logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 1:

"Inaamin ko po ang nagawa ko, pinatay ko sya gamit ang kutsilyong..nasa harapan ko ngayon.."
The moment I said those words, I received different reactions from different people.
Ang iba ay disappointed sa ginawa ko, ang iba ay hindi makapaniwala at pinag- tatanggol ako, ang iba ay nag-bibitaw ng mga salitang hindi kaaya-aya.
Those reactions doesn't matter anymore.
"Pero bakit nya papatayin si Mr. Alcantara? He was her role model, they were very close, he helped her a lot and she looks truly grateful back then."
It was Jina's voice. Hindi ko alam kung hindi ba talaga sya naniniwala sa ginawa ko o sadyang gusto nya lang magpasikat at ipakita sa mga tao ang judgement nya.
Kahit ba naman dito ganyan sya, Tinitigan ko sya at nag-aalala syang tumingin sa akin, pinapakita nyang nag-aalala sya pero knowing her, she was probably happy seeing me in this state, but her reaction and words about me doesn't matter anymore.
Pangarap kong maging abugado, kung saan ako ang nagpi-prisenta ng ebidensya sa korte, ako ang nakatayo at nag papaliwanag, nag-bibigay ng hustisya, pero ngayon..
Eto ako, nakaupo kung saan nakaupo ang nasadakdal, ako ang pinagtatanggol ng isang abugadong hindi interesadong ipaglaban ako, dito ko lamang napagtanto na ang hustisya sa mundo ay hindi totoo.
How did I get in this situation?
Nag-simula ba to nang mamatay si mama?
Nag-simula ba to noong hirap na hirap akong itaguyod kaming dalawa?
Ganito pala ang panganay, handang mag sakripisyo, it's not like I was complaining or anything but here we go again, isang pag sasakripisyo, ano bang magagawa ko kung kaya ko ibigay ang lahat sa kapatid ko, magandang buhay, mapagtapos sya, makita syang masaya at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.
Gagawin ko ang lahat para lang makita ang mga bagay na yon sa kanya kahit kalayaan ko pa ang kapalit, kahit akuin ko pa ang kasalanang ginawa nya, hinding hindi ko pag sisisihan ang ginawa ko.
I was 20 years old when I was sentenced 15 years in prison for murdering and disposing the body of the famous lawyer Mr. Jacob Alcantara, Aged 50.
This is the part where all my dreams would break.
Lahat ng pag-hihirap ko makatapos ng legal management, pag hihirap makapag-trabaho para makapasok ng law school, lahat ng mga librong binasa ko, mga batas na napag-aralan ko, lahat ng paghihirap ko makamit lang ang pangarap ko ay naglaho bago ko pa man ang maabot ang pangarap na matagal ko nang hinahangad.
My brother wasn't present in this court today, I don't want to make him feel guilty about anything, it wasn't his fault in the first place.
"Live a free life, Ren, si ate na ang bahala sa lahat."
I closed my eyes as I whispered those words.
The moment I closed my eyes, It also feels like the door towards my dream officially closed, a door I know I would never be able to open again.
-
PAG-KALIPAS NG ANIM NA TAON..
"Isang pamilya mula sa San Angolo, patay matapos I-massacre ng hindi kilalang tao, sa mga kumakain po, pasensya na at maseselan ang mga susunod na detalye, ang katawan ng buong pamilya ay putol-putol maliban na lamang sa bunsong anak na halos hindi na makilala sa sa kadahilanang sunog ang katawang ng anim na taong bata, ayon rin sa mga propesyonal ay may posibilidad na sinunog ng buhay ang bata, ang pinag tataka lamang nila ay walang ibang parteng nasunog sa bahay kundi ang bata lamang, wala ring sensyales na pag lipat ng katawan ng bata dito sa kanilang tinitirhan, may marka ring letrang C sa pader gaya na lamang ng mga letrang nakalagay sa ibang biktima noong nakaraang linggo, Totoo nga ba ang sinasabi ng nakararami na ang letrang C ay sumisimbolo sa Cyber at ang mga krimen na ito ay kagagawan ng taga ibang City--"
Bigla akong natauhan nang patayin ang TV sa harap namin.
"Ano ba, maglinis na kayo!" Sigaw sa amin ng isang warden, agad-agad naman naming dinampot ang mga walis tingting at dustpan, inunahan ko an ang aking mga kasama at humanap ng pwesto.
"Wala namang puso gumawa ng bagay na yan, grabe, pati bata.." Sambit ni Ma'am Ina na binabalin ang galit sa pag wawalis, As someone na may anak na kasing edad lamang ng batang nabalita kani-kanina lamang, halatang galit sya sa napanood sa TV.
Kung hindi ako nagkakamali ay kasing edad lamang ng anak nya ang batang iyon at malapit na nga ang kaarawan nito, kaya nga excited nang makalaya si Ma'am Ina upang makasama na ulit ang anak nya, lalaya na sya sa susunod na buwan at natutuwa ako para sa kanya.
"Inaamin kong mamamatay ako, pero hindi ko magagawang pumatay ng bata, lalo na sunugin pa, mabulok sana kaluluwa ng gumawa nyan." dagdag naman ni Ms. Jolina na nag bubunot ng damo, sa lahat ata sa amin ay sya lang ang open mag kwento ng kasalanan nya at dahilan bakit sya nakulong, ayon sa kanya hindi nya pinag-sisisihan na pinatay nya ang pulis na nag-samantala sa kapatid nya.
Naniniwala sya na hindi deserve pang mabuhay ng ganong tao habang ang kanyang kapatid ay nabubuhay sa trauma at takot dahil sa nangyari, hindi rin raw sapat ang ilang taong kulong, matatahimik lamang sya kung makikita nya nang patay ang gumawa non sa kapatid nya at maka recover ang kapatid nito sa nangyari.
Sa ngayon, onti-onti nang nakakarecover ang kanyang kapatid sa tulong ng mga kaibigan at kapatid pa nila.
Ang bawat isa sa kulungan ay may mga kwento, at eto ang kwento ng mga taong nakasama ko.
Ang ilan kong kasamahan rito ay hindi na nagsalita pa, kakaiba nga ang balitang yon, noong nakaraan, mga dalagang putol ang katawan na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang kalahati, nung isag araw naman ay pag massacre din sa ilang pamilya. Ngunit hindi ako makapaniwala na sinunog ng buhay ang bata.
"Ray, sa tingin mo ba Cyber City may gawa nyan?"bulong sakin ng isang Pulis na babae na si Ma'am Tolentino, sa lahat ng pulis na nag-babantay sa amin, sya ang pinakamalapit sa akin, bukod kasi sa hindi na sya malupit, pala-kaibigan pa sya.
"Bat naman nila gagawin yon?"dagdag pa ni Ma'am Tolentino.
Oo nga naman, wala naman silang dahilan.
Tsaka alam ko mapayapa na ang dalawang city sa mundo namin, tapos na ang mga hindi pag-kakaunawaan at mga pag-lalaban, nananahimik na ang mundo nila at ganun din ang samin.
"Feeling ko, gawa-gawa lang yan ng gobyerno.."sa tono palang ng boses ni Dina, halatang hindi na seryoso ang sasabihin nya. "..alam nyo yon, yung sa hollywood, yung legal pag patay, yung sikat, ano ba title non, the plague?" at eto na nga sya.
Unang tumawa si Ma'am Tolentino at sinundan ito ng iba naming kasama, hindi ko alam kung sinasadya bang magkamali ni Dina o sadyang nag-kamali talaga sya.
Nag- tatakang tumingin samin si Dina, wala manlang isang nag paliwanag sa kanya kung bakit kami natatawa.
"Bakit?" tanong nito at tinutulak si Ms.Jolina upang makuha ang atensyon nya.
"Hindi kasi the plague!" sigaw nito sa kaibigan nya.
Nag-karoon ng ilang segundong katahimikan bago tumawa si Dina.
Halos boses nya lang ang maririnig sa buong hardin, pero alam naming wala syang pakeelam don.
"AH, OO..Hindi pala the plague, the page.." Kahit si Ma'am Tolentino na paalis na ay bumalik nang marinig ang sinabi ni Dina.
Si Dina talaga yung tipo ng taong nakakaaliw kahit wala naman syang ginagawa.
Simula nang dumating sya dito sa kulungan at sumama sa amin nang nakaraan na buwan, para kaming nagkaron ng buhay.
Ito, ito ang pamilya ko sa loob ng kulungan. Pasasalamat na rin ba siguro to, na kung hindi ako nakapasok nang kulungan ay hindi ko makikila ang mga taong to.
"Ray, bakit ang tahimik mo?"bulong sakin ni Ma'am Tolentino at dahil don ay napunta na sa akin ang atensyon nila.
"Diba nga, tatlong linggo na syang hindi binibisita ng kapatid nya.." bulong ni Ma'am Ina, bigla namang lumungkot ang paligid, kanina parang ang saya-saya lang nila.
"Ano ba! Ayan bumagsak tuloy yung atmosphere, wala yon Ma'am Ina, busy lang yun sa trabaho, tsaka baka nakahanap na ng girlfriend yon, hindi lang nagkukwento, busy lang yon, sabi ko naman sa kanya hindi nya ko kailangang bisitahin bawat linggo."
Pinipilit kong ipakita na ayos lang sa akin, na hindi ako nag-aalala, wala naman dapat akong ipag-alala, malaki na yung kapatid ko.
Marami na syang ginagawa at inaasikaso, hindi na sya yung high school student na naiwan ko dati.
"Alam mo, pag nakita ko yang kapatid mo, sasampalin ko yon."sambit sa akin ni Ma'am Tolentino.
"Please lang po, pakilakasan.." sambit ko naman sa kanya sabay tawa, pag nakita ko talaga yun, sasampalin ko rin yon.
"Itapon ko na muna to don." bulong ko at binitbit ang dustpan, habang lumalayo ako sa kanila, narinig ko ang boses ni Ms.Jolina.
"Hay nako, sabi ng anak ko marami daw binatang nawawala ngayon, na halos kasing edad lang ng kapatid nya, hindi kaya.."
"Ano ba!Wag mong ipaparinig yan sa kanya, mag-aalala talaga sya!" Batid ko sa boses ni Ma'am Tolentino ang pag aalala sa akin, pero narinig ko na..
Ilang oras na nakalipas ngunit hanggang ngayon tumatakbo parin sa isipan ko ang sinabi ni Ms.Jolina, paano nga kung nawawala na si Ren?
Pano kung may nangyaring masama sa kanya?
Paano kung napano na sya?
Anong gagawin ko?
Paano ko malalaman kung ayos lang sya?
-
"Psst, No 28." Natigilan ako sa pag o-over think nang tinawag ako ng isang pulis na babaeng hindi ko kilala, bago lang ba sya?
Ngayon ko lang sya nakita rito.
Sumenyas sya na lumapit ako, bakit kaya?
Nagdadalawang isip pa ako nang simula, pero paano kung andyan na pala si Ren?
Baka bibisitahin nya na ako, nagmamadali akong tumakbo palapit sa pulis at huminto sa pintuan ng aming selda.
Hinawakan ko pa ang bakal at lumingon-lingon sa likod, andyan na siguro sya.
"Andyan na po ba yung kapatid ko?"
Ang dami kong gustong ikwento sa kanya.
"Kunin mo to." napatingin ako sa pulis at sa kanyang kamay na may hawak na papel.
"Ha?"nag tatakang tanong ko.
"Bilis." mahina lamang ang boses nya pero diniinan nya ito.
Eto na nga, kukunin ko na eh.
Agad-agad kong kinuha ang lukot na papel.
"Ano to?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Bilisan mo, basahin mo."
nag-mamadali ang boses nya kaya dali-dali ko ring binuksan ang lukot na papel, bakit ako kinakabahan?
Ano bang laman nito?
Nanginginig ang aking kamay sa pagbukas dahil sa pressure na nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit.
Siguro kaya ako nakakaramdam ng kaba ay dahil sa pinag-mamadali nya ako, na parang napakahalaga ng nakalagay sa papel na ito.
Ilang letra muna ang nakita ko bago tuluyang mabasa ang nakasulat rito;
"Your brother's missing."
My eyes went wide from what I read.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman o maiisip, anong klaseng sulat to?
"Ano to!?"tanong ko sa pulis na babae.
"Hindi ko alam."diretsong sagot nya, tumalikod na sya ngunit inabot ko ang damit nito hinila palapit sakin hanggang ang mukha namin ay mag-kalapit ng dalawa.
"Bitawan mo ko--"
"ANO TO?KANINO TO GALING?"sigaw ko sa kanya at pinag-tinginan naman kami ng ibang Pulis at mga preso.
Wala na kong pakeelam pa kung malakas ang boses ko, kailangan kong malaman kung kanino to galing at bakit sya mag-papadala ng ganitong klaseng sulat sa akin.
"Wag kang maingay.."bulong nya at pinipilit tanggalin ang kamay ko sa kwelyo nya.
Anong wag akong maingay?Bibigyan nya ko ng ganitong sulat then she'll expect me to shut the hell up?
"Sino nagsulat nito?galing ba to sa kapatid ko?Ano to Joke?Kanino galing tong papel to?"sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"BITAWAN MO KO, HINDI KO ALAM,INABOT LANG SAKIN!"sigaw nya at tinutulak ako palayo, ngunit pahigpit lamang ng pahigpit ang hawak ko sa kanya.
Hindi sya makakaalis dito nang hindi sinasabi kung kanino to galing, o baka naman pakulo lang to ng kung sino, bakit nga naman agad ako maniniwala na nawawala ang kapatid ko?
Baka naman may kakilala lang akong walang magawa kaya nag-send ng ganito? O baka yung kapatid ko talaga mismo?
Tama, bakit nga ba ako maniniwala dito?
Nararamdaman ko ang onting pag-kalma habang iniisip na hindi naman ito totoo, pero ang bilis ng tibok ng puso ko.
It's like I was forcing myself to believe it's a lie when it's actually a fact.
Pano kung totoo talaga to, na nawawala ang kapatid ko?
"Sino nagbigay nito sayo?Alam mo ba kung anong nasa loob nito?kanino to galing!?"
Naiinis na ko at tumataas pa lalo ang boses ko sa kanya, hindi naman sa naniniwala ako pero bakit ako bibigyan ng ganitong klaseng sulat, kailangan kong malaman kung kanino ito galing at bakit ako pinadalhan ng ganito.
"HINDI KO NGA ALAM--" Hindi pa tapos mag- salita ang bagong pulis ay nag-bitaw na ulit ako ng mga panibagong mga salita.
"ANONG HINDI MO ALAM?KANINO NGA? HINDI KITA BIBITAWAN HANGGA'T HINDI MO SINASABI KUNG KANINO TO GALING!" sigaw ko sa kanya at hinila sya ng mabilis palapit sa selda hanggang sa mauntog ang ulo nya dito.
Halata sa mukha nito kung gaano kasakit ang pag-kakauntog nya.
"Kanino nga!?"sigaw ko pa at nakarinig na ako ng ilang mga yapak at sigaw palapit sa amin.
Mga sigaw na tinatawag ang pangalan ko at ang pangalan ng pulis na hindi ko maintindihan kung ano, nakatitig lamang ako sa kanya, pinandidilatan sya na pinipilit sabihin kung kanino galing ang sulat na ito.
May mga ilang pulis ang pinipilit syang hilahin palayo sa akin at ang ilan ay nag-mamadaling buksan ang selda upang makalapit sa akin.
Ngunit, patuloy ko parin syang hinihila at wala akong balak bitawan sya.
Ilang segundo ang halos wala akong makita, nandilim ang paligid ko at nahilo ako nang maramdamang may pwersang humila sa akin mula sa labas ng selda at nauntog ako sa bakal, just like what I did to her, the force was enough to knock my head on the cell, making my body fell onto the floor
Bago pa man bumagsak ang katawan ko sa sahig ay pinilit kong lumapit sa pulis at hinila ang damit nito, pero dahil sa malakas na pag untog sa akin kanina ay parang nanghihina ang aking katawan at natumba na ako ng tuluyan.
"Anong nangyayari dito?" Naririnig kong tanong ng isang Pulis na babae.
"Ayos lang, kasalanan ko, hayaan nyo na yan."
Napalingon ako sa pulis na babaeng yon, anong kasalanan nya?Kasalanan ko to, bakit nya inaako? Ano bang meron sa kanya? May kakaiba akong nararamdaman sa babaeng yon, at ngayon ko lang sya nakita.
Agad-agad akong tumayo nang makita kong nag-lalakad na palayo ang babaeng nag-abot sa akin ng sulat.
"Sandali lang!" sigaw ko at pilit alugin ang selda upang makuha ang atensyon nito.
"Kung gagawa ka pa ulit ng gulo, mapipilitan kaming ilipat ka mag-isa." pag-babanta ng isang pulis bago mag-lakad palayo, nang maka-alis na ang mga pulis ay kinuha ko ang papel, nakalagay nga talaga dito na nawawala ang kapatid ko.
Nawawala ang kapatid ko?
Sino naman nag bigay nito?
Tsaka ba't sya nawawala?
Ba't sya kukunin?
Anong kailangan nila sa kanya?
Ito ba yung dahilan bakit tatlong linggo nya na kong hindi dinadalaw, bakit hindi nya na ko pinpuntuhan?
Paano kung niloloko nya lang to?
Paano kung prank lang to?
Pero, kilala ko yung kapatid ko, hindi sya mag-loloko sa mga bagay na ganito, alam nyang mag-aalala ako ng sobra sa kanya.
Ano ang gagawin ko?
Paano ko malalaman kung totoo ba to?
Baka naman niloloko lang ako ng pulis na yon, sino ba yon? ngayon ko lang sya nakita, bago lang sya dito, hindi nya nga ata ako kilala, bakit nya naman gagawin sakin yon?
Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko naco-confirm yung kalagayan ng kapatid ko.
Dahan-dahan akong tumayo at kinapa ang bulsa ko, tumingin-tingin din ako sa paligid, may nakapansin kaya ng ginawa ko? Wala naman siguro.
Kinabahan ako ng makapa ko ang susi ng mga selda sa bulsa ko na kinuha ko kanina nang inuntog nila ako sa bakal, hindi ko alam bakit ko ginawa yon, alam kong mali pero wala na akong pakeelam pa don.
"RAY!RAY!AYOS KA LANG?NAPA-AWAY KA DAW SA BAGONG PULIS?" Naglakad ako palapit sa selda kung nasaan si Ma'am Tolentino, hinila ko ang uniporme nya at lumapit sa kanya.
"MA'AM, PLEASE NAMAN, PUNTAHAN NYO YUNG KAPATID KO SA BAHAY, PLEASE LANG, NAG-AALALA NA KASI AKO SA KANYA. BAKA NAPANO NA SYA..IBIBIGAY KO SA INYO YUNG ADRESS, PLEASE MA'AM, HINDI KO NA ALAM YUNG GAGAWIN KO DITO.." halos sumigaw na ko sa harap nya, lumuhod pa ko para lang makita nya na seryoso ako.
"RAY, RAY, TUMAYO KA DYAN!" sigaw nya sakit at hinila nya ako patayo.
"MA'AM..KAILANGAN KO LANG PO NG TULONG NYO, NAG-AALALA NA KASI AKO.."
Pinipilit ko nalang hindi umiyak sa harap nya, sya nalang ang pag-asa ko.
"Ray..makinig ka sakin...tumingin ka sakin.." mahinhing bulong nya at lumuhod sa harap ko para mapantayan nya yung height ko at mag kita ang mga mata naming dalawa.
"Wag kang magugulat sa sasabihin ko, kumalma ka muna ha.."bulong nya at pinipindot ang cellphone nya.
Anong ginagawa nya?
"Bakit?"nag tatakang tanong ko sa kanya.
May ipapakita ba sya?
"Please po tulungan mo ko, gusto ko lang malaman kung ayos lang ba ang kapatid ko kasi hindi naman sya ganito eh.." pinipilit ko paring hilahin ang uniporme nya para lamang makuha ang atensyon nya.
"Kumalma ka muna Ray, alam kong masyado tong masakit para sayo pero.." bakit sya huminto? Anong sasabihin nya? Pero Ano?
"Ano?" nag aalalang tanong ko, bakit ako kinakabahan, ano bang sasabihin nya.
Humihingi na rin ako ng tawad kung para akong walang galang ngayon.
Hinarap nya sakin ang cellphone nya.
"Ray, yung kapatid mo, nawawala.."
Napatingin ako sa cellphone nya kung nasaan nakalagay ang litrato ng kapatid ko at nakalagay doon ang missing sa itaas mula sa isang sikat na news station.
Yung sulat na binigay sakin, totoo..
Nawawala nga yung kapatid ko, pero bakit!?
Parang nanlumo ang buong katawan ko..
"Totoo ba yan?baka hindi naman yan totoo..baka nagkamali lang, baka yung kapatid ko nasa bahay--"
"Galing ako sa bahay nyo, walang sumasagot Ray..."
Wala sa bahay si Ren, baka nasa ibang lugar.
"Baka nasa opisina sya?Baka..busy lang?" Umaasa akong sasabihin nyang andon nasa opisina pero hindi, hindi sya sumagot.
"Baka nasa university?baka mali lang yan, bakit naman mawawala yung kapatid ko?nasan sya?sinong kukuha sa kanya?" nag-aalalang tanong ko.
"Ma'am Tolentino,please i-check nyo po ulit.." naiiyak na bulong ko.
Hindi nya ako sinagot at tinalikuran lamang ako.
"MA'AM, MA'AM!!" sigaw ko habang patuloy na inaalog ang selda makuha lamang ang atensyon nya.
Umalis na sya..
Anong gagawin ko? Wala akong magawa ngayon.
Nandito ako, paano ko malalaman kung ayos lang ang kapatid ko, bakit ako kinakabahan ng sobra, totoo bang nawawala sya?
Nakarinig ako ng pag-bukas ng TV kaya't nag-mamadali akong lumingon sa telebisyon.
"Ilang binata ang nilabas ng gobyernong nawawala ilang linggo na ang nakalipas, bakit nga ba tinatago ng gobyerno na may mga binatang nawawala?" Hindi lang pala si Ren ang nawawala..
Si Ren, andun ang litrato nya.
Nawawala nga talaga sya.
Ilang linggo na syang nawawala? Bakit, bakit sya nawawala?
Anong ginawa nya?
Nasan kaya sya ngayon?
Ayos lang ba sya?
Wala akong magagawa kung andito lang ako nag tatanong sa hangin, anong gagawin ko?
"MA'AM TOLENTINO!"sigaw ko ulit umaasang maririnig nya pa ako ngunit wala akong ibang narinig kundi ang sigaw ng isang preso sa likod ko.
"KANINA KA PA, ANG INGAY-INGAY MO, KABAGO BAGO MO LANG SA SELDANG TO GUMAGAWA KA NA AGAD NG AWAY." napalingon ako sa likod ko, ngunit hindi nalang ako sumagot, nag lakad ako palapit sa pwesto ko ngunit naramdaman kong tinulak nya ko palayo, hanggang mabangga ko ang isa pa at tinulak ulit ako, wala akong enerhiya para sa kanila, wala akong oras para dito, kailangan kong malaman kung nasan ang kapatid ko, kanino ba ko pwedeng humingi ng tulong?
Bakit nga pala ako hihingi ng tulong, that's the thing I actually hate the most.
I can help myself..I definitely can
"Ano?Nasan na ang ingay mo ha?" napalingon ako sa kanya.
Hindi ko sya kilala pero hindi kaaya-aya ang ugali nya, hindi rin sa nanlalait ako, pero ganon rin ang itsura nya.
"Bakit hindi ka sumasagot?hindi ko pa napuputol yang dila mo." natatawang sambit nito.
Hindi ko na sana sya papansin nang maramdaman kong hinila nya ang buhok ko patalikod, dito ko na hindi napigilan ang sarili ko at hinila ang buhok nya palapit sa double deck kung saan ako bumitaw, hindi pa nakakalipas ang limang segundo ay nakaramdaman naman ako ng sipa mula sa likod ko, malakas ang pag-sipa nito kaya't diretso akong bumagsak sa sahig, hindi ko alam kung anong nakakatawa pero nag-tawanan sila sa nangyari.
Hindi ko naman gustong mapa-away, gusto ko lang malaman kung nasan ang kapatid ko, makagawa ng paraan paano ko malalaman kung totoo bang nawawala sya.
Walang mangyayari sa akin kung nakahiga lamang ako dito, patayo na sana ako nang maaninag ko ang isang kutsilyo sa ilalim ng double deck, bakit may ganito dito, bawal to ah.
Nakatitig ako sa kutsilyo nang may humila ulit ng buhok ko patalikod, bago ako makatayo ay hinila ko ang kutsilyo ng mabilis.
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko o anong pumasok sa isip ko, hinawakan ko ang kamay ng babaeng preso na kanina pa nag-sisiga dito.
Hinila ko sya palapit sakin, at alam kong sa puntong ito, babagsak ang isa samin, at..ako yon, dapat ako yon.
Damang-dama ko ang talim ng kutsilyo ng isinaksak ko ito sa aking tagiliran, dahan-dahan kong nararamdaman ang dugo na onti-onting umaagos mula sa katawan ko, nanghina ang aking mga paa at nanlalabo ang aking paningin.
Nag-sigawan sila nang bumagsak akong may dugo ngunit lalong napalakas ang mga sigawang ito nang makitang may hawak na kutsilyo ang babae.
Kahit sya ay nagulat at binagsak ang kutsilyo sa sahig habang sumisigaw na hindi sya ang gumawa nito.
Mali ata ang pagkakasaksak ko, masyadong masakit ang epekto, nararamdaman ko ang mga dugo kong patuloy na umaagos, para akong napuputulan ng ugat sa sobrang sakit, lumalabo na rin ang paningin ko at nawawalan na ng pandinig, hindi ako pwedeng mawalan ng malay..
Kahit na wala na sa katawan ko ang kutsilyo, nararamdaman ko parin ito.
Ito lamang ang paraan ko para makalabas sa kulungan...at mahanap ang kapatid ko, kung nasaan man sya..
Pero hindi ko mapigilang hindi pumikit, wala na akong maramdaman kundi ang sakit, hindi dapat ako mawalan ng malay, ito lang ang naiisip kong paraan, hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa akin..
"Ren..." bulong ko at pinipilit buksan ang mga matang pumipikit ng kusa.
Natatakot akong pumikit dahil baka hindi na ako magising o kaya mawala na ang tsansang makatakas ako dito at mahanap sya.
Nanghihina na ang aking katawan na parang kinakain ako ng lupa.
"Ren, h-hanapin ka ni ate..."

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    Christine Joy Espinosa Gadayan

    👍 good

    24/07

      0
  • avatar
    Edison Lipata

    this is good story

    13/04

      0
  • avatar
    Park Sun Bae Ching

    I love the story part 20 na please🥹

    11/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata