logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

Pagmulat ko ng aking mga mata ay ang sala ang unang bumungad sa aking paningin. Ginalaw ko bahagya ang aking paa kung masakit pa ba. Napadaing ako sa sakit. Hindi ito pwede. Kailangan kong makapasok dahil may exam kami ngayon. Dagdag grades na rin yon. I need to stand up with my full strength.
"Oh, wag ka muna'ng papasok. Masakit pa yan"
Napatingin ako kay Mama na naghahain ng agahan. Kahit kumikirot pa ang aking paa ay pinilit kong maglakad papalapit sa mesa. Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa sakit. Pero kailangan kong pumasok kaya binigyan ko ng matamis na ngiti si Mama. Umupo agad ako sa upuan at sinimulang kumain.
I spin my foot slowly. Masakit pero sinasanay ko muna'ng ikutin upang hindi na masyadong sasakit mamaya kapag maglalakad ako. Ngiti lang ako ng ngiti kay Mama para siguraduhing okay lang ako. I can't imagine how my Mom work hard to overcome her past. Hindi ko inaakalang ganun pala kasaklap ang nangyari sa nakaraan niya. Hindi naman kasi siya nagku-kuwento sa akin. Siguro kay Papa lang.
She's the best Mother in the world. Indeed!
I can't live without her. Siya nalang ang meron ako. Siya nalang ang pamilya ko. My Mom have a greatest smile so hindi ko inaakalang may problema pala siyang pasan pasan.
"Sigurado ka bang ayos ka lang?" She's worried. Lalo na't umiyak ako kagabi.
Pumunta agad ako kila Tita Lalyn upang puntahan si Lukas. Pinagbuksan naman agad ako ni Tita. Nagulat siya sa presensiya ko. Hindi ko alam kong bakit. Ngumiti nalang ako sa kaniya at bumati.
"Akala ko sabay kayo ni Lukas? Sabi niya kasi dadaan nalang daw siya sa bahay niyo" paliwanag ni Tita. Ha? Baka sinabi na naman ni Mama na hindi ako makakapasok. Epal! Mag-isa na naman akong sasakay ng jeep.
"Baka nagmamadali rin siya dahil nagchat si Shiela sa kaniya na may meeting daw" dagdag pa niya. Ha?
"Kilala niyo po si Shiela?" Nagtatakang tanong ko. Tumango agad siya at ngumiti.
"Oo, hija. Crush iyon ni Lukas kaya pinakilala niya na noong sabado" nakangiting sabi ni Tita at tila proud siya sa anak dahil magkaka-Girlfriend na ito.
Tumango lang ako at magalang na nagpaalam. Hindi ako na-inform doon ha! Kailangan bang alam ko ang lahat na ginagawa at sekreto niya? Hindi naman siguro required, Lei, na malaman mo lahat sa kaniya. Siguro nga. I will just step back so I can limit my self especially now he will soon Shiela's Boyfriend. Hindi ko alam bakit sobrang lungkot at bigat ng aking nararamdaman.
Hindi ko namalayan ang isang tipak ng bato kaya natisod ako at nasugat ang aking tuhod. Shit! Ang sakit! Pero parang hindi ko maramdaman ang sakit ng aking tuhod parang ibang parte ang sumakit. Puso ko. Hindi ko alam bakit sobrang bigat ng aking pakiramdam. Siguro hanggang kaibigan na lang talaga ako.
Dahil malapit na umalis ang jeep ay tumakbo ako at tiniis ang sakit. Ang sakit ng ankle ko. Pero buti nalang ang natisod ay ang isang paa. Pinasadahan ko ng tingin ang Color Sky Blue na palda ko na may bakas ng dugo. Tiningnan ko ang tuhod ko at nagdurugo pa rin ito. Kumuha agad ako ng tissue sa bag at pinunasan ito. Wala akong alcohol na dala pero malinis naman tignan ang sugat ko kaya ayos na rin.
"Ineng, nagdurugo yaang tuhod mo" sabi ng isang matandang babae na kaharap ko sa jeep.
"Ah, nadapa lang po hindi ko po kasi namalayang may bato" nahihiyang sabi ko at halos itago ko na ang aking mukha. Lampa ba naman kasi.
"Huwag mo kasi siyang isipin" natatawang sabi ng katabi niyang lalaki. Ha?
"Mga kabataan talaga ngayon. Huwag ka munang magboyfriend, magtapos na muna kayo ng pag-aaral"
Buti nalang at dumating na kami sa paaralan ko kaya bumaba agad ako. Pagkapasok ko sa campus ay doon ko nalang naramdaman ang hapdi ng tuhod ko. Bwisit! Ngayon pa talaga. Naglalakad ako papunta sa classroom pero nahagilap ko ng tingin sina Shiela at Lukas na nakangiting nagkatinginan na nasa garden. Malapit lang ang garden sa classroom namin kaya siguro doon sila nag-aaral. Bigla na namang nanumbalik ang bigat ng aking pakiramdam.
Tumunog ang bell kaya agad nagsipasukan ang aking mga kaklase sa aming silid. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang butil ng dugo sa aking tuhod. Pero hindi ko kaagad napansin iyon. Hindi ko na rin pinagtuunan ng atensiyon o kahit pahidan man lang dahil nagmamadali na akong kunin ang yellow paper ko na may nakasulat tungkol sa reporting namin. Strikto si Sir kaya kinakabahan ako ng sobra. Epal naman oh! Minalas talaga ako ngayon.
Bumunot agad si Sir sa kahon na may lamang papel na nakatupi at may surname namin na nakasulat. Hindi ko alam kong ako ba ang mauuna o hindi pero kinakabahan pa rin ako. Prepared na prepared ako para rito. Ayokong sayangin ang points.
"Ms. Ocampo"
Ay lintek naman oh! Epal talaga!!!
Dahan-dahan kong tinungo ang harapan at lahat ng mata ay nasa akin. Ramdam na ramdam ko ang titig nila sa akin. Parang sila ata ang kinakabahan para sa akin, eh. Pagkaharap ko sa aking mga kaklase ay nagbulungan sila. Hindi ko halos marinig ang bulungan nila dahil sobrang hina nito at alam kong papagalitan sila ni Sir. Tiningnan ko si Sir at kumunot ang noo niyang nakatingin sa aking tuhod.
"You're bleeding, Ms. Ocampo. What happened?" Nag-aalalang tanong ni Sir. Umiling lang ako at sinabing wala po. "Tell me what happened?" Nag-aalalang ulit niya. Sobrang tanga ko naman siguro kapag sinabi kong nadapa ako?
"A-Ano po...Ah...Eh...Natapilok po ako kagabi sa hagdan namin tapos natapilok na naman po ako kanina sa daan dahil may bato'ng nakaharang" paliwanag ko kahit na-uutal.
"Masakit ba yung ankle mo?"
"Hindi na po masiyado" simpleng sagot ko.Oh. I don't want attention. Ewan ko ba bakit ayaw ko. Siguro naki-cringe-han lang ako.
"Samahan niyo si Cassandra pumunta sa clinic" smabit bigla ni Sir.
"Wag na po, Sir. Kaya ko naman po"
"Sir, ako nalang po"
Napatingin ako kay Aeron. Nakangiting inalalayan ako pero kitang-kita sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Nagpaubaya nalang ako at pinabayaan siyang alalayan ako. Para naman akong naputulan ng paa. Halos buhatin niya na nga ako.
Pagdating namin sa clinic ay agad ginamot ang aking sugat. Wika pa ng Nurse ay umuwi raw kamo ako kasi namamaga ang aking paa. Pero sabi ko kaya ko pa naman maglakad. Buti nalang at bukas ay sabado. Pagkatapos kong magpagamot sa nurse ay bumalik kaagad kami sa classroom.
Math na ang susunod na subject namin at nahihirapan na naman ako sa lintik na subject na ito kaya lumapit nalang ako kay Lukas upang magpaturo.
"Lukas, paturo nga nito" sabi ko at pinakita ang notebook.
"Mamaya na, Lei. Magpapturo pa kasi si Shiela" sabi niya ng hindi ako tinitignan.
Ngumiti ako ng peke at nagpaalam. Sabi niya tuturuan niya ako sa kahit anong subject kapag nahihirapan ako pero ano to? Duh! Wala rin naman akong karapatang magselos kung magiging sila man. Desisyon ni Lukas yon kaya hahayaan ko na. Baka sinasabi ni Lukas na dapat hindi ako dumepende sa kaniya. Baka nga. Balang araw maghihiwalay naman din kami kasi magkakaroon na kami ng sariling buhay. Siguro, hindi dapat ako dumepende sa kaniya.
Uwian na at halos wala ng tao sa campus kaya napagdesisyonan ko na tumambay muna sa may park at magswing. Hindi pa rin naibsan ang sakit. Hindi ko rin alam bakit dikit ako ng dikit kay Lukas kung sa una palang alam ko na na hindi kami pang habang buhay. Halos lahat ng nagkaka-crush sa kaniya ay inaaway ako dahil balakid daw ako sa relasiyon nila. Wala naman akong ginagawang masama.
Umupo ako sa swing at tsaka itinulak tulak gamit ang aking dalawa paa. Parang ang bilis ng panahon. Ang daming nagbago kay Lukas, simula nong dumating si Shiela sa buhay namin. Pati si Tita ay boto sa kaniya.
"Cass, hindi ka pa uuwi?"
Napalingon ako bigla kay Aeron na nasa harapan ko na. Ngumiti ako tsaka umiling agad din naman siyang umupo sa isang swing na nasa gilid ko lang. I want peace pero okay lang naman na nadiyan siya.
"May...problema ba?" Nag-aalinlangang tanong niya.
"Wala. Confused lang" simpleng sagot ko. Hindi ako tumingin sa kaniya. Nakatingin lang ako sa mga dahon na nahuhulog sa lupa.
"Confused? Saan?"
"Sa Nararamdaman"
Ngumiti ako ng mapait.
"Strange feelings? Baka inlove ka!" He exclaimed and chuckled. Nakitawa nalang din ako.
"Ewan. Pero dapat hindi ako ma-inlove sa kaniya dahil kaibigan lang talaga. Dapat!"
"Pwede ka namang mahulog sa taong para talaga sayo. Tsaka, ano naman kung magkaibigan kayo? Natural lang yan. Naranasan ko rin yan kaso sa maling tao kagaya mo"
Maling tao? Hindi naman maling tao sadiyang ayaw ko lang talagang masira ang aming pagkakaibigan at tsaka may nagugustuhan na ata siyang iba. Si Shiela. Sino pa ba?
"Kapag mahal mo mahal mo talaga isusugal mo lahat lahat para sa kaniya. Kahit ang pagkakaibigan niyo pa"
"Hindi naman lahat ng tao kayang isugal lahat, eh" Natatawang sabi ko.
"You shoud"
"What if—"
"Shhh...kapag mahal mo isugal mo lahat. Go ka lang" nakangiting kumbinsi niya.
What if masaktan ako sa huli? What if hindi talaga kami pwede? Hindi ko alam kung kakayanin ko ba tong kagagahan ko. Aamin ako o hindi? No! Sa tamang panahon.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Mylene Bulilan

    hello gd morning

    12/07

      0
  • avatar
    FansBini

    😲 wow

    22/06

      0
  • avatar
    Usha Claire B. Palomares

    niceee

    17/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata