logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7

Angela's POV
Tinanaw ko ang pinto kung saan siya lumabas matapos niyang sabihin sa akin na magpapakasal na kami pagkatapos ng isang linggo. Hindi ako makapaniwala na yun ang maririnig ko mula sa kanya. Dahil iba ang inasahan ko sa nangyari, akala ko babalikan na niya si Lalaine. Pero bakit sasabihin niya sa akin na magpapakasal kami? Ganun ba talaga ka-laki ang galit niya sa akin kaya niya ako pinahihirapan ng ganito? O baka naman hangang ngayon ay naghihiganti parin siya kay Lalaine dahil sa pag-iwan nito sa kanya? Hindi ko alam ang sagot sa tanong ko pero isa lang ang alam ko kung meron mang laman ang puso niya hindi ako yun.
Iniwan niya ako sa kwarto ng mag-isa. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Siguro para umiwas na rin na magtalo pa kaming dalawa. Alam naman kasi niyang ayoko ng manatili pa rito at mas gusto kong bumalik na sa bahay ampunan. Nagdesisyon ako na bukas na bukas rin pupuntahan ko sila Lola para kausapin siya ng masinsinan. Ayokong maging proyekto ni Rafael para saktan ang babaeng mahal niya. Hindi ako makakapayag na gamitin niya ako.
Hindi!
Sa sobrang pagod ay iginupo na rin ako ng antok. Kinabukasan ay nagising na lamang ako ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Nabungaran ko agad ang nakangiting si Rafael.
“Good morning mahal, ipinagdala kita ng almusal pati na rin gamot. Kumusta na ang pakiramdam mo?” Nakangiting tanong niya sa akin. Dahan-dahan akong umupo at lumayo ako sa kanya. Inipod ko ang sarili sa gilid ng kama at kunot noo ko siyang tinignan.
“Hindi ako naniniwala sa masamang espirito. Pero dahil sa narinig ko mula sa’yo ngayon lang naniniwala na ako.” Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Narinig ko pa ang paghagikhik niya na ngayon ko lamang nakita.
“Ganon ba talaga ako kalupit sayo para sabihan mo ako ng ganyan? Simula ngayon mag-umpisa na tayong muli. Kalimutan na natin ang mga masamang nangyari Mahal.” Nakangiting wika niya sa akin. Pakiramdam ko ay nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa sinabi niya. Pati na rin sa paraan ng pag tingin at ngiti niya sa akin. Hindi ako komportable.
“Mahal? Tinawag mo akong mahal? Ano bang nakain mo kagabi at masyado naman atang maganda ang gising mo para kausapin mo ako na parang walang nangyari?” Kunot noo kong tanong sa kanya. Akala niya siguro porke galing ako sa bahay ampunan ay madali niyang mabibilog ang ulo ko. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Iiwas sana ako pero pinigilan niya ako. Kaya sobrang lapit na namin sa isa’t-isa.
“Kung hindi ako umalis dito kagabi sigurado akong may makakain talaga ako. Pero pinigilan ko ang sarili ko kaya sa guest room na lamang ako natulog. At saka masama bang maglambing sa Fiancé ko?”
Hindi ko maintindihan ang tinutukoy niya pero kinikilabutan talaga ako. Bakit ganun? Kakaiba ang ngiti na nakikita ko sa mga mata niya? Hinipan ba siya ng masamang hangin? O talagang magaling lang siyang magpanggap para makuha ang loob ko at magbago ang isip ko. No! Hindi! Angela gumising ka imposibleng wala siyang pakay sayo! May binabalak siya! 
“Kay Lalaine ka maglambing Rafael, wag sa akin.Tigilan mo ang ginagawa mong ito dahil hindi ako komportable. Isipin ko pa lang kung paano kayo naghalikan kagabi at ang paghatid mo sa kanya pauwi ay naninindig na ang balahibo ko, tapos tatawagin mo akong mahal? Magpatingin ka na baka may sakit ka na sa pag-iisip.” Seryosong saad ko binawi ko ang kamay ko at tumayo na ako sa kama pero hindi pa ako nakakalayo nang bigla na naman niya akong hilahin. Kaya napa-upo ako sa kandungan niya. Inikot niya ang kanyang matipunong braso sa beywang ko. Nagulat ako nang maramdaman ang matigas na bagay na na-upuan ko. Narinig ko din ang impit na ungol niya at ang pagsinghot niya sa akin.
“You just wake up the monster in me.” Paos na bulong niya sa pagitan ng leeg ko. Kinilabutan ako at hindi pamilyar na kaba ang naramdaman ko. Na-realize ko kung ano ang matigas na bagay na yun kaya nanlaki ang mga mata ko. Kaagad akong tumayo at mabilis ko siyang sinampal.
“Bastos!” Sigaw ko.
Tumawa lang siya sa akin na parang nakakaloko habang hawak niya parin ang pisngi niya. Namula yun pero hindi man lang niya ininda sigurado akong malakas yun. Pakiramdam ko ay nagkukulay kamatis na ang mukha ko dahil ramdam ko pa din sa pang-upo ko ang katigasan niya. Manipis at mahabang pantulog lang kasi ang suot ko pero may suot parin akong bra at cycling kaya ramdam na ramdam ko ang bagay na yun. Nakita ko na yun at hindi ako makapaniwalang malaki talaga yun. First time kong makakita nang ganun kaya nakakatakot! Iisipin ko pa lang natatakot na ako!
“Bastos? Wala pa akong ginagawa Mahal natatakot kana? Don't worry sa oras na mangyari ulit yun sa atin I'll be gentle promise.” Natatawang wika niya sa akin na lalong ikinainit ng mukha ko. Palagay ko ay hinuhubaran na niya ako ng tingin nakakapaso. Parang tumatagos na suot kong pantulog ang mga tingin niya. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. 
“Bweset ka! Bastos ka! Kung inaakala mong kaladkarin akong babae at mabilis na bibigay sa’yo manigas ka!” Singhal ko sa kanya. Mabait akong tao pero sa mabait lang din sa akin. Hindi ako magpapabilog sa kanya gayong alam ko kung sino talaga ang mahal niya!
"Hindi yun ang iniisip ko mahal. Na prove ko na din na virgin ka pa kaya I will claimed every inch of you." Nakangising niyang wika. Hindi ko na kinaya ang kabastusan ng bibig niya susugurin ko na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa amin ang nakangiting mukha ni Lola. 
“Ang aga niyo naman magharutan. Mamaya na yan maghanda na kayo at darating na ang wedding coordinator na mag-aayos sa kasal niyo next month.” Wika ni Lola na lalong ikinagulat ko.
“Lola….pwede po ba tayong mag-usap?” Nagmamakaawang tanong ko sa kanya.
 Hindi pwede ito! Hindi ako maaring matali sa isang relasyon na gaya nito at sisira sa katinuan ko!
Inunahan akong makalapit ni Rafael sa kanya. Kaya napatigil ako sa paghakbang.
“Grandma, ayoko ng engrandeng wedding masyadong matagal ang preparation noon. At sigurado akong ayaw din yun ng mahal ko. I want to marry her next week as soon as possible.” Nakangiting wika niya na nagpatakas ng kaluluwa sa katawan ko.
Paano ako aatras kong pinagtutulungan na nila akong dalawa?! Kailangan ko na ba talagang tangapina ng kapalaran kong maging asawa niya lang sa papel at kahit kailan hindi ko maangkin ang puso niya?
Nakalabas na ng kwarto si Lola pero nakatayo parin ako sa likod ni Rafael. Mukhang hindi ko na talaga matatakasan ang sitwasyon ko ngayon.
“Mahal, mabuti pang kumain ka muna. Pagkatapos maligo ka narin para pagdating ng coordinator mamaya mapag-usapan natin ang kasal natin next-week.” Nakangiting wika ni Rafael.
Papalabas na siya ng kwarto pero pinigilan ko ang braso niya. Kaya lumingon siya sa akin. Pinagmasdan ko ang abuhin niyang mga mata. Wala naman sa mukha nito na nagbibiro lang ito. Hindi ko na nakikita ang galit niya sa akin. Mula nang dumating ako sa mansyon nila. Bakit? Anong nagpabago sa kanya? Totoo ba talagang gusto niyang maikasal kami? Paano si Lalaine?
“Bakit? May kailangan kaba?” Tanong niya sa akin. Humarap pa siya para makita ang expresyon ko. Yumuko ako sa kanya upang hindi niya makita ang nagbabadyang luha ko sa mata.
“Please, kung wala ka namang pagtingin sa akin. Pwede bang kausapin mo na lang si Lola? Ikaw lang ang may kakayahang pumigil sa kasal natin, dahil kusa akong sumama dito. Alam ko hindi naman ako ang totoong mahal mo bakit hindi na lang si Lalaine ang pakasalan mo? Bakit kailangan mo pa akong gamitin para lang saktan siya?”
Naramdaman ko nalang ang luhang pumatak sa pisngi ko. Wala na akong choice kundi magmakaawa sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinahid niya ang luha na bumabagsak sa mga mata ko.
“Pakakasalan ba kita kung wala akong pagtingin sayo? Trust me mahal.”
Napapikit ang mga mata ko nang lumapit ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Kumabog na naman ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. Kahit segundo lang ang tinagal ng halik na yun ay sapat na sa akin para mabuhay ang kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman.
“Magkita na lang tayo mamaya. Baka hindi pa ako makapagpigil gawin kitang almusal.” Nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago niya ako bitawan. Pagkatapos ay lumabas na rin siya sa kwarto. Hinawakan ko ang labi ko. Bakit ganun? Wala man lang akong naramdamang pagtutol sa aking. Parang gusto ko pa ang ginawa niya sa akin? Hindi kaya mahal ko na rin siya?
Hindi! Hindi!
Hindi mo pwedeng mahalin ang isang taong halos isang linggo mo pa lamang na nakakasama! Kaagad kong sinaway ang aking sarili. Naisip ko naman tuloy si Lalaine. Habang nandito siya sa tabi ko, may ibang babae naman na nasasaktan ng dahil sa akin. At ayoko sa pakiramdam na yun. Ayokong mang-agaw ng lalaking hindi naman para sa akin. Kilala ko ang sarili ko pero bakit ganun? Pagdating sa kanya nawawala na ako sa katinuan at may sariling isip na rin ang aking katawan?
Bago pa ako magkaroon ng ugat sa kinatatayuan ko ay kumain na ako ng almusal na dala niya. Kahit simple lang yun, pero dahil siya ang nagdala at naghanda hindi ko maiwasan ang makaramdam ng especial. Natatakot na ako. Habang tumatagal parang nagkakaroon na ako ng attachment sa kanya. Sa mga kilos niya, sa hindi normal na trato niya at sa pagtawag niya sa akin ng mahal. Parang gusto ko nalang tuloy ihiling na sana totoo ang lahat ng pinapakita niya sa akin. Na talagang bukal sa loob ang pagtangap niya sa akin. Dahil natatakot akong masaktan. Baka hindi ko siya mapatawad. Kaya iningatan ko ang puso ko dahil ayokong masaktan. Kahit nga si Mathew hindi ko binigyan ng pagkakataon. Kundi kaibigan lang dahil ayokong hindi maging maganda ang relasyon namin kung susubukan niyang ligawan ako.
Pagkatapos kong kumain ay tumuloy na ako sa banyo upang maligo. Hinayaan ko munang ibabad ang katawan ko sa amoy rose petal warm bath sa malaking bath tub. Kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang gagawin ko.
Makalipas ang ilang minuto ay nagbihis na rin ako. Simpleng dress na kulay itim lang ang suot ko. Lagpas tuhod ito at may maliit na mangas medyo malalim lang ang likod pero komportable namin ako. Nagsuot ako ng flat slippers na kulay pink may balahibo pa ito kaya super cute na gawing pambahay. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok. At naglagay lang ako ng simpleng pulbos at manipis na lip gloss para hindi naman ako putla at magkaroon ng moist ang labi ko.
 “Ma—“
Bulalas ni Rafael hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang magtama na agad ang mata namin. Kaagad siyang lumapit sa akin at hinapit ang beywang ko. Parang kidlat na ang natandaan ko na lang mabilis na paghalik niya ng magaan sa labi ko.
“Let’s go.” Nakangiting wika niya. Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit niyang hinawakan. Wala pa rin ako sa sarili habang bumaba na kami ng hagdan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Ganito ba ang feeling ng kinikilig? Yung parang naginginig ang himaymay ng katawan mo? Habang hila-hila ka ng napaka gwapong nilalang na ngayon mo lang nakilala at after one week magiging asawa mo na? Hindi ko napansin na nakangiti na pala akong nakatingin sa kanya.
“Are you okay? Wag kang kabahan ako na ang bahala sa magiging kasal natin. Kahit simple lang yun sisiguraduhin kong magiging unforgettable moments nating dalawa yun. Kinilig na naman ako! Hindi maari toh! Ayaw kong umasa! Pilit kong sinasaway ang puso ko pero ayaw naman ng puso kong sumunod. Pagbaba namin ay nakita ko ang isang magandang babae katabi niya si Lola.
“Maupo kayo mga apo, siya si Miss. Andrada. Ang wedding coordinator niyo. Mga malalaking client’s ang wedding na inaayos niya kaya sigurado ako na kahit simple lang ang magiging kasal ninyo at magiging maganda naman yun.” Nakangiting wika ni Lola. Pinisil ni Rafael ang kamay ko na hangang ngayon ay hawak pa rin niya.
“Don’t worry Mr. Valdez and Ms. Valdez ako na po ang bahala sa preperation ng lahat ang kailangan niyo na lamang gawin ay pumunta sa mga appointments na ipapadala ko tru e-mail. Bukas din pwede na kayong pumili ng wedding gowns and suits para sa isusuot niyo sa kasal.” Paliwang niya.
Nilingon ako ni Rafael. “Ano bang gusto mo mahal? Pwede kang mag-suggest ng kahit ano kay Ms. Andrada.” Wika niya na ikinagulat ko. Nakita ko ang genuine na ngiti ni Lola. Sobrang saya siguro niya dahil nakikita niyang magkasundo kaming dalawa. Baka iniisip na niyang may nangyari na sa amin.
“Ikaw na ang bahala Rafael, saka may tiwala naman ako kay Ms. Andrada.” Nakangiting sagot ko habang nakatingin sa coordinator. Wala pa siguro siyang asawa. Mas makinis at mas maganda pa ata siya sa akin eh. Ang haba pa ng legs niya at bagay na bagay ang corporate attire niya sa itsura niya. Pati posture niya ay napaka elegante din. Hindi na ako magtataka na professional siya.
“Okay wala na tayong problema. Ikaw na ang bahala. Ms. Andrada. Bibigay ko na lamang ang business e-mail ko sa inyo.” Wika ni Rafael. Tumayo na rin siya at nagpaalam. Hinatid pa namin siya sa labas. Nagpaalam na rin si Lola na aakyat muna sa kwarto niya. Paglabas ng sasakyan ni Ms. Andrada ay saka ako humarap kay Rafael.
“Bakit gusto mo ng mabilisang kasal? One week agad? Imposible namang atat ka ng makasal sa akin Rafael?” Kunot noo na tanong ko. Ngumiti siya sa akin.
“I told you, trust me.” Wika niya na lalong nagpakunot ng noo ko.
“Senyorita, may bisita po kayo.” Sabi ng guard na lumapit sa amin.
“Sino po?” Tanong ko. Natanaw ko ang paglapit niya sa kinaroroonan namin.
“Mathew?”
 Nagulat ako nang makita ko si Mathew. Hindi ko akalain na pupunta pa talaga siya dito para puntahan ako. Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa kanya. Ayokong magalit siya sa akin ng tuluyan. Pero wala naman akong magagawa dahil nandito na ako. Naramdaman ko ang paghawak ng mahigpit ni Rafael sa kamay ko. Hinapit niya rin ang beywang ko kaya magkadikit lang ang katawan namin. Doon nakatingin si Mathew habang papalapit sa akin.
“Mathew, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko. Naawa ako sa itsura niya. Malalim ang mga eye bag niya at magulo din ang buhok niya. He looked wasted. Nakonsensya ako dahil sa kanya. Tinangka kong bumitaw kay Rafael ngunit mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
“Pwede ba tayong mag-usap?” Mahinahon na tanong niya.
“No, wala na kayong dapat pag-usapan pa. We will get married next week kaya kung ano man ang sasabihin mo. Sabihin mo na ngayon tapos umalis ka na.” Walang emosyon na wika ni Rafael. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nagpatinag.
“Rafael, kakausapin ko lang siya sandali.” Wika ko.
“I said no diba? Mas madali niyang matatangap kung ngayon pa lang alam na niyang wala kayong pag-asa. Ayokong makagulo pa siya sa isip mo.” Paliwanag niya.
“Angela please, mag-usap tayo. Pagkatapos tahimik akong aalis.” Sambit niya naawa ako dahil nagmamakaawa na siyang kausapin ako samantalang ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkakaganito.
“Rafael kahit sandali lang gusto ko lang magpa-alam sa best friend ko. Please, pagkatapos papasok na ako sa loob. Sige na pumayag ka na.”
Kunot noo niya akong tinignan. “Best friend? Hindi yun ang nakikita ko. Pero dahil nakikiusap ka at huling beses na siyang pupunta dito papayag ako dahil sayo. Sampung minuto, kapag hindi ka parin pumapasok sa bahay ay lalabas na ako dito.” Wika niya.
Naramdaman ko ang pagluwag ng braso niya sa beywang ko at ang pagbitaw niya sa kamay ko.
“Salamat Rafael.” Sambit ko bago niya kami talikuran. Nagtungo ako sa hardin at nakasunod lang siya sa akin.
“Angela, alam ko kinokontrol ka lang ng mga tao dito. Bumalik ka na sa ampunan. Bumalik ka na sa akin.” Nangingilid ang luha niya.
“I’m sorry hindi ko din inaasahan ang mga nangyari Mathew. Pero hindi na ako pwedeng umatras. Malaki ang utang na loob ko kay Lola. Isa pa next week na ang kasal namin. Hindi rin nila ako papayagan kahit bumalik ako sa ampunan.” Naiiyak na sabi ko sa kanya. Nasasaktan ako dahil ramdam ko ang pangungulila niya sa akin.
“Mahal mo ba siya?”
Naumid ang dila ko dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pag sinabi kong hindi, tutol naman ang puso ko at baka maging dahilan pa yun para bigyan ko siya ng pag-asa.
“Mathew, hindi na yun importante.”
“Hindi importante? Magpapakasal ka sa lalaking hindi mo mahal?”
“Mathew hindi ganun ang ibig kong sabi—“
“Ako mahal mo ba ako?” Putol niya sa sasabihin ko.
“Oo pe—“
“Sumama ka na sa akin. Babayaran ko ang utang na loob mo sa pamilyang ito basta bumalik lang ulit tayo sa dati. Diba sabi mo sabay tayong tutuparin ang mga pangarap nating dalawa?”
Alam kong mayaman ang pamilya ni Mathew pero hindi ko akalain na gagamitin niya yun para lang pabalikin ako.
“Mathew, I’m sorry.” Hindi ko na napigilan ang luha ko. Labis akong naawa sa kanya pero naiipit na ako sa sitwasyon ko. Hindi basta-basta ang pinasok ko kaya sigurado akong hindi rin ako basta na lamang makakalabas dito. Nagulat na lamang ako nang lumuhod siya sa harapan ko. Kaya kaagad ko siyang hinawakan sa kamay para itayo.
“Mathew, please wag ka namang ganyan. Lalo mo lamang akong pinahihirapan eh.” Humikbi siya sa harapan ko kaya niyakap ko na lang siya dahil alam kong kelangan niya yun. Tumayo kami at inilayo niya ako.
“Mahal na mahal kita.” Paos na wika niya. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong kabigin at halikan. Madiin ang halik na ginawad niya sa akin. Naramdaman ko pa ang pagalaw ng labi niya sa akin. Bago ko pa siya maitulak ay may kamay na na humawak sa akin palayo sa kanya kasabay ang pagbagsak niya sa lupa.
“Hay*p ka! Ang sabi mo kakausapin mo lang ang fiancé ko tapos hahalikan mo pala!” Galit na sigaw ni Rafael.
“Tama na!”
Nakita ko ang pumutok na labi ni Mathew dahil sa suntok niya. Pero bumangon din ito kaagad.
“Kawawa naman si Angela. Dahil sa utang na loob napilitang magpakasal sa gurang na gaya mo!" Sigaw ni Mathew na lalong nagpaigting ng panga ni Rafael. Susuntukin na niya sana uli ito. Pero humarang na ako. Alam kong sa tinding palang ni Rafael ay wala ng laban si Mathew. At hindi ko hahayaang masaktan siya ng lubusan.
"Tama na Mathew, please umuwi ka na." Pagmamakaawang wika ko. Umiling si Mathew at pinahid ang luha niya.
"Diba sabi mo hindi mo siya mahal? Ako ang mahal mo? Bakit kailangan mong ipambayad ang sarili mo? Kaya kong bayaran ang utang mo sa kanila at pagtrabahuhan yun habang buhay pero ang isuko ka sa kanila hindi ko kaya Angela. Please sumama ka na sa akin. Mas magiging masaya ka sa akin." Nanlulumong paliwanag niya. Kung si Rafael ang pipiliin ko magiging masaya din ba ako?
Muli kong nilingon si Rafael at nag-aapoy na ang matang nakatingin sa aming dalawa.
"Kung pinagmamalaki mo yung pipitsugin mong negosyo. Isang pitik ko lang ng daliri ko walang kahirap-hirap kong gagawin yun at kapag hindi ka parin aalis dito. Mapipilitan akong ipadampot ka sa pulis!" Galit na sigaw ni Rafael. Nang makalapit na ang ibang security ay dinampot nila si Mathew. Naawa ako sa kanya panay sigaw niya sa pangalan ko at nagpupumilit na makawala. Habang ako naman ay umiiyak na hila-hila ni Rafael papasok sa loob ng bahay.
Nang makarating na kami sa kwarto ay parang unan nalang niya akong hinagis sa malambot na kama. Umiyak lang ako ng umiyak. Sabunot niya ang kanyang buhok at masamang tinignan ako. 
"Please Rafael, wag mong gagawin yun sa kanya. Maawa ka sa kaibigan ko." Humihikbing pakiusap ko. Lumapit siya sa akin at galit na tinitigan ako.
"Kaibigan?! May kaibigan bang naghahalikan? Kung hindi pa ako dumating baka hindi lang yun ang inabutan ko!" Galit na sigaw niya sa kin.
"Tapos sasabihin mo pa sa kanyang siya ang ang mahal mo at hindi ako? Angela gumising ka! Kusa kang sumama kay Grandma para magpakasal sa akin. Tapos ngayon na pumapayag na ako saka ka pa nagdadalawang isip at gutso mong sumama sa kanya? Are you playing with me! Kung gusto mo ng laro pwes! Pagbibigyan kita!" 
Mabilis ang naging pagkilos niya kaagad niya akong hiniga at pumatong siya sa akin. 
"Rafael wag!" Sigaw ko. Marahas niyang tinaas ang bistida ng damit ko at hinablot ang manipis na underwear ko. Habang patuloy sa marahas na pagpisil ng dibdib ko ang mga labi naman niya ay kumakagat at sumisipsip sa leeg ko at parang vampirang uhaw sa dugo. 
Nagpatuloy ako sa pagpiglas sa ilalim niya pero hindi ko man lang magawang maitulak siya. Naramdaman ko na lang na pinaghiwalay na niya ang dalawa kong hita.
"Rafael! Please wag naman!" Umiiyak na pigil ko sa kanya pero hindi niya ako pinakikingan at nagpatuloy sa marahas niyang galaw. Nanghina na ako hindi ko na kaya pang pigilan siya nanlambot ang katawan kong tumigil sa pagtulak sa kanya.
"Sige, gawin mo ang gusto...Pero pagkatapos mo hayaan mo akong sumama kay Mathew." Nanginginig ang mga labi ko. Dahil sa takot at galit na nararamdaman ko. Saka ko palang naramdaman ang pagtigil niya. 
"Pipigilan ko ang sarili ko hindi dahil sa banta mo. Kundi dahil ayokong mas lumayo ang loob mo sa akin. Matutuloy ang kasal natin sa ayaw at sa gusto mo pag dumating ang araw na yun. Hindi ko na hahayaang pigilan mo ko. At simula ngayon, wag na wag mo ng kakausapin o lalapitan ang lalaking yun. Alam mo ang kaya kong gawin Angela."
 

Komento sa Aklat (241)

  • avatar
    Shekina

    sana meron pa kayong maraming story moon jae maganda kasi plz

    07/08

      0
  • avatar
    Ana Melecia Bugarin

    nice

    02/06

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda ng story🥰🥰

    31/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata