take good care of her.”
Margarita blushed. “Naku Madame salamat po talaga,” anito at saka nginitian ako, I awkwardly smiled back.
Kinuha ni Margarita ang dala kong sling bag. Nauna nang umakyat sina Kuya sa mga kwarto nila. Alam naman nila kung saan ‘yon dahil sila lang naman ‘yong nakakaalala na nakapunta na sila dito sa mansion. Samantalang sina Mama at Daddy naman ay nagpaiwan sa baba para makipagkwentuhan kay Mamita.
Pag karating namin sa second floor ay bumungad sa amin ang malawak na hallway. The wallpaper is Spanish-style. There are hanging pictures on the wall of my great grandfather and great grandmother, followed by the picture of Mamita Asuncion and Lolo Arturo. Next is the picture of Mama and Daddy and then my aunts and uncles. In the next were the pictures of Kuya Kyrus and Kuya Kendrick and our cousins, and at the very last was my picture, because I was the only girl who had Barrameda blood.
Kumunot ang noo ko, it looks familiar. Nakasuot ako doon ng kulay puting filipiniana habang may hawak-hawak akong kulay puting pamaypay. And I was grinning from ear to ear.
Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko kung saan ‘yon. I remember this! This is our family pictorial last month! I enjoyed this pictorial because that was my first time wearing filipiniana.
“Ang ganda niyo po riyan Ma’am Kity.” Napalingon ako kay Margarita ng magsalita ito.
“Thank you,” I said.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, sumunod lang ako kay Margarita dahil siya ang nakakaalam kung saan ang magiging kwarto ko. Patuloy parin ako sa pagmamasid sa buong paligid. The whole place was so unique.
Hindi ko inaasahan na ganito pala karangya ang buhay dito ni Mamita…
NIKEINKSHA | SUSHI

Komento sa Aklat (2)

  • avatar
    ShayHanie Bint Alimon

    wow I like the story su pretty

    20/05

      0
  • avatar
    Mae Jacobo

    Lovely

    24/04/2022

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata