logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3

Tumatak ang sinabi ni Mrs. Ramos sa aking utak.
"Whether you're inlove or you hate him or her"
Hanggang ngayon hindi ko alam ang sagot at wala akong pakealam kung ano man ang sagot sa nararamdaman ko. Siguro galit lang ako dahil si Shiela nalang ang kasabay at kagrupo niya sa lahat ng activities.
Iniwasiwas ko nalang ang nasa aking isipan. Nakatutok parin ang mga mata ko sa takdang aralin. Wala pa ring pumapasok na sagot at ideya sa aking utak dahil binabagabag ito ni Lukas. Lukas! Lukas! Lukas! Aiden Luke Cortez! Bakit mo binabagabag ang isipan ko? Arrghh!
***
Puyat na puyat ako at humikab pa dahil sa antok. Kase naman! Ang tagal kong nakatulog. Ah, ini-insomnia na ata ako. Nagulat ako ng biglang may kumabig sa akin.
"Oh? Akala ko hindi ka raw makakapasok?" Gulat na tanong ni Lukas. Hindi nga pala ako nakapunta sa bahay nila. At ayaw ko na atang pumunta.
Bigla nalang tumibok ang aking puso dahil bigla niyang sinipat ang aking noo para i-check kung may sakit ako. Nagulat din ako sa ginawa niya. I didn't feel nervousness back then but now para na akong sasabog sa kaba kapag nandiyan ang presensiya niya.
"Wala ka namang sakit. Bakit sabi ni Tita hindi ka raw makakapasok?" Hindi ko rin alam bakit sinabi ni Mama yon. At bakit ba!
"Napuyat lang" tipid at mahinang sagot ko. Gusto ko sana siyang sisihin kung bakit napuyat ako kaya lang baka magtaka naman siya. Tsk!
"Bakit ka naman napuyat, Aber?" He chuckle. I really don't know what's his motive. Ang asarin ako o Curious kung bakit ako napuyat.
"Dahil sa assignment" palusot ko nalang at nag-iwas ng tingin. Umupo siya sa tabi ko.
The what ifs I overthink couldn't go right. Hindi ko alam bakit ganito ang mga what if na naiisip ko.
What if inlove talaga ako sa bestfriend ko? Ano nalang gagawin ko? Tapos kung aamin ako masisira friendship namin dahil hindi niya pala ako gusto tapos iiwasan niya na ako. I couldn't end our friendship. It was since birth friendship. I can't live without him as my friend.
My feelings are still confusing. So I don't want to take a risk. Hindi ako aamin sa nararamdaman ko. Hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ko kaya, why would I? I can't save myself from embarrassment kapag ni-reject or friniend-zone niya lang ako. No way! Nakakahiya yon. Astig ako kaya ayaw kong magfirst-move nakakamatay kaya ang magfirst-move. I will save my heart and guarded it. Pano nalang kaya kapag nasaktan ako. 
I didn't feel this back then but Now I don't know and it's still chaotic.
"Tulungan kita mamaya?" Pursigidong tanong niya. Napailing nalang ako dahil gusto kong umiwas muna sa kaniya.
"Wag na, nandiyan naman si Aeron. Tsaka baka nakaka-istorbo ako sainyo ni Shiela. May group study pa siguro kayo" I frankly said and tore my gaze from him. Uminit bigla ang pisngi ko ng narealized ang mga sinabi.
Shit!
"What? Anong isto—"
"Shiela! Oh, Lukas andiyan na si Shiela. Go, na" Hindi ko na siya pinatapos magsalita buti naman at nakita ko na si Shiela na papasok kasama si Garry. Sumenyas agad si Garry na pumunta ako.
Nginitian ko ng peke sina Shiela at Lukas. Pulang-pula na si Shiela dahil sa hiya kaya umalis agad ako at pinuntahan si Garry sa may pintuan.
"Zup?" Bungad niya.
"Okay lang. Ikaw, kumusta?" Nakangiting bati ko. I tried to feel the feelings I felt for Lukas but Garry didn't affect me at all. Walang paru-paru sa aking tiyan na parang kumikiliti. Hindi tumitibok ang puso ko. Wala. Casual lang ang feelings ko. Maybe Garry is just a friend? I'm not inlove with him. But I wonder toward my feelings to Lukas.
Nabasa ko na sa mga libro na kapag parang tumigil ang mundo at nagslow-motion, tumibok bigla ang puso, at kapag may nararamdaman kang paru-paru na kung ano sa tiyan mo. Inlove ka raw. But maybe feelings changes kasi it's been a while when I felt that thing. Siguro nung Grade 9 palang ako. I felt those back then and Lukas made me feel it. But now hindi ko alam. I feel the casualties between us. I'm not shy to him anymore. I don't feel those butterflies.
Sometimes they said when you feel nervous with that person maybe you're not comfortable with that person. Maybe. Maybe, I'm not just comfortable with him back then.
"Pare!" Biglang May sumigaw kaya napatingin kami sa kaliwang banda kung saan may isang lalaking papalapit. ABM, Second Section. Ang super bully na hindi naman maangas. Tss!
"Pare, kumusta?" Bungad niya kay Garry. It seems like they know each other. Feeling close amputa!
"Chiks mo?" Ngising aso niyang tanong. Kalmahan mo Lei! Isa nalang talaga masasapak ko na siya.
"Alam mo ikaw? Itikom mo nga bibig mo, nangangalisngaw ang baho, eh!" iritang sabi ko tsaka inirapan siya. Tss!
"Grabe ka naman. Fresh kayo to" depensa ni Aldren.
"Yellow ba kulay ng kanin tsaka ulam niyo?" Sarkastikong sabi ko. Aba'y nagye-yellow na kasi ang ngipin, hindi pa rin nagto-toothbrush. Hindi ba siya nandidiri? Yuck! Senior High na siya pero ang dugyot pa rin.
"Arte mo. Bakit, Neneng B, ka?" Iritang sabi niya pabalik. Aba't kinukumpara pa talaga ako! Di ko naman kilala yang Neneng B na yan.
"Ngipin mo yellow!" sigaw ko at kumaripas ng takbo. Agad nagtawanan ang lahat ng estudyanteng nakarinig lalo na ang mga tambay sa labas.
Wala namang masiyadong diniscuss kaya ang dami naming free at vacant time. Para lang kaming nasa Elementary na kahit may pasok pero mukha namang wala dahil walang guro at minsan may meeting pa. Nag-asaran, tawanan at tilian ang buong klase. Sana ganito nalang palagi. Pero aaminin kong hindi, dahil merong reyalidad. Ang reyalidad ang sisira sa lahat ng expectations mo. Guguho ang lahat na expectations. Wala tayong magagawa kung hindi labanan at harapin ang mga immortal na kaaway.
Mahirap man pero siguro worth it ito. Para naman din ito sa aking sarili at kay Papa. No matter how hard the challenges, I will accept and face it with smile. We only have two option whether you will face it or escape it. Well, I don't need to escape it because I have so many dreams so why do I need to be weak when I have a good future that awaits me? It's my obligation to study hard. My Dad and Mom raised me who am I right now. Thanks to them that still I have a good bed where I can sleep and I have food to eat.
I'm not really a materialistic girl kasi iniisip ko ang presyo nito. Hindi rin ako lumaki na spoiled kaya siguro kuntento na ako kung anumang meron ako ngayon. Iniisip ko rin na may mas mahalaga pang bagay ang kailangan kong bilhin kesa sa walang kuwenta at hindi makakatulong sa akin.
Biglang tumunog ang bell hudyat na uwian na. Hindi ko nalang namalayan ang oras dahil sa mga bumabagabag sa aking isipan. Dumagdag pa si Yellow Teeth. Kadiri lang. Inayos ko kaagad ang aking mga gamit at handa ng umalis. Sa buhay niya. Charot.
"Sabay na tayo?" Nakangiting tanong ni Lukas. Hindi niya na ako pinasagot dahil inakbayan niya na ako at hinila upang maglakad. Halos madapa ako dahil sa hakbang niya. Maliliit lang kasi ang hakbang ko.
"Kain tayo? Kwik-kwik?" Aya niya. Hindi naman agad ako makasagot dahil hila siya ng hila sa akin. Malapit lang ang nagtitinda ng kwik-kwik halos sa may gate lang banda dahil na rin mabenta ito sa mga estudyante kagaya namin. Masarap ba naman kasi tapos makakatipid ka pa. Hindi naman sa kuripot ako pero sulit yung bente pesos mo may pang-hapunan kana.
"Dalawang kwik-kwik at dalawang buko juice" nakangiting sabi ni Lukas sabay abot ng bayad sa tindira.
"Aba'y kailan ba magiging kayo?" Baling ng tindira sa amin. Ayan na naman ang mga marites at mariposa.
"Aba'y oo nga. Kay tagal-tagal na ninyong magkasama. Kaibigan pa rin ba?" Ani naman ng isa.
"Aral muna po kami bago darating diyan" nasagot nalang ni Lukas at napakamot sa batok. Aba't bakit? Aabot ba talaga tayo riyan?
Friendship stage lang kaya ko salihan.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi agad kami. Tahimik lang kaming naglalakad hindi kagaya noon na halos isigaw namin lahat ng chismosa sa barangay namin pero ngayon parang may lamay dahil sa katahimikan naming dalawa. Ayan na naman ang mga marites nag-aabang sa kanto at nagchi-chismisan. Yung iba pa ay naninigarilyo at nagto-tong its. Tss! Issue agad!
Makikita ko talaga ang mapanghusgang mata nila. Sus, hindi lang nila kaya kaming issuehan ni Lukas dahil malakas ang Daddy niya. Tapos ang Mommy niya pa ay napakabait at sobrang matulungin. Kaya hindi nila kayang gawan kami ng issue.
"Iniiwasan mo ba ako?"
Natigil ako bahagya dahil sa tanong ni Lukas. Umiling agad ako at umiwas ng tingin. I can't make an eye contact to his Hazel nut eyes. It bothers me so much and thats what I hate because I don't know why it bothers me.
"Hindi" tipid na sabi ko at tanging tango lang ang sagot niya. Tumingin nalang ako sa dinadaanan ko upang maka-iwas ng tingin.
"Kapag may problema ka kahit sa bahay niyo, sa school, assignments at sa a-akin" nahihiyang sambit niya pero ramdam at maririnig ko ang despiradong boses "magsabi ka lang. Bestfriend naman tayo, diba?"
Ngumiti ako at tumango.
Pagka-uwi ko ng bahay ay agad kong naamoy ang masarap na niluluto ng aking Mama. Nagbihis kaagad ako ng pambahay na damit. Sa sobrang excited ko ay natapilok bahagya ang aking paa. Napadaing ako sa sakit. Agad akong inaluhan ni Mama at inalayan upang maka-upo sa sofa.
"Ma, ang sakit" iyak na sabi ko. Legit na sakit talaga. Parang nabali ang paa ko. Did I broke my ankle? Omg! Ang sakit talaga.
"Shh...papagalingin yan ni Mama. Hmm okay" lambing na sabi niya at may namuo na ring luha sa kaniyang mga mata.
Agad siyang tumakbo sa kwarto niya at kinuha ang isang bag na kulay itim. Inilabas niya roon ang effecascent oil at nilagyan ang aking paa. Hinilot niya ito. Napahagulhol nalang ako sa sakit. Hindi ko naman inaasahan na ganito pala yon kasakit. Parang hiniwa ang angkle ko. Sobrang sakit talaga.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa naka-idlip na pala ako.
***
Iminulat ko ang aking mga mata dahil may naririnig akong hagulhol. Sinilip ko si Mama na umiiyak. Dahil ba sa akin kaya siya umiyak? Ayokong nakikita siyang umiyak. Pero gusto ko pakinggan ang mga salitang kumakawala sa kaniyang bibig.
"Alam mo, Nak. Napakaswerte mo at magiging swerte ka dahil aalagaan kita hindi tulad ng Lola mo na kahit nilagnat ako ay pinapasulong pa rin ako sa ulan makamit lang ang kaniyang kaligayahan. Ang sama niyang ina. Pero alam mo yung masakit? Ginagawa niya raw yun dahil nabuntis siya ng rapist at nagalit si Papa dahil may ibang lalaki raw si Mama. Kaya ayun sa akin niya ibinuntong lahat ng galit niya" naiiyak na kuwento niya sa akin.
Napaluha nalang ako dahil sa lungkot ng mga mata ni Mama. I can't forgive myself if something happen to her. Siya nalang ang meron ako.
Bumangon ako at nagulat si Mama pero niyakap ko nalang siya ng mahigpit at napahagulhol ako sa balikat niya. Ako ata yung mas nasaktan kesa sa aming dalawa.
"Ma, I'm here always for you and si Daddy andito rin siya kahit wala na siya pero andito siya sa puso natin. Ma, alam mo naman na nandito ako. Palagi, Ma. Lagi naman talaga, Ma" naluluhang sabi ko. Mas lumakas lang ang hagulhol ni Mama dahil sa mga salitang pinakawalan ko.
"You're the best women and Mother in the world"

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Mylene Bulilan

    hello gd morning

    12/07

      0
  • avatar
    FansBini

    😲 wow

    22/06

      0
  • avatar
    Usha Claire B. Palomares

    niceee

    17/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata