logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

2

Kinuha ni Ryla mula sa bag ko ang isang pakete ng sigarilyo na kabibili ko lang kaya naman nakasunod ako sa kanya para bawiin.
"Ryla naman, eh akin na 'yan," pakiusap ko. 
"Ayoko, hindi ka ba marunong makinig? Balita ko sa kabilang department, halos hithitin mo ang isang pakete kanina tapos bumili ka na naman? Papatayin mo ba ang sarili mo?" galit niyang sabi na nagpabuntong hininga sa akin.
Naiinis ako pero kapag si Ryla na ang kausap ko, kadalasan wala akong magawa dahil marami siyang idadahilan para lang manalo sa away naming dalawa.
"Stress ako okay? At isa pa... ano naman ngayong kung ikamatay ko 'yan? Wala na rin lang naman akong magulang." Tinitigan niya ako nang maigi sa sinabi ko at hindi agad nagsalita.
Paniguradong maraming tumatakbo sa utak nito pero namimili muna siya ng dapat bang sabihin.
Tinapon niya sa basurahan ang pakete ng sigarilyo kaya napasuklay ako ng buhok sa ginawa nito. "Gusto mo bang marehab Mara? Baka naaalala mo, isang taon ka sa mental hospital tapos ngayon gusto mo namang marehab dahil sa addiction mo na ito?"
"Walang rehabilitation para sa mga smokers na katulad ko," iwas kong sabi.
"Meron at applicable 'yun sa mga katulad mong hindi makatigil manigarilyo ng isa lang. Gusto mo bang ipasok kita sa rehab na 'yun?" Hindi ako sumagot.
"Sasabihin ko ito sa tita mo, baka mamaya itim na pala yang baga mo. Binabalaan na kita Mara, kapag ikinamatay mo yang paninigarilyo mo hinding hindi ako pupunta sa lamay mo." Seryosong tingin ang binigay nito sa akin bago ako iwan.  Sinundan ko pa siya ng tingin bago mariing napapikit.
What I can do? I can't control myself to smoke. At kahit na kaya ko, babalik at babalik pa rin ako sa paninigarilyo dahil ito ang hinahanap ng katawan ko.
Pagtalikod ko, bumungad sa akin ang mukha ni Fabius na may bahid na gulat sa mata nito.
Don't tell me narinig niya ang sinabi ni Ryla?
Hindi ko na lang siya pinansin at lalampasan ko pa lang siya nang hawakan niya ang kamay ko para patigilin.
Ano ba naman, wala bang bago? Like ibabalibag ko siya para tumigil ganun. Pisti.
"A-anong ibig sabihin ng kaibigan mo?" kunot noo niyang tanong.
Pabagsak kong inagaw ang kamay ko. Mas maiging hindi na lang ako magsalita dahil hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na buhay siya. At kung sakaling iku-kwento niya, wala akong oras para intindihin ang kung ano mang dahilan nito.
He grabbed my hand again which frustrates me more. "Mara, anong ibig niyang sabihin na isang taon kang nasa mental hospital?"
Ngumisi ako. "Ano ba sa tingin mo ang laman ng hospital na 'yun? Hindi ba mga baliw? 'Wag kang tanga Fabius at bitawan mo ako habang may natitira pa akong pasensya sa katawan," banta ko na hindi niya pinakinggan.
Hinila niya paharap ang kamay ko at may pagtatakang pinanood siyang tignan ito. Ganun din ang ginawa niya sa isa pa na nakakainis nga naman talaga.
Ano bang problema niya?!
"Alam kong hindi ka baliw para mapunta doon, kaya sabihin mo, nakaranas ka ba ng depression?" tanong niya na kusang nagpawala nang pagkakakunot ng noo ko.
A serious look has covered my face, as always, he goes straight to the point.
Inayos ko ang sleeve ng polo ko saka ito tinignan. Akala niya ba may makikita siyang marka ng nakaraan sa kamay ko? Nakakatawa rin siya, eh noh?
"Alam mo naman pala, bakit nagtanong ka pa?" sagot ko habang inaayos ang aking damit. "Huwag ka ring tanga dahil hindi lang lagi kamay o pulso ang pinupuntirya ng mga katulad ko. Dito... para patay agad."
Sa pagturo ko sa aking leeg, halo-halong emosiyon ang nakita ko sa kanyang mata. Kita ko ang pangingilid ng luha nito na ayokong makita kaya umiwas ako ng tingin.
Marami na akong nailabas na luha, kailangan ko na sigurong pag-aralan ang hindi agad maiyak dahil alam ko sa sarili kong iyakin ako matagal na.
"Maayos na ako, kaya kung may natitira ka pang awa sa akin umalis ka na dahil ang makita ka ang nagpapabigat ng loob ko. Huwag mong isipin na tanggap ko na ang nangyayari, sa paglitaw mo't lahat-lahat dahil hindi Fabius. Hindi ko pa rin tanggap ang lahat lalong lalo na ang dahilan mong wala akong balak alamin." Tumingala ako saglit sa itaas bago maglakad sa kanyang gilid para umalis.
"D-dahil ba sa akin kaya 'yun nangyari sa'yo?" tanong niya.
A bitter smile formed my lips. Hindi ko ito nilingon kahit ramdam kong nakatingin siya sa akin.
I sighed. "Oo, dahil nung araw na sinabi nila Althea na patay ka na, 'yun din mismo ang araw ng pagkamatay ng pamilya ko," halos pabulong kong sabi na nagpakuyom ng dalawa kong kamay.
Mahirap sa akin alalahanin lahat nun. Mahirap na nakakasakal.
"Iniwan ko sila para puntahan ka sana, para puntahan ka sa Manila pero pagdating ko ni isa kayla Althea walang sumagot ng tawag ko. Walang dumating para sunduin ako at alam mo ba ang mas masakit bukod sa pagkamatay ng magulang ko mapuntahan ka lang?" Huminto ako saglit, napakagat ako sa aking ibabang labi para pigilan ang luhang papalabas na sa mata ko.
Ayokong maalala ang nangyari noon dahil kinimkim ko lahat ng iyon kahit ilang taon na ang nakalipas.
Humarap ako sa kanya na dapat hindi ko na lang ginawa.
The way he looked at me made my heart beat so fast that only him could do. His presence that comforts me every time and his smile that I like least because of his eyes that assure me that everything will be fine.
I missed all of this and even wished back then for him to be alive because I cannot absorb the events that happened in my life because I am so weak.
My wish was granted but why am I not happy with it?
"Never mind, wala ka pa lang karapatan para malaman ang ano mang nangyari sa akin noon. We are strangers, that's why let's act as one," pigil luha kong sabi.
Lakad takbo ang ginawa ko makaalis lang doon. Pabigat na naman ng pabigat ang nararamdaman ko at alam kong kapag nagpatuloy siyang magpakita sa akin baka hindi magtagal ay may maisip akong hindi maganda't pangunahan ko ang aking nasa utak.
▪▪▪
Nakailang bote na ako ng alak pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nalalasing. I have a high tolerance for alcohol kaya kahit gusto kong maglasing kakailanganin ko pa ng mas marami pang bote para lang malasing. Pero syempre kapag ginawa ko 'yun, baka mategok na ako.
"Hindi ka pa uuwi?" sulpot na tanong ni Ravier, nakakatandang kapatid ni Ryla ng mga ilang minuto lang naman dahil kambal sila.
Nilapag ko sa harapan niya ang isang bote ng alak bago lantakan ang pulutang libre niya. Hindi naman ako makakainom ng ganito karami kung hindi niya sagot.  Lasinggero rin kasi itong lalaking ito pero hindi mataas ang tolerance niya sa alak.
Sadyang alam niya kung kailan titigil sa pag-inom kapag ramdam niyang nahihilo na siya. Then if he thinks he is okay, iinom uli 'yan.
"Mamaya pa wala namang naghihintay sa'kin sa bahay. Wag mong sasabihin ito sa kakambal mo bubungangaan na naman ako nun bukas," sabi ko na ikinatawa niya.
"Buti na lang at hindi ka kagandahan kaya walang magkaka-interes sa'yo rito sa bar kahit malasing ka hahahaha!" Lumakas pa ang tawa nito dahil masyado siyang proud sa panlalait na ginagawa niya.
Sanay na ako diyan, totoo naman kasi ang lumalabas sa bibig niya. Hindi ako ubod ng ganda mga nasa average siguro pero hindi kagandahan. Wala naman sa'kin 'yun dahil proud ako sa itsura ko kahit na pangit sa mata ng iba.
I love myself even though people think I'm ugly. Mas pangit sila dahil sa pag-iisip nilang ganyan.
We should appreciate our own beauty because we are all different. Sadyang nung nagpasabog ang kalangitan ng kagandahan, tulog siguro ako o baka sumasalo ako ng katamaran noon.
Kumain lang ako at hindi siya pinansin. Titigil din 'yan lalo na kapag alam niyang wala akong pakialam sa sinasabi niya.
Ang pinagka-iba nilang magkapatid, si Ryla mature 'yun mag-isip kahit parang hindi halata habang ito, isip bata pero matalino. Parehas silang maganda at gwapo dahil sa tatay nilang foreigner na galing Germany kaya may mga nanliligaw sa mga ito. Syempre dahil close ko sila, ako lagi yung pinagtatanungan o dikaya naman, taga-abot ng mga love letters or gifts.
Nakakainis minsan pero wala naman akong magagawa dahil hindi sila titigil hangga't hindi ko naibibigay. Wala nga lang masyadong pakialam ang dalawa dahil iba ang mga tipo nila.
Malay ko lang dito kay Ravier na mukhang hindi tumitingin sa itsura hindi katulad ng kambal niyang itsura ang mahalaga. Nasabi ko ito dahil sa ex niyang hindi kagandahan na todo iniyakan niya pa noon. Malay lang namin kung naka-move on na ba siya.
"Oh, napagod ka rin? Tawa pa, diyan ka masayang baliw ka."
He pouted. "Ang sama ng bunganga mo, alam ko 'wag mo ng sabihin ng malakas baka marinig tayo ng aliens at i-abduct ako papuntang milky way mahirap na," bulong nitong sabi na nilapit pa ang bibig niya sa aking tainga.
Langya ito, kung ano-ano na namang kagaguhan ang sinasabi.
"Ewan ko sa'yo, bahala ka diyan." Inubos ko ang laman ng boteng hawak ko saka kinuha sa mesa ang lighter at yosi na binili ko kanina.
"Hindi ba pinapatigil ka na ni sissy sa paninigarilyo? Ayaw mo talagang makinig?" ngiwing tanong niya na akala naman niya papansinin ko.
Kahit na baliw ito at mapanlait, parehas silang kambal na nag-aalala sa'kin kahit hindi nila ipakita dahil noon, nakita nila kung paano ako maghirap maayos lang ulit ang buhay ko. Sadyang heto ako't na-addict sa yosi.
Binuga ko ang usok palabas sa aking bibig bago siya tignan na mukhang hindi nagugustuhan ang ginagawa ko. "Sinubukan ko, mahirap Ravier."
"Pero nakakasama sa kalusugan mo 'yan, tignan mo ang itsura mo mukha kang kalansay sa sobrang pinayat mo isama mo yang itim mong labi. Saan ka ba kasi natutong manigarilyo?" Sa tono ng boses niya parehas sila ni Ryla, sabagay kambal nga pala sila.
Inalala ko ang kasamahan ko sa hospital na pinasubok sa akin ang sigarilyo noon. Patago niya yung ginawa dahil papagalitan kami kapag nahuli. Sa totoo lang ayoko naman talaga sa sigarilyo. Maamoy ko pa lang agad ko nang tatakpan ang ilong ko at lalayo dahil ayoko talaga. Ngunit magmula nung masubukan ko, hindi naman pala masama dahil naiibsan nito ang ilang stress ko sa katawan.
Ang masama lang, na-addict ako rito at ngayon hindi ko alam kung paano tumigil. Natitigil lang ako kapag marami akong ginagawa o di naman kaya'y napupunta ang atensiyon ko sa ibang bagay.
I hate it but the more I try to stop, it gets worse like a drug I can't live without.
Kaya kapag ilang days or aabot ng isang linggo ang hindi ko paninigarilyo, asahan na makakailang stick rin ako.
I just smiled at him. "Ang dami mo atang sinasabi ngayon, uminom ka na lang diyan."
Kahit na halatang may gusto siyang sabihin, iiling na lang siyang uminom kaya tahimik din akong nagyosi habang pinapanood ang mga tao sa dance floor na sumayaw.
They might look happy, but most of them are like me.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Prince Kenneth Crisostomo

    8ii

    17/08

      0
  • avatar
    LunaJr

    wow

    11/08

      0
  • avatar
    JA Y AR

    good for me

    05/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata