logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

TOF

Huminga ako ng malalim bago umupo sa ilalim ng puno, ang init-init! Maliit na lang ang pasensya ko. Seryoso ako. Maliit na lang ang pasensya ko sa 'kanila!
Nag hihintay ako na tawagin ng Professor namin ang pangalan ko. Pupunta kami sa isang orphanage, activity 'daw namin. Out of nowhere na activity? Baliw 'ba sila?
Hindi ako mapakali dahil sa init! Tirik na tirik ang araw tapos siksikan pa kami mamaya sa bus. Pag minsan, nag sisisi na talaga ako kung bakit ako nag c-commute 'e may sasakyan naman ako.
Puwede naman 'daw na hindi sumabay sa bus kung may sasakyan. Naalala ko si Manong, kaso tirik na tirik ang araw baka kung ano pa ang mangyari pag pinag drive ko siya dito, Manila to Pasig?
Halos isang oras pa ang byahe, traffic pa. Hu'wag na lang, kawawa naman si Manong kahit binabayaran. Napatingin ako sa plastic bottle na hawak ko, ubos na pala.
Napag desisyunan ko na tumayo at mag lakad papunta sa cafeteria, tumingin pa ako sa Professor ko na busy makipag usap sa driver.
I just shrugged my shoulder and began to walk, hindi naman siguro ako iiwan. Kilala nila ako, gusto 'ba nila mawalan ng trabaho kahit gaano sila kagaling mag turo?
"Oh, nice." bulong ko bago mapag tanto na iniwan nila ako. Naka-balik na ako sa meeting place na sinabi ng Professor namin pero wala na akong nadatnan na tao. Nanggigigil ako na napangiti.
Gaano na 'ba ako kamalas? Bakit hindi nila ako napansin?! Hindi naman ako ganon kaliit para hindi mapansin na wala doon hindi 'ba? Kahit ayoko sumama dahil siksikan pero pinanindigan ko dahil ngayon lang ako hindi tinamad sumama sa activities kasi makakakita ako ng bata, ngayon pa ako naiwan.
Nakita ko na sinasarado na ni Manong guard iyong gate, nagsisilabasan na 'rin lahat ng empleyado ng University. Hah. Ano 'yan. Baka hindi ako nakikita? Seryoso? Feeling ko sasabog na ang ugat ko sa inis, sinabayan pa ng init ng araw.
Nag-uuwian na sila tapos ako parang tanga na tumitingin sa paligid. Nag-iisip kung paano ako makakasunod sa Pasig. Kahit mag commute ako ay hindi ko alam ang destination. Saan sa Pasig?
Napatalon ako sa gulat dahil may bumusina sa gilid ko. Napaharap ako nang makita ko ang isang red na Koenigsegg Jesko.
Napalunok ako. Natulala ako sa sasakyan na nasa harapan ko. The owner of this car is rich! Koenigsegg Jesko is 3,000,000 usd, is also one of the fastest supercars in the world, at this year!
"Hop in."
Tumaas nag kilay ko nang makilala ang boses niya. Nag lakad ako para tignan kung tama 'ba ako sa aking hinala. Cool siya na lumingon sa akin kaya agad ko'ng iniwas ang pangin sa 'kanya.
Bakit mas lalo siyang guma-gwapo?
"Hey? I said, sumabay ka na."
"P-pupunta ka rin sa orphanage?" tanong ko. Tinignan naman niya ako ng nag tataka sa inaasta ko.
"Halata ba?" Tanong niya dahilan ng pag kunot ng noo ko. Hah. Hindi pala siya si Spencer pag hindi ganyan ang ugali niya.
Ano pa ang aasahan ko sa 'kanya? Bakit sa dinami-dami ng lalaki na umaaligid sa akin simula noon ay sa 'kanya ako nagkagusto? Isn't unfair? Ang titino nila pero sa baliw ako nagkagusto.
"Damn."
Napatingin ako sa kany dahil parang alam ko ang daan na tinatahak niya, pamilyar ito sa akin.
"Sure na dito ang daan?" nag aalangan na tanong ko.
Napakamot siya sa sariling ulo sabay umiling. Pasimple ako'ng ngumiti dahil ang cute niya pero pagkalingon ko sa 'kanya ay nag poker face ako.
"You know where… right?" tanong niya pabalik kaya agad ako umiling.
"Hindi… Walang sinabi ang mga Professor!" Pasigas na sagot ko kaya napatitig siya sa akin, nataranta lang ako...
Bakit ka sumisigaw? Are you mad?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya, iniwas ko 'rin ang paningin ko sa 'kanya. Hindi ko kaya makipag titigan, madali pa naman mabasa ang thoughts ko.
"Ang angas-angas ng kotse mo, pati ikaw ang angas mo tapos hindi mo alam kung saan ka pupunta? Mali 'yon" Pang-aasar ko sa 'kanya.
"Wow. First, I don't own this car, this is Avy's car to be exact. Kinuha ko sa bahay nila para may sasakyan kami papunta sa orphanage pero ikaw nalang nadatnan ko. To cut the long explanation short, i do know how to drive but I don't know where's the destination."
Sila ba? Sa dami ng sinabi niya ay hindi ko 'rin ito naintindihan. Nakatutok ang atensyon ko sa sinabi niya na pumunta siya sa bahay nila Avy para kuhanin ang sasakyan, does it means kilala siya ng Pamilya ni Avy?
"Bakit ka saakin nag papaliwanag?" Mahinahon na tanong ko. Nanlaki ang mata ko, I didn't mean to spout it out like that.
"For you not to think other things." Sagot niya na dahilan ng pag tikom ko. Napalunok ako, bakit niya sinasabi ang mga iyon?
Ilang minuto muna na hindi ako nag salita, nawalan ako ng sasabihin. Nanlaki ang mata ko nang mapansin na tama ang hinala ko!
Lumingon ako sa 'kanya "Then, dumaan muna tayo ng bahay para mag tanong, nandito naman na tayo. Para hindi na 'rin masayang ang pag kuha mo ng sasakyan." Saad ko.
Taka naman siyang tumingin saakin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Lingid sa kaalaman mo, hindi ito daan patungo sa Pasig, Sir. Daan ito patungo sa bahay namin, nasa Makatai ka 'na." Nakangisi na saad ko.
Nakita ko kung paano siya napatampal sa 'kanyang noo. Kahit ganon ay wala siya'ng nagawa kung hindi sumunod sa suggestion ko kanina lang.
"Dito na."
Turo ko sa malaking gate na madadaanan namin bago inilabas ang phone ko.
May app kasi na nilagay si Mama para may access ako sa gate. Hindi na kailangan tumawag ng tao sa loob para pag buksan kami, dahil bubukas siya mag-isa once na napindot ko na ang dapat pindutin.
This is a nice app, actually. No one can open our gate kung walang access sa phone or bisita talaga siya para mapapasok siya, parang sila Tummy back then. Pinag buksan ko sila.
Napatingin ako kay Spencer na bumaba, dali-dali ko siyang hinawakan sa kamay dahilan ng pag tigil naming dalawa sa ginawa ko.
"Hindi ka ba tatawag sa loob?" takhang tanong niya sabay tingin sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Agad ko naman binitawan ang kamay niya. Nataranta ako kaya kamay niya ang nahawakan ko!
"B-bubukas na iyan mag-isa." Sagot ko bago iniwas ang paningin sa 'kanya. Naramdaman ko naman na umupo na siya ulit sa driver seat.
"Wow, rich." bulong niya pero hindi ko na ito pinansin.
Parang hindi naman siya mayaman? Ganyan din naman gate ng bahay nila, mas mataas nga lang at napaka-pribado. Akala mo naman ay inosente, mas mayaman 'ho kayo.
Well, pwede na siya maging con artist. Gwapong con artist. Gwapo naman 'yata lahat ng con artist right? I mean, napapanood ko lang.
Nang ma-ipark na niya ang sasakyan sa guests garage ay sabay kami na bumaba, hindi ko naman kailangan hintayin na pag buksan niya ako. Ano 'yan gentleman siya? No.
Nakasunod lang siya sa likodan ko dahilan ng pagka-ilang ko. Binagalan ko ang paglalakad para makasabay ko siya pero dahil gusto ko siya ma-una ay mas lalo ako nag pabagal.
Pero parang mali ang desisyon ko dahil na-aamaze ako kung gaano kaganda ang buhok niya, itim na itim at bagsak ito ang dahilan kaya napapatingin ako sa gawi niya.
Pwede na siya mag commercial ng shampoo.
Napa-iling ako sa naisip. Bumalik ako sa wisyo nang tumigil si Spencer sa paglalakad kaya nag taka ako, makakasalubong na pala namin si Reya na may dala-dala na dalawang towel. Towel ni Zycxy at Zylyx.
Gulat siya'ng tumingin sa amin— No. Kay Spencer.
"Nasaan si Manong?" tanong ko dahilan ng pag baling ng atensyon ni Reya sa akin. Tumaas ang kilay ko. Wow. villainess 'yan? Kakanood ko ito.
"Kumakain po." Mahinhin na sagot niya kaya tumango ako.
"Sila zycxy? kumain na 'rin?"
"Opo, nagpapatuyo po sila sa garden, kakatapos ko lang po paliguan." Sagot niya, tumango ulit ako dahilan ng pag alis niya patungo ng garden.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Spencer!
"Sa garden na lang muna tayo." Pag aya ko sa 'kanya bago tumalikod at tumungo sa garden. Pagkabukas ko ng puti na gate ay bumungad si Reya na tumatakbo, hinahabol 'yong dalawa na makulit.
"Reya." Pag tawag ko sa 'kanya. Agad naman siya na lumapit sa akin. "Ako na ang bahala sa dalawa, pagkatapos ni Manong pakisabi na sa Garden ha?"
Tumango naman siya bago umalis. Isinarado niya ang Gate ng Garden.
"Have a seat." Saad ko bago itinuro ang mini chairs na gawa sa steel. Pininturahan ng white, may foam naman na nasa ibabaw kaya hindi masakit sa pang ibaba na bahagi.
"Zylyx, Zycxy!" Pag tawag ko sa dalawa na nag lalaro, narinig siguro nila ang boses ko dahilan ng pag takbo nila papalapit sa akin, nag uunahan sa pag takbo sa gawi namin si Zycxy at Zylyx kaya napangiti ako.
Umupo ako sa damuhan para makatalon sila sa bisig ko, araw-araw naman nililinisan ang damo dito. Mas lalo ako napangiti nang hindi ako nagkamali dahil tumalon silang pareho, pero laki'ng gulat ko nang bumaba si Zylyx at tumakbo patungo kay Spencer.
Umupo din ito sa damuhan kaya mas lalo akong nagulat, nakatalon si Zylyx sa kanya. Buhat-buhat ko si Zycxy at marahan din niya binuhat si Zylyx.
Lingid sa kaalaman ko, hindi mabilis maging close si Zylyx sa mga bisita dito sa bahay. Hindi niya sila pinapansin, sa akin lang siya mabait. Kahit nga kay Reya ay tinatakbuhan niya ito.
“Ikaw pala ang kumuha sa alaga ko ha?" Tanong niya dahilan ng pag atras ko.
Did I hear it right?
"A-alaga mo?" Nag tataka na tanong ko, inulit ko pa.
Tumango siya bago ibinalik ang paningin kay Zylyx at nilaro ito. Umupo ako habang nakatingin sa 'kanya. Napa-isip ako, kung alaga niya—
"Hoy. Bakit andami niya'ng sugat kung alaga mo?! Sinasaktan mo 'no?!" Sigaw ko habang nakaturo sa 'kanya.
Agad kumunot ang noo niya. "Ano'ng sinasaktan? kulang ka na 'yata sa pagkain at tulog? nag-uulyanin kana naman at nag dududa."
Sinamaan ko siya ng tingin pero nakay Zylyx ang atensyon niya. Ako nag alaga riyan. Magkaroon ka ng utang na loob sa akin.
"Ang pangit mo." Irap ko bago bumelat. Tumawa naman siya pero hindi ko siya nilingon dahil matutulala ako!
"Zylyx dito ka sakin dali." Tawag ko, bababa na sana si Zylyx sa bisig ni Spencer pero pinigilan niya ito.
"Anong Zylyx? ang pangit mo naman mag pangalan." Pang-aasar niya. Doon kumunot ang noo ko.
"Lahat nalang pinapansin mo? Bading ka talaga, 'no? Amin amin 'din—"
Natigilan ako nang ilapit niya ang 'kanyang mukha sa akin. Napakalapit nito dahilan ng pag tulala ko. Hindi nag tagal ay bumalik na siya sa pagkaka-upo bago iniwas ang paningin.
"Don't say those words in front of others men, Lyth." Pag babanta niya bago ibinalik ang paningin kay Zylyx.
Napakurap naman ako. Ang bilis ng pangyayari. Hindi pa nag s-sink in sa utak ko ang ginawa niya. Napahawak ako sa tapat ng aking puso dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.
"K-kasi?" Naguguluhan na tanong ko.
Pero sino ba naman ako para pansinin niya ang tanong ko? Of course hindi niya pinansin ang tanong ko!
"I-uuwi ko na si Shami."
Natigilan ako. "Hoy anong i-uuwi?! mukha mo i-uuwi! Hindi! akin si Zylyx! akin!" Sigaw ko habang umiiling.
No way! Napamahal na sa akin 'yong pusa. There's no way na sasang-ayon ako na i-uwi niya kahit siya ang rightful owner nito!
"Do you know who is her Mother? Grandmother? Sa iyo ba siya inihabilin ng Nanay niya 'noong namatay siya?" Sunod sunod na tanong niya dahilan ng pag hulog ng panga ko.
Seryoso siya sa tanong niya? Tinignan ko ang reaksyon niya pero naka poker face lang siya. Ano 'ba talaga? Nag loloko lang siya o talagang kukunin niya si Zylyx?! Nag babadya na tumulo ang luha ko.
Wala na nga si Mama, mawawala pa si Zylyx sa akin. Ano 'yan si Zycxy na lang ang matitira sa akin? Mag papakamatay na lang ako?
"No! Zylyx is mine!" Naiiyak na sigaw ko. Iniwas ko ang aking paningin nang i-angat niya ang paningin sa akin.
"Shami."
"Ikaw pala ang walang taste sa pag papangalan! Zylyx!" Naiinis na saad ko.
"Shami 'yon."
"Zylyx nga!"
"Shami nga ang kulet mo."
Sa huling pag kakataon ay sinamaan ko siya ng tingin. Papansin. Nakita ko kung paano siya ngumiti bago kumuha ng panyo sa bulsa at inihagis ito sa akin. Sinalo ko naman ito.
"Oo na, Shami will stay here—"
"Zylyx!"
"Oo tama, Zylyx nga." natatawang na pagsang-ayon niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Wipe your tears, don't cry. She will stay here." Seryoso na utos niya. Iniwas ko naman ang paningin bago pinunasan ang luha na tumulo sa aking pisnge.
"Mag promise ka…"
"Ayaw."
"Look! May balak ka itakbo si Zylyx! Dali na kasi!" Parang bata na turo ko sa 'kanya.
Tumawa muna siya bago umiling.
"Hindi ko nga itatakbo, She'll stay here. But I'm still one of her owner, okay?. Hu'wag mo ipagdadamot saakin!" Turo niya pabalik sa akin dahilan ng pag tango ko, napangiti naman ako.
"Good."
"Anong good?"
"Good dog—girl."
Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya. Don't. Huwag na huwag ka ngingiti ng ganyan sa iba, sinasabi ko papatayin ko ang makakakita ng ngiti mo iyan. He's too handsome to handle. I don't know where to hide this guy.
"Ma'am."
Natigilan ako sa pag iisip ng plano nang marinig ang boses ni Manong. Pareho kami na lumingon sa tapat ng Gate, si Manong.
"Manong alam niyo po ba 'yong paborito ni Lola'ng orphanage sa Pasig?" Agad na tanong ko. Matagal na si Manong na naninilbihan sa Buong angkan ng Martinez.
Nagkataon na na-assign siya sa amin ni Mama. Bawat year kasi iba-iba ang driver namin, cycle 'ba. Alam ko na may paborito si Lola na orphanage, doon lang naman palagi ang sobra sobra'ng tulong ang natatanggap.
Hindi naman sila namimili ng binibigyan pero doon talaga ang pinaka importante na daluhan at bigyan ng Martinez dahil magagalit si Lola. Natigilan ako nang mapag tanto na nandito si Spencer.
Dahan-dahan ako na napalingon sa 'kanya. Nakatingin na siya sa akin. Ilang beses ako na kumurap.
"Don't worry, I didn't hear anything." He assure.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Why do I feel so happy whenever this guy is around? I feel so secure too. Damn. You're driving me insane, Spencer.
Napatingin naman ako napatingin sa wristwatch ko para makita kung late na 'ba kami o pwede pa. Nakahinga ako ng maayos ng makita na makaka-abot pa kami. Mabilis naman iyong sasakyan ni Spencer— No. Avy.
"Hey?" Pag kuha ko ng atensyon ni Spencer, napangiti ako nang mag wagi ako. Iniangat niya ang paningin sa akin.
"Let's go?" Aya ko. Tumango siya bago sumunod sa akin. Pinapasok ko siya ng bahay, wala kasi si Reya sa labas. Ipapapasok ko na sana sila sa kwarto. Halatang inaantok na.
"Oh right!" Saad ko nang may maalala. Humarap ako kay Spencer na nakatingin na sa akin nang may pag tataka.
"Silly me, I didn't ask you if your hungry. Do you want to eat?" Tanong ko sa 'kanya. Umiling siya pero iba ang sagot ng tiyan niya.
Tumawa ako bago siya hinila patungo sa kusina.
"I really don't know if may foods dito, hindi kasi ako kumakain. Puro kape lang at bread…" Saad ko habang hinihila siya.
"It's okay." Pag pipigil niya sa akin dahilan ng pag lingon ko sa 'kanya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "It's okay talaga, you don't need to be shy. Baliw ka talaga."
"Do you like bread…?"
Naaalangan na tanong ko, lumingon ako sa 'kanya. Puro tinapay laman ng stock room, frozen foods too. Pag bubuksan naman ang refrigerator ay puro kape, chocolates, ice creams.
"Yeah, sure." Saad niya pagkatapos tumango.
Nag pout ako bago kinuha ang isang plastic ng Sari Roti. Iba't ibang tatak kasi ang nandito. Ewan ko kay Mama. We both love eating bread. Kumuha na 'rin ako ng eggs, mayonnaise, ketchup, tomatoes, lettuce, ham, hotdogs.
Mama love this recipe of mine! Scrambled egg and after that ipinatong ko ang dalawang slice ng bread then flipped, ayusin ang egg. Ilagay ang mayonnaise at ketchup and lettuce, ham, tomatoes and lastly hotdogs! I just slice it into two and that's it!
"Taste it." Excited na saad ko pagkatapos ilapag ang plate sa harapan ni Spencer. Hindi ko na siya hinila sa dining room, hindi naman na kami mag tatagal.
Nakatitig lang ako sa 'kanya habang ngumunguya. Feeling ko talaga may pantasya na ako kay Spencer. Sorry talaga!
"You're eyes…" Naaalangan na saad niya.
Iniwas ko naman ang paningin. Bakit ba ang dali ko basahin? Nakakasama naman ng loob. Ang hirap mag pantasya sa lalaki na walang interes sa'yo. How to be Avy? Damn.
"Hyrth!"
Hinanap ko ang tumawag sa pangalan ko. Napangiti naman ako nang makita si Logan. Patakbo siya na lumapit sa akin, hindi manlang nawala ang ngiti niya.
"Hi! You're here." Bati ko sa 'kanya.
Sobrang saya ko yata para maging mabait. He said he loved it! He liked it! I feel so happy. Nakangiti ako simula noong umalis kami sa bahay. Hindi ko nga namalayan na nakarating na kami.
"Yeah, Hindi kita nahanap kanina.."
"I just arrived." Sagot ko. Napatango naman siya sa sagot ko.
"Let's go." Aya niya bago hinawakan ang kamay ko, nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Mag sasalita na sana ako pero hindi ko natuloy dahil may humila 'rin sa kaliwa'ng braso ko.
Napalingon ako dito, si Spencer. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin kay Logan. Lumingon 'din si Logan sa 'kanya bago dahan-dahan na ibinaba ang paningin sa pag kakahawak ni Spencer.
"Bitawan mo siya, bro."
"I do not want to, I'm still with her. Get lost." Pag mamatigas ni Spencer dahilan ng pag laki ng aking mata sa gulat.
What?
Napansin ko na nakakakuha na sila ng atensyon dahilan ng pag fake laugh ko.
"T-tigil na." Utos ko sa 'kanila.
Pagkalingon ni Logan sa akin ay agad ako hinila ni Spencer papalapit sa 'kanya. Nagtama ang katawan naming dalawa dahilan ng pag tulala at ilang beses na pag lunok ko.
Hinawakan niya ang chin ko, iniangat niya ang mukha ko para mapatingin sa 'kanya. Inilapit niya ang kanyang mukha. Ilang beses ako napalunok. Hindi ako makagalaw dahil i-niyakap niya ang kanyang braso sa aking bewang.
"Don't forget that I'm one of the owner of Shami, I'm her only Father, Lyth. The only one."
-

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Alona Ledres Bobiles

    napaka ganda ng kwento

    04/08

      0
  • avatar
    Joshua Lee

    ang gaming

    24/06

      0
  • avatar
    Shenna Permites

    migyo nice parinsjjssjjjnsnsvchfjkflary idhv. dahil hi did snjskivikz wkt iGsh masama Ang kaawat ni sylly nskrub bago matapos niya Ang kalaban ni margotietd kahit. ba mahal kita dimo Naman mahal Ako kahi mahak Kiya krjxfjzjjsjssjsnsnkrofov jqw replacement for someone to siya nimo sa it is nga candle 🕯️ acrylic paper and I will be in touch soon as I love it I don't like you 🫢 I can not wait lang daw si shenna oi wa oi oi oi wa biya tungod you want it to be a gyud mi sa cabugason to be done nako

    15/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata