logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Emotional Promiscuity

Emotional Promiscuity

Lettingoutthesilence


PROLOGUE

Nagmamadali akong bumaba nang makita ko ang aking inang palabas na para pumasok sa trabaho. Dala-dala ko ang payong.
"Nay, nakalimutan mong magdala ng payong!" Patakbo akong lumapit sa kanya at iginawad sa kanya ang payong. Napangiti siya, kinuha niya ito at inilagay sa dala niyang bag.
"Hindi ko naman ito gagamitin, tignan mo naman. Ang ganda ng panahon ngayon, hindi mainit at lalong hindi umuulan." Saad niya.
"Uulan kaya mamaya, baka mabasa ka." Wika ko. Tumango na lamang siya at nagpaalam na bago ako tinalikuran at umalis na.
Masaya akong naglakad papasok, hindi ko pa man nalolock ang gate ng bahay ay nakita ko si tito Jax na papalapit at may hawak na lalagyan. Ngumiti ako sa kanya at binati.
"Magandang umaga, tito Jax." Bati ko sa kanya.
"Magandang umaga rin, Nak." Napangiti ako ng tawagin niya akong 'Nak' kahit hindi man siya ang tunay kong tatay nakakaramdam pa rin ako ng saya sa tuwing tatawagin niya ako sa pangalang iyan.
"Ano pong kailangan niyo tito Jax?" Tanong ko.
"Ah, ang nanay mo?" Lumapad ang ngisi sa aking labi matapos iyong marinig.
"Kakaalis lang tito. Nakasakay na 'ata ng tricycle. Para sa kanya ba yan?" Turo ko sa hawak niyang lalagyan.
Tumango siya.
"Oo sana, lagi pa naman nagpapalipas ng gutom ang nanay mo. Sayo na lang iyan." Ibinigay niya sa akin ang lalagyan.
Binuksan ko ito at nakitang  kaldereta ang laman, umagang umaga may ulam na agad.
"Maraming salamat po, hati na lang kami ni inay." Tumawa ako.
"Oh siya't marami pa pala kong gagawin." Nagpaalam na rin siya at umalis na. Katapat lamang namin ang kaniyang bahay kaya kung minsan ay lagi siyang naririto.
Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit siya laging napaparito sa amin kundi dahil may gusto siya sa nanay ko. Hindi naman talaga siya nakatira sa bahay na iyan noon, lumipat lamang siya para bantayan kaming mag ina. Sobrang lapit ng loob namin sa kanya, itinuring ko na ring tatay.
Pumasok na ako sa loob at ginawa ang lahat ng gawaing bahay. Ako ang laging naiiwan rito kapag wala ang akin ina, minsan ay sinasamahan ako ni Jayla, ang sosyalerang kaibigan ko. Speaking of the devil.
"Ogmayghad! Azalea!" Isang sigaw ang narinig ko galing sa labas habang ako ay nagwawalis. Napairap na lamang ako.
Bigla akong nagulat ng akbayan niya ako at basta basta na lang umupo sa sofa, nakataas pa ang dalawa niyang paa na akala niya'y dito siya nakatira. Gamit ang walis tambo ay pinalo ko ang dalawa niyang binti, hindi naman malakas ang pagkapalo ko sa kanya, nag iinarte na naman.
"Aray ko naman!" Aniya.
"Akala ko dumi." Sabi ko sa kanya bago siya tinalikuran at inilagay sa gilid ang walis tambo. Pagharap ko sa kanya ang masamang tingin ang iginawad niya sa akin.
"Ang sama mo talaga."
Siya lamang ang nag iisa kong kaibigan, Jayla Galicia. She's a Coffee addict that's why we're planning to have our own coffee shop
"Gala tayo?" Tanong niya na ngayon ay nakahiga na sa mababang sofa.
"Yla, wala ka na bang ibang alam gawin kundi ang gumala. We're graduating, fyi."
"Yeah I know, so samahan mo akong lumabas. Mabilis lang talaga, promise!"
Mag iisang oras kaming nag kuwentuhan bago napagdesisyunang lumabas. Isinarado ko ng maayos ang gate, bilin ng aking ina na huwag iiwang bukas ang bahay kung ako man ay may balak na umalis
Pag-uwi ko sa bahay ay saktong bumuhos ang malakas na ulan, buti na lamang ay pinadala ko sa kanya ang payong. Pagkatapos ipakita ni Jayla ang lahat ng mga kailangan namin gawin ay dumeretso na agad ako dito sa bahay dahil kailangan kong magsaing. Hindi ko na kailangan magluto ng ulam dahil alam kong dadalhan kami ni tito Jax dito. Sumilip ako sa bintana at nakita ang pagbukas ng gate, binuksan ko ang pinto at isinalubong siya.
"Nay, basa ka po." Napasimangot ako at kinuha ang bitbit niyang mga gamit.
"Tama ka nga't uulan ngayon. Buti na lang at binigyan mo ako ng payong." Napahawak siya sa sintido. "ang sakit ng likod ko." Umupo siya sa mahabang sofa.  Binigyan ko siya ng bimpo para ipunas sa basa niyang katawan.
"Magpalit ka kaya nay, baka magkasakit ka." Tumango siya at umakyat para magpalit ng damit.
Hinanda ko sa lamesa ang pinggan naming dalawa, habang ako ay nagliligpit ay narinig ko ang pagkatok galing sa labas.
"Magandang gabi tito Jax!" Sigaw ko pagkatapos ko siyang pagbuksan, napangiti siya at napasulyap sa likuran ko.
Napatingin naman ako at nakitang, ang nanay ko ang tinitignan niya, ngumisi ako.
"Dito ka na po mananghalian tito Jax." Tumango siya at pumasok sa loob.
Nang makalapit ako sa lamesa ay kumuha ulit ako ng isa pang pinggan pa kay tito Jax. Magkaharap si inay at tito Jax habang ako ay nasa tabi ni inay, nakaupo kami at nagsimulang kumain.
"Alagaan mo ang nanay mo, Azalea." Ngumiti ako at tumango.
Natapos ang tanghalian, nagpaalam si tito Jax na uuwi na. Ang nanay ko naman ay dumeretso na sa loob ng kaniyang silid, ako ay maghuhugas pa ng pinggan, pero bago iyon ay sinigurado kong nakasarado ng mabuti ang gate ng bahay.
Isang linggo ng hindi nagpaparamdam si tito Jax, ang huli naming kita sa kanya ay noong nagtanghalian siya sa amin. Wala na rin ang mga gamit niya sa loob ng katapat naming bahay, wala kaming alam na aalis siya at lalo na kung saan siya pupunta. Hindi niya man lang sinabi sa amin, kaya nalulungkot kaming dalawa ng aking ina dahil sa biglaan niyang hindi pagpaparamdam. Nasanay na kasi kami na nandyan siya palagi, nakikita ko kung gaano kasaya ang aking ina sa tuwing nandito si tito Jax. Alam kong nililigawan niya ang aking ina pero bakit hindi na siya nagparamdam, nagsawa na kaya?
Hindi ko na pinagtrabaho ang nanay ko dahil alam kong sumasakit na ang katawan niya. Ako na lamang ang gagalaw, sinabihan ko siya kahapon na huwag ng pumasok at ako na ang bahala sa gastusin. Umalis na ako at nagpaalam na tutuloy na.
"Ingat ka, nay." Hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi at sa noo.
Naglakad na ako palabas ng makaramdam ako ng kaba, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang ayaw kong tumuloy at gustong bantayan ang aking ina. Nakahinga lamang ako ng maluwag ng mula sa likuran ay sumigay ang aking ina, nagbilin na mag-ingat raw ako palagi.
"I love you, Nak!" Sigaw niya ng tuluyan na akong nakapasok sa tricycle.
Hindi ko inaasahan ang sunod na mangyayari sa mga araw na iyon, nang umalis ako sa aming bahay ay hindi mawala ang kabang nararamdaman ko kaya bawat oras ay tumatawag ako para kamustahin ang aking ina. Mabuti at nandoon si tita Cherie, isa sa kapitbahay namin, mag isa rin daw ito at gustong samahan ang ina ko. Sumang-ayon ako dahil mas mabuti kung mayroon siyang kasama.
Sa araw na iyon ay namaalam na ang aking ina, pag-uwi ko sa bahay ay nabalitaan kong dinala ni tita Cherie ang nanay sa hospital at nang tawagan raw ako ay hindi ako makontak.
Labis ang lungkot na naramdaman ko ng malaman ko iyon, wala na akong natitira ni isa sa mga pamilya ko, wala akong kapatid at lalong hindi ko kilala ang aking ama. Noong bata pa lamang ako ay naikuwento niya na sa akin ang tungkol sa tatay ko, kahit siya ay hindi niya alam kung sino.
Ginawaranako ng panyo ni Jayla kaya kinuha ko ito mula sa kanya.
Tumayo ako at kinuha ang mga lalagyan.
"Tulungan na kita." Aniya. Tumango na lamang ako at iniwan siyang mag-isa roon.
Wala namang sakit ang aking ina, at hindi ko nakikita ang pagiging mahina niya. Napapagod lamang siya kapag galing sa trabaho, sobrang lakas pa ng kanyang kalusugan at minsa'y nasasabayan pa ako sa mga trip ko.
Naupo ako malapit sa bintana at tinanaw ang kalangitan, walang buwan at mga kumikislap na bituin. Isang madilim na kalangitan ang makikita, bumuhos kanina ang malakas na ulan at ito ang naging bunga.
"Az!" Rinig kong sigaw sa labas, kasabay rin ang pagkatok.
Hinayaan ko ito at alam kong papasok siya. Nang makapasok ay tumayo siya sa tabi ko at tumingin sa labas.
"Az!" Tawag niya sa pangalan ko. Tinignan ko siya pagkatapos ay ibinalik sa labas ang tingin.
"Az!" Tawag niya ulit.
"Az!" Nang marinig ko ulit siyang tinawag ako ay tinignan ko na siya ng masama. Ngumiti siya ngunit kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Hindi ko alam ang gagawin sayo, alam naman nating mawawala tayo sa mundo, baka kailangan ng umalis ni tita Milana."
"Bakit ngayon?" Malungkot na wika ko.
"Hindi ko rin alam, pero huwag ka ng umiyak. Alam mong ayaw ka niyang nakikitang umiiyak. Naalala mo nung maliit ka pa nagsisimula ka pa lang umiyak, pinapatahan ka na niya. Iiyak siya kapag iiyak ka noong bata ka pa kaya nga hindi mo maituloy tuloy kapag gusto mong umiyak, hindi ba?" Aniya. Tumango ako at ngumiti.
"Salamat, Jayla." Tinignan niya ako.
"Walang anuman, binibini." Saad niya. Napangiti ako.
"Wala ka pa rin bang jowa?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
"Wala ka rin namang jowa." Sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin at kinurot sa tagiliran.
"Hanapan kaya kita?"
"Jayla, kung hanapan mo kaya ang sarili mo ng jowa. Kita ko pa naman kung gaano ka kabitter kapag may nakikita ka sa daan ng may mga magkaholding hands o kaya naman naghaharutan sa harap mo."
"Hanap na tayo sugar daddy?" Napairap na lamang ako.

Komento sa Aklat (38)

  • avatar
    Andrea David

    nice story!

    16d

      0
  • avatar
    PajaritoJoey

    this apps

    19d

      0
  • avatar
    Jeffrey Tabor

    ang ganda ng kwento

    22d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata