logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Supposedly meet up

Supposedly meet up
Francess' POV
Good thing kasi wala pang teacher kaya hindi pa ako late nito.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Kris.
"Hindi ka na nga kasi pinapansin Kris eh," sabi naman sa kanya ni Wayn.
"Pake mo ba!" sagot lang ni Kris sa kanya.
Actually matagal ng ganyan si Kris sa 'kin. At masasabi kong may gusto nga siya sa 'kin at hindi naman siya mahirap mahalin pero kasi baka hindi ko pa kayang buksan ang puso ko.
I'm sorry Kris kung hindi ko pinapansin feelings mo sa 'kin.
***
Naghihintay na ako ngayon sa café na pinag-usapan namin pero wala pa siya. Suot ko na rin yung graduation gift sa 'kin ni Dani. Ayoko pa sanang ito ang suotin ko pero pinilit niya ako eh.
Patingin-tingin na ako sa relo ko. 10 minutes na siyang late mula sa usapan naming oras. Nasan na kaya siya. Nilaro-laro ko na ang phone ko na nasa lamesa nang magpop ang pangalan niya.
Hance
Sorry cess, hindi ako makakapunta ngayon. Nagkaemergency lang. Promise babawi ako next time
Hindi ko napigilan ang pagsunod-sunod na tulo ng luha ko. Sayang lang pala ang pagprepare ko ngayong araw dahil wala naman palang nangyari. Hindi ko na mapigilan ang paghikbi ko kaya napatakip nalang ako ng mukha ko at dun umiyak.
Hindi ko alam kung bakit ako umiyak ng ganito ngayon. Feeling ko kasi ang bigat-bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni Hance na emergency o pinaglalaruan lang talaga niya ako.
Cess
Hindi okay lang, sandali lang naman akong naghintay dito eh
Hance
Sigurado kang okay ka lang?
Cess
Oo naman
Pagkatapos kong pinindot ang send button ay tumayo na ako mula sa inuupuan ko at kinuha na rin ang bag ko na nakapatong sa katabi kong upuan.
Sa paglalakad ko papuntang bahay ay hindi ko alam kung bakit bigla nanamang bumigat ang dibdib ko at napaiyak nanaman ako. Napaupo na rin ako sa gilid ng kalsada.
"Waaahhhhhh!!!" Pag-iyak ko.
Hindi ko na nga rin inintindi ang mga nakakakita sa 'kin.
"Pre tignan mo yung babae, parang nabasted sa sobrang pag-iyak niya oh," sabi ng dumadaan na nakakakita sa 'kin.
"Ang ganda pa naman eh. Tapos siya ang naghahabol," sabi pa ng isa nilang kasama.
"Oo nga," sabi naman ng isa.
Dahil sa narinig ko ay sandali akong tumigil sa pag-iyak. Oo nga naman, bakit ba ako umiiyak eh hindi naman ako nabasted, hindi lang naman niya ako sinipot.
Tumayo na ako ng diretso at pupunasan na sana ang mga luha ko nang may nauna ng pumunas nito. Tinignan ko kung sino ito at yung nakausap ko pala sa tambayan.
"Bakit ka ba umiiyak? Papangit ka diyan sige ka," sabi niya habang pinupunasan pa rin ang mga luha ko sa aking pisngi at ako naman ay nag-iwas lang ng tingin sa kanya dahil nakakailang kaya.
"A-ako na," inagaw ko ang panyo mula sa kanya at ako na ang nagpunas ng natira pang luha sa pisngi ko.
"Saan bahay niyo, ihahatid na kita."
"Huwag na, okay lang ako," sabi ko naman.
Nang sandali pa nga ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit ganyan suot mo ngayon? May lakad ka ba or kameet up?" tanong niya.
"Wala," sagot ko lang at nagsimula ng maglakad.
Ayoko ngang sabihin sa kanya, bakit ko naman sasabihin eh kakakilala palang namin sa isa't-isa.
Ang hindi ko inaasahan ay ang pagsunod niya sa 'kin.
"Tignan ko bahay niyo," sabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Seriously?" seryoso kong wika sa kanya.
"Oo bakit hindi ba pwede?" tanong naman niya.
"We're just schoolmates okay?" diretso kong sabi sa kanya.
"Ah oo schoolmates lang pala tayo, kala ko kasi ikaw si Ellah," malungkot niyang saad.
"At sino naman yun?" curious na tanong ko.
"Ah wala, sige paalam na. See you sa school nalang," malungkot niyang wika at hindi ko na siya nagawang pigilan dahil mabilis ang paglakad niya palayo sa 'kin.
Tatanungin ko pa sana siya kung sino si Ellah at sino siya sa buhay niya. Pero I think huwag muna ngayon alam ko namang ayaw pa niyang sabihin sa 'kin lahat dahil nga kakakilala palang namin. Gaya ko nalang sa kanya na ayaw pang sabihin ang mga kaganapan sa buhay dahil nga kakakilala ko pa lang sa kanya.
"Hindi niya ako sinipot Dani!!" reklamo ko kay Dani.
"Ano! Hindi ka niya sinipot?" 'di makapaniwalang wika niya.
"Oo, hindi niya ako sinipot," sagot ko.
"Bakit kaya?" tanong niya sa kanyang sarili na parang may meaning.
Lagi ko naman siyang pinagdududahan, well nakakapagduda naman talaga mga kinikilos niya.
"Dani magtapat ka nga sa 'kin. Kilala mo ba siya? O related ba siya sa 'yo?" tanong ko at pansin kong natataranta nanaman siya na parang ewan.
"A-ano bang sinasabi mo ate, of course not hindi ko siya kilala," sagot ni Dani pero mapapansin mo pa rin ang pagkataranta niya at hindi pa nga niya ako matignan-tignan sa mata. "Ah sige ate punta na ako sa kwarto ha?" Tumango nalang ako sa sinabi niya.
Nilabas ko na muli ang phone ko at nag-online. Hindi ko rin alam sa sarili ko pero kulang na ang araw ko ngayon kung hindi ko mabasa ang goodmorning niya bago ako pumasok. Hindi na rin ako makatulog sa gabi kapag hindi ko nababasa ang good night niya.
Hance
Cess, sorry talaga kasi hindi kita sinipot. Hindi ko naman ginustong hindi kita siputin eh sadyang nagkaemergency lang
Napatitig na muli ako sa chat niya. Nakakalito kung papaniwalaan ko ba siya o hindi.
Cess
Hindi, okay lang talaga
Reply ko kahit na hindi naman talaga okay yun. Na umasa ako at masyado akong excited nung araw na yun para makita siya pero nauwi sa wala.
Hance
Sure ka ha?
Cess
Oo nga, bakit ba ang kulit mo?
Hance
Nakukulitan ka na ba sa 'kin princess? Sorry na. Sorry kasi kinukulit kita lagi at inaabala pa. Wala ka na nga kasing interes sa 'kin eh
Napasapo ako sa ulo ko dahil sa nireply ko sa kanya.
Cess
Hindi, namiss understood mo ang sinabi ko. Hindi ganun ang ibig kong sabihin
Hance
Eh ano?
Cess
Alam mo kasi short temper lang ako pero hindi ko sinasadya mga sinasabi ko o tinatype ko.
Hance
Ah ganun ba? So hindi ka galit sa 'kin?
Cess
Hindi ako galit sa 'yo
Hindi ko kaya kapag iiwasan niya ako. Nasanay na akong meron siya. Siya ang pambungad sa umaga ko paggising ko palang at sa gabi bago ako matulog siya pa rin ang kachat ko. Siya lang talaga ang nagtagal na kachat ko.
"Iniisip mo pa rin ba ang nangyari nung sabado ate? Huwag mo ng isipin yun, magkikita rin kayo ate," sabi ni Dani habang naglalakad na kami papasok sa gate.
Lunes na ulit ngayon. Kapag ganito kasing hindi ako nagsasalita ay may malalim akong iniisip. Masasabi kong kilala na talaga ako ni Dani.
Nginitian ko lang siya pero hindi ko sinagot ang sinabi niya. Hanggang sa nakarating na kami sa kanya-kanya naming room.
Pagdating ko sa classroom ang inaasahan kong pambungad nanaman ni Kris ay wala kaya napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa 'kin ng diretso at may hawak-hawak na bulaklak. Ibinaba ko na ang bag ko para makaupo na ako.
Hindi ko siya inabalang tignan, baka may nililigawan ng iba kaya lulubayan na niya ako. Nang nagkamali ako dahil sa sunod niyang sinabi.
"Francess, desidido na ako sa nararamdaman ko sa 'yo," mula sa librong hawak ko ay napalipat ang tingin ko sa kanya.
"Anong sinasabi mo?" naguguluhan kong saad.
"Francess gusto kita matagal na at liligawan na kita simula ngayon," sabi pa niya.
"Nababaliw ka na ba?" sabi ko naman sa kanya.
"Oo nababaliw na nga yata ako, nababaliw sa 'yo," sabi niya dahilan para maghiyawan ang mga kaklase namin. "Oh flowers for you," pag-abot niya ng bulaklak sa 'kin.
At dahil hindi naman ako bastos ay kinuha ko na lang ang bulaklak na inaabot ni Kris. Inaamin kong mabait nga si Kris kaya lang kasi kaibigan lang ang turing ko sa kanya.
"Salamat," tanging nasabi ko nalang at pinagpatuloy na ang pagbabasa.
"Sabay tayong maglunch," pupunta na sana ako sa dati kong tambayan nang tinawag pa niya ang atensyon ko.
"Next time nalang Kris-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hinila na niya ang kamay ko.
"Halika na," sabi pa niya.
Nang palagpas na kami sa tambayan ko ay nakita ko ang lalaki doon. Mag-isang nakaupo habang nakatingin sa 'min na padaan na sa kanya. Mapapansin mo ang lungkot sa kanyang mata, pero bakit nga ba siya malungkot?
"Anong tinitignan mo diyan Cess?" tanong niya nang papunta palang kami sa canteen.
"Ah wala," sagot ko nalang.
Hanggang sa nakarating na nga kami at naghanap na kami ng mauupuan.
"Anong order mo?" tanong niya.
"Ah hindi ako mag-oorder, wala akong pera," sagot ko naman sa kanya.
"Sige na mag-order ka na, treat ko," sabi niya.
"Kris nakakahiya naman," sabi ko pero pumunta nalang siya sa counter.
"Oh," pag-abot niya sa mga inorder niya sa 'kin. "Parehas na lang inorder ko para sa 'tin," sabi pa niya.
"Hindi ka na sana nag-order pa para sa 'kin Kris," sabi ko sa kanya.
"At ano hahayaan kitang magutom, ganun? Hindi ko hahayaan yun Francess, 'di ba nga nililigawan na kita so kaya ko 'to ginagawa," mahaba niyang salaysay.
"Hindi ko naman sinabing ligawan mo 'ko eh," sagot ko pa at nagsimula na ngang kumain sa inorder niya.
"Eh sa gusto nga kita Cess, kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon para ipakita sa 'yo kung gaano kita kagusto," natahimik ako dahil sa sinabi niya. "Gagawin kitang prinsesa araw-araw," sabi pa niya na nagpapaalala sa 'kin kay Hance.
Bakit ko ba siya naaalala? Si Kris ang kaharap ko, at hindi si Hance.

Komento sa Aklat (119)

  • avatar
    mahneym_98

    Interesting and exciting novel! Many people will surely love and relate to this novel. It's definitely a highly recommended and a must read novel!😍💙

    05/07/2022

      0
  • avatar
    NAHPHINTAS

    Parang nabalik ako sa high school days ko dito. Love it.❤️

    04/07/2022

      0
  • avatar
    Igcasmyra

    i love it

    28/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata