logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Shall I Stay?

Shall I Stay?

vjjj


Chapter 1 Hi!

" You're leaving, again." He said, while looking at me with his teary eyes. Ang mga matang minsan kong hinangaan at naging paborito kong tignan. Mga matang hindi ko mabasa ang nilalaman ngunit natutuhan kong mahalin. Mga matang puno ng saya noong una kong makita.
I sighed. Again, nandito na naman ako sa sitwasyon na 'to. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Ito na naman ako, magdadalawang isip kung kakayanin ko bang umalis habang tinitignan ang mga matang nakatitig sa akin. Pero, 'di ko rin alam kung tunay ba ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon dahil tulad nga ng sinabi ko, kailanman hindi ko nabasa ang nilalaman ng mga mata niya.
" Shall I stay?" I asked him while staring at each other's eyes. Ang kaisa-isang tanong na lagi kong tinatanong sa kaniya sa tuwing tinatangka kong tumakbo at lumayo. Umaasa ako na baka, sa isa pang pagkakataon mabigyan linaw na niya ang magulong sitwasyon na kinaroroonan ko ngayon.
" Bakit lagi kang ganito? Ano bang dahilan mo? Hindi kita maintindihan!" The tears that he's shedding right now seem so annoying to watch. Nakakainis makita yung mga luhang 'yon dahil isa 'yon sa mga dahilan kung bakit hindi ako makalaya sa kaniya. Pero ngayon, ibang disgusto ang nararamdaman ko sa mga luhang nakikita ko sa mga mata niya. Hindi ito inis dahil alam kong matutunaw muli ako, kung hindi ito yung inis na hindi ko matukoy kung bakit gano'n siya palagi; umiiyak ng walang dahilan.
"Hindi mo ako maintindihan o hindi mo lang ako iniintindi? Alin sa dalawang yun ang mas tama?! Matalino ka at alam mo ang malaking kaibahan no'n" Mahina at pirmi kong usal habang pilit nilalabanan ang mga luha kong gustong ipakita ang kahinaan ko.
Showing how weak I am will kill me. I don't want to be pitied. Ayokong patunayan sa kanila na nasasakatan nila ako. Ayokong isipin nila na dahil sa kanila kaya nagkakaganito ako. I won't give them the satisfaction nor the achievment that they want. I won't! As long as I can, I will hold back, I definitely will.
Mapagparaya ako pero hindi sa emosyon ko. Hindi ko ibibigay ang emosyon na gusto niyang makita mula sa akin at alam niya 'yon mula sa umpisa.
************
" Shai, sumali ka na kasi!" Pangungulit ni Morrie sa akin. Morrie is my bestfriend since my elementary days. I met her by some spectacular moment in my life. I don't know, one day I already found myself walking with her going to school.
" Shhhh, Morrie 'wag kang maingay nagbabasa ako! Atsaka sinabi ko na sa'yong ayoko sumali, sayang lang ang oras ko d'yan! " Sabi ko habang nakatingin sa libro.
" Ano ba naman yan! Iiwan mo na naman ako ganun? Wala na naman akong kasama Shan, kawawa naman ako !" Natawa ako sa inasta niya, naka-pout pa ang loka noong nilingon ko siya.
" Huwag kang magpa-cute diyan Ririe 'di bagay sa'yo. Tara sa canteen. " sabi ko . Binanggit ko ang ibinigay kong nickname para sa kaniya dahil ginamit niya ang nickname na ginawa niya para sa akin. Tanda iyon ng matinding pagpupumilit niya at ang sa akin naman ay tanda ng pagpapatigil ko sakanya. Kailangan kong libangin ang isang 'to para tigilan na ako.
" Ayoko nga! Sasama ako kung sasali ka sa field trip."
" Ano ba kasing mapapala ko diyan? You know, I'd rather stay at home and read my books, kesa mag-ikot sa isang boring na museum at sumakay sa mga pambatang rides." Naiinis na sabi ko kay Morrie. Ayoko talagang sumasali sa mga gano'ng event ng school dahil bukod sa magastos, eh totoong sayang oras lang naman.
"Makasabi ka naman ng pambata diyan. Duh, it's fun you know. At least you should first try it " Sabi ni Morrie kasabay pang umirap ang mata. Bigla siyang tumayo at lumabas ng room. Nagtampo pa.
Hayy. Napaka-childish talaga no'n kahit kailan. Oo, isip-bata siya kahit grade 11 na kami at nagmumukha naman akong matanda sa paningin niya at ng iba kapag gano'n ako umasta at magsalita. Actually, 'di ko rin alam kung bakit ako ganito. Mas gusto ko kasi ng seryoso at tahimik na pamumuhay. Kaya siguro si Morrie lang ang kaibigan ko dahil ganito ako.
Anyways, hindi na rin ako nakapunta sa canteen dahil naubos ang oras ko kababasa at sa pangungulit sa akin ni Morrie. Tumunog ang bell at saktong pumasok si Morrie na nakabusangot. Pumunta siya sa upuan niya, tapat ng sa akin. Tinapik ko ang balikat niya pero 'di niya ako pinapansin.
Hinayaan ko na lang muna siya dahil alam kong mamaya, konting suyo lang ang kailangan niya. Yuyuko na sana ako habang naghihintay sa kasunod na teacher nang dumating ang adviser namin, may kasama siya. Hmmm, bagong estudyante, matangkad na lalaki.
" Class! I want you to meet Liam Robert Sanz, your new classmate. Go on Mr. Sanz introduce yourself." Pagpapakilala ng aming adviser sa bagong estudyante.
" Ahem!" Sabi ni Liam habang ngiting-ngiti. Mukhang maloko 'tong isang to ha.
" Hi classmates! I'm Liam Robert Sanz in short, pogi HAHAHA." Tumawa ang aming adviser pati na rin ang iba kong kaklase. Ako, hindi ako interesado.

"Just kidding, anyways you can call me Liam and I am hoping na maka-close ko kayong lahat. Yun lang!" At nakangiti pa rin siya ng napakalaki habang sinasabi iyon.
" Ok, thank you Liam! You may seat beside Morrie", turo ni ma'am sa katabing upuan ni Morrie dahil iyon ang nag-iisang bakanteng upuan sa loob ng room.
Habang naglalakad patungong upuan si Liam hindi pa rin matanggal ang mga ngiti niya. Nang makarating na siya sa tapat ng kaniyang upuan at papaupo na ay nakita niya ako.
" Hi!" Masiglang bati niya sa akin. Napakasaya tignan ng mukha niya. Umaabot sa mga mata niya 'yong mga ngiti na galing sa bibig niya. Parang ang dami niyang energy sa katawan. At naiinis naman ako sa ganoong uri ng tao dahil sa tingin ko nakakapagod makihalubilo sa kanila. Walang emosyon ko siyang tinignan at dahil do'n unti-unting nawala 'yong mga ngiti niya. Nakaramdam ata siya ng pagkapahiya kaya naman dahan-dahan siyang umupo at tumalikod sa akin.
I felt a little bit of guilt sa inasta ko. Ewan, siguro dahil nga 'di ko siya kilala at maayos naman ang approach niya sa akin kaya nakaramdam ako no'n. Pero hindi nagtagal 'yon dahil bukod sa wala akong pakialam sa nararamdaman niya e dumating na yung next teacher namin.

Komento sa Aklat (82)

  • avatar
    Rahman Amal

    hoppy

    16d

      0
  • avatar
    delacernaedoy

    sex

    22d

      0
  • avatar
    Angelica Lea Baligod

    so good

    23d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata