logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Ganduyan and Eilaine

Makalipas ang apat na oras ay nag-stop over ang bus sa isang kainan. Kinalabit niya ang natutulog na katabi.
“Oy.”
Nagdilat ito ng mga mata at tinignan siya ng masama. Para siyang lalapain sa paraan ng pakakatingin nito sa kanya. Bagama’t masama ang pagkakatinging ipinukol sa kanya ng lalaki ay namangha pa rin siya sa mga mata nito. Abuhin iyon at may kasingkitan. Napalunok muna siya ng sariling laway bago muling nagsalita.
“K-kumain ka na ba tsaka uminom ng gamot?”
“Don’t mind me.” Pagkatapos iyon sabihin ay bumaling sa kabilang direksyon ang lalaki.
“Sungit!” Mahina ngunit mariin niyang komento. Tumayo na siya at pababa na siya ng bus dahil bukod sa gusto niyang kumain ay naiihi na rin siya kanina pa. “Tabi nga diyan, Sungit.”
Umisod naman ang lalaki para makadaan siya.
Matapos niyang magbanyo at makabili ng pagkain ay muli siyang umakyat ng sasakyan. Iniabot niya sa lalaki ang isang mangkok ng lugaw ngunit tinignan lamang iyon ng masungit niyang katabi.
“Sige, titigan mo lang yan. Mabubusog ka, promise!”
“Akala ko ba pamasahe lang ang dala mo?”
“Akala ko rin eh.” Kinuha niya ang palad ng lalaki at inilagay doon ang mangkok ng lugaw pati na rin ang ilang tabletas ng baon niyang paracetamol. Buti nalang at girl scout siya na laging handa. “Kainin mo na ‘yang lugaw. Tapos inumin mo ‘tong gamot pagkatapos mong ‘lumafang’. Huwag ka ng magpa-bebe pa diyan.” Dahil nahawakan niya ang kamay nito ay nasalat niya ang kasalukuyang temperatura ng masungit niyang katabi sa bus. “Ang taas ng lagnat mo kaya huwag ka nang mag-inarte.”
Muli siyang bumaba ng bus dahil kukunin pa niya ang ipinalutong hotdog. Doon na rin niya kakainin sa dining area ang mga biniling pagkain para sa sarili. Baka kasi nasasalag niya ang pride ng lalaki at hindi pa nito kainin ang lugaw na binili niya para dito. Sayang ang perang ipinambili niya doon. Singkwenta pesos din iyon. Sa totoo lang ay nahihiya siya sa inasal niya kanina. Kaya naman para makabawi kahit papaano ay binilhan niya ito ng pagkain. Napansin din niya kanina habang nasa biyahe sila na nanginginig ito kaya naman hininaan niya ang aircon na nasa ibabaw ng kanyang ulo.
Habang ngumunguya ay kinakalkula niya sa isip ang dalang pera kung kakasya pa ba iyon hanggang sa pag-uwi niya. Dahil bumili siya ngayon ng pagkain at nanlibre pa siya ng lugaw ay ipinangako niya sa sariling hindi na siya kakain sa mga susunod pang stop over at hindi na rin siya mag-aalmusal bukas pagdating niya ng Ganduyan. Brunch nalang ang gagawin niya o almu-tang sa Tagalog. Ito ang pagkain ng pinagsamang almusal at tanghalian. Tipid-tipid rin ‘pag may time. Awanti na kwarta.
Pagbalik niya sa bus ay mukhang tulog na ulit ang lalaki. Natuwa naman siya dahil inubos nito ang lugaw na ibinigay niya. Nakayupi na ang mangkok na yari sa styro foam.
Muli niyang kinalabit ang katabi, “Oy!”
“Ano na naman?” Iritableng sagot nito sa kanya pagkadilat ng mga mata. Naka-face mask pa rin ang lalaki. Hindi tuloy niya maaninag nang maayos ang itsura nito. Ni hindi nga niya matantiya kung gaano na ba ito katanda. Pero feeling niya ay nasa late twenties na ito. Wala lang, pakiramdam niya lang naman iyon.
“Ininom mo ba yung gamot?” Tanong niya sa lalaki at muli ay pinaisod niya ito para makabalik siya sa dati niyang pwesto na nasa tabi ng bintana.
“Paano ko iinumin wala akong tubig? Magbibigay ka na nga lang, hindi mo pa kinumpleto.”
“Aba’t!” Pinigilan niya ang sariling gumawa ng panibagong eksena. Huminga siya ng malalim at pilit pinakalma ang bugso ng damdamin. May atraso siya dito, paalala na lamang niya sa sarili.
Hinalungkat niya ang bag at inilabas doon ang baon niyang tubig. “Ayan na!” Padabog niyang ibinigay ang isang litrong bote ng mineral water sa lalaki.
Kinuha naman iyon ni ‘Sungit’. Tinalikuran niya ito dahil may tumatawag sa kanya sa telepono. Si Airishdane iyon at kinukumusta siya. Ganitong oras ay gising pa ang ka-dorm at kaibigan niya dahil isa itong nobelista. Gising ito sa gabi kung kailan ito nag-titipa.
Matapos nilang mag-usap ng kaibigan ay muli niyang hinarap ang lalaki.
“Ininom mo na yung gamot?”
Tango lang ang isinagot ng lalaki na naka-mask na ulit. Ang sungit talaga! Sayang at hindi niya nakita ang kabuuan ng itsura nito dahil tinalikuran niya ang lalaki habang umiinom ito ng tubig at gamot dahil kausap niya ang kaibigan.
Hawak pa rin nito ang bote ng tubig ‘niya’. “Akin na ang tubig ko.” Aniya. “Pinainom lang kita, huwag mong angkinin. Tubig ko pa rin ‘yan.” Wala na rin kasi siyang pambili kung sakaling maubos ang baon niyang tubig.
Ngunit hindi iyon ibinigay ng lalaki bagkus ay inilayo pa nga nito sa kanya iyon.
“Mahahawa ka sa akin kapag ininuman mo pa ‘to.” Anas ng lalaki sa magaspang pa rin na boses. Ang pangit talaga.
Dahil sa pagpipilit niya na makuha ang tubig mula sa dito ay para na siyang nakayakap sa tila nag-aapoy pa rin na katawan ng lalaki. Kahit na makapal ang suot nitong damit ay nadarama pa rin niya ang naghuhumiyaw na init nito dahil sa lagnat. Bagama’t nakadama siya ng medyo pagkailang ay hindi niya iyon ipinahalata sa lalaki lalo na ang biglang pagiging abnormal ng tibok ng puso niya. Kebs! Wala lang ‘to.
“H-Hindi ako mabilis mahawa.” Nauutal niyang wika nang mabawi ang bote ng tubig mula sa kamay ng lalaki. Umayos na siya ng upo at ibinalik sa loob ng bag niya ang pesteng tubig na naging dahilan ng kabang hindi niya alam kung bakit niya naramdaman.
Habang inilalagay sa bag ang bote ng tubig ay nasagi ng kamay niya ang baong kumot. Inilabas niya iyon at inilatag sa harapan ng lalaki. Kapagkuwan ay ipinambalot niya iyon na parang cocoon sa inaapoy ng lagnat niyang katabi.
“Ano na naman yan?” Iritable pa rin ang tono ng lalaki.
“Kumot. Hindi mo alam?”
“Ikaw, bakit ang dami mong alam?”
“Kanina ka pa nanginginig. Alangan namang patayin ang buong aircon ng bus para lang sa’yo. Ikaw itong mag-adjust. Kami pa ba ang mag-aadjust para sa’yo?”
“Hiniling ko ba na mag-adjust kayo at patayin ang aircon?”
“Hindi. Pero ikaw mukhang malapit nang mamatay dahil sa lamig. Huwag ka ng maingay. Mas pangit ang boses mo.” Nang sa tingin niya ay maayos na niyang naibalot ang kumot sa lalaki ay tinalikuran na niya ito at hinarap na niya ang bintana. “Matulog ka nalang. Good night.”
Siya rin pala ay matutulog na. Ngayong busog na siya ay makakatulog na siya nang payapa. Walong oras pa ang kailangan nilang bunuin para sa biyaheng iyon.
MAHIHINANG alog sa kanyang balikat ang nakapagpagising kay Eilaine. “Ma’am, nasa Ganduyan na po tayo.”
Pagmulat niya ng mga mata ay ang konduktor ng bus ang nabungaran niya. Bumaba ang tingin niya at nakitang nakabalot na sa kanya ang dala niyang kumot. Bumaling naman siya sa kanan at nakita niyang wala na pala siyang katabi maliban sa isang litrong bote ng tubig na silyado pa.
Luminga-linga rin siya paligid. Okay fine, ipinamukha na naman sa kanya ng tadhana na mag-isa nalang talaga siya sa mundo. Dahil bukod sa kondoktor ay wala ng ibang tao sa loob ng bus. Napasarap ang tulog niya. Ganun naman talaga siya. Wala ng bago dun. Talagang tulog-mantika siya.
“Salamat po, Kuya.” Bumaba na rin siya ng bus bitbit ang backpack at ang tubig- sayang eh, para gawin na ang kanyang misyon at iyon nga ay ang hanapin ang kanyang forever na itatago na lamang niya sa pangalang Broccoli Man.
LIKAS na kay Eilaine ang pagkakaroon ng makapal na apog. Sanay siya na makipaghuntahan sa kahit sinong tao at hindi uso sa kanya ang hiya-hiya. Sa dami ba naman nang nilapitan, nakilala at inutangan niya ay wala na siyang itinirang kahihiyan sa katawan. Mamamatay siyang dilat ang mga mata kung paiiralin niya ang pride at kaartehan para kumausap ng tao. Wala siyang pinipili. Kahit sino ay maaari niyang lapitan para kausapin o tanungin. Ganun siya ka-extrovert na tao. Madalas pa nga siyang makipagkwentuhan sa mga hindi niya kilala at maya-maya lamang ay kagaanan na niya ng loob ang mga ito. Salamat sa regalong genes na minana niya sa mga magulang na hindi na niya nakilala. Marami siya laging baong karisma.
Sabi ng mga nakakakilala sa kanya ay hindi naman daw siya kagandahan kung hindi malakas lamang ang kanyang appeal. Syempre hindi siya naniniwala doon! Maganda siya! Magandang-maganda at pandagdag asset na lamang ang nag-uumapaw niyang appeal. She has this charm that nobody can’t resist. Ang tangkad niya ay nasa 5’5 kaya masasabi niya sa sarili na pasok siya bilang Binibining Pilipinas. Nagtataglay siya ng hindi katangusang ilong ngunit hindi rin naman ganun kasarat. Maninipis ang mga labi niya na bumagay sa hugis-puso niyang mukha. Lagi ring perpekto ang kurba ng nga kanyang mga kilay na bumabagay sa mga mata niyang medyo may kasingkitan at kulay itim.
Maputi at makinis rin ang balat niya dahil madalang lang siyang masikatan ng araw. Ang trabaho niya kasi ay maaring work from home kaya naman kahit nakakulong lamang siya sa kanyang dormitoryo ay kumikita siya. Tipid pa ‘yon sa pamasahe at pagkain. Computer, internet at kuryente lang ay sapat na para mabuhay siya.

Komento sa Aklat (119)

  • avatar
    Jojo Valeros Suaso

    it's a nice story..I love it so much

    12/02

      0
  • avatar
    Melinda Regalado Oña

    nice story

    11/01

      0
  • avatar
    Rica Indino

    nice story

    11/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata