logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Five

Natsumi
Dito ako nakapwesto sa may bandang corner ng canteen. Di ko pa siya tinitingnan, dahil inaayos ko ang pagkain ko tapos bigla siyang nagsalita.
"Excuse me, Miss? Is this seat taken?" sabi nung girl.
Tiningnan ko yung babae, she's beautiful but she looks like a nerd? O di kaya fashion niya lang yun. Ningitian ko siya bago sumagot.
"No one sits there." I answer.
"Can I sit here?" she asked.
"Yeah." sagot ko, tapos umupo na siya katapat ko.
Napatingin ako sa girl na kaharap ko. Maganda siya, mukhang matalino, elegante kung titingnan, mukhang may lahi. Yung salamin niya, hindi sobrang laki, tama lang yung laki niya, mukhang mabait. Iyon ang nakikita ko sa kanya. Tinuon ko nalang yung pansin ko sa pagkain ko.
"Thank you nga pala." sabi nung girl kaya napatingin ako sa kanya.
"For what?" kunot noo kong tanong.
"Sa pag-share sa akin dito sa table. Ayaw ko kasing makipagplastikan sa mga maaarteng babae dyan. At saka wala pa akong kakilala dito." paliwanag niya.
Babaeng ayaw sa mga babaeng plastik? Rude but elegant attitude. Makakasundo ko ata ang babaeng ito.
"Wala yun. Hindi ko naman pagmamay-ari itong table." sabi ko tapos ningitian niya ako.
Kumain na kami ng tahimik.
Nang matapos na akong kumain, agad kong kinuha ang laptop ko not to use a social media but to open my email for business purposes.
A Fine Arts student handling a well known company in the whole world? Different but true. Ito ang buhay ko na kahit anong pilit kong takasan, nakikita ko na lang ang sarili ko na ginagawa ang bagay na dapat iniwan ko na.
"Oh, I forgot to introduce my self to you. I'm Jaymie, Jaymie Lera Salcedo." sabi niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang nagsalita. Ibinaba ko na ang laptop ko at tumingin sa kanya.
"Oh, hi Jaymie. Nice name." sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"And you are?"
"Natsumi, Natsumi Miyuki Ree Harakazumi."
"Nice to meet you." sabi niya sabay abot ng kamay niya.
"Nice to meet you too." sabay abot ng kamay ko sa kanya.
Inayos ko na ang gamit ko para pumasok. Tinatamad lang akong pumasok kanina kasi naiinis ako sa mga pagmumukha ng mga nagbuhos sa akin ng malamig na tubig. Baka masira ko lang ang mga pagmumukha nila. Tumayo na ako, tapos tumayo na rin si Jaymie.
Papasok na din siguro siya sa klase niya.
"Pabalik ka na sa room mo? Sabay na tayo. Baka malapit lang ang room ko sa iyo." sabi niya.
"Sige." sagot ko tapos lumabas na kami ng Canteen.
Sabay kaming naglalakad, medyo madaldal pala itong si Jaymie. Daming kwento. Tungkol sa kanya, sa family niya, sa aso niya at kung ano-ano pa. Oo nalang ng oo. Kahit papaano nawawala ang pagka-bored ko dahil sa mga kwento niya sa akin.
"Teka, ano ba section mo?" bigla niyang tanong.
"I-A Fine Arts." maikli kong sagot.
"Talaga? I-A Fine Arts din ako eh." sabi niya.
O-kay? Hindi naman siguro siya masamang tao? I think this is coincident?
"Sayo pala yung vacant na upuan sa likod tabi ng bintana." sabi niya.
"Bakit? May iba pa bang vacant seats?" bigla kong tanong.
"Yup, dalawa pa except nung sa iyo. Reserved seats daw yun para sa transferees na darating next week sinabi kanina ni Mrs. Hernandez." sabi niya.
Exchange student? Sana naman mali yung iniisip ko.
Nakarating na kami sa room namin. Halos nandun na lahat, pero wala pa yung tatlo. Buti naman.
Baka nagpaplano ulit ng susunod na gagawin sa akin? O baka late na naman. Pumunta na ako sa pwesto ko. Hanggang sa pag-upo ko ay nakatingin pa din sa akin ang mga classmate ko. Ngayon lang ba sila nakakita ng binully pero bumalik pa din sa room? I'm not that kind of weakling.
Tumingin nalang ako sa labas, nakakaramdam na naman ako ang antok pero ayaw kong matulog, baka mabuhusan na naman ako ng malamig na blessing. Maishare ko pa ng wala sa oras yung matatanggap ko. Dumating na yung next Prof. namin.
Late yung tatlo. Mukha ni Jenthrix? Hindi mapinta, hindi ko alam kung galit, inis, gulat o anu man. I don't care on his expression. And I want to finish this subject and finish the whole day para makauwi na ako at makapagpahinga sa nangyari sa buong maghapon.
Sa labas lang ako nakatingin habang hinihintay ang next Prof. Ayaw ko lang tumingin sa loob ng room. Baka mayamot lang ako. Okay lang kahit magka-stiff neck ako basta huwag ko lang makita ang pagmumukha nung tatlong ugok na yun.
Revenge?
I'm not that kind of person. Pero kapag sumobra na siya sa ginagawa niya sa akin, I will make him pay double.
"Good morning class, let's start our lesson."
Napalingon lang ako sa harapan ng magsalita na yung next Prof namin. After ng klase kong ito, Lunchtime na. Sana naman walang blessing na maganap sa akin sa lunch time. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa lesson namin.
"Okay class, review our topic today and we have a quiz tomorrow. That's all. Class dismissed."
Inayos ko agad ang gamit ko para makapunta agad sa canteen at mabilis na lumabas ng room.
"Hi Miyuki, may kasabay ka bang mag-lunch?" tanong ni Jaymie, kasabay ko kasi siyang naglalakad sa corridor.
"Wala." maikli kong sagot.
"Ganun ba? Sabay tayong mag-lunch." masigla niyang sabi sa akin.
Wala na akong nagawa kung hindi sumama sa kanya papunta ng canteen.
I just ordered a Japanese food. Maliban sa pagiging owner ng isang kumpanya, I'm also a model but a heavy food lover. Kahit anong kain ko ng madami still ganun pa din.
"Miyuki, san ka nakatira?" tanong ni Jaymie habang kumakain kami.
"Asakura Empire Condominium." sagot ko. Bigla siyang nasamid.
"Ito tubig oh, okay ka lang?" tanong ko pagkaabot ko ng tubig. Ininom niya naman yung tubig.
"Asakura Empire Condominium? The most expensive condominium?" tanong niya with wide eyes.
"Yeah, dun nga." sabi ko sabay subo ng pagkain.
Kumain na ulit kami ng tahimik. Siguro shocked itong si Jaymie. Ikaw ba naman magkaroon ng unit sa pinakamahal na Condominium? Sa kalagitnaan ng pagkain namin, biglang may naglalaro sa isip ko.
"Are you okay?"
"Huh? Ahh, yeah. Don't mind me."
Tinapos na namin ang lunch namin. Pagkatapos namin mag lunch, nagyaya siya na pumunta daw kami sa field. May thirtyminutes pa naman daw kami bago ang next class namin.
Naghanap kami ng pwesto sa field. Medyo madaming tao kasi lunch break. Mga nagpapahinga at kung ano-ano pa ang ginagawa. Dito kami nakapwesto sa ilalim ng malaking puno. Nakaupo kami sa ilalim ng puno. Si Jaymie, nilabas niya yung laptop niya. May titingnan daw siyang painting. Ako namam, sumandal sa puno at pumikit, tutulog lang ako saglit.
Wala na naman sigurong malamig na blessing ang babagsak sa akin dito?

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Ruel Hayaban

    Story was good love to read more

    12/06

      0
  • avatar
    Shinzou Sasageyo

    thank again

    05/06

      0
  • avatar
    Christian Setenta

    So good

    22/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata