logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Mr. hoodie

Mr. Hoodie
Francess' POV
Tinignan ko na agad ang chat ni Hance habang papasok na kami sa gate.
Hance
Goodmorning princess, sana maganda gising mo dahil ako ang unang bubungad sa 'yo. Galingan mo sa school ha? Nandito ako lagi para sa 'yo
Cess
Salamat sa lahat-lahat kuya
Yun na lang ang tanging nareply ko dahil out of words na ako sa sobrang caring niya. Boyfriend material talaga si kuya Hance pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko siya matanong kung ano ang mga inaakto niya patungo sa 'kin.
Hance
Kain ka sa tamang oras ha? Huwag kang magpapalipas ng gutom. Labyouu
Hindi ko na siya nareplyan pa dahil padaan na kami sa room ni Dani.
"Oh salamat ulit Dani ha?" sabi ko at inabot na ang cellphone niya.
"Wala yun ate, at least magkakaboyfriend ka na yieh," sinindot-sindot niya ang tagiliran ko.
"Ano ba Dani. Wala pa ngang kami eh," sagot ko sa kanya.
"Ano ba 'yan ate. Ang bagal naman ni kuya-" nadulas yata ang dila niya kaya napatakip na lang siya rito.
"Kilala mo siya?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Ah hindi ate 'no. Ano ba ulit pangalan niya?" tanong niya pero alam ko namang hindi niya sinasabi ang totoo.
Hindi ko alam kung aling part dun ang pinagsinungalingan niya pero nababasa ko na ang mga ekspresyon at asal ng pinsan ko kaya alam ko kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.
"Ah sige nandito na room ko ate," sabi niya at dali-dali ng pumasok sa loob.
Takot sigurong matanong ulit.
Naglakad na ulit ako hanggang sa makarating ako sa room namin.
"Uy cess ganda mo ngayon ah," sabi ni Kris, siya yung laging nang-aasar sa 'kin.
"Lagi naman siyang maganda," sabi naman ng isa naming classmate na si Weyn.
Kung hindi niyo kasi naitatanong ay ako ang class muse namin. Hindi naman sa pagmamayabang. Hindi ko nalang sila pinansin at nagtungo na sa upuan ko. Ilang minuto na nga ay dumating na ang teacher namin kaya nagsiayos na kami ng mga upuan namin.
Nakaupo ako ngayon sa open field nitong school dahil lunch time naman. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinasabi sa 'kin ni Hance. Actually nagbago siya simula nung nakilala ko siya. Hindi naman siya ganyan nung kakakilala ko palang sa kanya.
Ilang minuto lang ako dito habang nagmumuni-muni ang mga mata sa paligid. At nakita ko ang mga kapwa ko estudyante na naglalakad-lakad palagpas sa 'kin. May mga mag-isa, may mga group of friends tapos may mga magjowa. At mag-isa ako ngayon dito habang walang makausap.
Hindi naman 'to parang sa mga nababasa sa mga libro na mag-isa ka lang sa isang gilid ay may tatabi na agad sa 'yong lalaki? Actually hindi nga ako naniniwala na mangyayari sa 'kin lahat ng yun eh. Hello nasa totoong buhay kaya tayo, walang prince charming na darating.
Kaya yung kachat ko nga ngayon, inaasahan ko na ring aalis siya, na iiwan din niya ako someday. Hay, kung meron lang sana akong cellphone marereplyan ko siya agad at matatanong ko ngayon kung ano ba ang ibig sabihin ng mga chinachat niya sa 'kin. Kasi nalilito na ako. Litong-lito na talaga.
Ilang minuto pa ay nagdisisyon na rin akong tumayo sa inuupuan ko at napatigil ako nang naramdaman kong parang may nagmamasid sa 'kin sa isang direksyon kaya tinignan ko naman ang direksyong iyon at may nakita akong lalaki na nakatayo roon at mataman akong tinitigan. Pinagmasdan ko naman siya pero umalis din siya agad. Nakahood ito kahit ang init-init ng panahon.
Hindi ko masyadong naaninag ang mukha niya dahil medyo malayo siya sa 'kin. Nang hindi ko na nga siya matanaw ay nagtungo na ako sa room ko.
"Ilan nakuha mo Francess?" tanong ni Kris sa 'kin. "Wow, perfect mo nanaman? Bilib na ako sa 'yo idol," sabi pa niya pero tinignan ko lang siya.
Kita kong pabuklat-buklat na siya ng kanyang libro.
"Ngayon ka pa mag-aaral, tapos na ang quiz," sabi ko at sinara na ang libro na hawak niya.
"Eh hindi naman kasi ako gaya mo, pwede mo ba akong turuan?" tanong niya pero inignore ko lang muli. "Sige na Cess please!" pagmamakaawa niya.
"Wala akong time Kris okay?" nakukulitang sabi ko sa kanya.
"Hindi yun okay hmp, bad ka hindi mo ako tinuturuan," sabi niya at naghalukipkip na ng kanyang kamay.
Natawa ako konti sa inasal niya.
"Pfft para kang bata," sabi ko naman.
"Oh hayan ngumiti ka rin, alam mo bang mas maganda ka pag ngumingiti ka?" Napatingin ako sa kanya ng seryoso dahil sa sinabi niya. "Bakit ba kasi ang seryo-seryoso mo? Ngiti-ngiti din pag may time miss beautiful," sabi pa niya.
"Wala akong time makipaglokohan sa 'yo Kris," sabi ko.
"Hindi naman ako nakikipaglokohan sa 'yo ah. Talaga namang maganda ka. Kaya nga nabihag mo puso ko eh," sabi niya sabay kindat sa 'kin.
And again pinagtabuyan ko ulit siya. Hindi ko pinaniniwalaan mga banat niya. Ewan ko ba kung bakit.
"Saka bakit ba wala nalang kayong oras lahat sa 'kin ha? Saan ba ako nagkulang?" Tinabig ko lang ang ulo niya dahil sa sinabi niya pero hindi naman yung malakas. Yung sakto lang para matauhan siya sa mga pinagsasabi niya.
"Sira," sabi ko sa kanya.
"Sige na kasi turuan mo na ako Cess," sabi niya kaya napilitan akong kunin ang libro sa math.
Pero meron talaga sa sense ko ang hindi mo maiiwasan. Sense na parang may tumitingin sa 'yo mula sa malayo. Tinignan ko ang bandang bintana kung saan makikita mo ang mga puno at nakita ko nanaman ang kaninang nakatitig sa 'kin. Ano bang problema niya? Ang creepy lang.
Mas mabilis na siyang umalis ngayon compared kanina.
"Ano na Cess?" Natauhan ako dahil sa sinabi ni Kris.
"Ahh ganito 'yan," winalang bahala ko na lang yun at nagpatuloy sa pagtuturo kay Kris hanggang sa dumating na ang uwian namin.
"Goodbye miss beautiful," paalam ni Kris sa 'kin bago siya lumabas ng room pero hindi ko siya pinansin gaya ng dati.
Ako naman ay nagliligpit palang ng gamit ko sa desk ng upuan ko hanggang sa lumabas na ako ng room. Ngayong araw ay marami akong librong hawak kaya hindi matino ang paglakad ko, pagewang-gewang na parang lasing kahit hindi ko pa naman natry maglasing.
Naglalakad-lakad nalang ako hanggang sa may nabungguan akong lalaki. Napatingin agad ako sa mukha niya at pansin ko ang lalaking ito.
"T-teka ikaw yung kanina pa nakatingin sa 'kin 'no?" tanong ko rito pero nag-iiwas lang siya ng tingin sa 'kin.
"Ah baka nagkamali lang po kayo, hindi ako yun," sabi niya at natatarantang umalis.
"Teka-" hahabulin ko na sana siya nang parating na si Dani.
"Oh ate bakit ang dami mong dalang libro?" tanong niya sa 'kin pero nasa lalaki lang ang atensyon ko. "Sinong tinitignan mo ate?" tanong niya at lumingon din sa direksyon ng tinitignan ko pero lumiko na ang lalaki sa gilid kaya hindi na nakita ni Dani.
"Ahh," hindi na ako nakasagot pa kay Dani.
"Alam mo ate baka naghahallucinate ka lang, halika na," sabi ni Dani at tinulungan na ako sa librong bitbit ko.
"Alam mo ate, napapansin kong nagbabago ka na," panimulang sabi ni Dani kaya napatingin naman ako sa kanya.
"Ano namang pinagbago ko?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Naging palangiti ka na tapos hindi ka na masyadong seryoso," sagot ni Dani sa 'kin.
"Talaga ba?" hindi makapaniwalang tugon ko.
"Oo kaya keep it up ate ha?" Anong ibig niyang sabihin dun? "Ichat mo lang siya ng ichat ate ha?" Ngumisi siya ng kakaiba.
"Bakit parang kilala mo siya?" tanong ko nang naglalakad palang kami palabas ng gate ng school.
"H-hindi 'no. Bakit mo naman natanong 'yan 'te?" tanong niya na halata kong natataranta talaga.
Isinawalang bahala ko na rin ang iniisip ko about kay Dani. Baka hindi rin naman totoo.
Hanggang sa nakauwi na kami ng bahay.
"Ate oh," inabot na niya lahat ng mga libro na pinahawak ko sa kanya.
"Salamat," sabi ko naman at inayos na ang mga gamit ko sa study table ko.
"Ate oh, may chat ulit siya," sabi niya at inabot ang cellphone niya.
Tinignan ko na ulit ang message niya.
Hance
Cess, gawa mo na?
Hance
Alam kong wala kang sariling cellphone pero hindi ko alam kung bakit namimiss kita ng ganito
Hance
Kahit matagal kang magreply ayos lang basta huwag kang umalis sa tabi ko please
Cess
Ano bang mga sinasabi mo kuya? 'Di na kita maintindihan
At dahil online siya ay nakapagreply din naman siya agad.
Hance
Huwag mo munang isipin yun prinsesa ko. Malalaman mo rin 'to sa tamang panahon
Nalungkot ako sa sinabi niya. Bakit hindi pa ngayon? Bakit kailangang sa tamang panahon pa? Pero sa tingin ko talaga may kinalaman si Dani dito.
Cess
Ganun ba kuya?
Hance
Ah oo. Gawa mo na princess?
Cess
Kuya hindi nga princess ang pangalan ko sabi eh
Reklamo ko sa kanya. Eh pano ba naman princess or prinsesa ko ang tawag niya sa 'kin. Hays 'di ko talaga siya maintindihan.
Hance
Kahit ngayon lang please hayaan mo akong tawagin kang ganyan
Cess
Ano ba talagang meron sa 'yo kuya? May sakit ka ba?
Hance
Ah wala 'to. By the way, free ka ba sa sabado or linggo?
Cess
Wala naman akong gagawin sa araw na 'yan kuya, bakit ba?
Hance
Meet tayo
Sa mahigit na isang linggo naming magkakilala. Sobrang naging malapit na talaga kami sa isa't-isa. Hindi ko alam pero ang gaan na ng loob ko sa kanya. At napatingin ako sa pinto nang mabuksan ito at iniluwa si Dani na nakangiti.

Komento sa Aklat (119)

  • avatar
    mahneym_98

    Interesting and exciting novel! Many people will surely love and relate to this novel. It's definitely a highly recommended and a must read novel!😍💙

    05/07/2022

      0
  • avatar
    NAHPHINTAS

    Parang nabalik ako sa high school days ko dito. Love it.❤️

    04/07/2022

      0
  • avatar
    Igcasmyra

    i love it

    28/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata