logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

Chapter 5
Ilang araw na rin ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin naman ako kinokontak ni Aileen para sa susunod na tripping kasama si Lance. Kaya kahit papaano ay napalagay ang loob ko at natahimik ang isip ko.
Today is Saturday. Kasalukuyan akong nandito sa sala at nanonood ng TV. I want to see my family so badly right now, but I can't. Nasa ibang bansa kasi sila ngayon dahil sa isang business trip. Mark doesn't want to go though. But Papa insists and he doesn't have a choice.
I was about to take a handful of my popcorn when suddenly, the doorbell rang. Kunot noo akong tumayo at tiningnan mula sa peephole ng pinto kung sino ang bisita kong ang aga mambwisit ngayon.
Napataas ako ng kilay nang makitang sina Ralph at Dylan pala ang nasa labas. Ilang araw ko ring hindi nakita ang dalawang 'to.
"What did the two of you doing here?" I asked the moment I opened the door.
"Care to make us in first?" Ralph asked back.
But before I could even utter a reply, they had already walked pass through me.
I rolled my eyes and closed the door. "Sana hindi ka na nagtanong, 'di ba?"
Dire-diretso silang tumuloy sa sala at prenteng naupo sa sofa, habang may inilalabas na kung ano si Ralph mula sa loob ng bag niya. Si Dylan naman ay mayroong mga dalang plastic bags.
"Ano ang mga 'yan?" Nagdududa kong tiningnan ang mga dala nila.
Napangisi si Ralph. "Damit ata 'to, Shane. Pansin ko kasi paulit-ulit lang ang suot mo, eh," Ralph answered sarcastically.
Binato ko nga ng unan. Napakapilosopo talaga!
Isa pa, hindi naman sa pagmamayabang, pero may sarili ring kuwarto ang mga damit ko nang dahil sa dami no'n. The nerve of this guy!
Inilabas ni Ralph ang dalang neck pillow. "We will be having a movie marathon," he said casually as he leaned his back on the sofa and lifted his feet on the center table.
Napatayo naman si Dylan at dumiretso sa kusina, bitbit ang dala-dalang mga plastic bags.
"This is what you call weekend feels. And I will be in charge of your food, Ma'am and Sir," he shouted.
Napailing at napatakip na lang ako ng mukha. Ang hilig talagang makigulo ng dalawang 'to rito. Kulang na nga lang ay rito na rin sila tumira, eh.
Sabagay, kahit papaano ay naiintindihan ko naman si Dylan. Dahil kagaya ko ay may sarili na rin siyang unit at wala ring kasama dahil nasa Canada pa ang pamilya niya.
Pero ewan ko na lang 'tong si Ralph. Palibhasa ay malapit lang dito sa building ang subdvision na tinutuluyan niya, eh.
"I want sweets!" I shouted back at Dylan.
He popped his head from the kitchen area and winked. "Noted."
"Shane, ikaw na nga ang mamili ng panonoorin natin."
Iniabot sa 'kin ni Ralph ang remote. Naupo naman ako at dumiretso sa Netflix.
"I want zombie movies. Let's watch Train to Busan, Alive and World War Z." Napalingon ako sa kanya.
Napangiwi siya pero napatango na rin. "Fine. Alam mo hindi ko talaga maintindihan kung bakit sobrang trip mo ang zombie movies."
I shrugged. "Wala lang. I just feel thrilled. Isa pa ay nagkakaroon ako ng ideya kung paano makaka-survive just in case it happens in real life."
Hindi makapaniwalang napatitig siya sa 'kin.
"Seriously? Sa tingin mo ba ay magagawa mong i-apply sa tunay na buhay ang mga napapanood mo?" Napasimangot siya. "Ako na ang nagsasabi sa 'yo, magkaiba ang nangyayari sa tunay na buhay at sa mga palabas. Sa totoong buhay ay paniguradong hindi ka na makakatakas at tatagal pa ng ilang oras."
Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang sarili na matawa nang malakas.
"Ang seryoso mo naman masyado."
He just rolled his eyes and took his phone out of his pocket to play a game. Habang ako naman ay nilibang muna ang sarili sa pagbabasa ng magazine habang naghihintay matapos si Dylan.
Nang matapos na sa pagluluto si Dylan ay inihain na namin sa center table ang mga pagkain, bago nagsimula ng manood habang kumakain. Nakaupo kaming tatlo sa mahabang sofa at napapagitnaan nila kong dalawa.
Tahimik lang kaming nanonood. Tanging ang pagkalansing lang ng mga kubyertos namin ang naririnig, maging ang malakas na tunog na nagmumula sa palabas.
Pero hindi ko maiwasan ang mapasigaw dahil nadadala ako sa mga pangyayari sa ilang eksena.
"Takbo! Dalian mo, takbo!" I shouted and filled my mouth with the spoonful of salad again.
"Hala baka hindi sila umabot sa tren." Patuloy ko pang pagsasalita, bago kumuha ng dalawang slice naman ng graham.
Masyado akong tutok sa panonood ng bigla kong marinig si Ralph na mahinang tumatawa. Hindi ko na lang sana siya papansinin ng mas lalo pang lumakas ang tawa niya.
"What?" Naiinis na nilingon ko siya at pinandilatan ng mga mata. Sa pagkakaalala ko ay wala namang nakakatawa sa pinapanood namin.
Napailing naman siya, bago kinagat ang ibabang labi. "Wala naman. Mukha ka kasing—"
"Cute," sabat naman ni Dylan. Nag-apir pa silang dalawa sa mismong harap ko.
I rolled my eyes at them. Nagpatuloy na lang ako sa panonood at hindi na sila pinansin.
Maghapon kaming nag-movie marathon. Tumigil lang kami saglit nang magluto ng tanghalian si Dylan. Well, he is the personal cook of the group.
Tinapos lang namin ang tatlong pelikula na pinili ko, bago ko tuluyang pinatay ang TV.
I grab myself a pack of Nova and turned to Dylan, whose now busy browsing on his phone.
"Dylan," I called him out that made him look up at me with a smile plastered on his face.
"Bakit?"
"Don't you miss your family?" diretso kong tanong sa kanya.
Ramdam ko na biglang natigilan si Ralph sa tabi ko, na kasalukuyang abala sa paglalaro sa phone niya.
Bumakas naman ang gulat sa mukha no Dylan. But in just a matter of seconds, his expression suddenly changed.
"Of course I miss them," he answered, then looked away.
Napatango na lang ako. Matagal ko na rin kasing iniisip ang tungkol sa bagay na 'yon. His family were all residing in Canada for six years already. While he's just living alone here. Kahit pa nandito kaming dalawa ni Ralph para sa kanya ay iba pa rin sa pakiramdam kapag kasama mo ang sarili mong pamilya.
"Then why don't you go and see them? Anim na taon na kayong hindi nagkikita. Sila ba ay wala ring balak na bumisita man lang dito?" Hindi ko napigilan ang mag-usisa. Sobrang curious lang din talaga ko.
Though I'm not really sure if his family were not visiting him yet, because I'm not always with him. Pero wala rin naman siyang nababanggit sa 'kin. Kahit si Ate Shirley na nakakausap ko naman sa chat at minsan ay ka-video call ko pa ay wala namang nasasabi sa 'kin. Nahihiya naman akong magtanong sa kanya.
Imbis na sumagot ay kumuha lang siya ng isang piraso sa Nova na kinakain ko, bago 'to sinubo sa 'kin. Nang dahil sa gulat ay hindi ko agad 'to nagawang kainin at nguyain.
"Ang cute mo talaga, Shane! You looked like a puppy!" Ralph teased. Though awkwardness are evident in his voice.
Kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka nabatukan ko na siya. But not now that I'm worried for the two of them. Ramdam ko kasi ang tensyon na biglang namagitan sa 'min nang dahil sa pagbubukas ko ng usapan tungkol sa paksang 'yon.
Hindi na lang ako umimik pa at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Masyado ata kong nalunod sa sarili kong problema, na hindi ko man lang namalayan na may pinagdadaanan din ang mga kaibigan ko.
-----
"Ilan nga lahat ang kuwarto rito?"
Nilingon ko si Mrs. Reyes, habang nakatabi naman sa kanya ang asawa niya. Pareho silang nakatingin sa 'kin. They are my new client.
I smiled as we kept on walking. "There are three rooms in here, Ma'am. The master bedroom has its own bathroom. But the other two are spacious enough as well."
Napatango naman siya at nagsimula na kami sa paglilibot. They're just a newlywed. Truth be told, I am not expecting for them to buy a big house right now since they will just start having a family. Pero pursigido pa rin akong makuha ang loob nila.
"What do you think, Mr. and Mrs. Reyes?" tanong ko nang tumigil kami sa balcony.
"Well, this house is beyond good enough, so we'll take it," Mr. Reyes answered.
I suppress myself to burst out in shouting because of what they said. "Really Mr. and Mrs. Reyes?"
They both nodded.
Napangiti na lang ako. Another deal has been closed. "Thank you so much! I will contact you as soon as all the needed documents are ready."
Ilang minuto pa kaming nagkuwentuhan, bago tuluyang nagpaalam sa bawat isa. Masaya ko at may nabenta na naman akong bahay.
Pang-lima na sila sa mga napagbentahan ko ngayong buwan and I'm looking forward for more.
Dumaan lang ako sa main office saglit para mag-asikaso at mapasimulan na ang proseso ng mga kakailanganing dokumento. Nang matapos ay dumiretso naman ako sa pinakamalapit na mall para mamili. Paubos na rin kasi ang stocks ko sa unit ko.
Mabuti na lang at nagawa kong ilista ang mga bagay na kakailanganin kong bilhin. Less hassle rin kasi kapag ganito. Pagkapasok ng mall ay agad na tumuloy ako sa supermarket.
Kumuha ko ng isang push cart, bago pinadaanan ng mga mata ko ang hawak na listahan. Kung tutuusin ay hindi ko naman kailangan mamili ng marami, dahil ako lang naman mag-isa sa bahay. Isa pa ay may mga pagkakataon din na sa labas na ko kumakain.
Well, I am not really a fan of cooking. Though Dylan taugt me some of the basic one.
I was walking in the meat section area when someone's back bumped to my push cart.
I looked up to see who it was. Kumunot pa ang noo ko dahil mukha siyang pamilyar kahit nakatalikod. Mayamaya pa ay dahan-dahan siyang lumingon.
Tinitigan ko siyang maigi. She's doing the same and giving me a kind of look as if she's trying to remember me.
Ilang saglit pa ay biglang umaliwalas ang kanyang mukha.
"Oh my God! It's that you  Shane?" She covered her mouth as she eyed me from head to toe.
Just by hearing her voice, I already know who she was. "Mia?"
We both nodded like an idiot.
Lumapit kami sa isa't isa at mahigpit na nagyakap. No'ng high school graduation pa kami huling nagkita. Dahil sa ibang bansa na siya nagpatuloy ng pag-aaral ng kolehiyo.
Pero kahit gano'n ay nagkakausap pa rin naman kami sa chat. Hindi nga lang gano'n kadalas. Nakikita ko rin naman ang mga pictures na ipino-post niya sa facebook at instagram. Ngunit iba pa rin talaga kapag nagkita na kayo sa personal.
Light blonde na ang kulay ng kanyang buhok na ang haba ay hanggang beywang na niya. Kulot-kulot na rin 'to ngayon. Light lang din ang make-up niya hindi katulad rati.
"Kailan ka pa nakabalik?" I asked the moment we pull away to each other.
She smiled. "No'ng isang araw lang."
Magsasalita pa sana ko nang bigla na lang niya kong hinampas nang mahina sa braso.
"Ikaw, hah! Kahit nasa ibang bansa ko ay ang dami ko pa ring nalalaman na chika tungkol sa 'yo. So, you're the heiress of the Sandoval Land Company, huh?" She smirked.
I rolled my eyes. "No, I'm not. Wala kong balak magpatakbo ng kumpanya no. My brother will be the one to take over it someday."
She crossed her arms and gave me her famous bitchy look. "Still, you're an heiress, bitch."
Tinaasan ko lang siya ng kilay at mayamaya pa ay nagtawanan na lang kami. Napatingin tuloy sa direksyon namin ang iba pang mga mamimili.
Sabay na kaming namili at pumila sa counter, habang patuloy na nagkukuwentuhan hanggang sa marating namin ang parking lot. We then bid goodbyes to each other and parted ways. But we managed to exchange numbers as well, so that we can still contact each other.
Pero nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla niya kong tawagin. Napalingon naman ako sa kanya at hinintay na makalapit siya sa 'kin.
"Have you received an invitation already?" she asked as she came near me.
Kumunot naman ang noo ko nang dahil sa pagtataka.
"Invitation? Why? Magpapakasal ka na ba?" I laughed.
She rolled her eyes. "How I wish. But sadly, I'm not. Wala pa nga kong boyfriend, eh!" Napanguso naman siya.
I shook my head. She may be a bitchy bitch, but still, a childish one as well.
"Okay. Eh, tungkol saan ba ang invitation na tinutukoy mo? Wala pa naman akong natatanggap na kahit ano."
"Oh. Mabuti na lang at may mga dala ko. Bigyan mo na rin sina Ralph at Dylan kung sakaling wala pa rin sila."
Mas lalong kumunot ang noo ko, habang may kung ano siyang hinahanap sa loob ng bag niya. Ano naman kayang kinalaman ng dalawang ugok na 'yon sa sinasabi niya?
"Here!" she said as she handed me a three closed white envelope. Agad na tiningnan ko naman ang nakasulat sa harap nito.
"Highschool batch reunion?" I asked more on to myself.
Napatango naman siya. "Yup. Lahat ng ka-batch natin no'ng highschool ay invited. Nakalagay na rin diyan kung saan gaganapin ang party at kung anong oras. Hope you guys can make it. This will be our very first reunion if ever."
Hindi ko alam kung bakit, ngunit bigla kong nakaramdam ng kaba.
"Pero kasi—"
Itinaas niya ang dalawang kamay. "No buts and excuses. I'll go ahead now, Shane! I will expect you guys to be there, especially you."
Bago pa man ako muling makapagsalita ay mabilis na siyang tumalikod at tumakbo palayo sa 'kin.
Muli kong tinitigan ang mga envelope na hawak ko. Hindi naman namin siya kasabay na nagtapos. But still, there is a chance that he was invited as well. Kahit papaano ay naging ka-batch pa rin naman namin siya.
I sighed and started to walk where my car is parked. Inayos ko muna ang mga pinamili ko sa backseat bago tuluyang pumasok sa loob.
I put the three envelopes on the dashboard and started the engine of my car.
Maybe I should consult the two of them first before I decide.

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    bagonteSaid

    good

    17d

      0
  • avatar
    Jaya Flor Cabante

    done

    25d

      0
  • avatar
    Wilmar Jarabe

    ilove this apps

    20/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata