logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 5

HENTAKI
Nagising ako at bumungad sa akin ang pink na kisame at amoy ng betadine. Nasaan ako? Ano na naman ang nangyari?  I checked myself, if my body parts is complete. However my concern is where did I left my phone. I even say profanity in my head. My mother would scold me if my phone is lost.
Nahagip ko ng tingin si Xylene, agad akong napabangon pero bumalik rin sa pagkakahiga dahil nakaramdam ako ng biglang pagkahilo. My world revolves around you Xy. I feel cringe with my own thoughts but at the same time, it makes me smile ear to ear.
"A-ano ang g-ginagawa mo rito?" Nauutal kong tanong sa kanya.
Nagpakawala siya  ng isang buntong hininga bago sinagot ang tanong ko.
"Nag-community Service."
Simpleng sagot niya, pero para sa akin ay malaki ang epekto nito. Nawalan ako ng lakas at nanghihina dahil sa pagkadismaya.
Pero ang puso ko ay parang hinahabol ng aso dahil sa bilis ng tibok nito. Muling nagtama ang aming tingin at napasinghap hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nito. Naramdaman kong uminit ang magkabila kong tainga. I feel like in the cloud nine.
Ano ba ang gagawin ko? Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
"I'm Hentaki Denver Conoco. Ikaw ba?" Ano bang pinagsasabi ko? Pero kay laking pasasalamat ko sa sarili na hindi ako nautal.
"Xylene Reisskohle Valde." Tipid na sagot niya.
"Ah." Iyon nalang ang tugon ko wala rin naman akong alam sa pakikipag-usap. Kaya tinuon ko nalang ng tingin sa ibang direksyon at nakatitig sa kawalan. Hindi ako mapakali sa nakakamatay na katahimikan sa aming dalawa kaya agad ko siyang nilingon, nagulat ulit ako noong magtama ulit ang tingin namin. Sa bawat pagtama ng aming mata ay parang bumuo kami ng sariling mundo na kami lamang ang tauhan at kami lamang ang nakakaintindi.
"Ha?"
"Eh?"
Awkward!
Ano ba kasing pag-uusapan namin? Hanapan niyo ako ng topic please? I hope someone would butt in and suggest some topics but it's impossible. Napalingon kami sa dereksyon kung saan ang pintuan dahil bumukas ito at iniluwa ang isang lalaking nurse ng clinic.
"Buti gising kana hijo. Okay na ba ang nararamdaman mo? Kumain ka ba ng sapat sa almusal mo? Kung magdadayeta ka naman huwag 'yong biglaan."
Napatitig naman ako sa nurse. Hindi ko naman kasi alam ang dahilan kung bakit nahimatay ako. Wala rin naman sa bokabularyo ko na magdayeta. Pero posibling dahilan nito ay ang hindi sapat na tulog. Mas addict na ako ngayon sa online games dahil mag-kasunod ang end season.
"Oh? Ano? Okay na ang pakiramdam mo?" Tanong ulit ng nurse.
"O-opo."
"Basta kung magdayeta ka ay huwag biglaan. Matatanggap ka rin naman nung tamang tao sa tamang oras diba hija?" Baling niya kay Xylene. Gulat ito sa sinabi niya at nahihiyang ngumiti. Tahimik lang ako at napatitig sa kanya. Tae ganun ba ako ka halata? O masyado silang ma-issue?
"Oh hija patingin ng Community Service slip mo. Permahan ko na. Tsaka bumalik na kayong dalawa sa klase ninyo." Sabi nung nurse habang inabot kay Xylene ang pirasong papel matapos pinirmahan niya.
"Thank you sir." Sabay naming sabi ni Xylene. Tumingin muna siya sa akin at naunang lumabas sa clinic.
"Segi na hijo. Sundan mo na siya. Bagay pa naman kayo. Don't forget to hydrate yourself."
"Eh?" Gulat na usal ko. Tanging nakakalokong ngiti at tango ang sagot ng nurse sa akin.
Sinundan ko si Xylene at tinakbo ko pa para lang magkasabay kami maglakad pabalik ng classroom at kailangan ko pa siyang tawagin.
"Xy!" Tumigil naman siya at lumingon sa gawi ko.
"Ba't ka tumatakbo?"
Concern ba siya?
"Ha?"
"Baka mawalan ka ng malay."
Gusto ko marinig ulit. Masarap sa pandinig. She's like a caring wife, I wanna marry her someday.
"Ha?"
"Hindi kita kayang buhatin. Mabigat ka."
Ayoko na pala marinig ulit.
Oo nga naman. Mataba ako at mabigat talaga. I am too assuming, my expectations hurt me. Maybe I'll make her concern with me in the future days.
"Ang sakit no'n." Pabirong sabi ko.
"Sorry Beans." Biglang sabi niya pa.
Ano? Gulay? O tao? Ako?
"Beans?"
"Hentaki beans."
"Ha? Gulay na pala ako ngayon?"
"Nope, I mean my lola's term on Baguio beans is kentaki beans. Their province called that Baguio beans as kentaki Beans, however it sounds like that."
"Province rin naman rito ah? Besides my name is Hentaki not kentaki." Sabi ko. Nagtama ang paningin namin at parehong natawa. We found it funny tho it's not really funny.
Napatigil kami sa pagtawa at napatingin sa paligid. Lahat ng kaklase at ang guro namin ay nakatingin sa amin dalawa. Hindi namin namalayan na nasa pintuan na pala kami ng classroom. Maya-maya pa ay tinukso kami.
"You may both sit down with Yverette's Group. You both share same vibes Mr. Conoco and Ms. Valde."
"The Beauty and the Beast of section Dickinson!"

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Marjorie Mendoza

    very nice

    27/07

      0
  • avatar
    Janah Chato

    cool

    25/06

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice story🥰🥰🥰

    06/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata