logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

That One Cruel Summer

That One Cruel Summer

Archeraye


Chapter 1: The Guy on the Plane

"Nagpaalam na 'ko kina Mommy at Daddy and they agreed," wika ko kay Angelique.
"Sure ka bang kaya mo? Gusto mo samahan kita?" aniya.
Nagbuntong hininga ako at tumigil sandali sa pag-iimpake. Nilingon ko ang kaibigan ko na ngayon ay nakadapa sa kanyang kama habang nasa tabi naman niya si Ash, iyong aso na bigay ng boyfriend niya. We're talking via video call. 
"Come on, Gel, hindi na 'ko bata."
She twitched her lips. "Fine. Kailan ba ang alis mo? Tsaka hindi ka naman siguro brokenhearted, 'di ba?"
Kumunot ang noo ko. "Mga brokenhearted lang ba ang may karapatang magbakasyon? Tss. Tomorrow's my flight. Why?"
"Sungit mo naman! Nagtatanong lang naman ako, ah. Tsaka gusto mong ihatid ka namin ni Ace sa airport?"
"Aren't you two busy?"
"Well, may date kami bukas pero ihahatid ka muna namin. Sa MOA na lang kami."
Ngumuso ako at nag-isip saglit. Mom and Dad are both busy tomorrow. Alam kong ihahatid ni Manong Luis bukas sina Mom and Dad sa Pampanga para sa project nila roon. Baka hapon pa makauwi si Manong kung hihintayin ko siya kaya mas mabuti na rin siguro kung sina Ace at Angelique na lang ang maghahatid sa akin.
"Okay. Alas kuwatro ang flight ko bukas."
"Okay! Susunduin ka namin bukas ng one pm para hindi ka ma-late sa flight mo."
Nag-usap pa kami saglit bago kami nagpaalam sa isa't isa. Nang matapos ako sa pag-iimpake ay binuksan ko muna ang account ko sa Gemstone, iyong website kung saan ako nagsusulat. I received 17 notifications and all of them came from my readers giving me praises about my recent work. May iilan din akong natanggap na messages galing sa kanila. They were congratulating me for the success of my first published book last year. I replied to them one by one. It felt so overwhelming when someone appreciates your work.
For someone reason, I was a little motivated to write because of their appreciation. I'll try.
I sighed and decided to get my laptop. Umupo ako sa aking study table at binuksan ang aking laptop. I opened the Microsoft word and placed my hand on the keyboard. I stared at the blinking cursor and balled my fist. 
"Damn it. Why can't I even type even just a single word? Ganito na ba talaga kalala ang writer's block ko?"
I laughed without humor. Ito talaga ang nakakalungkot bilang isang manunulat. Akala ko nga dati ang galing galing ko na kasi nakatapos na 'ko ng isang nobela pero akala ko lang pala lahat ng iyon. It was fucking hard! Halos sumakit ang ulo ko dati kung papaano ko tatapusin iyon. I did my research, jot down everything kapag may pumapasok na ideya sa utak ko para hindi mawala, did an outline para hindi ako mawala sa sinusulat ko na minsan ay hindi rin naman nasusunod. 
Maybe a lot of people would say that being a writer is easy. Tamang sulat lang ganoon. Pero ang hindi nila alam . . . sobrang hirap. 
Ilang minuto na 'kong nakatulala kaya umiling ako. "Mabuti pang matulog ka na lang, Sabrina. Wala namang kwenta kung magsusulat ka pa e wala ka ngang matino na idea. Tsk!" I whispered and pressed the exit button and close my laptop. I crawled back to my bed and rest my brain. May flight pa 'ko bukas. Iyon na lang muna ang iisipin ko sa ngayon. 
***
Kinabukasan ay nagising ako nang bandang alas nuwebe. Nakaalis na sina Mom at Dad. I did my routine and prepared everything. Ayaw kong may maiwan ako kasi hindi ko na iyon mababalikan pa. 1:15 nang dumating sina Ace at Angelique sa bahay. She said hi first to Silver, my cat, na ngayon ay tulog na tulog sa bed niya. 
"Iba talaga 'yong mga pusa, 'no? Puro lang sila tulog. Gigising lang para kumain," she said and we both laugh because it's true. Pansin ko rin na ganoon lang ang gawain ni Silver. But I still love that cat.
Nagpaalam kami kay Manang Cecilia, iyong asawa ni Manong Luis na halos labing-siyam na ring nandito sa amin. Andito na sila simula nang ipanganak ako. They were like my second parents. Kahit naman busy sa trabaho sina Mommy at Daddy ay nagkakaroon pa naman kami ng oras na magbonding. 
"Akin na 'yang maleta mo, Sab," wika ni Ace. Binigay ko naman sa kanya ang maleta ko at siya na ang naglagay sa back compartment ng kotse niya. 
Binuksan naman ni Angelique ang pintuan sa likod ng kotse. Nilahad niya pa ang kamay niya at nagbow na animo'y isa akong anak ng Presidente ng Pilipinas at siya ang bodyguard ko. I rolled my eyes at her. Tumawa lang siya at nang makapasok ako ay sinarado na niya ang pinto. She sat on the passenger seat and her boyfriend roared the engine to live.
"Saan ka magbabakasyon, Sab?" Tanong sa akin ni Ace.
"Cebu."
"Oh? Sa Bantayan Island ba?"
I nodded. "Yep."
I've seen a Filipino movie before. Kung hindi ako nagkakamali, the title of the movie was Camp Sawi and they shoot at one of the beaches in Bantayan Island. The movie was good, actually. Kaya rin siguro pinili ko ang Bantayan Island dahil sobrang nagandahan talaga 'ko doon sa setting ng movie.
"Have you been there, babe?" si Angelique.
"Once. I was with my family. Bakit? Gusto mo bang pumunta roon?"
"Tsaka na kapag nakabalik na si Sab. Take videos and photos, please? I-tour mo naman ako roon, Sabrina," wika niya at nilingon pa 'ko. She was pouting her lips like a kid.
I rolled my eyes at her and sighed. "Hindi pa nga 'ko nakakarating doon ay hinihingian mo na 'ko ng videos at pictures. Calm your tits down, Angelique Laurene."
"Sinabi ko bang ngayon na, Sabrina Angeli? Kung hindi lang kita kilala at kaibigan sasabihin ko talagang ang pangit ng ugali mo. Palagi ka na lang badtrip! Hmp! Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend, eh."
I chuckled and gently pulled her hair. Dumaing naman siya. Ang OA, ah! Mahina nga lang 'yon, eh. Sinaway naman ako ni Ace na huwag ko raw saktan ang gilfriend niya. 
"Makadaing ka naman, wagas! Kapag ako 'yong humihila sa buhok mo dumadaing ka sa sakit, tapos kapag si Aesaph, dumadaing ka sa sarap," bulong ko na narinig pala nila.
"Shut the fuck up, Sabrina Angeli!" sigaw niya habang namumula ang buong mukha. Ganoon din ang mukha ni Aesaph. 
Halos isang oras ata ang byahe namin mula Manila hanggang sa airport. It was a bit of traffic because it was summer and most of the people were spending their vacation to the Sorth. Specifically, in Tagaytay or Batangas. Pagkababa ko ng sasakyan ay daig niya pa si Mommy sa dami ng habilin.
"Medyo burara ka pa naman sa mga gamit mo kaya pagkatapos mong maligo ay ilagay mo na sa bag mo ang mga damit mo. Tsaka always check your luggage, Sabrina. Baka matangay pa 'yan o makuha ng iba. Secure your wallet and phone as well as your laptop--"
"Babe, ikaw ba talaga ang totoong Mommy ni Sab?" singit ng boyfriend niya pero sapak naman ang natanggap ng lalaki mula sa girlfriend niya.
"Shut up, Aesaph Rainier." malamig na wika ni Angelique na naging sanhi naman nang pagtikom ng bibig ni Ace. 
"Please be careful, okay? At kung iinom ka man, please control yourself. Wala ako roon para alagaan ang lasing na Sabrina. Sobrang dangerous mo pa naman kapag nalalasing ka."
"Oo na po, Mommy Gel."
She rolled her eyes and encircled her arms around me. I smiled a little and hugged her, too. Kahit one week lang ako roon, alam kong mamimiss ko itong babaeng ito.
"Mag-iingat ka, okay? I will miss you so much, Sab."
"Of course. I will miss you, too."
Nang tawagin na 'ko ng guard para pumila ay agad na 'kong bumitaw sa yakapan naming dalawa. I could see tears in the corner of her eyes. Naiyak na rin ako. Ano ba 'yan! Isang linggo lang naman kaming di magkikita pero nag-iiyakan na kaming dalawa. 
Ace bade his farewell through hugging me. I hugged him back and reminded him to take good care of my best friend. I waved my hand before going inside. Nang tuluyan na 'kong makapasok sa loob dala ang aking maleta at backpak ay ipinakita ko na sa guard ang aking ID at ticket. 
Bago kami lumipad ay tumawag sa akin si Mommy. We talked for a while, and she reminded me like how Angelique did earlier. And at exactly 4:02 pm, the plane has taken off.
Nagising ako nang mag-announced ang flight attendant na malapit na kaming maglanding sa airport ng Cebu. Nang binigyan na kami ng go signal ay tumayo na ako at kinuha ang bag sa overhead cabin, pero dahil maganda lang naman ako at hindi ganoon katangkad ay nahirapan ako sa pagkuha ng gamit.
"Tulungan na kita, Miss." A guy, who's I think a six-footer approached me. He was wearing a black hoodie. Nakasukbit naman ang isang strap ng backpack niya sa kanyang kaliwang balikat. I moved a little para makuha niya ang bag ko. He was towering me!
"Here," he said and handed me my bag.
Napalunok ako bago ko iyon kunin mula sa kanya.
"Thank you."
Lumiit ang kanyang mga mata nang ngumiti siya sa akin. "You're welcome."

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Maria Bagalihog

    5.0

    23/08

      0
  • avatar
    Sofhia Supilanas

    I like it

    03/06

      0
  • avatar
    LazoJacob

    lAb

    04/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata