logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 7

NAPAUPO siya ulit ng maalala ang kanyang proyekto na sinira ni Mariane. Naitukod pa nito ang kanyang kamay sa kanyang ulo. Nasa ganoon siyang scenario ng mapasukan siya ng ama nito.

“Oh, ano’ng nangyayari sa ’yo?” tanong ng itay niya sa kanya. Dahilan para mapatuwid ito sa kanyang pagkakaupo mula sa papag nitong higaan. Kamuntikan pa itong mapaigik sa sakit, ng magkamali itong gumalaw sa pagtuwid nito ng upo.

Kaibahan ng papag at malambot na kutson.

Nginitian nito ng tipid ang ama, “Kayo po pala itay, wala naman po nangyayari sa ’kin. Sumakit lang po ang ulo ko.” Mahinang sagot at pagdadahilan na naman niya. “Sige po itay, aalis na po ako. Baka ma-late na naman ako ng tuluyan.” Wika niya sabay tayo at halik sa pisngi ng tatay niya.

NASA sakayan na ng jeep si Kyla at nag-aabang na rin ng masasakyan. Ngunit, mag-iisang oras na ay wala pa rin siyang mahanap. Kapag ganitong maraming pasahero ay talaga namang pahirapan ang pagkuha ng masasakyan. Naglakad-lakad siya para makahanap ng p'wedeng masakyan sa dulo, nang bigla na lamang may humintong isang BMW sa kanyang harapan. Sa gara ng sasakyan ay siya agad ang pinagtitinginan. Kumunot ang kanyang noo. Ano'ng akala nila, na makakabili siya ng ganitong kagara na sasakyan sa parong-parong lang nilang tahanan?

“Mga tsismosa talaga, kahit saan nagkalat.” Bulong niya sa sarili habang nagmamaktol.

Bumukas ang tainted window ng sasakyan, at ganoon na lamang ang pagkagutla niya ng mapagsino ang nasa loob nito. Great, ang guwapong Javy Del Prado. Nakaparada sa harapan niya at noon ay nakaharang pa sa kanto ng labasan nila.

“Hop in,” marahang utos ng lalaki sa kanya. Seryoso ang mukha nito habang tinititigan siya.

“Hindi na kailangan, may jeep naman eh,” alibi niya. Itinaas nito ang kamay saka pumara ng dyip. Pero, binabayan lang din siya ng konduktor ng dyip na kanyang pinara. Naiinis niyang inirapan ang konduktor na ikinangisi naman ng binata.

“Don't make alibis, Miss Rodriguez. Look!” sabay turo sa mga nagkukumpulang pasahero. “You can't ride on a jeepney with so much passengers waiting in the line. Are you sure, na paparahan ka ng jeepney dito? Hindi ka nakapila oh. Ikaw din, baka ka awayin ng mga pasahero diyan. Late ka na nga, magpapa-late ka pa ba?” Dagdag wika ng lalaki habang seryoso at kuno ang mukha nito.

“I can manage.” Aniya.

Pumapara na ito ng jeep at huminto rin naman ito sa harap niya. Tinaasan pa nito ng kilay ang binata para ipakita sa kanya na makakasakay na siya. Akmang iaakyat na nito ang kanyang mga paa nang bigla naman siyang hilahin ng isang lalaki at unahan naman ito sa pagsakay sa jeep na kanyang pinara.

“Ano ba?!”

“Sorry, miss. Late na kasi ako, thank you.”

Natulala si Kyla habang naiinis sa lalaki. Nakaalis na ang dyip na sana ay sasakyan niya. Mas lalo siyang nainis ng marinig nito ang paghagalpak ni Javy ng tawa. “Still refusing for a ride? Ikaw din.”

Nakasiring niya itong tiningnan. “Magta-taxi nalang ako,” sagot niya. Hindi niya kayang sumabay sa binata lalo pa at sariwa pa sa isip niya, ang mga nangyari sa kanila sa resort.

Napabusangot naman ang binata dahil sa katigasan ng ulo ni Kyla. Bumuntong hininga ito, “Huwag mo na akong palabasin pa sa kotse ko, Kyla Rodriguez.” May himig pagbabanta na naman sa boses nito.

“Look, Mr. Del Prado. Gusto mo ba talagang pag-usapan tayo sa school mo? Si Mariane, hindi ka ba naaawa sa kanya? Fiancée mo siya at—”

“At kapag hindi ka pa sumakay dito, maglalakad din ako na katulad mo. Sasabay ako sa ’yo.” Seryosong wika pa nito sa dalaga. “Or, much better — kung lalabas ako sa kotse ko at maglalakad papunta sa ’yo, para gawin ang ginawa ko kahapon. That is my last choice.”

Napanganga siya. “Javy please, nagmamakaawa ako sa ’yo. Kung mahal mo si Mariane, gawin mo ang tama. Hindi ako nag-aral sa university na pag-aari ninyo para makahanap lang ng gulo at— ay!” Biglang tili ni Kyla, dahilan para pagtinginan sila ng mga taong naroroon. Nakayuko kasi siya habang nagsasalita kung kaya't, hindi nito namalayan na nakalabas na pala ang binata..

“Ibaba mo nga ako, Javy, ano ba!” Pagpupumiglas niya.

“Sige, magpumiglas ka at ihuhulog kita sa kanal. Nakikita mo ba 'yan?” Turo pa ng binata sa kanal na noon ay may mga basura't pupo pa ng aso. “Mabantot pa naman 'yan, ikaw din. Hindi ako nagbibiro.” Wika pa nito.

Nang mga oras na iyo'y tila tumigil ang mundo niya. Pakiramdam niya ay sila na lamang ang tao sa paligid. Nakatulala siya habang pinagsasawaang pagmasdan ang mukha ng lalaking kumakalong sa kanya.

“Bunganga mo nakabuka,” bulong niya sa gilid ng kanyang tenga.

“Ha?”

“Ang sabi ko bunganga mo nakabuka, nang-aakit pa ata eh,” muli ay wika ng binata at pilyong nakangisi sa kanya.

“Bastos ka talaga!” anas ni Kyla sabay hampas ng kanyang kamay sa dibdib ng binata.

Sa pagdaiti ng kanyang palad sa dibdib ng lalaki, tila ba'y nama-magnet ito na hindi niya agad matanggal.

“Malapad ba?” tanong ni Javy, dahilan para mamula na namang muli ang kanyang mukha.

Hindi namalayan ni Kyla na nasa loob na pala siya ng kotse at si Javy ay nakaikot na rin at papasok na sa loob. Nang kumilos ang lalaki upang ilagay ang seatbelt niya'y agad siyang napasinghap. Pilit niyang inilalayo ang kanyang labi dahil ano mang oras ay maari itong sumagi sa pisngi ng binata. Inilihis na lamang ng dalaga ang sariling mukha sa kabilang gilid, ngunit dahil sa kapilyuhang naisip nang binata ay hindi rin ito nakaligtas. “Kyla, puwede ka nang humarap, tapos ko nang ikabit.” Anya sa dalaga na hindi inilalayo ang mukha sa kanya. Sa paglingon ng dalaga, saktong nagkalapat ang parehong labi nila.

Lumaki ang mga mata niya nang maglapat ng tuluyan ang labi nila. Akmang ilalayo na sana nito ang sarili ng bila siyang isandal ni Javy sa upuan at hinalikan ng marahas, bagay na hindi niya agad nagawang pigilan.

“J-Javy, stop. Mali ito, okay? Maling-mali.”

“What have you done to me, Kyla. Your making me crazy.” Pabulong na wika ng binata, matapos sakmalin ang labi niya.

“Stop playing games with me, Javy. Huwag mong saktan si Mariane. Ayaw ko ng gu—” hindi niya natuloy ang sasabihin sa binata dahil pinigilan na siya nito, gamit ang kanyang hintuturo.

“Don't even talk about it. Hindi siya ang babaeng nagugustuhan ko, Kyla. You have no idea. Your blind, always have been.” Naisatinig nito na nagpatigagal sa kanya.

“Pero mahal ka niya, Javy. Huwag mo sanang sasaktan ang babaeng nagmamahal sa 'yo.” May himig ng lungkot sa boses niya.

“Kyla, I like you. Hindi ko lang napapansin kasi panay ang iwas ko. Pero, ikaw? Do you like me too?” Napaharap bigla ang dalaga sa binata. Hindi niya alam ang isasagot, hindi niya inaasahan ang tanong. No courtship, no doubts, but she give everything to him. But now, with such a simple question asked by him, hindi niya mabigyan ng kasagutan. Ayaw niyang makasakit ng tao at iyon ang totoo. Ayaw niyang makasira ng relasyon, dahil tao lang din siya na may puso at prinsipyo.

“Don't bother yourself, to answer it. Tungkol sa nangyari kagabi, gusto ko sanang,”

“Kalimutan mo na ang naganap, Javy. Isipin mo na lang, na hindi tayo pinagtagpo ng pagkakataon, na walang namagitan sa ating dalawa.” Putol niya.

“No! Sorry Kyla, but the truth is,”

“Nandito na tayo sa school, Javy. Bababa na ako. Salamat sa pagpapasakay mo sa 'kin.” Wika ng dalaga, saka kumilos na para makababa na rin ng sasakyan. Ngunit, hindi nito mabuksan ang pintuan.

Bigla siyang nakaramdam ng kaba. “Anong ginagawa mo? Bababa ako, Javy.”

“No. Makakababa ka lang, pagkatapos nating makapag-usap na dalawa ng masinsinan.”

Agad na namutla ang dalaga dahil sa sinabi ng lalaki.

Komento sa Aklat (66)

  • avatar
    Del ValleMaxwell Laurent

    Maganda ang kwento

    16/08

      0
  • avatar
    GuzmanKessiah

    Mukhang maganda ito ang babasahin ko rin

    08/08

      0
  • avatar
    Al-raffie HC Lacsaman

    krkekf

    21/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata