logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 05

Zanaira Kayne’s P.O.V
Isang malakas na kalabog ang nagpagising sa akin. Wala akong nagawa kun’di bumangon kaya humihikab akong lumabas ng kwarto. Ang ingay nila, natutulog pa iyong tao, e!
“Ma, ano po iyong ingay na narinig ko?” tanong ko habang naagtatagal ng muta sa mata.
“’Te, may bisita ka,” imbes na si Mama ang sumagot ay ang kapatid ko na babae na nasa harapan ko ngayon.
Nakangisi ito kaya nangunot agad ang noo ko.
May ginawang kalokohan ’to!
“Sino?” nagtatakhang tanong ko.
Unang-una wala akong inaasahan bisita ngayon. Pangalawa, antok na antok pa ako dahil late akong nakatulog kagabi.
Masyado akong napuyat kakaisip sa pag-amin sa akin ni Dylan kahapon.
“Good morning,” bati ng kung sino kaya agad akong napalingon sa ’king likuran.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala na nasa harapan ko si Dylan!
Jusko po wala pa po akong hilamos at toothbrush!
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.
“Visiting you?” patanong niyang sagot kaya napairap na lang ako.
“Visiting me for what?”
“’Te, mamaya na ang landi, baka gusto mo munang maghilamos at magtoothbrush?” pagsisingit ng kapatid ko. “May tulong laway ka pa, o.” walang prenong dugtong nito kaya napahiya naman akong tumingin kay Dylan na ang laki ng ngiti ngayon.
“Maganda ka pa rin naman sa paningin ko, Zai,” panlalandi nito pero hindi ko na ito pinansin dahil sa hiya.
“Tse!” singhal ko.
Lord, nakakahiya!
Agad akong tumakbo sa banyo at naghilamos at nagtoothbrush.
Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Medyo namumula pa ang dalawa kong pisngi!
“Anong ginagawa niya rito?” pagkakausap ko sa sarili ko sa harap ng salamin.
Hanggang sa pagdating namin sa bahay ay walang ng nagsalita sa amin.
Bumaba na ako, gano’n din siya.
“Dito na lang ako, see you tomorrow!” sabi niya at kumaway na sa akin bago sumakay ulit sa tricycle.
Namumula ang pisngi kong pumasok sa bahay. Ang daming nangyari ngayon at hirap na hirap magprosesa sa ’king utak.
Napasapo ko na lang ang aking noo ng maalala ang huling sinabi niya kahapon. Hindi ko naman alam na totoo ang sinabi niya. Isa pa ’yong sinabi niyang liligawan ako ay hindi rin ako naniniwala dahil unang-una ang bata-bata ko pa!
“Ate, ba’t ang tagal mo r’yan? Tumatae ka ba?” sigaw ng kapatid ko kasabay ng malakas na katok.
Walang’ya, wala talagang preno ang bibig nitong si Raine!
“Teka lang, e,” sigaw kong pabalik at dali-daling inayos ang sarili. Sinigurado kong maayos ang buhok ko at walang natirang mga tulo ng laway.
Lumabas na ako at dumeretso sa kusina para uminom. Wala kaming ref (naibenta na dahil sa dami ng utang ni Mama) kaya hindi malamig ang tubig.
“What do you want to eat?”
Napatingin ako kay Dylan na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
“Pagkain,” sarkastikong sagot ko.
Rinig ko ang mahinang pagtawa nito na nagpatahimik sa akin.
Shet, the way he laughed is so cute!  Pwede naman sigurong magkacrush sa kaniya ’di ba? Crush lang naman. Joke lang.
“You’re funny!”
Hindi ko ito pinansin at nilagok ang tubig pagkatapos ay hinugasan ko ito at nagtungo sa lamesa para maghanap ng makakain.
“What do you want to eat? I’ll buy. Naubos na kasi ni Raine ’yong pagkain,” aniya kaya napatingin ako sa kaniya.
“You don’t need too.  Hindi mo naman ako responsibilidad,” nahihiya kong saad.
“No, no. I insist. . . Libre ko kahit ngayon lang. . .” pagpipilit niya kaya hindi na ako nakaangal pa.
“Kahit ano na lang,”
He said okay and excused his self. Bibili lang daw muna ito ng makakain namin. Oo namin, gutom na rin daw s’ya.
I decide to take a bath first dahil nakakahiya naman kay Dylan na ang bango-bango tapos ako amoy tulong laway.
“Ate, alis po muna ako!” rinig kong paalam ng kapatid ko.
“Sa’n punta mo?”
Naglalagay ako ng pulbo sa ’king mukha ng dumating si Dylan.
“Tulong lang ako kay Mama. . .” aniya at hindi na hinintay ang sagot ko.
Pupunta na naman siguro ’yon sa kanila Aling Lussy para tumulong kay Mama maglaba at para na ring makita ’yong crush niya r’on na anak ni Aling Lussy.
“Ba’t tagal mo? Sa’n lupalop ka ng mundo bumili ng pagkain?” tanong ko ng hindi tumitingin sa kan’ya.
I put some liptint on my lips and make sure I look fresh before turning around to him.
“Ay, wow! Jollibee!” gulat kong sambit habang nakangiti.
“Sorry natagalan ako alam kong gutom ka na,” aniya at pinunasan ang konting pawis sa noo niya.
He still looks so good even there a lots of sweats in his body, also he still smell so good! Hotty niya!
Muntik ko ng mabatukan ang sarili ko dahil sa kung ano-ano ang naiisip ko.
“Okay lang. . .” sagot ko at lumapit sa kaniya.
“Let’s eat?” I nodded and sit beside him.
Tinulungan niya akong buksan ang mga pinamili niyang pagkain.
Ang ganda pala maging kaibigan ang isang Dylan ililibre ka ng breakfast Jollibee pa. Pwede namang sinangag lang at itlog or tuyo okay na.
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik at minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin pero wala itong pake at may gana pang ngumiti.
“Ba't ka titig nang titig?” I asked and put down my spoon.
Ang awkward kaya!
“Ha?” parang tanga aniya kaya napairap ako. “Ang ganda mo kasi, dalagang-dalaga ka na.” he said and laugh loudly.
“Chika ka!” I said and rolled my eyes again.
“Chika? Ano ’yon?”
“Chika. Bolero, eme eme, gano’n. . .”
“Ha? Hakdog. Hindi naman kasi kita binobola,”
“Maganda ka naman talaga, Zanaira, e,”
Shit! Alam ko namang maganda ako, tsarot! Pero, I know I’m pretty but the way he compliment me? Men, he gives me butterfly in my stomach!
Normal lang ba ’yon maramdaman ng isang fourteen year old?
Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain. Ang dami-rami niyang alam!
After we ate we decide to watch tv, It’s showtime kasi ang palabas. Tanghali na rin. Isa pa malinis naman ang bahay, tapos na rin ang mga labahin, wala akong gagawin kaya manonood na lang ako, well kasama nga lang si Dylan. Sila Mama naman ay mamayang hapon pa ang mga uwi n’on. I’m sure maraming labahin kila Aling Lussy kasi ilang weeks din hindi sila nagpalaba kay Mama.
“You want fries?” tanong niya habang ngumunguya.
Umiling ako, “No, thank you, busog pa ako.”
He said okay and continue eating.
“Ate!” nagulat naman ako dahil sa sigaw ni Raine at bigla na lang sumulpot sa harapan namin.
“Jusko po, ba’t ka nanggugulat?”
“Sorry naman. . .” aniya at nagpeace sign pa ito.
“O, bakit? Ano ba ’yon, kung makasigaw ka kasi wagas, e,”
“Wala lang naman, maaga kami ni Mama nakauwi kasi hindi naman pala gano’n karami ang mga labahan kasi nagpalaundry sila last week,” aniya at umupo sa tabi ko.
“Okay,”
Tinuloy ko na lang ang panonood at hindi pinansin ang kapatid ko na kinakausap si Dylan. Napakadaldal talaga.
“By the way, I need to go. . .” singit ni Dylan habang hawak ang phone nito.
Tumayo ako agad. “Sige, hatid na kita sa labas,” suhestiyon ko. Hindi na ito umangal at pinauna na akong lumabas.
“So, see you again tomorrow?” tumango lang ako at ngumiti ng tipid.
“Kailangan ko na talagang umuwi, hinahanap na ako ni Mama. Bawi na lang ako next time,” parang batang sabi nito.
I laugh. “Para kang baliw okay lang,”
“Pero—”
“It’s really okay, mas mabuting umuwi ka na nga. Anyway, thanks sa libre,” nakangiting kong sambit.
Hindi ko na hinintay ang sagot nito dahil may humintong tricycle sa harapan namin kaya agad ko itong pinapasok.
“Bye!” sigaw ko at dali-daling tumakbo papasok sa bahay.
I let a big sigh and held my chest. Normal pa ba ’tong puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito?

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Cristal Anne Osorio Villarma

    I love it 😍💓💓😍💓😍💓💓💓😍😍😍😍💓😍

    17/07

      0
  • avatar
    Ka Zu Mi

    oum I like it

    02/12

      1
  • avatar
    Rena Lyn

    Amazing and so much fun

    05/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata