logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 3

Tuwing Linggo ay ganoon lagi ang eksena, bago ako sumara ay siya ang huli kong kustomer. Hindi iyon alam ni Jayla dahil mas nauuna siya sa aking umalis, laging maraming ginagawa ang aking kaibigan sa nakaraang linggo at ako naman itong bagot na bagot na.
Sumapit ulit ang linggo, nakaupo ako malapit sa counter, hinihintay ang pagdating niya. Ngunit mag-iisang oras na ay wala pa rin siya, kailangan ko na talaga magsara, hindi ko na sana dapat hinintay kung hindi naman pala siya darating. Bakit ko nga ba hinihintay?
Lumabas na ako sa café ngunit ng isasara ko na sana ay may humawak sa balikat. Napatingin ako sa aking likuran, inaakalang si Nolas iyon ngunit babae ito.
Kita ko kung gaano ito kaganda, chinita. Magkasing tangkad lamang kami at sa aking palagay ay kaidaran ko.
"Hmm... Are you Azalea?" Tanong nito.
"Yes, why?" Saad ko rito. Hinarap ko ito para makausap ng maayos. Ngayon ko pa lamang siya nakita.
"You know who's Casper diba? You're bestfriend of Jayla." Aniya.
"Oo, ako nga. Bakit mo sa akin hinahanap yang Casper na yan. Mukha ba akong si Jayla." Inis na sambit ko.
Napapikit ako ng mariin, hindi ko na talaga maintindihan ang ugali ko. Hindi ko nakontrol ang pagiging mataray ko, pano ba naman kasi hindi naman talaga ako hanapan ng mga nawawalang hayop.
Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay halatang nagulat din dahil sa ipinakita kong pag-uugali. Hihingi na sana ako ng paumanhin ng unahan niya ako sa pagsasalita.
"Oh sorry." Tumawa pa ito ng mahina. Naningkit ang mga mata ko. Huh?
"Pasensya na din, ang harsh ko masyado." Sabi ko.
"It's okay, Can I talk to you?" Aniya.
"Sure." Binuksan ko muli ang café at pinapasok siya.
Nang makapasok ay pina-upo ko siya at naupo rin ako sa harap niya. Halatang seryoso ang pag-uusapan namin, hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong sabihin.
"It's all about Jayla and Casper." She started the conversation.
Hindi ko alam kung ano ba ang tamang gagawin ko, halos mag-iilang oras na ako sa pag-iisip. Seryoso ba siya? Nang sabihin niya sa akin ang mga iyon ay gusto ko na hindi ko na sana nalaman. Ngunit talagang kailangan niya ako dahil kaibigan ko si Jayla at siya nama'y kaibigan ni Casper.
She's to good to be true. Pumayag pa rin ako sa pinagkasunduan naming dalawa kahit nagdadalawang isip ako. She ordered iced latte  before she go.
Hindi ako tumuloy sa apartment, dahil alam kong pupunta si Jayla sa bahay kaya doon na ako dumeretso. Naabutan ko siya sa loob na nakaupo sa sofa at masayang nanonood, natigil lamang siya ng makita niya ako.
"Az!" Sigaw niya.
Naupo ako sa tabi niya at inagaw ang kinakain niya.
"Ba't ka nandito?" Tanong ko sa kanya.
Sumimangot siya at ipinakita sa aking ang cellphone niya. Nagtaka ako nang gawin niya iyon, hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Huh?" Ani ko. She rolled her eyes.
"Low gets." Anya.
Hanudaw?  Hindi ko naman talaga maintindihan. Wtf?
Tumayo ako at pumasok na lamang sa loob ng silid, hindi ko inaasahan na susundan niya ako. Nauna pa siyang humiga sa kama, ako ay deretso sa loob ng banyo para magpalit ng damit.
Nang lumabas ako ay nakita ko siyang may ginagawa sa phone niya. Lumapit ako sa kanya at sinilip kung ano ang ginagawa niya.
"Hmm."
Nagulat siya sa akin, bigla niyang inilayo ang phone niya na akala mo ay hindi ko pa nakikita kung ano ang ginagawa niya.
"Akala mo naman hindi ko nakita." Saad ko. Nahiga na ako at hinayaang dalawin ng antok.
Sa sumunod na Linggo ay walang Nolas na dumating. Saan kaya napunta ang mokong na yun, kaya naman hindi ko na siya hinihintay at maagang nagsasara ang café. Kahit naman gabi ay marami paring taong nagsisidatingan ngunit siya lamang ang laging nahuhuli.
When night came, I didn't expect Nolas to be here. Magsasara na dapat ako ngunit naupo siya malapit sa counter kung saan lagi siyang nakaupo kapag pumupunta rito. Ngunit nakakapanibago ngayon dahil ibang iba ang kasuotan niya ngayon. Kung dati ay simple lang na pantalon at t-shirt ang suot niya ngayon nama'y parang nagtatrabaho sa opisina, CEO ba kung baga.
"G-good evening, Doppio or macchiato?" Napangiti siya ng banggitin ko iyon.
Halos mapunit rin ang ngiti ko, ganito ba ako kasaya kapag nakikita siya?
"Macchiato." Aniya.
Tumango ako at ginawan siya nito. Makalipas ang ilang minuto ay inilapag ko na ito sa harap niya, napaangat siya sa akin ng tingin.
"It looks like you missed me, huh." Aniya.
"Hindi kita na miss no, masyado kang assuming." Saad ko.
Buti na lamang at kasama ko si Khyla ngayon, siya ang nag-asikaso ng ibang costumer. Kita ko rin ang panunuya sa kanyang mga mga mata, minsan ay ngingiti pa kapag nakikita kaming magkausap ni Nolas.
"Saan ka pala napunta noong nakaraang linggo? Hindi ka pumunta rito ah." Tanong ko sa kanya.
"Just some shitty stuff."
"Ano naman iyon?"
"Not your business." Tumaas ang kilay ko ng marinig ko iyon. Not your business pala ah.
"Edi wow." Tumalikod ako at pinuntahan si Khyla.
"Ako na diyan. Pwede ka ng magpahinga." Sabi ko sa kanya at kinuha ang dala niya.
"Sige po ate Aza, salamat ho." Aniya.
Paunti unti nang nawawala ang mga costumer, Si Nolas nama'y kanina pa nakaupo at umiinom, halata sa kanyang mukha na bagot na bagot na siya. Pano ba naman walang ibang ginawa kundi ang uminom ng macchiato. Doppio and macchiato are the coffee he always drink.
Nang siya na lamang ang matira ay nilapitan ko ito at pinitikan sa noo. Nakapikit na kasi ang mga mata at handa ng matulog, puyat ba 'to?
"Hmm?"
"Magsasara na po ako. Hindi po ito hotel." May pagkasarkastikong sabi ko.
"Ahh! Hindi ba puwedeng matulog muna ako ng saglit, I'm still sleepy." Aniya. Tinaas ko ang kilay ko at mataray siyang tinitigan.
Huminga ako ng malalim, lumapit sa counter at linisan ito. Mga ilang minuto pa ang hinintay ko bago lumapit sa kanya. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha, kilala ko na kung sino ang kamukha niya. Amilios Castañeda, he looks like a kid version of Mr. Amilios Castañeda. Ngayon ko lang ito napansin...
Halos matumba ako sa pagkakatayo ng biglang sumilay ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi, gising na pala 'to.
"Kailangan ko na talagang magsara kaya pwede ka ng umuwi. Pinagbigyan rin naman na kita kanina." Saad ko.
"Yeah." Napasimangot tuloy ako dahil sa sobrang tipid ng sagot niya. Tumayo siya at dere-deretsong lumabas sa café.
Nang makatapos sa pag-aayos ay lumabas na rin ako, akala ko'y umalis na ang mokong na'to. Nandito pa rin pala ito at nakaupo sa gilid ng kalsada, katapat ang naka-park niyang motor.
Ngayon ko lang naalala ang helmet na naiwan niya, masama nga lang at nasa bahay ito. Pa'no ko tuloy maibabalik iyon?
Siguro'y narinig niya ang paglakad ko palapit sa kanya kaya napatingin ito sa akin.
"Ride ka ulit?" Tanong niya ng nasa harap niya na ako.
'ayaw ko na at baka sa simenteryo ang punta ko!' gusto ko man sabihin sa kanya ay nakakahiya. Sobrang bilis niya kasi magpatakbo na akala mo'y may hinahabol at nakikipagkarera.
"Hindi na, kaya ko namang umuwi ng mag-isa." Sabi ko. Ang galing ko talaga magdahilan, ayaw ko na talaga kaya please huwag mo na sanang ipilit.
"You can't say no, na saiyo ang helmet ko." Aniya.
"Ano namang konek nun?"
"That means you need to ride with me." Nangingiting saad niya.
"Wala parin namang konek."
"Oo nga, pero malay mo tayo may konek." He said while grinning from ear to ear.
"That's old pickup lines."
"Tsk, sumakay ka na nga lang." Aniya. Nawala ata sa mood. 'ngunit ayaw ko!'
"Pero kasi..."
"I will."
"Huh?"
"Nabibilisan ka ba?" Tanong niya kaya tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Then I'll make it slow for you." Aniya.

Komento sa Aklat (38)

  • avatar
    Andrea David

    nice story!

    15d

      0
  • avatar
    PajaritoJoey

    this apps

    19d

      0
  • avatar
    Jeffrey Tabor

    ang ganda ng kwento

    21d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata